Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 29

ANG KAKAYAHANG

PANGKOMUNIKATIB
O
Ang pangunahing konsepto ng
pangkomunikatibong dulog sa
Layunin ng pagtuturo ng wika ang pagtuturo ng wika ay ang kakayahang
pagpapaunlad sa kaalaman ng mag- pangkomunikatibo o communicative
aaral sa gamit ng wika sa pamamagitan competence. Ito ang kakayahan ng mag-
ng paggamit nito sa makabuluhang aaral na maunawaan at magamit ang
konteksto ng pakikipagtalastasan. wika nang naaayon sa
pakikipagtalastasan sa loob at labas ng
paaralan.
KAKAYAHANG
LINGGUWISTIKO/ESTRUKTURAL/GRAMMA
TIKAL
• Hindi lamang pagkatuto sa balarila at talasalitaan ang layunin ng pagtuturo ng wika. Ang binibigyang –
pansin nito ay paglalaan ng kasanayan tungo sa mabisang pakikipagtalastasan. Sa terminilohiyang
panglingguwistika, ang pagtuturo ng wika ay hindi lamang kakayahang linggwistiko kundi kakayahang
pangkomunikatibo sa pangkalahatan.
KAKAYAHANG LINGGUWISTIKO
• Ay kaalaman sa mga tuntunin ng wika, gaya ng balarila, talasalitaan, at mga kombensyon ng pasulat na
representasyon (pasulat at ortograpiya). Binubuo ang balarila ng kaalaman sa mga tunog at ang
pagbigkas sa mga ito (ponetika), ang mga tuntunin sa interaksyon ng mga tunog at ang pagkakabuo
nito(ponolohiya), ang pagbuo ng mga salita ayon sa pagbabago sa tono at ang ugat ng mga ito
(morpolohiya), ang mga tuntunin sa pagsasama-sama ng mga salita at pahayag tungo sa pagbuo ng
mga pangungusap (sintaks), at ang paraan sa pagtukoy sa kahulugan sa pamamagitan ng
wika( semantika).
KAKAYAHANG
SOSYOLINGGUWISTIKO
• Tumutukoy ang kakayahang sosyolingguwistiko sa kaalaman sa mga tuntuning
pansosyokultural, gaya ng mga paraan sa paggamit at pagtugon nang naaangkop sa
wikang gamit ng kausap. Ang pagkaaangkop nito ay naaayon sa tagpuan ng
komunikasyon, sa paksa at sa kaugnayan ng mga taong nag-uusap. Higit pa rito,
nakaayon din ito sa pagiging mulat sa mga bagay na hindi katanggap-tanggap sa kultura
ng kausap, sa ginagamit na mga salitang kababakasan ng paggalang, pagtukoy sa angkop
na salita para sa isang sitwasyon at paraan ng pagpapahayag ng pagiging palakaibigan,
taong nasa kinauukulan, pagpapakita ng paggalang at iba pa..
ANG MODELONG
SPEAKING
• Binuo ng sosyolingguwista na sa Dell Hymes ang
modelong magtataguyod sa pagsusuri ng diskurso
bilang isang serye ng pagsasalita ayon sa mga
sitwasyon at akto ng pagsasalita na nakapaloob sa
kontekstong kultural. Ginamit niya ang mga titik ng
salitang SPEAKING upang mailahad ang mga bahagi ng
pagsasalita; ang mga kategorya ay lubhang produktibo
at makapangyarihan sa pagsusuri kaya maaaring
gamitin ang modelong ito upang analisahin ang ibat
ibang uri ng diskurso.
SETTING O SCENE
• Tumutukoy ito sa oras at lugar kung saan nagaganap ang komunikasyon,
pangkalahatan, sa isang pisikal na kaganapan.
• Ang sala ng bahay ay maaaring maging setting para sa pag-uusap ng may ari ng
bahay at ng kanyang panauhin.
PARTICIPANTS
• Sila ang ispiker at awdiyens sa pakikipagtalastasan.
Ang awdiyes ay maaaring ituring bilang binibigyang tuon ng pakikipagtalastasan at ang iba naman ay
tagapakinig lamang.
ENDS
• Ito ay tumutukoy sa parehong layunin at kalalabasan ng komunikasyon o inaaasahang bunga ng
isang Gawain at ng mga indibidwal na kalahok dito.
ACT SEQUENCE
• Tumutukoy ito sa takbo o daloy ng usapan at ang ibat ibang bahagi
ng isang sitwasyong pangkomunikasyon. Halimbawa nito ang isang
argumento na nagreresulta sa hindi pagkakaunawaan. Maaaring
ang isang usapan ay nagsimula sa mainit na tagpo na kalaunan ay
nagiging kalmado at nagtatapos nang mapayapa.
KEYS
• Ito ang nagtataguyod ng tono at paraan ng pakikipag-usap. Ang anak na lalaki ay
maaaring mamani o magaya ang paraan ng pagsasalita ng kanyang ama, gayondin
ang anak na babae sa kanyang ina.
INSTRUMENTALITIES
• Tinutukoy nito ang mga anyo at estilo sa pagsasalita. Ang isang mananalumpati ay
maaaring nagtataglay ng mga register na ginagamit ng kanyang mga tagapakinig,
ayon sa dayalekto ng mga ito, o kaya ay pormal na nagpapahayag na kalakip ang
maingat na paggamit ng mga anyo ng gamatika.
NORMS
• Mahalagang mabatid ang paksa ng usapan. Dapat isaalang-alang
dito ang mga tuntuning pansosyal ng isang kaganapan at ang
aksyon at reaksyon ng mga kalahok dito. May mga usapang
sensitibo at limitado lamang sa kaalaman ng ibang tao.
GENRE
• Hindi lamang ito ginagamit sa mga akdang pampanitikan tulad ng mga tula, nobela,
at iba pa. tumutukoy ito sa mga paraan ng pakikipag-usap na masasalamin dinsa
paksa ng usapan. Ang genre ay maaaring nagsasalaysay, nakikipagtalo, o
nagmamatuwid, nagpapaliwananag, naglalahad at naglalarawan.
MGA ANYO NG
KOMUNIKASYON
• Ang bawat konteksto ay may impluwensya sa proseso
ng komunikasyon. Maaaring mag-overlap ang
konteksto at makalikha ng mas dinamikong proseso.
INTRAPERSONAL

Ayon kay Wood (1997) habang


Ang intrapersonal na tayo ay gumagamit ng wika
komunikasyon ay nilalahukan upang pagnilayan ang ating
lamang ng isang tao. pansariling mga karanasan,
Kadalasang sinabi na ito ay kinakausap natin ang ating
“pakikipag-usap sa sarili”. sarili sa pamamagitan ng mga
sitwasyon
INTERPERSONAL
• Pangalawang pangunahing konteksto sa larangan ng komunikasyon ang
interpersonal na komunikasyon. Kalahok dito ang dalawang tao, at ang daloy ng
usapan ay maaaring personal, pormal at di-pormal. Maihahanay rito ang usapan
kasama ang mga mahal sa buhay o pagbabahagi ng isang seryosong usapin.
PANGKATANG
KOMUNIKASYON
• Ang pangkatang komunikasyon ayon kay McLean (2005) ay isang dinamikong
proseso kung saan ang maliit na pangkat ng tao ay nagkakaroon ng usapan. Ito ay
pangkalahatang binibigyang –kahulugan bilang usapan sa pagitan ng tatlo hanggang
walong tao.
PAMPUBLIKONG
PANGKOMUNIKASYON
• Isang tao ang nagsasalita na pinakikinggan ng isang pangkat ng tao; katulad ito ng
pampublikong pasulat na komunikasyon, kung saan isang tao ang nagsusulat ng
mensahe at ito naman ay babasahin ng isang maliit o malaking pangkat.
MASS COMMUNICATION
• Hinahayaan nitong makipagkomunikasyon tayo sa malaking bilang ng tao, ngunit limitado lang tayo sa
ating kakayahan para maipadala ito sa tanging tagapakinig, pangkat o indibidwal.
KATANGIAN NG
KOMUNIKASYON
• Ang komunikasyon ay kombinasyon ng mga proseso na isinasagawa upang
magbahagi at magpahayag ng impormasyon. Ngunit, nagaganap ang epektibong
komunikasyon kung ang tagapagpadala ng mensahe ay mulat sa tagatanggap nito.
A. PAGPAPALITAN NG
IDEYA
• Hindi magaganap ang komunikasyong kung walang pagpapalitan ng ideya. Upang
mabuo an proseso ng komunikasyon, nararapat na magkaroon ng palitan ng mga
ideya, impormasyon, damdamin at iba pa.
B. TUWIRAN AT DI-
TUWIRAN
• Sa komunikasyon, indi amhalag kung nag tagapagpadala o tagatanggap ng
impormasyon ay nag-uusap ng harapan. Ito ay maaaring tuwiran o di tuwiran. Ang
tuwirang komunikasyon ay nanganagahulugan nang harapang usapan, samantalang
ang di-tuwirang komunikasyon naman ay gumagamit ng ibang daluyna.
C. TULOY-TULOY NA
PROSESO
• Ang komunikasyon ay walang katapusang proseso. Maihahalintulad dito ang
larangan ng edukason kung saan ang guro ay patuloy na nagbibigay ng kaalaman sa
mga mag-aaral, inaalam din niya ang pagsusulit.
D. GUMAGAMIT NG MGA
SALITA AT MGA
SIMBOLISMO
• MARAMING PARAAN UPANG MAISAGAWA NG KOMUNIKASYON.
Tulad ng pagsulat. pagsasalita
E. KUMPLETO
Upang maging epektibo an
komunikasyon, kinakailangan na ito ay
kumpleto.
F. MAY PAGGALANG
• Ang paggalang ay mababakas sa komunikasyon sa pamamagitan ng pagpapakita ng
respeto sa kultura, pagpapahalaga at paniniwala at tagatanggap ng mensahe
G. MAY KALINAWAN
• Ang komunikasyon ay kinakailangang maging malinaw at espesipiko. Sa pagkakamit
ng kalinawan, ang mensahe ay kinakailangang ang nakapokus sa isang layunin,
ngunit nagbibigay – diin sa kahalagahan nito .
H. MAY
KAWASTUHAN
• Ang wastong paggamit ng gramatika o balaila at
sintaks ay nagpapataas ng pagiging epektibong at
katanggap-tanggap na mensahe. Sa katunayan, ang
pagkakaroon ng pagkakakmali sa gramatika at sintaks
ay nagpapahirap sa tagatanggap upang madecowd
ang mensahe at maunawaan ng nilalaman nito

You might also like