Uri at Proseso NG Portfolio

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 18

URI AT PROSESO

SA PAGGAWA NG
PORTFOLIO
Layunin:

• Naipapaliwanag ang mga uri ng portfolio

• Natatalakay ang mga hakbang sa paggawa ng portfolio


Ang portfolio ay isang mahalagang
kasangkapan sa larangan ng
edukasyon na naglalayong
magpakita at magpakilala ng mga
natatanging kasanayan, gawain, at
pag-unlad ng isang indibidwal.
Uri ng Portfolio
1.Pagkatuto o Learning Portfolio
2.Pagtuturo o Teaching Portfolio
3.Paglilimbag o Career Portfolio
Uri ng Portfolio
1.Pagkatuto o Learning Portfolio
 Ito ang uri ng portfolio na nakatuon
sa pagpapakita ng pag-unlad ng mga
mag-aaral sa kanilang mga
akademikong kasanayan at
kaalaman.
Uri ng Portfolio
2. Pagtuturo o Teaching Portfolio
 Ginagamit ng mga guro ang uri ng
portfolio na ito upang ipakita ang
kanilang mga tagumpay at
kasanayan sa pagtuturo.
Uri ng Portfolio
3. Paglilimbag o Career Portfolio
 Ito ay maaaring gamitin ng mga
propesyonal upang magpakita ng
kanilang mga natatanging kasanayan
at trabaho sa kanilang larangang
propesyon.
Proseso sa Paggawa ng Portfolio
Ang proseso sa paggawa ng
isang portfolio ay hindi lamang
isang simpleng pagkolekta ng
mga gawain, kundi isang
malalim na pagmumuni-muni at
pagsusuri sa mga natutunan at
karanasan.
Proseso sa Paggawa ng Portfolio
1. Layunin at Pagpaplano
 Matukoy ang layunin ng portfolio, tulad ng pagpapakita ng
pag-unlad sa pagkatuto, mga kasanayan sa pagtuturo, o
mga tagumpay sa propesyon.
Proseso sa Paggawa ng Portfolio
2. Pagpili ng Mga Halimbawa ng Gawain
 Pumili ng mga gawain na magpapakita ng pinakamahusay
na pagkatuto, kasanayan, o karanasan.
Proseso sa Paggawa ng Portfolio
3. Pagsusuri
 Suriin at tasaan ang bawat halimbawa ng gawain batay sa
mga inilahad na layunin.
Proseso sa Paggawa ng Portfolio
4. Organisasyon at Pagdisenyo
 Organisahin ang mga halimbawa ng gawain batay sa mga
kategorya o tema upang maging malinaw at sistematiko.
Proseso sa Paggawa ng Portfolio
5. Paghahanda ng Personal na Pahayag
 Isulat ang personal na pahayag o sulat na nagpapaliwanag
kung bakit ginawa ang portfolio at ang layunin nito.
Proseso sa Paggawa ng Portfolio
6. Pagsusuri at Pagrerebisa
 Suriin at rebisahin ang buong portfolio upang
masiguradong walang mga pagkakamali o hindi kawili-
wiling mga detalye.
Proseso sa Paggawa ng Portfolio
7. Paglalahad ng Portfolio
 Isulat ang paglalahad ng portfolio na naglalaman ng
malinaw na paliwanag sa bawat kategorya o halimbawa ng
gawain.
Proseso sa Paggawa ng Portfolio
8. Paglalapat ng Portfolio
 Gamitin ang portfolio sa tamang sitwasyon, tulad ng
aplikasyon sa kolehiyo, paghahanap ng trabaho, o
pagpapatunay sa propesyon.
Ang paggawa ng portfolio ay isang
kapaki-pakinabang na proseso
upang masukat at ipakita ang mga
aspeto ng pagkatuto na hindi
nasasaklaw ng tradisyunal na
pagsusulit. Sa pamamagitan nito,
mas nagiging malikhain at
makabuluhan ang proseso ng pag-
evaluate at pagtukoy ng pag-unlad
at kakayahan ng mga mag-aaral o
propesyunal.

You might also like