Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 23

IMPLASYON

BERNAL, ADRIAN D. UCP-IS (JHS


TEACHER)
INTRODUKSYON NG ARALIN

 Kung babalikan mo ang panahon limang


taon mula ngayon at may hawak kang
isangdaang piso, anu-ano kaya ang
mabibili mo noon? Subukan mong
ihambing ang mga produkto na binili mo
dati. Kasinlaki o kasindami pa rin ba ng
mga bagay na nabili mo ngayon?
 Maraming mga gusto mong bilhin ang hindi
mo makonsumo sapagkat hindi maabot ng
perang dala mo ang mataas na presyo ng
bilihin. Kapag ganito ang sitwasyon, paano
mo ito hahanapin? Ano ang mga hakbang na
pwedeng gawin ng pamahalaan upang
maagapan ang pagtaas ng presyo? Kailan ba
nakakabuti at nakakasama ang pagtaas ng
presyo?
“Lahat na nagmahal, ako nalang
yung hindi.”
-some person na walang ka-date last feb
LAYUNIN NG ARALIN

 Ipaliwanag ang Implasyon at


Deplasyon
 Talakayin ang mga dahilan ng

Implasyon
 Pagkumparahin ang mga positibo

at negatibong epekto ng Implasyon


IMPLASYON AT DEPLASYON

 Ang Implasyon ay tumutukoy sa


patuloy na pagtaas ng
pangkalahatang presyo ng bilihin.
Ito ay nagiging batayan ng
kalagayang pang-ekonomiko ng
bansa.
 Ang Deplasyon naman ay tumutukoy sa
patuloy na pagbaba ng pangkalahatang
presyo ng bilihin. Ayon sa mga
ekonomista, mas malubha ang epekto ng
deplasyon sa pambansang ekonomiya
dahil kasunod ng pagbaba ng presyo ang
napakataas na presyo ng bilihin at
pagbagsak ng ekonomiya.
MGA DAHILAN NG IMPLASYON

 1. Cost-Push
Inflation - tinatawag
na Cost-Push
Inflation kapag
itinutulak pataas ng
mga gastusin ng salik
ng produksyon ang
pagtaas ng presyo ng
produkto at serbisyo.
 Ang mga halimbawa nito ay ang pagtaas
ng presyo ng krudo sa pandaigdigang
pamilihan, pagdadagdag ng buwis,
pagnanais ng mataas na tubo ng mga
prodyuser, paghingi ng dagdag na sahod
ng mga manggagawa, pagkakaroon ng
mga middleman, at dayuhang
pangungutang.
 2. Demand-Pull
Inflation -
tinatawag na
demand-pull
inflation kung ang
presyo ay nahihila
pataas dahil sa
sobrang demand.
 Halimbawa, kapag masigla ang ekonomiya ng
bansa, kasabay nito ang pagtaas na supply ng
salapi sa pamilihan na magpapataas sa kita ng
sambahayan. Ang labis na salapi ay magtataas
ng sobrang demand na hindi matutustusan ng
supply. Ang mababang supply kumpara sa
demand ang hihila ng presyo pataas.
 3. Import Inflation -
nakakapagpataas ng
gastusin sa pag-
iimport ang
mahinang palitan ng
piso kontra dolyar at
ang mataas na taripa
sa kalakalan.
 Ang mataas na halaga ng produkto na
inaangkat na kailangan sa produksyon, tulad
ng mga kagamitan at makinarya, ay
makakapagpataas ng gastusin sa produksyon.
Upang makabawi sa malaking gastos at
magkaroon ng mataas na tubo, itataas ng
prodyuser ang presyo ng mga produkto at
serbisyo.
 4. Structural Inflation -
ito ay nagaganap kapag
ang mga sektor ng
ekonomiya ay
nagkakaroon ng
pagtutunggalian. Ang
hindi pagkakasundo ng
dalawang panig ay
maaaring maging dahilan
ng pagtaas ng presyo ng
bilihin.
 Halimbawa, ang mga manggagawa ay
maaaring humingi ng dagdag na sahod upang
matustusan ang pangangailangan ng kanilang
pamilya. Kapag ginawa ito ng kompanya,
bababa ang kanilang tubo. Dahil sa tunggalian
ng interested ng dalawang panig, maaaring
tumaas ang preso ng mga produkto o serbisyo
dahil ito lang ang pwedeng sumalo sa kanilang
layunin.
MGA EPEKTO NG
IMPLASYON
(+) Postibo
1. Lalaki ang kita ng mga prodyuser at mahihikayat sila na
taasan ang produksyon

(--) Negatibo
1. Nababawasan ang kakayahan ng mga konsyumer na makabili
ng produkto o serbisyo
2. Bababa ang halaga ng salapi na hinihiram ng Mga Tagahiram
3. Bababa ang halaga ng salapi na ibinabayad sa Mga
Tagapagpahiram
4. Nababawasan ang halaga ng salapi ng Mga Nag-iimpok
PAGSUKAT SA PAGBABAGO NG PRESYO

 Ang presyo ay isa sa mga pinakamahalagang


batayan ng anumang gawain sa ekonomiya lalo na
sa mga bansang katulad ng Pilipinas na nakabatay
sa Sistemang Pampamilihan. Lahat ng produkto o
serbisyo ay may presyong katumbas ng salapi.
Sinusukat ng ekonomiya ang anumang pagbabago
sa presyo dahil ito ang batayan kung matatag ba
ang halaga ng salapi ng isang bansa. Ang
hangganan ng pagbabago ng presyo ay masusukat
sa pamamagitan ng Consumer Price Index (CPI).
 Ang CPI ay tumutukoy sa pagsukat ng
pagbabago sa average na retail na presyo ng
mga produkto o serbisyo. Upang makuha ito,
mahalagang malaman ang presyo ng mga
nakapaloob sa market basket ng isang lugar.
 Ang Market Basket ay naglalaman ng mga

produkto o serbisyo na karaniwang


kinokonsumo ng mga mamimili sa isang lugar.
PAGKOMPYUT SA ANTAS NG
IMPLASYON

Upang makuha ang rate ng implasyon, ginagamit ang pormulang:

Inflation Rate = CPI (kasalukuyang taon) - CPI (nagdaang taon) x100


CPI (nagdaang taon)

Inflation Rate = 148.6 – 100 x100


100
= 48.6 x100
100
= 0.486 x 100
Inflation Rate = 48.6 %
PAGLUTAS SA IMPLASYON
 Mahalaga ang papel ng pamahalaan upang maagapan ang
mga suliraning dulot ng implasyon. Ginagamit ng
pamahalaan ang mga patakarang piskal at patakarang
pananalapi laban dito.
 Sa Cost-Push inflation, maaring bawasan ng pamahalaan
ang buwis upang mapataas ng mga kompanya ang
kanilang produksyon kahit hindi magtaas ng presyo.
Maaari ring magpatupad ng mga proyektong pampubliko
upang mapabilis ang produksyon ng bansa. Malalabanan
naman ang mga middleman na nagiging sanhi ng pagtaas
ng presyo sa pamamagitan ng pagtatakda ng price ceiling.
 Sa Demand-Pull inflation, maaaring magpatupad
ng tight-money policy ang BSP upang mabawasan
ang salapi na umiikot sa pamilihan.
 Sa Import inflation, mahalagang pagtuunan ng
pansin ng pamahalaan ang mga lokal na pamilihan
at linangin ang mga sariling produkto upang hindi
umasa sa imported products ng ibang bansa.
 Sa Structural inflation, mahalagang mapanatili
ang kaayusan sa pagitan ng magkakaibang sektor
upang makamit ang ekwilibriyo.
SANGGUNIAN

 Bon, Charro B., Bon, Rosa Belle R.


(2015) Ekonomiks sa Makabagong
Panahon, pg. 277-295

You might also like