Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 20

Mga Teorya Tungkol sa Pinagmulan

ng Wika
PANGATWIRANAN MO!

1. Maglahad ng maikling pangangatwiran tungkol sa


paksang “Ano ang mas kapani-paniwala: teoryang biblikal
o teoryang siyentipiko?”
2. Isulat ang maikling pangangatwiran sa kuwaderno.
3. Ibahagi sa klase ang sagot.
Sagutin:

1. Ano ang mas pinaniniwalaan mo, teoryang biblikal o


teoryang siyentipiko?
2. Paano mo pinag-iba ang teoryang biblikal at teoryang
siyentipiko?
3. Bakit mahalagang parehong pag-aralan at alamin ang
mga teoryang biblikal at siyentipiko?
Itala ang Wika!

1. Pakinggang mabuti at tukuyin ang mga iparirinig na


tunog ng guro. Isulat kung tunong ng anong bagay o
hayop ang mga narinig.
2. Isulat ang mga sagot sa isang ¼ na papel.
3. Humanda sa isasagawang bahaginan ng sagot sa
klase.
● ANO-ANO ANG TEORYA NG PINAGMULAN NG WIKA?

● BAKIT MAHALAGANG ALAMIN AT PAG-ARALAN ANG


MGA TEORYANG ITO?

● PAANO ITO MAKATUTULONG SA PAG-UNAWA NG


PINAGMULAN NG WIKA?
Gawain 1 Opsiyon 1: Sarbey says 1!

1. Magtanong sa sampung kamag-aral kung paano sa


palagay nila natututong magsalita ang isang bata.
2. Maglahad ng maikling paliwanag at kongklusyon.
Gawain 1 Opsiyon 2: Isip-isip!

1. Mag-isip at magtala ng mga bagay na may kaugnayan


ang tunog sa sariling pangalan. Halimbawa, pareho ang
pangalan ng tuko sa inihuhuni o nalilikhang tunog nito.
2. Ibahagi sa klase ang mga naitala.
Gawain 2 Opsiyon 1: Sarbey says 2!

1. Magpangkat-pangkat ang klase sa tigpipitong kasapi.


2. Magkaroon ng bahaginan tungkol sa inyong palagay sa
pinagmulan ng wika.
3. Itala ang mga sagot na malilikom ng pangkat sa isang buong
papel.
4. Bumuo ng maikling kongklusyon tungkol sa inyong mga
sagot.
Gawain 2 Opsiyon 2: Sa palagay ko!

1. Magtala ng sariling pagpapalagay sa pinagmulan ng


wika.
2. Magbigay ng mga paliwanag tungkol sa mga ito.
3. Ibahagi sa klase ang sagot.
PARA SA GAWAIN 1: SARBEY SAYS 1!

1. May kaugnayan ba sa wika ang tunog ng mga bagay


sa ating paligid?
2. Paano natututong magsalita ang isang bata?
3. Maituturing bang mahalagang pundasyon ang mga
natutuhang salita ng isang batang habang siya ay
bago pa lamang natututong magsalita?
PARA SA GAWAIN 2: SARBEY SAYS 2!

1. Ano-ano ang posibleng pinagmulan ng wika?

2. Ano-ano ang inyong batayan sa inyong sagot hinggil sa


posibleng pinagmulan ng wika?

3. Bakit mahalagang alamin ang pinagmulan ng wika?


● Ano ang mahalagang papel ng gawaing pananaliksik sa
parehong pagteteorya hinggil sa pinagmulan ng wika?
● Alin sa lahat ng natalakay na teorya ang pinakamalapit sa
iyong paniniwala?
● Paano nakaapekto sa iyong paniniwala ang mga napag-
alamang teorya sa pinagmulan ng wika?
PAANO MAPAHAHALAGAHAN ANG IBA’T IBANG PAG-AARAL
TUNGKOL SA WIKA?
● Natutukoy ang pinagmulan ng wika sa pamamagitan ng
teoryang biblikal, na binubuo ng matatagpuang kuwentong
pangkasaysayan ng Tore ni Babel sa Lumang Tipan at
Pentecostes sa Bagong Tipan, at teoryang siyentipiko, na
kinabibilangan ng Teoryang Bow-wow, Teoryang Ding-dong,
Teoryang Pooh-pooh, Teoryang Yo-he-ho, at Teoryang Ta-
ra-ra-boom-de-ay.
● Napahahalagahan ang mga mga teorya sa pinagmulan ng
wika sapagkat isang aspekto ng kasaysayan at kabuluhan ng
pag-iral ng pakikipagkapuwa-tao ang nakaugat sa pag-aaral
ng wika. Mahalaga ito sa lalo pang pagpapaunlad ng
sistema ng komunikasyon ng mga tao at pagtuklas ng iba
pang paraan upang magkaroon ng mabisang ugnayan ang
mga tao mula sa iba’t ibang panig ng mundo.
● Nailalatag ng mga natalakay na teorya ang panimulang
kaalaman, batayan, at pag-aaral sa mga paraan at dahilang
pinagmulan ng pagkakaroon ng iba’t ibang wika sa daigdig.
● Nahahati sa dalawa ang teorya ng pinagmulan ng wika—
teoryang biblikal at teoryang siyentipiko.

● Matutunghayan sa Bibliya ang pinaniniwalaang dalawang


kuwento ng pinagmulan ng wika: ang Tore ni Babel na
matatagpuan sa Lumang Tipan at ang Pentecostes na
makikita sa Bagong Tipan.
● Nabibilang sa mga teoryang siyentipiko ang Teoryang
Bow-wow, Teoryang Ding-dong, Teoryang Pooh-pooh,
Teoryang Yo-he-ho, at Teoryang Ta-ra-ra-boom-de-ay.
● Mahalagang magamit ang mga kaalaman sa iba’t ibang teorya
ng pinagmulan ng wika upang maisaalang-alang sa maayos at
mabisang paggamit ng wika sa pakikipagtalastasan.
● Hindi natatapos sa mga natalakay na teorya ang pagtuklas sa
mga batayan ng pinagmulan ng wika. Marami pa ang maaaring
masaliksik sa iba’t ibang sangguniang aklat, dyornal, mga
artikulo online, at mga panooring pang-edukasyon na may
gayong paksa.
Magsaliksik ng dalawang iba pang teorya ng pinagmulan
ng wikang hindi kabilang sa tinalakay na aralin. Maglahad
ng mga napapaloob na batayang kaalaman at pag-aaral sa
bawat teorya at magbigay ng sariling pagsusuri kung alin o
alin-alin ang higit na kapani-paniwala para sa iyo. Tiyaking
nasusuportahan ng mga masinsing pangangatwiran ang
iyong pagsusuri.

You might also like