Ang Pagsulat NG Talumpati

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 61

ANG PAGSULAT NG

TALUMPATI
Ang pagtatalumpati ay isang uri ng
sining. Maipapakita rito ang
katatasan at kahusayan ng
tagapagsalita sa panghihikayat upang
paniwalaan ang kanyang
paniniwala,pananaw,at
pangangatwiran sa isang partikular na
paksang pinag-uusapan.
Kaiba ito sa ginagawa nating
pagsasalita sa araw-araw kung saan
sinasabi natin ang gusto nating sabihin
nang walang pinatutungkulan o
binibigyang-diing pansin. Ang
talumpati ay kadalasang
pinaghahandaan bago bigkasin sa
harapan ng tao kahit pa man ito’y
biglaan.
Ang pagsulat ng talumpati ang susi sa
mabisang pagtatalumpati. Bago pa
man ito bigkasin sa madla ay mabuting
nakapaghanda na ng isang
komprehensibong sulatin upang mas
maging kapani-paniwala at kahika-
hikayat ito para sa mga nakikinig.
PAGSULAT NG TALUMPATI

Ang pagtatalumpati ay isang proseso o paraan ng


pagpapahayag ng ideya o kaisipan sa paraang pasalitang
tumatalakay sa isang partikular na paksa. Ito ay karaniwang
isinusulat upang bigkasin sa harap ng mga tagapakinig. Ang
isang talumpating isinulat ay hindi magiging ganap na
talumpati kung ito ay hindi mabibigkas sa harap ng madla.
Sa pagkalahatan, may apat na uri ng talumpati batay sa kung
paano ito binibigkas sa harap ng mga tagapakinig. Ang mga
ito ay makikita sa susunod na pahina:
1. Biglaang talumpati (impromptu)- Ang
talumpating ito ay ibinibigay nang biglaan
o walang paghahanda. Kaagad na
ibinibigay ang paksa sa oras ng
pagsasalita. Ang susi ng katagumpayan
nito ay nakasalalay sa mahalagang
impormsyong kailangang maibahagi sa
tagapakinig.
2. Maluwag (Extemporaneous)- Kung ang
biglaang talumpati ay isinasagawa nang
biglaan o walang paghahanda, sa
talumpating ito, nagbibigay ng ilang minuto
para sa pagbuo ng ipahahayag na kaisipan
batay sa paksang ibinigay bago ito ipahayag.
Kaya madalas na outline lamang ang
isinusulat ng mananalumpating gumagamit
nito.
3. Manuskrito- Ang talumpating ito ay ginagamit sa mga
kumbensiyon, seminar o programa sa pagsasaliksik kaya
pinag- aaralan itong mabuti at dapat na nakasulat. Ang
nagsasalita ay nakadarama ng pagtitiwala sa sarili sapagkat
naisasaayos niya nang mabuti ang kanyang sasabihin.
Kailangan ang matagal na panahon sa paghahanda ng
ganiting uri ng talumpati sapagkat ito ay itinatala. Limitado
rin ang oportunidad ng tagapagsalitang maiangkop ang
kanyang sarili sa okasyon. Karaniwan din ay nawawala ang
pakikipag- ugnayan ng tagapagsalita sa kanyang tagapakinig
dahil sa pagbabasa ng manuskritong ginawa.
4. Isinaulong Talumpati – Ito ay kagaya rin ng
manuskrito sapagkat ito ay mahusay ring pinag-
aralan at hinabi nang maayos bago bigkasin sa
harap ng mga tagapakinig. May oportunidad na
magkaroon ng pakikipag- ugnayan sa tagapakinig
sapagkat hindi binabasa ang ginawang manuskrito
kundi sinasaulo at binibigkas ng tagapagsalita. Ang
isang kahinaan ng ganitong talumpati ay
pagkalimot sa nilalaman ng manuskritong ginawa.
3. Talumpating Pampasigla-Layunin ng talumpating ito
na magbigay ng inspirasyon sa mga nakikinig. Sa pagsulat
nito, tiyaking ang nilalaman nito ay makapupukaw at
makapagpapasigla sa damdamin at isipan ng mga tao. Higit
na makakamit ang layunin nito kung ang magsasalita ay
handang-handa sa pagsasagawa ng talumpati.
Makatutulong ito upang maging focused at interesado ang
mga nakikinig. Karaniwang isinasagawa ang ganitong
talumpati sa araw ng pagtatapos sa mga paaralan at
pamantasan, pagdiriwang ng anibersaryo ng mga samahan
o organisasyon, kumbensiyon, at sa iba pang pagdiriwang
na kagaya ng mga nabanggit.
4. Talumpating Panghikayat-Pangunahing
layunin ng talumpating ito na hikayatin ang mga
tagapakinig na tanggapin ang paniniwala ng
mananalumpati sa pamamagitan ng pagbibigay-
katwiran at mga patunay. Ilan sa mga halimbawa
nito ay ang sermong naririnig sa iga simbahan,
kampanya ng mga politiko sa panahon ng
halalau, talumpati sa Kongreso, at maging ang
talumpati ng abogado sa panahon ng paglilitis sa
hukuman.
5. Talumpati ng Pagbibigay-
galang-Layunin ng talumpating ito
na tanggapin ang bagong kasapi ng
saniahan o organisasyon. Ginagawa
rin ito bilang pagtanggap sa isang
bagong opisyal na natalaga sa isang
tungkulin.
6. Talumpati ng Papuri-Layunin ng talumpating
ito na magbigay ng pagkilala o pagpupugay sa
isang tao o samahan. Kabilang sa mga ito ang
talumpati ng pagtatalaga sa bagong hirang na
opisyal, talumpati ng pagkilala sa isang taong
namatay na tinatawag na eulogy, talumpati sa
paggagawad ng medalya o sertipiko ng pagkilala
sa isang tao o samahang nakapag-ambag nang
malaki sa isang samahan o sa lipunan, at iba pang
kagaya ng mga ito.
Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagsulat ng Talumpati

A.Uri ng mga Tagapakinig


Sa pagsulat ng isang mahusay na talumpati,
mahalagang magkaroon ng kabatiran ang
mananalumpati tungkol sa kaalaman,
pangangailangan, at interes ng kanyang magiging
tagapakinig. Ayon kay Lorenzo et al. (2002) sa
kanilang aklat na Sining ng Pakikipagtalastasang
Panlipunan, ang ilan sa dapat mabatid ng
mananalumpati sa kanyang mga tagapakinig ay ang
sumusunod:
1. Ang edad o gulang ng mga
makikinig. alamin ang edad mga bata
ay tiyak na hindi lubos na magiging
interesado sa mga paksang
pangmatanda, gayundin naman,
magiging kabagot-bagot para sa mga
matatanda ang mga paksang pambata.
2. Ang bilang ng mga makikinig. Importante
ring malaman kung ilan ang mga taong
makikinig sa talimpati. Kung maraming
makikinig, marami ring paniniwala at saloobin
ang dapat na isaalang- alang ang
mananalumpati. Mapaghahandaan nang husto
ang talumpati kung batid ang dami ng
makikinig.
3. Kasarian. Madalas magkaiba ang interes,
kawilihan karanasan, at kaalaman ng
kalalakihan sa kababaihan. Nagkakaroon din
ng magkaibang pananaw ang dalawa hinggil sa
isang partikular na paksa. Mahalagang
malaman kung ang pagtitipong pupuntahan ay
binubuo ng kalalakihan, kababaihan, o
magkahalong kasarian.
4. Edukasyon o antas sa lipunan- Mahalaga ring
malaman ang antas ng edukasyon na nakararaming
dadalo sa pagtitipon at maging ang antas ng kanilang
buhay sa lipunan. Malaki ang kinalaman ng edukasyon
sa kakayahan ng mga tagapakinig na umunawa sa paksa.
Kung ang mga makikinig ay kabilang sa masang
pangkat, mahalagang gumamit ng mga salita o
halimbawa na akma para sa kanila. Kung ang karamihan
naman sa mga makikinig ay mga edukado at kabilang sa
mataas na antas ng lipunan, iba ring pamamaraan ng
pagtatalakay ang dapat gamitin sa kanila.
5. Mga saloobin at dati nang alam ng
mga nakikinig- Dapat mabatid din kung
gaano na kalawak ang kaalaman at
karanasan ng mga nakikinig tungkol sa
paksa. Kung may alam na ang mga
tagapakinig tungkol sa paksa, sikaping
sangkapan ito ng mga bago at karagdagang
impormasyon upang hindi sila mabagot o
mawalan ng interes.
B. Tema o Paksang Tatalakayin
Ang isa pang pangunahing bagay na dapat
isaalang- alang sa pagsulat ng talumpati ay ang tema
ng okasyon ng pagdiriwang o pagtitipon ng
pagtatalumpatian. Mahalagang matiyak ang tema ng
pagdiriwang upang ang bubuong talumpati ay may
kinalaman sa layunin ng pagtitipon. Ayon kina
Cassanova at Rubin (2001) sa kanilang aklat na
Retorikang Pangkolehiyo, upang higit na maging
kawili- wili ang talumpati, dapat makitaan na may
sapat na kaalaman ang mananalumpati hinggil sa
paksa.
Ang kaalaman niya ay dapat na
nakahihigit sa kanyang tagapakinig. Ito ay
nangangahulugan lamang na sa pagsulat
ng talumpati, kailangan ang sapat na
paghahanda, pagpaplano, at pag- aaral
tungkol sa paksa. Narito ang mga hakbang
na maaaring isagawa sa pagsulat ng
talumpati.
1. Pananaliksik ng datos at mga kaugnay na
babasahin- Ito ay maaaring maisagawa sa
pamamagitan ng pagbabasa at pangangalap ng
impormasyon sa ensayklopedya, aklat,
pahayagan, magasin, at dyornal. Mula rito ay
maaaring kumuha ng mahahalagang datos o
kakailanganing impormasyon tungkol sa paksa
kasama ang sanggunian.
Maari ding magsagawang interbyu sa
isang taong eksperto sa paksang
tatalakayin upang higit na maging
makakatotohanan ang nilalaman ng
susulating talumpati sa pamamagitan ng
pagbanggit ng mga karanasan at
nalalaman ng taong kinapanayam.
Magiging mahina ang talumpati kung ito ay
salat sa mga datos, walang laman, at may mga
galing impormasyon. Mahalagang isiping higit
na mahalaga ang nilalaman ng talumpati kaysa sa
ganda ng boses, husay sa pagbigkas, at mga
biswal na tulong sa presentasyon.
Sa kasalukuyan, ang Internet ang isa sa
pangunahing ginagamit ng marami sa
pangangalap ng mga datos mula sa
mapagkakatiwalaang mga sanggunian, artikulo,
aklat, at iba pang babasahin.
2. Pagbuo ng tesis- Matapos makapangalap ng
sapat na datos o impormasyon, ang susunod na
hakbang na gagawin ay ang pagbuo ng tesis o
pangunahing kaisipan ng paksang tatalakayin.
Mahalagang matukoy ang tesis sapagkat dito
iikot ang pangunahing mensaheng ibabahagi sa
mga tagapakinig. Ang tesis ang magsisilbing
pangunahing ideya kung ang layunin ng
talumpati ay magbigay kabatiran, ito naman ay
magsisilbing
pangunahing argumento o posisyon
kung ang layunin ng talumpati ay
manghikayat, at nagsisilbi naman
itong pokus ng pagpapahayag ng
damdamin kung ang layunin ng
talumpati ay magtaguyod ng
pagkakaisa ng damdamin ng mga
makikinig.
3. Pagtukoy sa mga Pangunahing Kaisipan
o Punto- Kapag may tiyak nang tesis para sa
talumpati, maaari nang alamin ng
mananalumpati ang mga pangunahing punto
na magsisilbing batayan ng talumpati.
Mahalagang mahimay o matukoy ang
mahahalagang detalyeng bibigyang-pansin
upang maging komprehensibo ang susulatin at
bibigkasing talumpati.
C. Hulwaran sa Pagbuo ng Takumpati
Isa pa sa mahalagang dapat isaalang-alang
sa pagsulat ng talumpati ay ang gagamiting
hulwaran o balangkas sa pagbuo ng talumpati.
Malaki ang epekto ng paraan ng
pagkakabalangkas ng nilalaman ng talumpati
sa pag-unawa nito ng mga tagapakinig.
Mahalagang gumamit ng paraan o
hulwarang aakma sa uri o katangian ng mga
makikinig.
Ayon kina Casanova at Rubin(2001), may tatlong
hulwarang maaring gamitin sa pagbuo ng talumpati.
1.Kronolohikal na Hulwaran- Gamit ang hulwarang
ito, ang mga detalye o nilalaman ng talumpati ay
nakasalalay sa pagkakasunod-sunod ng pangyayari o
panahon. Maaaring isagawa ang paghahanay ng detalye
mula sa unang pangyayari, sumunod na pangyayari at
panghuling pangyayari. Ang paksa ay maaari ding
talakayin sa pamamagitan ng mga hakbang na dapat
mabatid at sundin ayon sa tiyak na pagkakasunod- sunod
ng mga ito.
2. Topikal na Hulwran- Ang paghahanay ng mga
materyales ng talumpati ay nakabatay sa
pangunahing paksa. Kung ang paksa ay kailangang
hatiin sa mga tiyak na paksa ay mainam na gamitin
ang hulwarang ito. Halimbawa, kung tatalakayin ang
kultura ay maaaring hatiin ito sa espesipikong paksa
tulad ng sosyolohiya, antropolohiya, at maging ang
uri ng heograpiyang kinalalagyan ng mga tao.
Mainam na gamitin ito upang buo at malinaw na
nauunawaan ng mga nakikinig ang tinatalakay ng
paksa.
3. Hulwarang Problema- Solusyon-
Kalimitang nahahati sa dalawang bahagi
ang pagkakahabi ng talumpati gamit ang
hulwarang ito- ang paglalahad ng suliranin
at ang pagtalakay sa solusyon na maaaring
isagawa. Kalimitang ginagamit ang
huwarang ito sa mga uri ng talumpating
nanghihikayat o nagpapakilos.
Kasanayan sa Paghabi ng mga Bahagi ng
Talumpati
Ang paghahabi o pagsulat ng nilalaman ng
talumpati mula sa umpisa hanggang sa matapos ito ay
napakahalaga ring isaalang- alang upang higit na
maging mahusay, komprehensibo, at organisado ang
bibigkasing talumpati. Ayon kay Alcmister P.
Tumangan, Sr. et al., may- akda ng Retorika sa
Kolehiyo, ang isang talumpati ay kailangang
magtaglay ng tatlong bahagi.
1. Introduksyon- Ito ang
pinakapanimula ng talumpati. Ito ay
naghahanda sa mga nakikinig para sa
nilalaman ng talumpati kaya naman
dapat angkop ang pambungad sa
katawan ng talumpati. Mahalaga ang
isang mahusay na panimula upang:
a. Mapukaw ang kaisipan at damdamin ng
mga makikinig
b. Makuha ang kanilang interes at atensiyon
c. Maihanda ang mga tagapakinig sa
gaganaping pagtatalakay sa paksa
d. Maipaliwanag ang paksa
e. Mailahad ang balangkas ng paksang
tatalakayin
f. Maihanda ang kanilang puso at isipan sa
mensahe
Maaring simulan ang talumpati sa pamamagitan
ng pagpapaliwanag sa ginaganap na okasyon o
pagdiriwang, paglalarawan ng isang tanawin o
pangyayaring kaugnay sa paksa, pagbanggit ng
isang salawikaing angkop sa paksa, panbanggit o
paggamit sa sinabi ng isang tao o awtoridad,
pagtatanong tungkol sa isang isyu, pagsasalaysay ng
isang kuwentong nakatatawa, at marami pang iba.
Sinasabi ng marami na ang pagpapatawa sa simula
ay nakakakuha ng atensiyon at kawilihan ng mga
nakikinig.
2. Diskusyon o Katawan- Dito makikita
ang pinakamahalagang bahagi ng
talumpati
Sapagkat dito tinatalakay ang
mahahalagang punto o kaisipang nais
ibahagi sa mga nakikinig. Ito ang
pinakakaluluwa ng talumpati. Narito ang
mga katangiang kailangang taglayin ng
katawan ng talumpati:
A. Kawastuhan- Tiyaking wasto at
maayos ang nilalaman ng
talumpati. Dapat na totoo at
maipapaliwanag ang paksa.
Kailangang gumamit ng angkop na
wika at may kawastuhang pam
balarila ang talumpati.
b. Kalinawan- Kailangang
maliwanag ang pagkakasulat at
pagkakabigkas ng talumpati
upang maunwaan ng mga
nakikinig.
Mahalagang tandaan ang mga sumusunod:
1. Gumamit ng mga angkop at tiyak na salitang
mauunawaan ng mga makikinig.
2. Umiwas sa madalas na paggamit ng mahahabang
hugnayang pangungusap
3. Sikaping maging direkta sa pagsaaslita at iwasang
magpaligoy-ligoy sa pagpapahayag ng paksa.
4. Gawing parang karaniwang pagsasalita ang
pakikipag-usap sa mga tagapakinig.
5. Gumamit ng mga halimbawa at patunay sa
pagpapaliwanag ng paksa
C. Kaakit-akit- Gawing kawili wili
ang paglalahad ng mga katwiran o
paliwanag para sa paksa. Sikaping
makabuo ng nilalaman na kaugnay sa
paksa at gigising sa kaisipan at
damdamin ng mga nakikinig sa mga
katotohanang inilalahad ng talumpati.
3. Katapusan o Kongklusyon- Dito
nakasaad ang pinakakongklusyon ng
talumpati. Dito kalimitang nilalagom ang
mga patunay at argumentong inilahad sa
katawan ng talumpati. Ito ay kalimitang
maikli ngunit malaman. Maaaring ilagay
rito ang pinakamatibay na paliwanag at
katwiran upang mapakilos ang mga tao
ayon sa layunin ng talumpati.
4. Haba ng Talumpati- Ang haba ng
talumpati ay nakasalalay kung ilang
minuto o oras ang inilaan para sa
pagbigkas o presentasyon nito. Malaking
tulong sa pagbuo ng nilalaman nito ang
pagtiyak sa nilaang oras.
Narito ang iba’t ibang talumpati. Magsagawa
ng pagsusuri sa mga ito batay sa gabay na
tanong na makikita sa kahon.

• Anong uri ng talumpati ang mga ito ayon sa layunin at sa


hulwaran?
• Ano ang pangunahing kaisipang nakuha sa mga talumpating
ito?
• Nakapukaw ba kaagad ng iyong intres sa simula pa lamang ang
mga talumpati?
• Taglay ba nito ang katangiang dapat taglayin ng katawan ng
talumpati gaya ng kawastuhan, kalinawan, hindi paligoy- ligoy,
at iba pa?
• Maayos ba ang pagkakalagom ng kongklusyon nito kaya’t
mapakikilos kang gawin ang nakasaad dito?
Talumpati bilang 1
Mensahe sa Aking Mga Kababayan
ni Manuel L. Quezon

Mga kababayan ko: may isang kaisipang nais kong


lagi ninyong tatandaan. At ito ay: kayo ay Pilipino. Na
ang Pilipinas ay inyong bayan, at ang tanging bayan na
ibinigay ng Diyos sa inyo. Na dapat ninyo itong
ingatan para sa inyong mga sarili, sa inyong mga anak,
at sa mga anak ng inyong anak, hanggang sa katapusan
ng mundo. Kailangan ninyong mabuhay para sa bayan,
at kung kinakailangan, mamatay para sa bayan.
Dakila ang inyong bayan. Mayroon itong dakilang nakaraan
at dakilang kinabukasan. Ang Pilipinas ng kahapon ay naging
dakila dahil sa pag-aalay ng buhay at yaman ng inyong mga
bayan, martir, at sundalo. Ang Pilipinas ng ngayon ay
pinararangalan ng taos-pusong nagmamahala ng mga pinunong
di makasarili at may lakas ng loob. Ang Pilipinas ng bukas ay
magiging bayan ng kasaganaan, ng kaligayahan, at ng
kalayaan. Isang Pilipinas na nakataas ang noo sa Kanlurang
Pasipiko, tangan ang sariling kapalaran, hawak sa kanyang
kamay ang ilaw ng kalayaan at demokrasya. Isang republika ng
mga mamamayang marangal at may paninindigan na sabay-
sabay nagsisikap mapabuti ang daigdig natin ngayon.
Talumpati bilang 2
Muling Maging Dakila
Ni Fredinand Marcos
Sa araw na ito, animnapu’t siyam na
taon na ang nakalipas, namatay ang isang
batang bayani at propeta ng ating lipi sa
kanyang minamahal na lupain. Isang bala
ng diktador ang pumaslang sa kanya, at
mula sa pagdaloy ng dugo ng m artir ay
tumubo ang isang bagong bansa.
Ang bansang iyon ang naging unang makabagong
republika sa Asya at Africa. Ito ang ating bansa.
Ipinagmamalaki nating matatag ang ating bayan sa isang
rehiyong matatag; kung saan balota, at hindi bala, ang
humuhusga sa kapalaran at mga partido.
Kung kaya, pinapararangalan natin sa ating
kasaysayan ang Kawit at Malolos bilang mga halimbawa
ng pambansang kadakilaan. Bakit pambansang
kadakilaan? Sapagkat itinayo ong ating mga ninuno ang
matibay na haligi ng unang republika sa Asya na taglay
lamang ang tapang, talino, at kabayanihan.
Ngayon, ang hamon ay hindi na gaanong mapapansin, ngunit ito’y mahalaga pa
rin. Kailangang ulitin natin ang mga ginawa ng ating mga ninuno sa isang mas
karaniwang panahon, malayo sa madugo at dakilang pakikipagsapalaran sa
pamamagitan ng pagpapabilis ng pagbabago ng ating lipunan at kalakalan. Sapagkat
ngayon, tila nalimutan na ng mga Pilipino ang kanyang diwa, dangal, at tapang.
Maaari pang muling maging dakila ang bayang ito. Paulit- ulit kong binabanggit
ito. Ito ang aking paniniwalaan, at ninanais ng Poong Maykapal na tayo’y
magtulungan upang isakatuparan ang ating panalangin. Maraming beses ko nang
sinabi ito: sinusulat ng bawat salinlahi ang sariling kasaysayan. Naisulat na ng ating
mga ninuno ang kanila. Tangan ang lakas ng loob at kahusayan, kailangang isulat
natin ang atin.
Pangarap natin ito. Sa pagpili sa akin, inaako ninyo ito.
Samahan ninyo ako sa pagkamit ng pangarap ng kadakilaan.

Talumpati Bilang 3
Hindi Natitinag ang Pusong Pilipino
Ni Nestor S. Lontoc
Isang malaking karangalan na ako ay inyong maanyayahan
bilang inyong panauhing tagapagsalita sa mahalagang araw na ito.
Ang graduation na araw ng mga guro, mag-aaral, at mga magulang.
Sapagkat ang araw ng pagkatapos ay nangangahulugan ng
tagumpay ng pagwawakas ng isang mahalagang bahagi ng inyong
takbuhin sa buhay. Sapagkat dito ay inyo nang tatanggapin ang
inyong mga diploma na simbolo ng inyong pagsisikhay at
pagsusumikap na matapos ang isang antas ng inyong eduksyon.
Walang magulang na hindi naghangad na makatapos
ang kanilang mga anak sa pag- aaral. Sapagkat ‘ika nga
“ang EDUKASYON ang pinakamahalagang kayamanan
na maari nilang maipaloob sa kanilang mga anak.”
kayamanang babauuin ng mga anak hanggang sa kanilang
pagtanda. Mapalad kayo mga minamahal kong mga mag-
aaral sapagkat may mga magulang kayong may adhikaing
mabigyan kayo ng di lamang isang de-kalidad na
edukasyon ngunit higit sa lahat ay edukasyong
humuhubog sa pagkatao ng isang indibidwal. Sapagkat
naniniwala ako na ang inyong paaralan ay hinubog kayo.
Talumpati Bilang 4
Pagbabago ng Klima
Ni Pangulong Lee Myung-Bak
(malayong salin ni Mary Grace Del Rosario)

Una sa lahat, kasama ninyo ako sa pagpapahatid ng


pasasalamat sa buong pamahalaan ng Denmark at lahat ng
mamayan ng Copenhagen sa paghahanda ng pagtitipong ito.
Ang mga desisyong gagawin natin dito ngayon ay hindi
lamang nakakaapekto sa ating mga sarili kundi pati sa mga
kabataan at sa kinabukasan ng ating planeta. Halos pitong
bilyong tao ang nanonood sa atin. Dapat hindi sila mabigo,
maging tayo ay hindi rin dapat mabigo.
Kung nais talaga natin ng tunay na pagbabago, ang
tanging paraan ay magsama-sama, imbes na
sabihing “ikaw muna” ay umpisahan nating sabihing
“ako muna”.
Ang usapin hinggil sa pagbabago ng panahon ay
dapat lamang mag-umpisa sa paggawa ng ating
bahagi at kapag ito ay nagawa na natin ay saka pa
lamang tayo makapagsisimula ng isang positibong
siklo sa mundo. Ito ang dahilan kung bakit ang
Korea ay nagpanukala ng pagpapatala ng NAMA.
Ang mekanismong ito ang magpapakilala sa mundo ng
mga layuning kusang inilatag ng mga umuunlad na
bansa. Ito rin ang magdadagdag ng trasparency at
magbibigay tulong upang matano nila ang kanilang
layunin. Ito ay isang paraan upang mahikayat ang mga
bansa na kumilos nang kusa.
Katulad ng ipinangako, ipinahahayag ng Korea ang
layuning pagaanin ang mga problema bilang isang
bansa, ay nangangako kaming maibigay ang
pinakamataas na pangangailangang inerekomenda ng
pandaigdigang komunidad.
Kagaya ng alam nyo, ang ekonomiya ng
Korea ay palaging nangangailangan ng
enerhiya. Sa nakalipas na labinlimang
taon, dumoble ang produksiyon ng
greenhouse gas ng Korea. Hindi madaling
tumupad sa pangako para sa ganitong
bansa, ngunit pinili ng Korea na manguna
sa usapin ng pagbabago ng klima.
Maraming mga negosyante ang
ilang beses na nagpulong upang
makinig sa hinaing at
pangangailangan ng isa’t isa. Sa huli
ay napagkasunduan naming gawin ito
sapagkat makakabuti ang pagkilos sa
atin at sa kabutihan ng mundo.
Tunay ngang naniniwala akong ang
saloobing “ako muna” ang pinakamabilis
na paraan upang sagipin ang mundo. Mga
pinuno at mga mamamayan ng buong
mundo! Tayo ay nagkasundong bawasan
ang produksiyon ng greenhouse gas,
ngunit papaano?
Maraming mga kuro-kuro at opinyon kung
pano ang mabisang pagtugon sa katanungang
ito. Kaya rito sa Copenhagen, dapat
pagtuonan ang pagsagot sa kung paano
mababawasan ang produksiyon ng greenhouse
gas. Kung tutuosin, kapag isinaalang-alang
natin ang pagsulong ng ekonomiya, ang
paghanap ng solusyon ay napakahalaga.
Sa puntong ito, kinakailangan nating pagtuonan
kung paano mababawasan ang produksiyon ng
greenhouse gas kagaya ng ginagawa natin sa
pagtuon kung gaano kadami ang dapat ibawas.
Sa kaso ng Korea, nagtakda kami ng Low
Carbon Green Growth bilang bagong pambansang
bisyon namin. Taon-taon ang dalawang porsiyento
ng aming GDP ay inilaan sa Research &
Development ng mga makakalikasang teknolohiya
at impraestruktura.
Dahil dito, sa katapusan ng taong ito, ang Basic Law on
Green Growth ay ipapasa. Gagawin namin ang aming
makakaya upang mabawasan ang produksiyon ng carbon,
ngunit maghahanap din kami ng mga makinang
magtataguyod ng pagsulong, magbibigay ng maraming
trabaho, at berdeng kinabukasan. At umaasa akong
maibabahagi ko ito sa inyo. Ito ay isang dahilan kung
bakit ang Korea ay magtatayo ng Global Green Growth
Institute o GGGI sa kalagitnaan ng susunod na taon. Ang
GGGI ay tutulong sa bawat isa sa atin upang maibahagi
natin ang ating galing at kaalaman.
Pagsasama- samahin natin ang mga
iskolar, siyentipiko, at mga lider ng
lipunan sa buong mundo na magkaroon ng
mga posibleng solusyon sa ating suliranin.
Sa ating pandaigdigang pakikipag-
ugnayan ang GGGI ay maaaring maging
global at maaaring maging tulay upang
mapag-ugnay ang mauunlad at papa-unlad
pa lang na mga bansa.
Kaugnay nito ang Korea ay handang
tumulong sa pagbubukas ng pest 2012
regime sa pamamagitan ng pagiging
bansang pagdadarausan ng COP 18 sa
2018

You might also like