Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 46

BIYOGRAPIYA NI

DR. JOSE RIZAL


(Unang Bahagi: Pagkabata hanggang UST)

REYNELE BREN ZAFRA


Department of Interdisciplinary
Studies
Far Eastern University
Sketched by himself in Berlin when he was
twenty-five years old. Physicians then told
him that he had consumption; but with care,
and fresh air, he soon became well again.
DR. JOSE RIZAL AT AGE 14
NINUNO NI RIZAL
 Kabilang sa mga pinakaunang kilalang ninuno ni Jose
Rizal ay sina Siang-co at Zun-nio ng Fujian, China. Ang
kanilang anak na si Lam-co ay lumipat sa Pilipinas noong
huling bahagi ng 1600s.

 Tinanggap ni Lam-co ang pangalang "Domingo" at nakilala


bilang "Domingo Lam-co" na itinuturing bilang "great-great
grandfather" ng ating pambansang bayani.  

 Pinakasalan ni Domingo Lam-co si Ines de la Rosa, ang


anak nina Agustin Chin-co at Jacinta Rafaela, isang
mestizang Tsino na residente ng Parian.
NINUNO NI RIZAL
 Pinagbigyan ng mag-asawang Lam-co at Ines
ang paanyaya ng mga prayleng Espanyol na
lumipat sa Dominican Estate sa Biñan, Laguna.

 Ang kanilang anak na lalaki, si Francisco


Mercado, ay isinilang doon noong 1731. Upang
makaiwas sa poot ng mga Espanyol sa mga Tsino
ay nagpasya silang palitan  ang Lam-co na
apelyido ng pamilya ng salitang Espanyol
na "Mercado" (“pamilihan”) na sumisimbolo rin sa
kanilang pagiging mangangalakal.
NINUNO NI RIZAL
 Ikinasal si Francisco Mercado kay Bernarda
Monica ng San Pedro, Tunasan noong 1771 at
naging anak si Juan na naging lolo ni Rizal sa
ama.

 Si Juan Mercado ay nagsilbing capitan municipal


ng Biñan. Naging asawa si Cirila Alejandra
at nagkaroon siya ng 13 anak kung saan kabilang
sa kanila ang ama ni Rizal, si Francisco.
MGA MAGULANG NI
JOSE PROTACIO RIZAL
Francisco Rizal Mercado – Siya ang ama
ng ating pambansang bayani. Siya ay
pumasok sa Colegio de San Jose at kumuha
ng kursong Latin at Pilosopiya; noong binata
ay nakipagsapalaran siya sa Calamba. 

Nag-apply siya ng land grant sa mga


Dominikano. Pinalad at binigyan pa siya ng
karagdagang lupain, kaya hindi nagtagal ay
naging isa siya sa mga nangungunang "land
holders" ng lupa sa mga hacienda sa
Calamba.

 Ikinasal kay Teodora Alonzo


noong Hunyo 28, 1848
at piniling mamumuhay sa Calamba,
Laguna. 
  
MGA MAGULANG NI
JOSE PROTACIO RIZAL
Teodora Alonzo Realonda y
Quintos. Ina ni Jose Rizal na
pangalawang anak nina Lorenzo Alonso
at Brijida de Quintos. Nag-aral siya sa
Colegio de Santa Rosa. Isa siyang
business-minded, magalang, relihiyoso,
masipag at  palabasa. Ipinanganak siya
sa Santa Cruz, Maynila noong
Nobyembre 14, 1827. 

Ikinasal kay Francisco Mercado


noong Hunyo 28, 1848 at piniling
mamumuhay sa Calamba, Laguna.  
KARAGDAGANG IMPORMASYON
KAY TEODORA ALONZO
SINO SI RIZAL?
 Siya ipinanganak noong Hunyo 19, 1861, Miyerkoles  sa
mag-asawang Francisco Mercado at Teodora Alonzo sa
Calamba, Laguna.

 Ang kaniyang buong pangalan ay Jose Protacio Rizal.


Subalit kung isasama ang mga mga apelyido ng kaniyang
mga magulang ito ay magiging "JOSE PROTACIO ALONSO
REALONDA MERCADO RIZAL"

 ang apelyidong Rizal ay galing sa salitang “ricial” na ang


ibig sabihin ay “luntiang bukid” ayon sa Kautusan ni
Gobernador Heneral Narciso Claveria noong 1849 na ang
lahat ay gumamit ng pangalan ayon sa wikang Espanyol.
Rizal-Mercado home, K(C)alamba. Here José Rizal was born. The family
lost this building, along with most of their other property, in the land
troubles. Governor-General Weyler sent soldiers to drive them out, though
the first court had decided in their favor and an appeal to the Supreme
Court had not yet been heard. Later, the upper part of the building was
rebuilt.
ANG PAMILYA RIZAL
 ang pamilya Rizal ay kabilang sa principalia sa Calamba
dahil ang kanyang mga magulang may pinag-aralan at
may maayos na pamumuhay;

 Labing-isang (11) magkakapatid sina Rizal, dalawang


lalaki at siyam na babae na sina (1) Saturnina, (2)
Paciano, (3) Narcisa, (4) Olimpia, (5) Lucia, (6) Maria,
(7) JOSE, (8) Concepcion, (9) Josefa, (10) Trinidad at
(11) Soledad.

*The principalía or noble class was the ruling and usually educated


upper class in the pueblos of the Spanish Philippines
MGA IMPLUWENSIYA SA
BUHAY NI RIZAL
 Namana – ayon sa agham na Genetiko ang mga
kahinaan at katangian o talino ng isang tao ay
sadyang minana sa kanyang mga ninuno at
magulang. Si Rizal ay naging nilalang dahil sa
pinaghalong lahi ng Filipino, Tsino, Hapon at
Espanyol.

 Kapaligiran – ayon sa sikolohiya, ang


kapaligiran ay malaki ang impluwensiya sa
katauhan ng isang tao gaya ng mga lunan,
kakilala at pangyayari.
MGA IMPLUWENSIYA SA ​
BUHAY NI RIZAL
 ang kanyang magulang, ang nakakatandang
kapatid na si Paciano, mga naging guro, ang
asawa niyang si Josephine, mga naging
kasintahan, mga Guwardiya Sibil at mga
naging kaibigan ay mga nilalang na naka-
impluwensiya nang lubos sa buhay ni Rizal.

 ang tatlo niyang tiyo na kapatid ng kanyang ina


ay malaki rin ang naging impluwensiya kay
Rizal.
MGA TIYO NI RIZAL NA
NAKAIMPLUWENSYA SA KANIYA
 Tiyo Jose Alberto. Siya ang pumanday sa kanyang talino sa
sining. Kaya naman hindi nagtagal ay naging malapit sa kaniya
ang sining at patunay dito ang kaniyang mga likhang eskultura at
mga ipinintang larawan noong siya ay lumalaki. Nagamit din niya
ito noong siya ay ipatapon sa Dapitan. 

 Tiyo Manuel. Siya ang umagapay kay Rizal sa larangan ng


palakasan. Nagamit ni Rizal ang kaniyang mga itinuro gaya ng "art
of wrestling". Patunay dito ang pagkapanalo ni Rizal sa suntukan
nang minsang i-bully siya ng kaniyang kaklase. 

 Tiyo Gregorio. Nakaimpluwensya kay Rizal sa pagkahilig niya sa


pagbabasa ng mga aklat.
ILAN SA MGA SINING NI RIZAL

A dog and cayman combat modeled at Dapitan in


1894. The dog was Rizal’s own, and looked like
one that had been his boyhood companion at
K(C) alamba
Rizal’s Painting of his Sister Saturnina
 Naranasan ng Pepe ang unang pighati nang
mamatay ang kaniyang kapatid na si Concha na
mas nakababata sa kanya. 

“When I was four years of age, my little sister Concha died, and
for the first time I cried because of love and sorrow. Till then I had
shed tears only for my own faults, which my loving, prudent
mother well knew how to correct.”
(Rizal's own story of his life, 2015).
SINO SI RIZAL?
 kinakitaan na si Rizal ng likas na katalinuhan at
pagkamakabayan.

 ang unang guro ni Rizal ay ang kanyang ina; sa


gulang na tatlo siya ay tinuruan na ng alpabeto,
pagbasa at pagsulat at mga dasal.
"Of all the persons who had the greatest influence on Rizal’s development as a
person was his mother Teodora Alonso.  It was she who opened his eyes and
heart to the world around him—with all its soul and poetry, as well as its
bigotry and injustice.  Throughout his brief life, Rizal proved to be his mother’s
son, a chip off the old block, as he constantly strove to keep faith the lessons
she taught him." (Reyno, 2012)
SINO SI RIZAL?
"Above all, it was from her he learned
about obedience, through the story of the
moth that got burned by the flame
because he disobeyed his mother moth’s
warning not to get too near the flame. 
But life as it often happens has poignant
way of turning around, for it was
obedience to the Catholic Church, as his
mother taught him, which proved too
hard to live by especially when he
struggled with a crisis of faith in its
teachings.  Teodora took none too gently
his defection from the Church, which she
saw was an apostasy from faith itself."
(Reyno, 2012)
 kumuha ang kanyang magulang ng pribadong
mga guro para kay Jose ang una ay si Maestro
Celestino, sumunod si Maestro Lucas Padua at
ang huli ay si Maestro Leon Monroy.

“I learned to write in my own village. My father looked


after my education. He paid an old man, who had been
his schoolmate, to teach me the first steps in Latin. This
teacher lived in our house till he died, five months later.
He had been in almost perfect health and it was at the
moment of death that he received extreme unction.”
(Rizal's own story of his life, 2015). 
SINO SI RIZAL?

 ginugol sa Calamba at Biñan; ang kanyang


kapaligiran ay ang bundok ng Makiling at lawa
ng Laguna; madalas siyang paglibang sa
paglalaro sa kanyang asong si Usman.

 maagang natutong gumuhit sa edad lima at


tuwing sasapit ang takipsilim sila ay tinitipon ng
kanyang ina upang mag-orasyon.  
SINO SI RIZAL?
 sa gulang na walo sinulat ni Rizal ang tulang sa
“Aking Mga Kabata” na tungkol sa pagmamahal
sa bayan at sariling wika. (Pero siya nga ba talaga
ang sumulat nito? Panoorin ang video)

 sa edad na siyam siya ay pinapag-aral sa isang


pribadong paaralan sa Biñan na pag-aari ni
Maestro Justiniano Aquino Cruz; matapos ang
isa’t kalahating taon pinayuhan siyang lumipat ng
Maynila. 
Where Rizal went to school in Biñan: site of Master
Justiniano’s house, which burned down many years ago
SINO SI RIZAL?
 taong 1872 nang tumatak sa isipan ni Rizal ang kabayanihan
nina Padre Mariano Gómez, José Burgos, at Jacinto Zamora—
nagbunsod sa kaniya upang maging Makabayan.

*Si Padre Burgos ay malapit sa kapatid ni Jose Rizal na si Paciano Rizal. 

 Siya ay pinapag-aral sa Ateneo Municipal at dito niya unang ginamit


ang apelyidong Rizal sa halip na Mercado.

"Most biographers of our national hero believed that it was Paciano who was responsible for making
his brother use the surname Rizal instead of Mercado, for he wanted his brother to enjoy a hassle-
free and first-rate education, that would not be possible had he used the surname Mercado.  Due to
his strong connection with Father Burgos, the friars and the Spanish authorities turned out to be very
suspicious of Paciano.  As a protective brother, he changed his brother’s surname from Mercado to
Rizal to prevent the friars in knowing their affiliation." (Piedad-Pugay, 2012). 
Gomburza

Ateneo Municipal de Manila

Paciano Rizal
SA AKING MGA KABATA

Kapagka ang baya’y sadyang umiibig


Sa kanyang salitang kaloob ng langit,
Sanlang kalayaan nasa ring masapit
Katulad ng ibong nasa himpapawid.

Pagka’t ang salita’y isang kahatulan


Sa bayan, sa nayo’t mga kaharian
At sa isang tao’y katulad, kabagay
Ng alinmang likha noong kalayaan.
Ang hindi magmahal sa kanyang salita
Mahigit sa hayop at sa malansang isda,
Kaya ang marapat pagyamaning kusa
Na tulad sa inang tunay na nagpala.

Ang wikang Tagalog tulad din sa Latin,


Sa Ingles, Kastila at salitang anghel
Sapagka’t ang Poong maalam tumingin
Ang siyang naggawad, nagbigay sa atin.

Ang salita nati’y tulad din sa iba


Na may alpabeto at sariling letra
Na kaya nawala’y dinatnan ng sigwa
Ang lunday sa lawa noong dakong una.
ANG KONTROBERSIYA NG
AKING MGA KABATA
PAG-AARAL NI RIZAL
SA ATENEO MUNICIPAL
“As I had hoped, I was taken to the Jesuit priest at
that time in charge of the Ateneo Municipal. He was
Father Magin Fernando. At first he was unwilling to
admit me. One reason was I had come late. Other
reasons were that I did not seem strong and was
very small for my age. I was then eleven. But later,
Doctor Manuel Xeres Burgos, a nephew of the ill-
fated Padre Burgos, spoke in my favor; and Father
Fernando admitted me.”
PAG-AARAL NI RIZAL SA
ATENEO MUNICIPAL
 Sa Ateneo de Manila mula 1872-1877
kumuha si Rizal ng kursong Batsilyer ng
Sining (katumbas ng pinaghalong high school
at vocational course sa kasalukuyan) at kurso
sa pagka agremensor at agrikultura.

 sa unang taon niya sa Ateneo hinasa niya


ang pagsasalita sa wikang Espanyol at ang
una niyang guro ay si Padre Jose Bech.
PAG-AARAL NI RIZAL
SA ATENEO MUNICIPAL

“In Jesuit colleges they divide the


boys into two groups or “empires,”—
one Roman and the other Greek.
These two “empires” are always at
war. The boys of one “empire” always
want to outdo those of the other
empire in all kinds of contests.

Each group has a leader who is


called “Emperor.” The “Emperor”
wins his place by doing the best work
and standing the highest of anyone in
his group. I was put at the end of the
line. I could scarcely speak Spanish,
but I already understood it.”
PAG-AARAL NI RIZAL
SA ATENEO MUNICIPAL
 Noong panahong iyun nahahati sa dalawa ang klase sa
Ateneo ang isa ay ang Imperyo Romano (mga internos)
at Imperyo Carthagena (mga externos).

 Para humusay sa Espanyol, kumuha si Rizal ng


pribadong aralin sa Colegio de Santa Isabel kapag
bakanteng oras sa tanghali.

 Sa ikalawang taon ni Rizal, nakamit ang pangunguna sa


klase at puspusang nag-aral hanggang siya ay naging
“emperador”.
PAG-AARAL NI RIZAL
SA ATENEO MUNICIPAL
 Ng magbakasyon si Rizal sa Calamba dinalaw niya ang
kanyang ina sa kulungan at inaliw niya kanyang ina
tungkol sa tagumpay niya sa Ateneo.

 Nahilig si Rizal sa pagbabasa ng mga nobelang


romantiko at ang paborito niyang nobela ay ang The
Count of Monte Cristo ni Alexander Dumas.

 Noong ikatlong taon niya sa Ateneo ay nakalaya mula sa


kulungan ang kaniyang ina na labis niyang ikinatuwa.
PAG-AARAL NI RIZAL
SA ATENEO MUNICIPAL

 Hunyo 16, 1875 naging interno si Rizal sa Ateneo, isa sa


kanyang mga propesor ay si Padre Francisco de Paulo
Sanchez, na isang makatuwirang edukador at iskolar.
Naging malapit sa puso ni Rizal dahil sa naging
katuwang niya ang nasabing pari sa pag-aaral ng wikang
Espanyol, Matematika, Retorika, at Greek. 

 Sa Ateneo, maraming mga tula ang naisulat si Rizal


mula na rin sa inspirasyon ni Padre Sanchez gaya ng Un
Recuerdo a Mi Pueblo, Alianza Intima Entre la Religion y
la Buena Educacion, Por La Educacion Recibe Lustre la
Patria, at iba pa. 
PAG-AARAL NI RIZAL
SA ATENEO MUNICIPAL

 Sinulat rin ni Rizal


ang dulang “Junto al
Pasig” o "Sa Tabi ng
Pasig".

 Matapos ang kanyang


pag-aaral sa Ateneo
na may pinakamataas
na karangalan. 
PAG-AARAL NI RIZAL
SA ATENEO MUNICIPAL

"When he was 11 years old, Rizal


entered the Ateneo Municipal de
Manila. He earned excellent marks
in subjects like philosophy, physics,
chemistry, and natural history. At this
school, he read novels; wrote prize-
winning poetry (and even a
melodrama—“Junto al Pasig”); and
practiced drawing, painting, and clay
modeling, all of which remained
lifelong interests for him.

Rizal eventually earned a land


surveyor’s and assessor’s degree
from the Ateneo Municipal "
PAG-AARAL NI RIZAL
SA UNIBERSIDAD NG SANTO TOMAS

Siya ay pumasok sa
Unibersidad ng Santo
Tomas noong Abril 1877
at kumuha ng kursong
Pilosopiya at Letra
(katumbas ng Bachelor of
Arts sa kasalukuyan)
kung saan sa unang taon
siya ay nag-aral ng
Kosmolohiya, Metapisika,
Teodisya, at Kasaysayan
ng Pilosopiya.
PAG-AARAL NI RIZAL
SA UNIBERSIDAD NG SANTO TOMAS

"Sa kapangyarihang magbigay ng mga titulong


akademiko, ang Unibersidad ng Santo Tomas ay
nagbigay kay Rizal ng diploma sa digring
Batsilyer ng Sining noong Marso 20, 1877
matapos maipasa ang kanyang pagsusulit noong
Marso 14, 1877."." (Villaroel, 1984). 
Ang Bulwagan at
Silid Aklatan ng UST
noong panahon 
ni Jose
Protacio Rizal
PAG-AARAL NI RIZAL
SA UNIBERSIDAD NG SANTO TOMAS
 Sa payo ni Padre Pablo Ramon ng Ateneo si
Rizal ay lumipat ng kursong Medisina.
Gayundin, naisip niya na makatutulong ang
kursong ito upang matulungan niya ang
kaniyang ina sa karamdaman nito na may
kaugnayan sa mata. 

 Sa UST, naging idolong mag-aaral si Rizal sa


UST dahil sa pagtatanggol niya sa kapwa
Pilipino niyang mag-aaral laban sa mga
Espanyol na estudyante na nambu-bully sa
kanila. 
MGA GRADO NI RIZAL SA UST
PAG-AARAL NI RIZAL
SA UNIBERSIDAD NG SANTO TOMAS
 Sinulat ni Rizal ang tulang "A La Juventud Filipina" o Para sa
Kabataang Pilipino na nagwagi ng gantimpala sa patimpalak
pampanitikan sa Liceo Artistico-Literario.

 Matapos ang apat na taong pananatili sa kursong Medisina sa


UST (1878-1882) ay napagpasyahan si Rizal na ipagpatuloy ang
pag-aral sa ibang bansa dahil na rin sa diskriminasyon sinapit
niya sa nasabing unibersidad. 

"He, however, was not able to complete his course in Medicine  because “he
became politically isolated by adversaries among the faculty and clergy who
demanded that he assimilate to their system.” (Craig, 2011)
Para Sa Kabataang Pilipino
(excerpt)

Taas-noong tumindig ka,


O Kabataan, saanman naroon,
Hayaan ang liwanag
Ng magandang bukas ay makita,
Ikaw na pag-asa ng bayan!
Halina, ikaw na tunay na henyo
At bigyan ng inspirasyon:
Magsahangin ka nga’t ilipad
Ang aming isipan nang magkataas-taas.
Bumaba kang kasama ang liwanag
Ng sining at agham, dunong na tunay,
O kabataan, kilos at kalagin
Ang tanikalang gumagapos
Sa inyong diwa at kaluluwa.
SANGGUNIAN
Filipinas Heritage Library. (2018) Rizal’s Education.  Retrieved March 11, 2022, from
https://www.filipinaslibrary.org.ph/articles/rizals-education/

de Viana, A. (2019). LAON-LAAN: Aguide for the Study and Understanding of the Life and
Contributions of Jose Rizal to Philippine Nationhood and Society. Books Atbp. Publishing Corp.

Filipinas Heritage Library. (2018). 01 Feb Jose Protacio Alonso Realonda Mercado Rizal. Retrieved
March 11, 2022, from
https://www.filipinaslibrary.org.ph/articles/category-articles-jose-protacio-alonso-realonda-mercado-riz
al/

Fr. Fidel E. Villarroel, O.P. (1984). Jose Rizal and the University of Santo Tomas. Manila: University
of Santo Tomas.

RIZAL’S BIOGRAPHY - JOSE RIZAL: OUR NATIONAL HERO. (n.d.). JOSE RIZAL: OUR NATIONAL
HERO. https://sites.google.com/site/joserizalournationalhero/rizal-s-biography

Rizal, J. (1918). Rizal's own story of his life. Manila: National Book Co..


MARAMING
SALAMAT!

You might also like