Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 22

FILIPINO 9

IKAAPAT NA MARKAHAN
JOHN RULF L. OMAYAN
Guro
• Napapangkat ang mga salita ayon sa
antas ng pormalidad ng gamit nito
(level of formality)
• F9PT-IVd-58
Mga Layunin:
• Naiisa-iisa ang mga antas at uri ng wika batay sa
pormalidad.
• Nakasusulat ng iskrip ng Mock Trial tungkol sa
tunggalian ng mga tauhan sa akda gamit ang antas ng
wika ayon sa pormalidad.
• Nagagamit ang mga angkop na ekspresyon sa
pagpapahayag ng: damdamin, matibay na
paninindigan
• Nailalahad ang kahalagahan ng antas at uri ng wika
batay sa pormalidad na gamit sa pang-araw-araw na
pakikipagtalastasan.
• Napapangkat ang mga salita ayon sa
antas ng pormalidad ng gamit nito
(level of formality)
• F9PT-IVd-58
Susuriin ang kaalaman ng
mga mag-aaral ayon sa kanilang
naging kasagutan sa
Panimulang Gawain gamit ang
mga sumusunod na mga
tanong:

• 1. Anu-ano ang mga salitang makikita ninyo mula sa


mga salitang pinagpipilian mula sa loob ng kahon?
• 2. Ano ang tawag sa mga salitang ito?
• 3. Gaano kalawak ang iyong nalalaman sa paksang
ating tatalakayin ngayon araw?
Antas ng Wika ayon sa Pormalidad
• Ang wika ay nahahati sa iba’t-ibang kategorya, at isa
sa kategorya ay ang antas ng wika ayon sa
pormalidad.
• Ang pormalidad ng salita ay nababatay sa ginagamit
ng isang indibidwal batay sa okasyon, katayuan,
pagkatao, ginagalawang lugar o panahon.
MGA ANTAS
• 1. Pormal- ito ang antas ng wika na itinuturing
na pamantayan sapagkat ito ay kinikilala,
tinatanggap at ginagamit sa karamihang
nakapag-aral sa wika. Ito ay karaniwang
ginagamit sa paaralan at iba pang
pangkapaligirang intelektwal.
• Mga uri ng Pormal na Salita
• 1. Pambansa-Ito ay mga salitang karaniwang
ginagamit sa mga aklat pangwika o pambalarila.
Kadalasan itong ginagamit ng pamahalaan at
itinuturo sa mga paaralan .

• Halimbawa:
Ama Doktor Ina Pulis Anak
• Pera Pulis Hospital Guro Pamilihan
• 2. Pampanitikan -Ito ay mga salitang ginagamit ng mga manunulat sa
kanilang mga akdang pampanitikan. Karaniwang matayog, masining, at
makulay ang mga salita

• Halimbawa
Haligi ng tahanan Salapi
Ilawan ng tahanan Sasakyang Panlupa
Alagad ng simbahan Mabulaklak ang dila
Alagad ng batas Katuwang sa buhay
Sumakabilang-bahay Sasakyang pandagat
• 2. Di-Pormal o Impormal- Ito ang uri ng
salita na karaniwang palasak sa pang-
araw-araw na pakikisalamuha at
pakikipagtalastasan sa mga kakilala at
kaibigan.
• Mga Uri ng Di-Pormal na salita
• 1. Lalawiganin- Ito ay mga bokabularyong
dayalektal. Ginagamit ang mga ito sa isang
partikular na pook o lalawiganin

• Halimbawa:
Iskapo(takas) Atche(ate) Datong(pera)
Banas(init) Kaon(kain)
Itang/Tatang(tatay) Balay(bahay) Inang (nanay)
• 2. Kolokyal-Ito ay mga pang-araw-araw na salitang
ginagamit sa pagkakataong impormal. Kasama na
rito ang pagpapaikli ng salita.
• Halimbawa:
Dalwa (dalawa)
Meron (mayroon) Nasan(Nasaan)
Dyan (diyan) Kelan(Kailan)
• 3. Balbal-Ito ay mababang antas ng wika. Nagmumula ang
mga salitang ito sa mga pangkat ng taong may sariling “code”.
• - Ito ay mga salitang Pangkalye o Panlasangan.
• - Tinatawag din itong singaw ng panahon sapagkat bawat
panahon ay may nabubuong mga salita.
• Halimbawa:
Ermat/mudra (nanay) Lodi (idol)
Parak (pulis) Werpa (power)
Bilang karagdagan, atin ding
tatalakayin kung ano ang Mock
Trial, sapagkat sa inyong huling
pagsubok kayo ay lilikha ng
sarili ninyong Iskrip ng Mock
Trial. Handa ka na bang
malaman ito?
• Sa Paghahanda ng Mock Trial, mahalaga ang mga sumusunod:
• 1. Pagbuo ng skrip sa isasagawang Mock Trial.
• 2. Mga tauhang gaganap ng mahahalagang papel tulad ng:
a. Mga abogado ng dalawang panig b. Naghahabla o nagrereklamo
c. Pinag-uusig o nirereklamo d. Taga-media
e. Alagad ng batas f. Hukom
• 3. Pagpapabatid ng prosesong isasagawa sa loob ng hukuman tulad ng:
a. Tuwirang pagtatanong
b. Kawing-kawing na pagtatanong
c. Pangwakas na argumento
• Panuto: Sumulat sa sagutang papel ng isang iskrip ng
Mock Trial tungkol sa Paghahanap ni Cristosto Ibarra sa
bangkay ng kanyang ama na si Don Rafael Ibarra gamit
ang Antas ng Wika ayon sa Pormalidad
PAGTATAYA
Takdang Aralin
• Pag-aralan ang kasunod na
aralin.

You might also like