Professional Documents
Culture Documents
Ap9 Week 32
Ap9 Week 32
Halimbawa:
Ang ating bansa ay sagana sa mga produktong agrikultural
gaya ng bigas, mais, gulay, at mga prutas SUBALIT salat
naman tayo sa produktong langis at petrolyo kung kaya’t tayo
ay umaasa sa produksyon ng ibang bansa. Ang ganitong
sitwasyon ang nagbibigay ng batayan kung bakit umiiral ang
kalakalang panlabas.
DAHILAN NG KALAKALANG PANLABAS
1. Pagkakaiba sa Teknolohiya. May mag bansang may
mataas na antas ng teknolohiya sa produksyon ng
mga produkto at serbisyo. Dahil sa kanilang
teknolohiya, mas episyente ang kanilang
produksyon.
LAYUNIN
1. Liberalisasyon ng pakikipagkalakalan at
pamumuhunan ;
2. Pagpapabilis at pagpapadali ng pagnenegosyo ;
at
3. Pagtutulungang pangekonomiya at teknikal.
ASSOCIATION OF SOUTHEAST ASIAN
NATIONS (ASEAN)
- upang maging ganap ang pagnanais
na ito, ay nagkaroon ng kasunduang
tinawag na ASEAN Free Trade Area
(AFTA) na nilagdaan noong January
28, 1992 sa Singapore.
- Ito ay nakabatay sa konsepto ng
Common Effective Preferential Tariff
(CEPT) o ang programang
nagsusulong ng pag-aalis ng taripa at
quota upang maging ganap ang
pagdaloy ng produkto sa mga
bansang kasapi ng ASEAN.
AKTIBITI Blg. 32.1: ANG AKING PERSONAL INVENTORY
Panuto: Suriin kung saan nagmula ang iyong mga personal na gamit. Gumawa
ng talahayan kung saan ililista mo ang iyong 10 gamit at ang bansa kung saan ito
galing. (20 puntos)
Pamprosesong tanong:
1. Batay sa iyong personal inventory, saan nagmula ang iyong mga gamit? Ano
ang ibig sabihin nito?
2. Paano nakakarating sa ating pamilihin ang mga produkto ng ibang bansa?
3. Sa iyong palagay, nakakatulong ba ang pagbili ng mga imported na produkto?
Ipaliwanag.