Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 28

Ang Kartilla ng Katipunan

Ang Katipunan
KKK – Kataastaasan Kagalang-galang na Katipunan nang
manga Anak nang Bayan

Itinatag nina Andres Bonifacio, Valentin Diaz, Teodoro Plata,


Ladislao Diwa, Deodato Arellano, atbp. sa isang bahay sa
Kalye Azcarraga, Tondo, Maynila noong Hulyo 7, 1892

Layunin:
Pulitikal: Mahiwalay ang Pilipinas sa Espanya
Moral: Tanggalin ang kahinaan sa pagkatao at ang pagiging
bulag na alagad ng relihiyon
Sibiko: Protektahan ang mga mahirap at ang mga inaapi
Ang Katipunan
3 Namamahalang Grupo:
Kataastaasang Sanggunian
Sangguniang Bayan
Sangguniang Balangay

Sangguniang Hukuman – DOJ ng Katipunan

Paraan sa recruitment – Pyramid Scheme


Hininto ni Bonifacio
Bagong patakaran: The more the merrier
Ang Katipunan
Hazing – Sanduguan at pagpipirma sa kontrata gamit
ang sariling dugo

Entrance Fee – isang real fuente (25 sentimos)

Bayad kada buwan – isang medio real (12 sentimos)

Uri ng Miyembro:
Katipon (Password: Anak ng Bayan)
Kawal (Password: Gom-Bur-Za)
Bayani (Password: Rizal)
Andres Bonifacio

Ipinanganak sa Tondo, Manynila noong Nob. 30, 1863

Natuto siyang magbasa at magsulat sa paaralan ni


Guillermo Osmeña ng Cebu, ngunit huminto siya
nang namatay ang kanyang mga magulang upang
masuporta niya ang kanyang mga kapatid

Nagtrabaho siya sa Fleming and Company, ngunit


dahil mababa ang sweldo niya doon ay lumipat siya sa
Fresell and Company
Andres Bonifacio
Naimpluensiya siya ng mga binasa niyang libro:
Noli me Tangere at El Filibusterismo ni Jose Rizal
The Ruins of Palmyra
Les Miserables ni Victor Hugo
The Wandering Jew ni Eugene Sue
Ang mga buhay ng mga Pangulo ng Estados Unidos
Internasyonal na Batas
Kodigong Sibil at Pamparusa
Mga libro ukol sa rebolusyon sa Pransya
Andres Bonifacio

Naakit siya sa isang Monica, at sila’y naging mag-


asawa. Ngunit, hindi ito nagtagal dahil namatay si
Monica dulot ng ketong.

Noong 1892, ikinasal niya si Gregoria de Jesus


(Lakangbini) sa Simbahan ng Binondo. Bukod dito,
nagpakasal din sila batay sa mga ritwal ng Katipunan.
Andres Bonifacio

Siya ang isa sa mga nagtatag ng Katipunan, at naging


Supremo nito noong 1895

Dahil doon, siya ang tinuturingang “Ama ng


Rebolusyon”

Pinatay siya, kasama ng kanyang kapatid na si


Procopio, ni Hen. Lazaro Makapagal sa Bundok Tala
noong Mayo 10, 1897
Emilio Jacinto
Siya’y ipinanganak noong Dis. 15, 1875 sa Tondo, Maynila

Nag-aral siya sa Kolehiyo San Juan de Letran at sa


Pamantasan ng Santo Tomas (UST)

Sumali siya sa Katipunan; at, sa edad ng 18, siya ang


naging pinakabatang miyembro ng kapatiran

Sa Katipunan ay napilitan siyang magsalita ng Tagalog sa


halip ng Espanyol kawayan o Pidgin Spanish

Siya ang naging matalik na kaibigan ni Bonifacio


Emilio Jacinto

Itinuring siyang “Utak ng Katipunan”

Siya ang naging patnugot (editor) ng Kalayaan, ang opisyal na


pahayagan ng Katipunan

Siya ang may-akda ng Kartilla, Liwanag at Dilim, Pahayag,


Ang Kasalanan ni Cain, Pagkatatag ng Pamahalaan sa
Hukuman ng Silangan, at Samahan ng Bayan sa Pangangalakal

Namatay siya noong Abril 16, 1899 sa Mahayhay, Laguna, dulot


ng isang lagnat
Ang Kartilya
Nilikha ni Emilio Jacinto

Hango sa Cartilla, isang gabay para sa mga mag-aaral sa


elementarya

Nagsilbing gabay para sa mga miyembro ng Katipunan

Binubuo ng 13 aral
Introduksyon
KATIPUNAN

NANG MGA

A. N. B.

SA MAY NASANG MAKISANIB SA KATIPUNANG ITO

Sa pagkakailangan, na ang lahat na nagiibig pumasuk sa katipunang ito, ay magkaroon ng lubos na


pananalig at kaisipan sa mga layong tinutungo at pinaiiral, minarapat na ipakilala sa kanila ang
mga bagay na ito, at ng bukas makalawa’y huag silang magsisi at tuparing maluwag sa kalooban
ang kanilang mga tungkulin.

Ang kabagayang pinag-uusig ng Katipunang ito ay lubos na dakila at mahalaga; papagisahin ang loob
at kaisipan ng lahat ng tagalog* sa pamamagitan ng isang mahigpit na paunumpa, upang sa
pagkakaisang ito’y magkalakas na iwasan ang masinsing tabing na nakabubulag sa kaisipan at
matuklasan ang tunay na landas ng Katuwiran at Kalinawagan.

*Sa salitang tagalog katutura’y ang lahat nang tumubo sa Sangkapuluang ito; sa makatuid, bisaya man,
iloko man, kapangpangan man, atbp., ay tagalog din.
I
“Ang buhay na hindi ginugugol sa isang malaki at banal
na kadahilanan ay kahoy (puno) na walang lilim,
kundi (man) damong makamandag.”

Kapag wala kang mabuting pangarap sa buhay, ikaw ay


isang hadlang sa kaunlaran ng lipunan.
II
“Ang gawang magaling na nagbubuhat sa paghahambog
o papipita sa sarili (paghahangad na makasarili), at
hindi talagang nasang gumawa ng kagalingan, ay di
kabaitan.”

Ang kabaitan ay nagmumula sa puso at mabuting


kaasalan, hindi lamang sa mga kilos ng tao.
III
“Ang tunay na kabanalan ay ang pagkakawang-gawa,
ang pag-ibig sa kapwa at ang isukat ang bawat kilos,
gawa’t pangungusap sa talagang Katuwiran.”

Nasa ugali ng isang tao ang tunay na kabanalan.


IV
“Maitim man o maputi ang kulay ng balat, lahat ng tao’y
magkakapantay; mangyayaring ang isa’y hihigtan sa
dunong, sa yaman, sa ganda; ngunit di mahihigtan sa
pagkatao.”

I am your brother, your best friend forever

-Renaldo Lapuz

(aka) Pantay-pantay ang lahat ng tao sa mundo; samakatuwid,


lahat ng tao ay may karapatan.
V
“Ang may mataas na kalooban, inuuna ang (dangal o)
puri kaysa pagpipita sa sarili; ang may hamak na
kalooban, inuuna ang pagpipita sa sarili sa puri.”

Inuuna ng isang mabuting tao ang mabuting kaasalan


kaysa sa sariling hangarin.
VI
“Sa taong may hiya, salita’y panunumpa.”

Tinutupad ng isang mabuting tao ang mga pinapangako


niya (meron siyang integridad).
VII
“Huwag mong sayangin ang panahon; ang yamang
nawala’y mangyayaring magbalik; ngunit panahong
nagdaan nay di na muli pang magdadaan.”

Mahalaga ang iyong panahon.


VIII
“Huwag mong sayangin ang panahon; ang yamang
nawala’y mangyayaring magbalik; ngunit panahong
nagdaan nay di na muli pang magdadaan.”

Tulungan natin ang mga naaapi.

Tulungan natin ang mga taong nawawalan ng mga


karapatan dulot ng pag-aapi.
IX
“Ang taong matalino’y ang may pag-iingat sa bawat
sasabihin; matutong ipaglihim ang dapat ipaglihim.”

Hindi basta-bastang sinasabi ang mga sikreto ng iba.


X
“Sa daang matinik ng buhay, lalaki ang siyang patnugot
ng asawa at mga anak; kung ang umaakay ay tungo
sa sama, patutunguhan ng inaakay ay kasamaan din.”

Ang tatay ng pamilya ang nagsisilbing gabay nito.


XI
“Ang babae ay huwag mong tingnang isang bagay na
libangan lamang, kundi isang katuwang at karamay
(ng lalaki) sa mga kahirapan nitong buhay; gamitin
mo nang buong pagpipitagan ang kanyng (pisikal na)
kahinaan, alalahanin ang inang pinagbuhutan at nag-
iwi sa iyong kasanggulan.”

Respetuhin ang mga babae.


XII
“Ang di mo ibig gawin sa asawa mo, anak at kapatid, ay
huwag mong gagawin sa asawa, anak at kapatid ng
iba.”

Respetuhin ang mga pamilya ng ibang tao (at syempre


ang mismong tao).
XIII
“Ang kamahalan ng tao’y wala sa pagkahari, wala sa tangos ng
ilong at puti ng mukha, wala sa pagkaparing kahalili ng
Diyos, wala sa mataas na kalagayan sa balat ng lupa: wagas
at tunay na mahal na tao, kahit laking gubat at walang
nababatid kundi sariling wika, yaong may magandang asal,
may isang pangungusap, may dangal at puri, yaong di
nagpaaapi’t di nakikiapi; yaong marunong magdam-dam at
marunong lumingap sa bayang tinubuan.”

Ang isang mabuting tao sa sumusunod sa mga turo ng Kartilya.


Kongklusyon
“Paglaganap ng mga aral na ito, at maningning na sisikat
ang araw ng mahal na kalayaan dito sa kaaba-abang
Sangkapuluan at sabungan ng matamis niyang liwanag
ang nangagkaisang magkakalahi’t magkakapatid, ng
liwanag ng walang katapusan, ang mga ginugol na
buhay, pagod, at mga tiniis na kahirapa’y labis nang
matutumbasan.”

Ipinapakita nito ang pag-asa ni Jacinto na makakamit ng


Pilipinas ang ganap na kalayaan mula sa Espanya.
Sources
The History of the Filipino People
ni Teodoro Agoncillo

You might also like