Grade 1 PPT - Q4 - W4 - Day 2

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 86

EsP 1

WEEK 4
DAY 2
• Kung ikaw ay nagdarasal, ano
ang sasabihin mo sa Diyos?

• Umaasa ka ba na sasagutin ng
Diyos ang iyong dasal? Bakit?
• Tignan ang mga larawan.
• Ano-ano ang mga gusaling ito?
• Magkaroon ng malayang talakayan tungkol sa
mga larawan.

• Saan ka kabilang?

• Ano ang iyong relihiyon?

• Kailan kayo pumupunta at gaano kadalas kayo


pumunta sa lugar na ito?

• Ano ang ginagawa mo at ng iyong pamilya sa


lugar na ito?
Kuwento:
Isang araw ng linggo, ginising si Ronnie ng kanyang nanay ng
maaga upang magsimba.

Ronnie: Hmmm, bakit po, nanay,madilim pa po.

Nanay: Anak, gising na, magsisimba tayo.

Ronnie: Mamaya na lang po, inaantok pa po ako.

Nanay: hindi pwede, anak. Kailangan nating magsimba. Di ba, sabi


ko sayo, mahalagang bisitahin natin siya sa Kanyang tahanan, para
magpasalamat? Wala ka bang ipagpapasalamat sa Kanya?

Ronnie: Opo, nanay, maghahanda na po ako.


• Bakit ginising ng nanay Si
Ronnie?

• Bakit ayaw niyang sumama?

• Pumayag din ba siyang sumama?


• Itanong sa klase ang relihiyon ng
bawat bata.

• Ipaunawa sa kanila na magkakaiba


man tayo ng paniniwala ay dapat
natin itong igalang.
• Bakit dapat tayong
magsimba/dumalo sa
pagsamba?
Tandaan:
• May iba’t-ibang paniniwala ang
mga Pilipino tungkol sa Dakilang
Lumikha.

• Igalang natin ito.


• Ano ang ginagawa ng
mga tao sa simbahan/
kapilya/ pook-dasalan?
Bakit?
mtb 1
WEEK 4
DAY 2
• Ano ang pamagat ng
ating Lathalain
kahapon?

• Tungkol saan ito?


Buuin ang tugma.
Punan ng salitang nawawala.

“Itapon ang basura sa tamang


________________.”
Ipabasa muli ang Lathalain na nakasulat sa tsart.
Paligid ko, Linisin ko
ni Elvie E. Seguerra

Noong buwan ng Mayo 2012 may isang baranggay


sa bayan ng Taytay lalawigan ng Rizal ang nagsimula ng
programang “Paligid Ko, Lilinisin Ko” . Ang kapitan ng
baranggay, mga kagawad, at mamamayan ay nagkaisang
linisin ang buong kapaligiran ng baranggay. Ang mga
naninirahan dito ay sama-sama sa paglilinis, pagpuksa ng
mga lamok, pagtatapon ng basura sa tamang tapunan, at
pagtatanim ng mga halaman sa bakanteng lote at harapan
ng kalsada. Maging ang kabataan ay nakiisa rin.
Pangkatin ang mga bata
Pangkat I: “Paborito Namin”
Pangkat II: “Ginagawa Namin”
Pangkat III: “Nararamdaman
Namin”
Pangkat IV: “Tinutupad namin”
Bawat pamilya sa barangay ay
inatasang magkaroon ng tatlong basurahan
na paglalagyan ng basurang nabubulok at
hindi nabubulok at basurang maaari pang
gamitin o i-recycle. Naging epektibo ang
programang ito ng barangay. Nagtapos ang
programa sa pamamagitan ng pagpupulong
ng mga namumuno at mga mamamayan.
Simula noon ang mga tao sa barangay ay
natuto nang maghiwa-hiwalay ng basura ayon sa
dapat paglagyan nito. Napanatili ang kalinisan at
kaayusan ng paligid. Naging masigla ang kanilang
pamumuhay at naiwasan ang sakit lalo na sa
kabataan. Palaging sumusuporta ang kanilang
kapitan. Tuwang-tuwa ang mga taga-barangay.
”Mabuhay ang ating barangay!” sabi ng
masasayang taong naninirahan sa barangay.
Pagproseso ng Gawain
Gawain:
• Ipaliliwanag ng guro ang ginawa ng mga bata
sa pangkatang gawain.
• Magbibigay ang guro ng mga tanong tungkol sa
binasa
• Simulan ito sa pagsagot sa paganyak na tanong.
• Bumuo ng mga tanong na patungo sa
pagpapakita o paglalahad ng ginawa ng bawat
pangkat.
• Gawin ito hanggang sa huling pangkat.
Punan ng guro mula sa mga mag-aaral ang tsart.
Pagkatapos ay ipabasa ityo nang pabigkas.
Sagutin nang pasalita. Oo o Hindi

1.Makabubuti ba ang pagtatapon ng basura kahit saan?

2.Sa basurahan ba dapat itapon ang pinagtasahan ng lapis?

3.Tamad tumayo ang kapatid mo kaya maari bang sa ilalim


ng mesa itatapon ang kalat niya?

4.Ang basura ay maaring pagmulan ng sakit?

5.Basurero lang ba ang dapat magligpit ng basura?


Tandaan:
• Ang 3 R’s (Reduce, Reuse at
Recycle) ay ang paraan upang
mapakonti ang ating basura sa
tahanan.
Naglalakad si Alvin habang kumakain ng saging.
Bigla niyang hinagis sa daan ang balat ng saging.

• Ano sa palagay mo ang mangyayari sa batang


makakatapak sa balat ng saging?

• Tama ba ang ginawa ng bata sa balat ng


saging?

• Saan dapat itapon ang balat ng saging?


Kasunduan:
• Magdala ng tatlong
bagay na patapon
na.
FILIPINO 1
WEEK 4
DAY 2
Baybayin ng tama ang mga salitang nakakabit
sa mga isda.
 
-kapatid -kaklase

-guro
-
-lapis

-pambura
• Ano ang kanilang paboritong isda at bakit?

• Tumawag ng tatlong mag-aaral upang magbahagi


tungkol sa paksang ito.

• Maaari nilang gamitin ang panimulang ito:

Ang paborito kong isda ay______


dahil ______
Pakikinig sa Teksto
• Iba-iba ang mga nabanggit na isda sa ating
bahaginan. Pero alam ba ninyo kung alin ang
pinakamalaking isda sa buong mundo? Ano ang
hula ninyo?
• Kumuha ng ilang sagot mula sa mga mag-aaral.
Ipaalam sa klase na ang pinakamalaking isda sa
buong mundo ay ang butanding.
Basahin ang kwentong
“Si Bing ang Munting Butanding.”
Pagkatapos ipakita ang
pabalat ng librong “Si Bing
ang Munting Butanding”.
Sabihin:
• Ano nga ang pamagat nitong librong binasa
natin tungkol sa isang butanding?

• Basahin nga ninyo. (Ituro ang mga salita habang


binabasa ng mga mag-aaral.)

• Saan nakatira si Bing?

• Taga-Pilipinas ba si Bing o taga-ibang bansa?


Talakayin ang kuwento sa pamamagitan ng pagtanong ng
sumusunod:
 
1. Ano ang tawag sa butanding sa wikang Ingles?

2. Ayon sa teksto, balyena ba ang butanding o isang uri ng pating?

3. Saan inihalintulad ang sukat ng butanding? Gaano kalaki ang 40


talampakan?

4. Ano raw ang kinakain ng mga butanding?

5. Bakit kaya mabagal lumangoy ang mga butanding?


6. Napagmasdan na ba ninyo ang thumbprint ninyo? Magkaiba ang
thumbprint ng bawat tao—wala itong eksaktong katulad. Paano raw
ito katulad ng mga marka ng butanding?

7. Gaano katagal raw nabubuhay ang mga butanding?

8. Paano raw nagkakaanak ang mga butanding?

9. Sa anong uring klima o temperatura raw nabubuhay ang mga


butanding?

10. Gusto ba ninyong lumangoy kasabay ng butanding? Ano kaya


ang mararamdaman ninyo kapag magawa ninyo ito?
Pangkatang Gawain
• Patnubayan ang mga bata sa
pagsasagawa ng gawaing
nakalaan sa bawat pangkat.
• Ano ang natutuhan ninyo
sa kwento?
Pasalita:
• Mag ulat ng mga panyayaring naganap
sa loob ng paaralan o sa lugar na may
kaugnayan sa ating aralin.
• Magsulat ng isang pangungusap
tungkol sa butanding. Gamitin ang
alin man sa mga pariralang ito:
tungkol sa, para sa, ayon sa, mula
sa. Maghandang ibahagi ang
pangungusap sa klase bukas.
AP 1
WEEK 4
DAY 2
• Pano mo magagawa ang
isang payak na mapa mula
sa iyong tahanan patungo
sa paaralan?
• Ano ang maari nating
gamitin kung di natin
alam ang pupuntahan
natin?
• Pag-uugnay ng aral ng
kwentong:
“Ang Nawawalang si Kuting “
• Pagtukoy ng kahalagahan ng
paggawa ng payak na mapa
mula sa tahanan patungo sa
paaralan.

• Pagbabahagi ng ideya ng mga


bata
Pangkatang Gawain:

• Pagbabahaginan ng miyembro
ng bawat grupo sa kahalagahan
ng kaalaman sa paggawa ng
mapa.
• Presentasyon ng
kabuuan ng napag-
usapan ng bawat grupo.
• Bakit dapat pahalagahan
ang kaalaman sa
paggawa ng mapa ng
isang batang tulad mo?
• Anu- ano ang
kahalagahan ng
paggawa payak na
mapa ?
Role playing:
• Mag-isip ng sitwasyong
nagpapakita ng kahalagahan
ng mapa sa buhay ng tao.
ENGLISH 1
WEEK 4
DAY 2
Introduces the poem “ TIME TO
RISE” in a class.
 
Pupils recite the poem, and point out
the rhyming and non-rhyming words
in the poem.
Teacher:
• Today, we will relate
the story we read to
one’s experience.
• Play the game “ I SPY”
 
• Divide the class into two
groups.

• Explains the mechanics of


the game.
• Let the pupils play the
game “ I spy” after the
teacher done with the
instructions.
• Divides the class into
two groups with four
members each.
  
• Have them show and talk
about their homework.
Divide the class into two groups:
 
Group 1 : has experienced going
to the market
 
Group 2: has not.
Ask:
• Who among you here
have experienced going
to the market alone?
• Color the picture, then choose among the three places listed below
the best place where we can find a fruit stand. circle the answer.
MATH 1
WEEK 4
DAY 2
Lagyan ng √ang bagay na mahaba at
X ang bagay na maiikli.
__lapis
__sinturon
__lubid
__itak
__suklay
• Paano mo malalaman
kung mahaba o maikli
ang isang bagay?
Gamit ang larawan ng batang babae.
• Ito si Rose. May lapis at paper
clips siyang hawak. Nais niyang
alamin ang sukat ng kanyang
lapis gamit ang paper clips.
• Sino ang bata sa larawan?

• Ano ang ibig niyang malaman?

• Ano ang bagay na kanyang ginamit na


panukat?

• Mga ilang paper clips kaya ang kanyang


nagamit?
• Paano ninyo nakalkula ang haba
ng lapis gamit ang paper clips?

• Paano ginawa ang pagsukat?


Gamit ang lapis ipasukat sa mga
bata ang:

notbuk

Desk

papel
Tandaan:
Sa pagsukat ng isang bagay, ilapat ang bagay na panukat sa patag na
lugar sa isang tuwid na hanay mula dulo hanggang sa kabilang dulo.

Dapat ay walang laktaw o magkapatong na panukat. O kaya ay


gamitin ang bagay na panukat ng paulit-ulit mula sa magkabilang dulo
ng isang bagay.

Ang pagkalkula sa haba ng isang bagay ay pagbibigay ng hula na


sukat na halos sakto sa haba ng bagay na sinukat.

Ang mga bagay tulad ng paper clips ay maaring gamitin na panukat


ng haba ng isang bagay.
Kalkulahin ang sukat ng mga bagay: Gamitin ang tutpik

1. Gaano kalapad ang notbuk?


Kalkula___________
Sukat_____________

2. Gaano kahaba ang lapis?


Kalkula______________
Sukat_________________
Kasunduan:
• Gamit ang krayola. Sukatin ang
haba ng inyong mesang kainan
sa bahay.
MAPEH 1
WEEK 4
DAY 2
Ano ang Melodiya?
1. Pakantahin ang mga mag-aaral
ng lahatan ng “Bahay Kubo.”

2. Tumawag ng isang bata na aawit


ng “Bahay Kubo” na siya lamang.
• Ano ang pinagkaiba ng pagkanta sa “Bahay
Kubo” ng lahatan sa pagkanta ng “Bahay Kubo”
ng isahan”

• Sabihin na kapag marami ang kumakanta parang


makapal ang isang awit pero kapag iisa lamang,
paranag manipis lamang ang awit. Ganun din sa
texture ng isang awit.

 
• Awiting muli ang awit itanong sa
mga bata kung ano ang napansin
nila sa awit saang banda ang
makapal ang tono at manipis ang
tono.
• Ipaliwanag sa mga bata na
makapal ang tunog ng awit kapag
mas madaming linya at manipis
ang tunog ng awit kapag kaunti
ang linya.
• Ipakanta ang leron-leron Sinta.
• Lakipan ng kilos-lokomotor ang
malakas at mahinang kumpas sa
awit. Humandang ipakita ito sa
klase sa susunod na pagkikita.
Ano ang texture?
• Ipaawit sa mga bata ang awit na
london bridge magpakita ng linya
ng awit upang matukoy nila ang
makapal at manipis na tekstura ng
tunog nito.

•  
Kasunduan:
Magsanay sa pagkanta ng Row, row, row Your Boat
Thank You!
HAPPY
TEACHING!
Josephine M. Sotto

You might also like