Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

KABANATA 32

“ ANG BINUNGA NG MGA PASKIN”


Dahil sa mga nangyari sa mga mag-aaral ay hindi na nagpaaral ng mga anak ang mga magulang.
Sa unibersidad naman ay maraming bumagsak at bihira ang pumasa sa mga eksamen at sa kanilang kurso.
Hindi man nakapasa ay ikinatuwa pa rin iyon ni Tadeo at sinunog pa ang kanyang mga aklat. Hindi rin
nakapasa sina Makaraig, Pecson, at Juanito Pelaez. Si Pelaez ay napatali sa negosyo ng ama. Nagmadali
namang pumunta sa Europa si Makaraig. Sina Isagani at Sandoval lamang ang nakapasa. Si Basilio naman’y hindi
pa nakakakuha ng pagsusulit dahil nasa bilangguan pa.Sa bilangguan na rin niya nalaman ang pagkawala ni Tandang Se
at pagkamatay ni Juli. Sa tulong ng kutserong si Sinong na tanging dumadalaw sa kanya ay nalaman niyang lahat
ang mga pangyayari. Samantala, ayon kay Ben Zayb ay mabuti na ang lagay ni Simoun. Mamamahala umano ito ng isa
piging sa bahay ni Kapitan Tiyago na nakuha ni Don Timoteo Pelaez sa murang halaga. Mula noo’y madalas si Simoun
sa tindahan ng mga Pelaez na usap-usapan ng iba na pinakisamahan na niya. Ilang linggo lang ay nabalitang ikakasal
na si Juanito kay Paulita. Bagay umano ang dalawa dahil pareho silang walang-isip at makasarili. Buwan na ng Abril at
limot na ang mga pangamba. Hinintay-hintay ng buong Maynila ang piging sa kasal nina Juanito at Paulita. Isang baga
lang ang pinagkakaabalahan at iniisip ng ilan, ang makipagkaibigan kay Simoun at Don Timoteo Pelaez para maimbita
sa kasal. Ninong daw ang Kapitan Heneral sa nalalapit na kasal at si Simoun ang mag-aayos at maghahanda nito.

You might also like