Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 13

Pagreretiro ng Watawat ng

Pilipinas
Mga Bagay na Dapat Matutunan
Kahalagahan ng Watawat ng isang bansa

Ang Watawat ng Pilipinas at mga parte nito (Mga Simbolo)

Heraldic Code of the Philippines (Republic Act 8491 Section


14)
Kahalagahan ng Watawat ng Isang Bansa
Bakit may watawat o bandila ang isang bansa?

• Dahil ito ay sagisag ng patriotismo, nasyonalismo, at pagkakilanlan sa kasarinlan ng isang


bansa.

Patriotismo – tumutukoy sa masidhing pag-ibig sa bansa.

Nasyonalismo – tumutukoy sa mga ideolohiyang pagkamakabayan at damdaming


bumibigkis sa isang tao at sa iba pang may pagkakaparehong wika, kultura at
mga kaugalian o tradisyon.
• Ito ay simbolo ng ating tradisyon, kultura at behikulo nang transpormasyong sosyo-
ekonomiko, at sosyo-politikal sa ating kalagayang panlipunan.

• Bilang pagkilala at pagpupugay sa ating mga bayaning nagbuwis ng buhay upang


malinang natin ang ating likas na yaman at pangalagaan ang ating lahi.
Ang Watawat ng Pilipinas at Mga
Sinisimbolo Nito
Anu-ano ang mga kulay ng bandila ng Pilipinas?

• Apat ang kulay ng bandila ng bansa, dilaw, puti, pula at bughaw. 


 Simbolo ng Watawat ng Pilipinas

Araw na may walong silahis – kinakatawan nito ang unang walong


probinsiya na unang nag-alsa laban sa mga Espanyol.
Ito ay ang mga sumusunod:
Cavite, Laguna, Batangas, Maynila, Tarlac, Nueva Ecija, Pampanga at Bulakan.

Tatlong Bituin – Kumakatawan sa tatlong pangunahing isla ng bansa ang


Luzon, Visayas at Mindanao.
Puting Triyangulo – sumasagisag sa Katipunan. Ang kulay puti ay
sumasagisag din sa kadalisayan at pagkapantay-pantay

Kulay Pula – Ito ay sumasagisag sa pagkamakabayan at kagitingan.

Kulay Asul – sumasagisag ito sa kapayapaan, katotohanan at


katarungan.
Heraldic Code of the Philippines
(Republic Act 8491 Section 14)
• Nakasaad sa Heraldic Code of the Philippines o Republic Act 8491
Section 14 na ang mga luma at hindi na nagagamit na mga bandila o
watawat ay kailangang sunugin para maiwasan ang maling paggamit
at paglapastangan nito.

• Ang batas ay hindi nagsasaad ng anumang protocol


para sa pamamaraan ng pagsunog ng bandila.
• Ngunit sa isang artikulo ng Philippine Information Agency, sinasabing
“Ang pagtatapon ng mga sira-sirang watawat ng Pilipinas ay mas
mainam na gaganapin kasabay ng seremonya ng pagbaba ng bandila."

• Ang sira-sirang bandila ay ibinababa mula sa poste, nakatiklop,


at inilalagay sa isang mesa sa tabi ng flagpole. Ang mga makabayang
kanta ay tinutugtog upang itakda ang angkop na kalooban para sa
seremonya.
• Gayunpaman, ang pagsunog ng bandila ay maaaring magdulot ng mga
panganib sa kalusugan. Sa isang pahayag ng Ecowaste Coalition
noong 2008, sinabi ng grupo na ang mga flag ay maaaring maglabas
ng mga nakakalason na gas, lalo na ang mga gawa sa all-weather
nylon.
• Sinabi ng grupo na ang pagsunog ng bandila na mapanganib sa
kalusugan ay "hindi magiging kaayon" sa mga batas ng Pilipinas na
nagpoprotekta sa kalusugan ng publiko at sa kapaligiran.
• Sa halip na sunugin ay nararapat na ibaon na lamang ang sira-sira at
hindi na magagamit na bandila.
• Ito ang ginagawang seremonya tanda ng pagalang sa ating mahal na
watawat ng ating bansa.
• Tumayo ang lahat, itaas ang kanang kamay at sabay sabay nating
bigkasin ang panunumpa sa watawat ng Pilipinas.
Maraming Salamat!

You might also like