Group 4 San Juan 1

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 15

Epekto ng Kakulangang Pinansyal

sa Pagpili ng Kurso sa Kolehiyo ng


Mga Kabataan Edad 18-19 na Nag-
aaral sa Calayan Educational
Foundation Inc. 
Taong 2022-2023
Mga mananaliksik
Hannah Francine Gutierrez
Jan Denise Glodoviza
Claire Monique Mercado
Tommiel Padlan

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto tungo sa Pananaliksik


KALIGIRAN NG PAG AARAL
(PANIMULA)
Ang kakulangan sa pinansyal ang isa sa mga
problemang kinakaharap ng mag aaral na tutungtong ng
kolehiyo. Ang pag aaral ng kolehiyo ay isa sa mga dapat
na makamtan ng isang mag aaral ngunit dahil sa maliit na
kapasidad para sa pinansyal, marami ang hindi
nakapagtatapos ng kolehiyo. Madalas na nasa kolehiyo
ang malaking porsyento ng gastos sapagkat dito ay
nililinang at pineprepara ang mga mag-aaral tungo sa
kanilang trabaho na nais tahakin. Kaya naman kaakibat ng
kaalaman na kanilang makakamtan, ay ang kagastusan na
kailangan nilang tustusan. (The Impact Of Financial
Problems On College Student Performance, 2022)

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto tungo sa Pananaliksik


PAGLALAHAD NG SULIRANIN
Para sa mga tao na kapos sa pera mahalaga ang makapagtapos ng pag
aaral. Sapagkat ito lamang ang yaman na kaya nilang mapagbunga.
Kaya naman kahit na mahirap, pinipilit pa rin ng mga kabataan na
makapagtapos ng pag-aaral dahil ito lamang ang paraan upang
makaahon sa hirap ng buhay. Ngunit ang pagpili ng kurso sa kolehiyo
ay hindi madali na proseso, dahil nakasalalay pa rin dito ang
pinansyal na kakayahan upang tahakin ang isang kurso na nais
pasukin. Ang suliraning pinansyal ang s’yang nagtatali sa pangarap
ng mga mag-aaral na nais magkolehiyo sapagkat kaakibat ng pag-
aaral ng kolehiyo ay ang pagtaas ng kagastusan na kanilang
kahaharapin. Kaya marapat bigyan ng pansin o mas bigyan pa ng
pansin ang mga tao na may kakulangan sa pinansyal.

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto tungo sa


Pananaliksik
LAYUNIN NG PAG AARAL
Ang pananaliksik na ito ay naglalayong makapagbigay ng
impormasyon sa mga tao tungkol sa kalagayan ng mga
estudyanteng kapos sa pinansyal at ang epekto nito sa pagpili
ng kurso na kanilang kukunin pagsapit ng kolehiyo. Kaugnay
sa nabanggit na layunin, pagsisikapan ng pag-aaral na ito na: 

1. Ano ang epekto ng kakulangang pinansyal sa pagpili ng


mga estudyante ng kurso sa kolehiyo?
2. Ano-ano ang mga posibleng dahilan ng pagkakaroon ng
problemang pinansyal ng isang estudyante?

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto tungo sa Pananaliksik


LAYUNIN NG PAG AARAL

3. Ano-ano ang mga alokasyong pinaglalaanan mula sa


pinakamalaki hanggang sa
pinakamaliit na bahagdan ng alawans ng mga kolehiyo?
4. Paano nakakaapekto ng kakulangang pinansyal sa pagpili
ng kurso sa kolehiyo ng mga estudyanteng kasalukuyang nag-
aaral sa Calayan Educational Foundation, Incorporated?.

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto tungo sa Pananaliksik


KAHALAGAHAN NG PAG AARAL
Sumasaklaw sa pag aaral na ito sa epekto ng Kakulangang Pinansyal sa
Pagpili ng Kurso sa Kolehiyo ng Mga Kabataan Edad 18-19 na Nag-aaral sa
Calayan Educational Foundation Inc. Ang pangongolekta ng datos ay
isasagawa sa lahat ng mga estudyanteng nasa ika-labing dalawang  baitang
at edad nasa edad labingwalo (18) at labing siyam (19) na nag aaral sa
Calayan Educational foundation inc na kumakatawan sa populasyon. Ang
pag aaral na ito ay hindi sumasaklaw sa iba pang problema na hindi
itinuturing na epekto ng kakulangang pinansyal sa pagpili ng kurso sa
kolehiyo ng mga kabataan edad 18-19. Ang parehong mga talatanungan ay
ibibigay sa lahat ng mga respondente upang sagutin. Ang mga natuklasan sa
pag aaral na ito ay may kaugnayan lamang sa mga lumahok sa pag aaral at
ang mga hindi lumahok sa populasyon ng pag aaral ay hindi magiging
bahagi ng saklaw na ito. Ang talatanungan na inihanda ng mananaliksik ay
nagsisilbi ng pangunahing pinagkukunan ng datos.

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto tungo sa Pananaliksik


KAHALAGAHAN NG PAG AARAL
Mga kabataan edad 18-19 nag aaral sa Calayan Educational
Foundation Inc. Ang pag aaral na ito ay mag bibigay kontribusyon upang
mag bigay kaalaman sa epekto ng kakulangan pinansiyal nila sa pag pili ng
kurso para sa kolehiyo. 
Kakulangang Pinansyal sa Pagpili ng Kurso sa Kolehiyo. Ang pag aaral
na ito ay mag bibigay kontribusyon upang mag bigay kaalaman sa mga
kabataan edad 18-19 kung ano ang epekto ng kakulangang pinansyal sa
kanilang buhay na siyang magiging daan upang pumili nang mabuti  ng
kurso sa kolehiyo.
Mananaliksik sa hinaharap. Ang pag aaral na ito ay mag bibigay
kontribusyon upang mag bigay ng kaalaman sa mga susunod na
mananaliksik na gagamit nito para sa istraktura ng kanilang pag aaral. Ito
rin ay mag sisilbing gabay para sa mga mananaliksik sa hinaharap na mag
kakaroon ng parehong pag aaral. Maaari din itong magamit bilang
sanggunian.
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto tungo sa Pananaliksik
SAKLAW AT LIMITASYON
Sumasaklaw ang pag aaral na ito sa epekto ng Kakulangang
Pinansyal sa Pagpili ng Kurso sa Kolehiyo ng Mga
Kabataan Edad 18-19 na Nag-aaral sa Calayan Educational
Foundation Inc. Ang pag aaral na ito ay isinagawa sa
lungsod ng Lucena, sa paaralan ng Calayan Educational
foundation Inc. Ang pokus ng pag aaral ay ang epekto ng
kakulangang pinansyal sa pagpili ng kurso sa kolehiyo. Ang
mga kabataan edad 18-19 na nag aaral sa Calayan
Educational foundation Inc ang magiging kalahok para sa
kriterya sa edad, kinakailangang nag aaral sa Calayan
Educational foundation Inc.
Ang
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto tungo sa Pananaliksik
SAKLAW AT LIMITASYON

Ang kasarian ay hindi magiging kriterya at ang kanilang


strand kaya ang sinumang naabot ang mga kinakailangang
detalye. Hindi kasama sa saklaw ng pag aaral ang mga
baitang labing isang baitang. Makakatulong ito sa
pananaliksik upang makuha ang tamang datos na
kinakailangan para sa kanilang pag aaral.

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto tungo sa Pananaliksik


PAGBIBIGAY KAHULUGAN

Kakulangang Pinansyal - pumapatungkol sa


kakulangan ng pera.
Kolehiyo - Institusyon na natatangi sapagkat
dito nililinang ang propesyonal na edukasyon
para sa larangang tatahakin sa buhay. 
Kurso - larangan o pangarap na trabaho na
nililinang sa kolehiyo.

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto tungo sa Pananaliksik


MGA KAUGNAY NA LITERATURA

  Ang kabanatang ito ay naglalaman  ng mga


kaugnay na literatura at pag-aaral sa pagsasaliksik
na may patungkol sa “ Epekto ng Kakulangang
Pinansyal sa Pagpili ng Kurso sa Kolehiyo ng
Mga Kabataan Edad 18-19 na Nag-aaral sa
Calayan Educational Foundation Inc.”
Naglalaman ito ng mahahalagang pananaw at
impormasyong makatutulong sa paggawa ng
panukalang pananaliksik na ito.

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto tungo sa Pananaliksik


MGA KAUGNAY NA LITERATURA
  
Karamihan sa mga mag-aaral ngayon na nasa ika-
labing dalawang baitang ay sinisigurado na ang
kursong kanilang tatahakin sa kolehiyo. Ngunit
may ilang salik ng problema ang kanilang 
maaaring kaharapin sa pagpili ng kanilang mga
kurso. Isa na rito ay ang kakulangang pinansyal.
Sa pagkakataong ito nais ng mga mananaliksik na
malaman ang kaugnayan at kahalagahan na bigyan
pansin ang pinansyal na aspeto sa pagpili ng
kursong aaralin.

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto tungo sa Pananaliksik


MGA KAUGNAY NA LITERATURA
Kakulangang Pinansyal. 
Isa sa mga pangunahing problema ng mga Pilipino
ay ang usapang pinansyal, lalo na ng mga mahihirap.
Kaya naman, ang mga kabataan na nasa yugto na ng
buhay kung saan tatahakin na nila ang kolehiyo o ang
tersyera ng pag aaral sa ating buhay ay sinusuring
mabuti ang kursong kanilang tatahakin sapagkat
kaugnay ng kanilang kursong pipiliin ay salapi na
maaari nilang kailanganin. Lalo na sa mga kursong
may kaugnayan sa medisina, inhinyero, arkitektura, at
iba pa. 

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto tungo sa Pananaliksik


MGA KAUGNAY NA LITERATURA
  
Kurso sa Kolehiyo.
Ayon kay Rodman Webb at Robert Sherman (1989) bilang banggit ni
Clayton (2014) “Ang salitang career ay maaaring tumukoy sa isang
linya ng trabaho o kurso ng propesyunal na buhay ng isang
indibidwal.” Nagbibigay liwanag ito sa karerang tatahakin o kukunin
na kailangang pag isipan at buo ang desisyon dahil sa kagustuhan at
pangangailangan ng lipunan. Samakatuwid, iba-iba ang batayan ng
bawat indibidwal ukol sa kung anong propesyon ang nais tahakin ng
isang katauhan. Marami man salik na maaaring makaapekto sa
pagpili ng kurso sa kolehiyo ngunit laging isaalang-alang ang
pangarap at interes na nais patunguhan sapagkat ang desisyon na
ito ay makakaapekto sa pang araw araw na pamumuhay.

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto tungo sa Pananaliksik


Ang mga mananaliksik ay
handa na sa mga
suhestyon at komento
kaugnay sa ginawang
pag-aaral

You might also like