Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

LESSON 31

IMPORMAL
NA
SEKTOR
ARALING PANLIPUNAN 9
EKONOMIKS
Katangian ng
impormal na sektor:
1. Hindi nakarehistro sa
pamahalaan
2. Hindi nagbabayad ng
buwis mula sa kinikita
sa operasyon ng
negosyo.
3. Hindi nakapaloob sa
legal at pormal na
balangkas na inilatag
ng pamahalaan para
sa pagnenegosyo.
Kabilang sa impormal na sektor ang mga
sumusunod:
Sidewalk vendors, nagtitinda ng sigarilyo sa
lansangan, nagpapasada ng pedicab, naglalako ng
gulay at isda, nagbebenta ng prepaid cell card,
naglalako ng kakanin at iba pa.
Sa iyong palagay, bakit
nagkakaroon ng impormal na
sektor ang isang bansa?
DAHILAN NANG PAGKAKAROON NG
IMPORMAL NA SEKTOR
1. Upang makaligtas sa pagbabayad ng buwis
sa pamahalaan
2. Upang makaiwas sa masyadong mahaba at
masalimuot na proseso ng
pakikipagtransaksiyon sa pamahalaan.
3. Upang makapaghanapbuhay na hindi
kakailanganin ang masyadong malaking
kapital o puhunan
4. Upang mapangibabawan ang matinding
kahirapan
Sa iyong palagay, ANO ang
kahalagahan ng impormal na
sektor ang isang bansa?
KAHALAGAHAN NG IMPORMAL NA
SEKTOR
1. Sinasalo nito ang mga mamamayan na hindi nakapasok
bilang mga regular na empleyado sa isang kompanya
2. Nabibigyan ng pagkakataon ang maraming Pilipino na
makapaghanapbuhay
3. Nagbibigay ng karagdagang kita sa mga mamamayan
4. Nagsisilbing tagasalo ng mga mamamayang may
mahigpit na pangangailangan
5. Malaki ang naitutulong nito ng mga kalakal at serbisyo
nito dahil sa murang halaga
Sa iyong palagay, ANO ang
epekto ng impormal na sektor sa
ekonomiya?
Epekto ng Impormal na
Sektor sa Ekonomiya

1. Pagbaba ng halaga ng nalilikom na


buwis ng pamahalaan
2. Banta sa kapakanan ng mga mamimili
3. Paglaganap ng mga ilegal na gawain
Panganib sa Impormal na Sektor
1. Maaaring walang sapat na proteksiyon sa
katawan ang mga manggagawa habang
nagtatrabaho
2. Mapanganib sa mga naglalako (ambulant
vendors) ang kalsada dahil sa mga
ruumaragasang sasakyan
3. Kalimitan hindi sila sakop ng insurance
4. Dahil sa kawalan ng nasusulat na kontrata ay
maaaring lumaganap ang mga kaso ng
paglabag sa kasunduan.
1. Ipinagbabawal ang pagtitinda sa mga
bangketa. Kung ikaw ay isang pulis at may
nakita kang isang matandang nagtitinda sa
bangketa, ano ang iyong gagawin?
2. Bilang paglalahat, masasabi bang nakabubuti
ang impormal na sektor? Pangatuwiran ang
iyong sagot.
3. Nararapat bang itigil ang lahat ng gawaing
pang-ekonomiya na kabilang sa impormal na
sektor? Kung oo, ano ang dapat gawin sa mga
mawawalan ng hanapbuhay?

You might also like