Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 45

EPP5HE-0f-15

Paggamit ng Magasin, Aklat


sa Pagsasaliksik ng
Kasalukuyang Kagamitang
Pambahay
ALAMIN NATIN:
Taglay mo na ba ang sumusunod na kaalaman at kasanayan? Tsekan (/) ang
thumbs up icon kung taglay mo na o thumbs down icon kung hindi pa.
Kasanayan/Kaalaman
1. Nakapagsasaliksik ako gamit ang internet?    

2. Alam ko ang iba’t ibang kagamitang pambahay?    


ALAMIN NATIN:
Taglay mo na ba ang sumusunod na kaalaman at kasanayan? Tsekan (/) ang
thumbs up icon kung taglay mo na o thumbs down icon kung hindi pa.
Kasanayan/Kaalaman
3. Alam kong gumawa ng iba’t ibang kasangkapang    

pambahay?
4. Marami na akong nabasang aklat at magasin sa    

pagsasaliksik?
Tingnan at suriing mabuti ang mga larawan sa ibaba, ito ba ay
madalas nating nakikita sa bahay?
Mula sa naunang slide pa.. Alin ang mga ginagamit mo
sa araw-araw? Alin ang pinapalitan kung
kinakailangan?
LINANGIN NATIN:
Sa kasalukuyan ang pagsunod sa mga trend sa Market
Trends ay nangangahulugan ng pag-alam kung ano ang
nangyayari sa iyong merkado. Ayon sa negosyante, upang
matukoy ang mga trend sa iyong merkado, isipin ang
tungkol sa mga uri ng mga bagay na nakakaapekto sa iyong
iba't ibang mga segment ng merkado. Halimbawa, kung
nagbebenta ka ng mga punda ng unan, apron, kurtina ,
LINANGIN NATIN:
cover, table napkin atbp dapat isaalang-alang ang anumang
mga mapagkumpitensyang mga banta o mga pagkakataon
para sa paglago kapag makilala mo ang mga trend sa iyong
merkado. Upang malaman natin ang kasalukuyang
kalakaran kailangang maging mapamaraan, maghanap sa
internet, mga babasahin, aklat at magasin ng
magagandang disenyo at alamin ang tamang pamamaraan
ng paggawa sa mgakagamitang pambahay(soft
furnishings).
Kasalukuyang Kalakaran sa Pamilihan ng mga
Kagamitan sa Bahay(Market Demands/Trends
1. Gobyerno
2. Pakikipagkalakalan sa ibang bansa
3. Mga panghinaharap na kalakaran
4. Dami ng produktona kayang ipagbili at mga
nangangailangan nito
5. Maayos na plano ng produksyon
6. Paghingi ng payo sa eksperto
7. Pinag-aaralang mabuti ang gagawing hakbang
8. Iniisip ang kapakanan ng konsyumer
Paraan ng Paggawa ng Kagamitang
Pambahay ( soft furnishing)

Kurtina
1. Isipin kung anong uri ng kurtina ang nais gawin.
2. Pag isipan kung gaano kalaki ang gagawing kurtina.
3. Tingnan kung gaano kadaming tela ang kakailanganin
4. Kung nagawa na ang na ang una hanggang ikatlong
hakbang ihanda na ang mga materyales na kakailanganin.
5. Gupitin na ang kurtina sa tamang sukat nito.
6. Tahiin sa nais na disenyo.
Isang mahalagang kasanayan ang pangangalap ng
impormasyon gamit ang internet, aklat, magasin atbp. Sa tulong
ng mga ito maaari tayong makapagsaliksik at mangalap ng ma-
kabuluhang impormasyon sa mabilis na paraan. Halimbawa,
kung nagbebenta ka ng mga punda ng unan, apron, kurtina
cover, table napkin atbp dapat isaalang-alang ang anumang
mga mapagkumpitensyang mga banta o mga pagkakataon
para sa paglago kapag makilala mo ang mga trend sa iyong
merkado. Tandaan na hindi lahat ng mababasang imporma-
syon sa Internet ay totoo at tama. Kailangang maging mapanuri
pa rin tayo sa mga impormasyong nakakalap.
Tandaan Natin:
 
Gawin Natin:
 A. Lagyan ng bilang 1-6 ang Paraan ng Paggawa ng Kagamitang
Pambahay ( soft furnishing)
______Tahiin sa nais na disenyo
______Pag isipan kung gaano kalaki ang gagawing kurtina.
______Tingnan kung gaano kadaming tela ang kakailanganin
______Isipin kung anong uri ng kurtina ang nais gawin.
______Gupitin na ang kurtina sa tamang sukat nito
______Kung nagawa na ang na ang una hanggang ikatlong hakbang
ihanda na ang mga materyales na kakailanganin.
B. Sagutin ang mga sumusunod:
1. Anu-ano ang mga halimbawa ng kagamitang pambahay?
2. Ipaliwanag ang kahalagahan nito.
3. Magsaliksik sa aklatan ng tamang paraan ng paggawa ng
punda ng unan.
Pagyamanin
Natin:

Magsaliksik tungkol sa paraan ng paggawa ng apron.


PAGGAWA NG PLANO PARA SA PAGBUO NG MGA
KAGAMITANG PAMBAHAY
EPP5HE-0f-16
Alamin Natin:

Ang alinmang gawain o proyertong binabalak ay


kailangan ng pagpaplano. Ang paggawa ng kagamitang
pambahay ay lubhang nakatutulong upang maging maayos
ang isang
Alamin Natin:
tahanan. Sa paggawa ng plano kailangang sundin una ang
paghahanda ng kagamitang gagamitinpaggawa ng padron,
paglalatag ng padron sa tela, pagtatabas ng tela at paglilipat
ng marka sa tela.
Ang isang batang tulad mo ay kayang kayang magplano ng
kagamitang ito, upang umunlad ang kasanayan at kaalaman.
Ang mga kagamitang pambahay ay gaya ng mga sumusunod:
1. Throw pillow 6. Pot holder
2. Kurtina 7. Apron
3. Cover
4. Glass holder
5. Table Napkin,
Linangin Natin:
Narito ang mga hakbang sa pagplano para sa pagbuo ng mga kagamitang
pambahay tulad ng apron. Kailangan mong matutunan ang paraang ito
upang maging maayos ang paggamit ng panahong gugugulin mo sa
paggawa.
1. Telang tatahiin
2. Paraan ng paghahanda ng tela 7. Paglilipat ng marka sa tela
3. Pagsipi ng Batayan ng padron
4. Paglalarag ng padron sa tela
5. Pagtatabas ng padron sa tela
6. Pagtatabas ng tela
Mga Bahagi ng Plano Para sa Paraan ng paggawa ng kagamitang pambahay.
Pangalan ng Proyekto: Apron
Layunin: Ito ay tumutukoy sa mithiin sa paggawa ng plano sa pagbuo ng
mga kagamitang pambahay.
Sketch: drowing ng apron na yari sa katsa
Talaan ng materyales: dito makikita ang kompletong listahan ng materyales
at halaga sa pagbuo ng plano.
Hakbang sa Paggawa: ang sunud-sunod na detalye sa pagbuo ng proyekto.
Talaan ng kasangkapan: kasangkapang kabilang sa pagbuo ng plano.
Tandaan Natin:
Ang pagpaplano nang mabuti ay kailangan sa pag-uumpisa ng
isang proyekto o gawain. Kung may pagpaplano at planong nagawa,
magiging madali ang paggawa ng anumang gawain. Ang plano ay
karaniwang ginagawa ng arkitekto o inhinyero bilang batayan sa
gagawing proyekto maliit man o malaki. Ang pagpaplano o paggawa
nito ay naayon sa pamamagitan ng mahusay at maingat na pagsusuri
upang ang gaga-wing proyekto o gawain ay magiging maayos. Kung
maihahandang mabuti ang disenyo at plano, magiging madali ang
paggawa ng isang
gawain.
Kumpletuhin ang sumusunod na bahagi ng plano ng paggawa
ng kagamitang pambahay.
1. Pamagat/Pangalan ng Proyekto___________________________
2. Layunin______________________________________________
3. Sketch_______________________________________________
4. Talaan ng materyales___________________________________
  5. Hakbang sa paggawa___________________________________
6. Talaan ng kasangkapan_________________________________

at i n :
in N
Gaw
Pagyamanin Natin

A. Ang pagsunod sa mga bahagi ng plano sa pagbuo ng


kasangkapang pambahay ay mahalaga upang maging
ganap na maayos ang gawain.
B. Sagutin ang tanong:
1. Ano-ano ang mga bahagi sa pagbou ng isang plano ng
proyekto o gawain?
2. Ano ang kahalagahan ng pagsunod sa mga bahagi ng
isang plano ng proyekto o gawain?
Mga Bahagi Ng
Makinang De-
padyak
EPP5HE-0f-17
Masdan ang larawan…

Ano ang kahalagahan nito?


Alamin Natin:
Tingnan ang inyong kasuotan. Sino sa tingin nyo
ang tumahi ng mga iyan? Ang nakikita nyo sa
larawan ay isang makinang de padyak na panahian.
Ang maki-nang iyan ay nakatutulong upang ang
ating kasuotan ay mabuo ng maayos, Hindi
magiging maayos ang damit na tatahiin kung may
kulang sa mga bahagi nito. Kaya kailangan
malaman ang ibat’ibang bahagi nito upang magamit
sa wastong
Linangin Natin

Tingnan ang makina at pag-aralang mabuti ang


bawat bahagi nito.
Naririto ang iba’t ibang bahagi ng makina at mga gamit ng bawat
isa.
1. Spool pin- lagayan ng karete ng sinulid na pang-itaas.
2. Presser foot - umiipit sa tela habang tinatahi
3. Tension regulator - bahaging nagpapaluwag o nagpapahigpit ng
tahi.
4. Thread guide - gabay ng sinulid mula sa spool pin hanggang
karayom upang hindi mawala sa lugar.
5. Thread take up lever- humuhila sa sinulid na panahi sa tela.
6. Needle Clamp – humahawak sa karayom ng
makina.
7. Presser bar lifter – nagbababa o nagtataas ng
presser foot.
8. Feed dog – bahaging nasa ilalaim ng presser
foot na nagtutulak sa tela habang ito ay
tinatahi.
9. Bobina o bobbin – lagayan ng pangilalim na
sinulid.
10. Bobbin case – kaha na lalagyan ng bobina.
11. Balance wheel – gulong sa ibabaw na
hinahawakan kung sisimulan ang pagpapaandar o
ihihinto ang pananahi.
12. Stop motion screw – ang malaking turnilyo na
nakakabit sa balance wheel na siyang nagpapahinto.
13. Bobbin winder – kidkiran ng sinulid sa bobina.
14. Stich regulator- bahaging nagpapaikli o nagpapahaba
sa tahi.
15. Belt – koriyang nag-uugnay sa balance wheel at drive
wheel.
16. Drive wheel – malaking gulong na pang-
ilalim.
17. Treadle – tapakan na nagpapaandar sa
malaking gulong habang nananahi.
18. Belt guide – pumapatnubay sa koriya upang
hindi ito mawala sa lugar.
Tandaan Natin:
1. Ang kaalaman sa mga bahagi ng makina at ng gamit
ng bawat isa ay kailangan upang magamit itong
mabuti sa pananahi ng iba’t ibang kasuotan at iba
 
pang pangangailangan.
2. Mapakikinabangan mo ng matagal ang makinang
panahian kapag ito’y gagamitin sa wastong paraan at
pangangalagaan nang mabuti.
Bilugan ang wastong letra kung ito ang bahagi ng makina
na tinutukoy.

a. Needle Clamp b. Belt c. Bobbin Case

b. Threadle b. Presser foot c. Feed Dog


a. Balance wheel b. Spool pin c. Tension Regulator

b. Presser foot b. Bobbin winder c. Belt

a. Thread Guide b. Thread take up lever c. Balance wheel


GAWAIN A
Ang una at ikalawang pangkat ay maglalagay ng
mga bahagi ng makina na nasa tsart sa loob ng 10
minuto.
GAWAIN B
Ang ikatlo at ika-apat na pangkat naman ay
tutukuyin sa harap ng klase ang bawat bahagi ng
aktwal na makina at ang gamit nito.

Pagyamanin Natin:
Wastong
Paggamit Ng
Makinang De-
padyak
EPP5HE-0f-17
Alamin Natin:
Ang makinang panahian ay
naimbento noong 1846 ni Elias
Howe at lalo itong pinagbuti ni
Isaac Merrit noong 1851. Ang
pagkakaimbento ng makina ay
isang malaking hakbang upang
mapabuti at mapabilis ang
gawaing pananahi… Kumpara
sa pananahi gamit ang kamay, mas makatitipid ng oras,
pagod, at salapi kung mananahi sa makina. Makatitiyak pa na
matibay at maayos ng pagkakatahi ng kasuotan o kagamitan.
May iba’t ibang pamamaraan sa paggamit ng makina.
Maaari itong panahian gamit ang kamay o kuryente. Anuman
ang uri ng makinang gagamitin, ang mahalaga ay maayos at
masinop ang magbibigay nitong serbisyo sa pananahi.
Linangin Natin:
Wasto at Maingat na Paggamit ng Makina
1. Palagiang punasan ang makina bago at matapos itong
gamitin.
2. Lagyan ng langis ang makina
3. Tanggalin kaagad ang putol na sinulid at retaso upang
hindi ito bumuhol pa sa gulong ng makina
4. Panatilihing malayo ang kamay sa karayom
habang ito ay pinapaikot
5. Iwasang magalaw ng ibang tao ang v-belt

ng inyong makina
6. I-check ang bobbin ay umiikot sa direksyon
ng arrow, kung saan ang sinulid ay hinihila
7. Maging maayos at maingat sa pagnbababa at
pagtatas ng ulo ng makina.
8. Mag-iwan ng kapirasong tela sa pagitan
ng presser foot at feed dog bago itago ang
makina
9. Ilagay ang makina sa lugar na hindi na hindi
mapaglalaruan ng bata
10. Iwasan ang palagiang paglilipat ng makina
11. Tiyakin na ang lugar ng makina ay malinis,
maayos at ligtas sa ulan at palagiang pagkabangga.
12. Maglaan ng panakip upang mapanatili ang
kalinisan ng makinang panahian.
Tandaan Natin:

Ang makina ay kailangang pangalagaan


upang matiyak na palaging nasa magandang
kondisyon kapag ginagamit. Sa pamamagitan
nto magagamit ang makinang panahian sa
matagal na panahon.
Gawin Natin:
PANUTO: Lagyan ng tsek ang guhit bago ang bilang kung
nagpapakita ng tamang paggamit ng makina.
______1. Lagyan ng langis ang makina
______2. Huwag kaagad ang putol na sinulid at retaso upang hindi ito
bumuhol pa sa gulong ng makina.
______3. Palagiang punasan ang makina bago at matapos itong gamitin.
______4. Ilagay ang makina sa lugar na mapaglalaruan ng bata
______5. Iwasan ang palagiang paglilipat ng makina
PAGYAMANIN NATIN:
Pangkat A:
Pagpapakita sa klase ng wasto at maingat na paraan ng
paggamit ng makina.
Pangkat B:
Magtala ng mga bagay na nagpapakita sa tamang
paggamit ng makina.
See you
tomorrow..

Thank You
for
Listening!
Mam Maylen

You might also like