Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 17

Filipino 4

Modyul

Pagsunod sa Panuto

Aubrey Joyce B. Coronico


IV - Love
Tungkol saan ang modyul na ito?

Sa modyul na ito, matutuhan mo ang tungkol sa pagsunod


sa panuto.

Naghanda ako ng mga aralin at gawain na makatutulong sa


iyo upang lalo mong maintindihan ang paksa.

Mayroon din itong mga pagsasanay upang lalo kang


humusay sa pagbuo at paggamit nito.

Ano ang matututunan mo?

Sa modyul na ito, inaasahang matatamo mo ang mga


sumusunod na kasanayan:

1. Magkaroon ng sapat na kaalaman tungkol sa panuto o


pagsunod sa napakinggang panuto.

2. Makabuo ng mga panuto o pangungusap na nagsasaad ng


gawaing dapat sundin ng taong kausap.
Panuto
Ay mga tagubilin sa pagsasagawa ng iniutos na gawain.

Maaaring pabigkas o nakasulat ang mga panuto.

Makatutulong sa maayos, mabilis, at wastong


pagsasagawa ng gawain ang pagsunod sa ibinigay na
panuto.

Ginagamit din ang mga salita tulad ng: sa kanan, sa


kaliwa, sa itaas, o sa ibaba sa pagbibigay ng panuto.

Halimbawa
Ilagay ang kanang
kamay sa kaliwang
bahagi ng dibdib
habang inaawit ang
“Lupang Hinirang.”
Pagsunod sa Panuto

Sa pag-uutos, kasabay na sinasabi ang panuto kung paano


gagawin ang utos.
Sinusunod natin ang mga napapakinggang panuto upang
magawa ang mga gawain nang wasto at maayos.

Aralin 1

Makikinig ng awit ang klase ni Bb. Villasan.

Mga bata, makikinig tayo ng isang awit.


Bago natin ito pakinggan, kumuha kayo
ng isang malinis na papel.
Isulat ang inyong pangalan sa unang guhit sa
dakong kaliwa ng inyong papel.

Isulat ang petsa ngayon sa kanang


bahagi nito.

Itaas ang inyong papel


upang malaman ko kung
nakasunod kayong lahat
sa aking sinabi.
Ngayon ay makinig
kayong mabuti sa
awit na aking
patutugtugin.

Matapos ninyong
marinig ang awit ay
iguhit ninyo ang
larawan tungkol
dito

Itaas ang inyong


iginuhit. Ngayon,
mga bata, isa-isa
kayong pumunta sa
harapan at ipakita
ang inyong iginuhit.
Alamin

May mga ipinagawa si Bb. Villasan sa kanyang mga mag-


aaral. Basahin ang ilan sa mga ito.

1. Kumuha kayo ng isang malinis na papel.


2. Isulat ang inyong pangalan sa unang guhit sa dakong
kaliwa ng inyong papel.
3. Isulat ang petsa ngayon sa kanang bahagi nito.

Ang iyong mga binasa ay mga panuto.

Aralin 2

Nenet, tulungan mo
ang iyong Ate Lilia
sa paglilinis ng
bahay. Walisan mo
muna ang sahig.
Pagkatapos,
lampasuhan mo ito.
Manny, lagyan
mo muna ng
abono ang
hukay bago mo
itanim ang
punla ng
papaya. Saka
mo diligan.

Mga bata, kumuha ng lapis at papel.


Idrowing sa papel ang inyong
paaralan at kulayan ito.
Pag-usapan Natin

1. Kailan ginagamit ang panuto?

Sagot
 Tuwing nagbibigay ng kautusan.

2. Bakit kailangang sundin ang ibinibigay na panuto?

Sagot
 Makatutulong sa maayos, mabilis, at wastong
pagsasagawa ng gawain ang pagsunod sa ibinigay
na panuto.

3. Ulitin ang panutong ibinigay ng nanay kay Nenet.

Sagot
 Nenet, tulungan mo ang iyong Ate Lilia sa
paglilinis ng bahay. Walisan mo muna ang sahig.
Pagkatapos, lampasuhan mo ito.
4. Ibigay ang panutong sinabi ng tatay
kay Manny sa pagtatanim ng punla ng
papaya.

Sagot
 Manny, lagyan mo muna ng abono ang hukay
bago mo itanim ang punla ng papaya. Saka mo
diligan.

5. Ano ang panutong ibinigay ng guro


sa mga bata? Tiyak ba ang panuto?
ibinibigay na panuto?

Sagot
 Mga bata, kumuha ng lapis at papel. Idrowing sa
papel ang inyong paaralan at kulayan ito.

OO, tiyak ang panuto.

6. Malinaw at maikli ba ang ibinigay


na mga panuto? ibinibigay na panuto?

Sagot
 Oo, malinaw at maikli ang ibinigay na mga
panuto?
Magsanay Tayo

Pagsasanay 1

Babasahin ng inyong guro ang mga pangungusap


sa bawat bilang. Makinig na mabuti. Alin-alin ang
panuto? Isulat sa papel.

1. Nag-aaral sa paaralan ang mga mag-aaral.

2. Lagyan ng pabalat ang inyong aklat.

3. Masayang nakinig ang mga bata sa kuwentong


ipinarinig ng guro.

4. Basahin ang kuwento sa mga pahina 68~70.


Sagutin ang mga tanong na makikita sa pahina 71.

5. Tasahan ang inyong lapis bago kopyahin ang tula


sa mga pahina 7~8.
Pagsasanay 2

Gawin ang pinagagawa sa bawat bilang.

1. Gumuhit ng isang malaking bilog. Gumuhit ng maliit na


bilog sa kaliwa ng malaking bilog.

Sagot

2. Gumawa ng isang kahon. Gumuhit ng Bituin sa loob


nito.

Sagot
3. Isulat ang iyong pangalan. Salungguhitan ang mga
patinig at bilugan ang mga katinig.

Sagot

Aubrey Joyce Coronico

4. Ikaw ba ay lalaki o babae? Kung


lalaki ka, kahunan ang bola, kung
ikaw ay babae. Lagyan ng tsek ang
manyika.

Sagot


Pagsasanay 3

Isulat sa patlang ang iyong dapat gawin upang sumunod sa


panuto. Sagutin ito sa loob ng isa o higit pang pangungusap.

1. Inutusan ka ng iyong ina na maglinis ng bahay pagkaalis


nila papuntang palengke.

Sagot
 Pagkaalis na pagkaalis po nila magliligpit po agad ako,
magwawalis at maglalampaso. Para pagdating nila natapos
ko na po ang ipinaguutos ng aking Ina.

2. Ang iyong guro ay sinabing bawal


maglaro sa tabi ng pinto dahil sira
ito. Ngunit nagkatuwaan kayo ng
iyong mga kaibigan at nagtakbuhan
kayo malapit sa pintuan.

Sagot
 Ipaaalala ko sa aking mga kaibigan ang sinabi ng aming
guro, sasabihin kong iwasan namin magawi sa tabi ng pinto
o kaya ay huminto na kami sa paglalaro upang di kami
mapagalitan ng aming guro.
3. Sinabi ng iyong nanay na wag ka
tatawid sa highway dahil
delikado, dapat ay gumamit ka
ng overpass.

Sagot
 Susundin ko po ang sinabi ng nanay ko, dapat po
talaga doon sa tamang tawiran lang tatawid tulad
ng overpass upang maiwasan ang sakuna.

4. Binilin sayo ng iyong kapatid na


gisingin mo siya kapag nagising
ka sa umaga dahil mayroon
siyang importanteng lakad.

Sagot
 Magtatakda po ako ng alarm sa aking cp at
ilalagay ko na nagpapagising ang aking kapatid
upang di ko makalimutan at pagkagising ko agad
ko siyang gigisingin.
5. May nakalagay sa sign board na
bawal pumitas ng mga bulaklak sa
parke, pero kailangan mo ito para
sa inyong proyekto.

Sagot
 Hahanap na lang po ako ng ibang bulaklak na
pwede kong pitasin. Maaaring di lang naman sa
parke merong bulaklak na kailangan ko, kaya
hahanap po ako sa ibang lugar na maaari akong
makahingi ng bulaklak.

WAKAS
Sanggunian

Pagdiriwang ng Wikang Filipino 2


(Pahina 37~39)

Bagong Filipino sa Salita at Gawa


Wika - Filipino 3 (Pahina 115~118)

http://www.rexinteractive.com/index.php

http://mommyguideinc.com/wbmws/2012-Oct-
Free/101012/Filipino%204%20(Pagsunod%20sa
%20Panuto1)%20edited.pdf

You might also like