Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 17

7 E’s

• Paglahok (Elicit)
• Pagpukaw ng Interes (Engage)
• Paggalugad (Explore)
• Pagpapaliwanag (Explain)
• Pagpapalawak (Elaborate)
• Pagpapalawig (Extend/Enrichment)
• Pagtataya (Evaluation)
Paglahok
• “Ano ang alam nila sa tatalakaying paksa?” – dating
kaalaman
• pagkakataon ng guro na linawin ang ilang kalituhan sa
ibinahagi ng mga mag-aaral
• Mga Gawaing maaaring gamitin ay:
a. Quick Quizzes d. Mini whiteboards
b. MCQ’s e. KWL
c. Post-it Notes f. Traffic lights
Pagpukaw ng Interes
a. Maaari ito mauna o pagkatapos ng Paglahok
b. Gawaing gaganyak sa interes at kuryosidad ng mga
mag-aaral
c. Ang sining ng pagtatanong ay mahalagang maisagawa
at mapaghusayan upang maakit ang mga mag-aaral na
matutuhan ang paksa
d. Maraming maaaring gamiting pamukaw interes
Paggalugad
a. Dapat na mabigyan ng pagkakataon ang mga
mag-aaral na tumuklas nang malaya sa’yo (guro)
kasama ng kanyang mga kagrupo -----
Pangkatang Gawain…
b. Gabay lamang ang guro sa itinakdang gawain
c. dito masusubok ang kanilang kakayahan sa
Paghihinuha, Panghuhula, Pagbibigay solusyon
sa suliranin at Pagsasaliksik
Pagpapaliwanag
a. dapat na magamit ng guro ang ginawa ng
mag-aaral para akayin sila na tuklasin ang
bagong kaalaman
b. susubukin ng guro ang kakahayang
magpaliwanag ng konsepto, mangatwiran at
sariling pagpapakahulugan ang mga mag-
aaral,
c. dapat na siguruhin niya nagiging malinaw
Pagpapalawak
a. ito ang bahagi na masusubok ng guro ang pag-
unlad ng kaalaman at pang-unawa ng mga mag-
aaral
b. maaaring isahan o dalawahan na ang bahaging ito
na paglalapat sa natutuhan nilang konsepto
c. Karagdagang pagsasanay o masteri
Pagpapalawig
a.Pagpapayaman
b.hihimukin ang mga mag-aaral na
gamitin ang natutuhang kaalaman at
kasanayan sa panibagong sitwasyon
(pang-araw-araw na pamumuhay)
Pagtataya
a.bagaman nagaganap ang pagtataya sa
lahat ng bahagi ng proseso ng pagkatuto,
mahalaga pa ring masukat ang natutuhan
natamo
b.tugma sa layuning lilinangin
c.Pansariling refleksyon at ebalwasyon ng
Mga Katangian Ng Isang Mabisang Istratehiya
Sa Pagtuturo
• Angkop sa kakayahan at kawilihan ng mga mag-aaral
• Bunga ng pagtutulungan ng guro at mga mag-aaral
• Nagtataglay ng probisyon para sa pagkakaiba-iba ng mga mag-aaral
• Nagsasaalang-alang sa mga nakaraang karanasan ng mga mag-aaral
• Humahamon sa kakayahan ng guro at mga mag-aaral
• Nagtataglay ng maayos na pagkakasunod-sunod ng mga hakbang
• Nakaaakit sa aktibong partisipasyon ng klase
• Bungan g masusing paghahanda ng gurong nagsasagawa nito
• Nakatutulong sa ikatutupad ng layuning ng pagtuturo
• Nagsasaalang-alang sa mga batas o simulain ng pagkatuto
Pamaraang Pabuod (The inductive method)

• Paghahanda (Preparation). Tatlong mahahalagang salik ang nakapaloob sa


hakbang na ito: (1) pagpapahalaga, (2) pangganyak, (3) paglalahad ng
suliranin.
• Paglalahad (Presentation). Sa bahaging ito, inilalahad ang mga kasong
bibigyan ng paglalahat na maaaring magmula sa di buo o ginawang
pagmamasid o sa nabuong pagsubok.
• Paghahambing at paghalaw (comparison and abstraction). Sa bahaging ito,
tatalakayin sa aralin kung paano nagkakatulad o nagkakaiba ang bagong aralin
sa mga araling natutuhan na.
• Paglalahat (Generalization). Sa bahaging ito ay nakalahad ang matutuklasang
kahulugan,tuntunin,simulain o pormula.
Pamaraang pasaklaw (The deductive
method)
• Panimula (Intoduction). Ang pagpapaalalang guro sa mga araling napag-aralan na nang may
kaugnayan sa bagong aralin ang saklaw ng bahaging ito. Nakapaloob din dito ang pagganyak
para sa bagong aralin.
• Pagbibigay ng tuntunin o simulain (Giving the rule or the principle). Maaaring maisaulo ng
mga mag-aaral ang mga tuntunin o simulating nailalahad sa aralin.
• Pagpapaliwanag (explanation). Sa puntong ito ay hinahayaan ng guro na mga mag-aaral ang
magpaliwanag ng mga tuntunin o simulating nakapaloob sa aralin. Daragdagan na lamang ng
guro ang pagpapaliwanag ng mga mag-aaral.
• Pagbibigay ng mga halimbawa (giving the examples). Sa wika, karaniwan ng mga
halimbawang ibinibigay ng mga mag-aaral ay ang salita, parirala o buong pangungusap.
Pamaraang pasaklaw (The deductive
method)

• Pag-uugnay (Correlating the new to the known). Mahalaga ang pag-uugnay


ng bagong aralin sa araling natutuhan na.
• Paggamit (application). Sa pamamagitan ng paggamit ay nalilinang ang aralin
dahil nabibigyan ng pagkakataon ang bawat mag-aaral na maipahayag ang
kanyang natutuhan.
• Pagsubok/pagtataya (testing/evaluation). Ang pagsubok o pagtataya ay
repleksyon o reproduksyon ng natutuhan ng mga mag-aaral. Ito’y hindi lamang
nagpapakita ng natutuhan o hindi natutuhan ng mga mag-aaral kundi gaano
nagging epektib ang pagtuturo ng guro.
Ang Pamaraang Papanayam (The lecture
method)
• Panimula (introduction). Mahalaga sa bahaging ito na makuha ang atensyon ng mag-
aaral. Mangyari, kailangan mabigyan ng ideya ang mga mga-aaral kung anong paksa
ang tatalakayin ng guro.
• Ulit aral (recitation). sa bahaging ito, papagsalitain ang mga mag-aaral upang
matiyak kung sila’y may natutuhan sa ibinigay na panayam ng guro.
• Pagsubok (Testing). Mahahalagang masubok ang kakayahan sa pakikinig ng mga
mag-aaral upang makatiyak kung ganap na nilang naunawaan ang nilalaman ng
panayam.
• Ang pamamaraang tanong-sagot (The question and answer method). Itinuturing ng
marami na ang pamamaraaang tanong-sagot pinakapopular o pinakagamitin sa loob
ng klasrum. Sa paggamit nito, kailangan maalam ang guro sa paksang-aralin kaya’t
nangangahulugang ang mga itatanong ng guro ay organisado at dapat niyang isiping
dapat maging patas ang gawaing guro at gawaing mag-aaral.
Taglay ng pamaraang tanong-sagot ang mga
sumusunod na hakbang:
• Panimula (preparation). Sa klasrum, malimit na patanong ang
panimula ng aralin, maging sa paghahanda ng kaisipan o bilang
pangganyak para sa araling tatalakayin.
• Paglinang (Development). Sa bahaging ito ay inilalahad ang
tatlong mahahalagang salik: (1) paksang-aralin (2) paliwanag (3)
halimbawa.
• Pagsasanay (Drill). May dalawang paraan upang maisagawa ang
pagsasanay: una ay sa paraang pasalita at pangalawa ay sa
paraang pasulat.
• Pagsubok (Testing). Nasa paraang pasulat ang isinasagawang
pagsubok sa pamaraang tanong-sagot.
Mga Dapat Isinasaalang–alang sa Pagtuturo
ng Filipino

• Pamamaraang pagsasanib (integrative Method)


Integrasyon o pagsasanib ng mga kasanayan/lawak sa
Filipino.
• Pagsasanib ng tiyak na kasanayan sa Filipino sa
nilalaman o konsepto ng ibang asignatura (Content-
Based Integration)
• Interaktibong Pagdulog (Interactive Approach)
MALAYANG
TALAKAYAN
Maraming Salamat
sa Pakikinig!

You might also like