Aral Pan... Slides Week 1

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 18

Araling Panlipunan

UnangMarkahan–
Aralin 1: Konsepto ng Asya
Tungo sa Paghahating-
Heograpiko
Hundred Island in Alaminos Pangasinan,
Philippines
Tajj Mahal in India
Great Wall in China
Map of Asia
Ang Heograpiya ay nagmula sa dalawang salitang Griyego
– ang geo (daigdig) at graphein (magsulat). Ito ay
nangangahulugan ng paglalarawan ng ibabaw o balat ng
lupa. Ang heograpiya ay maraming kinukuhang datos sa
iba’t ibang agham pisikal, bayolohikal, at sosyal. Ito ay
nagbibigay liwanag sa pagkakaayos o distribusyon ng
bawat pangyayari at kahulugan nito sa paninirahan ng tao
sa isang pook. Sa pag-unawa sa simula ang mga yamang-
lupa ay nakapagbigay sa historyador ng mga kabatiran
kung paano ginagamit ang mga ito.
 
WORLD MAP

ASIA
NORTH AMERICA

EUROPE

SOUTH AMERICA AFRICA

AUSTRALIA/OCEANIA

ANTARCTICA
ANG KONTINENTE NG ASYA
Ang Asya ay isa sa pitong kontinente ng daigdig. Kontinente ang tawag sa
pinakamalaking dibisyon ng lupain sa daigdig. Isa sa mga paraan ng pagkuha ng lokasyon
ng isang kontinente at bansa ay sa pamamagitan ng pagtukoy ng latitude (distansyang
angular na natutukoy sa hilaga o timog ng equator) at longitude (mga distansyang angular
na natutukoy sa silangan at kanluran ng Prime Meridian) nito. Ang Equator ay ang zero-
degree latitude at humahati sa globo sa hilaga at timog na hemisphere nito, at ang Prime
Meridian naman ay ang zero-degree longitude. Ang nasasakop ng Asya ay mula sa 10˚
Timog hanggang 90˚ Hilagang latitude at mula sa 11˚ hanggang 175˚ Silangang longhitude.
Pinakamalaki ang Asya kung ihahambing sa ibang kontinente sa daigdig. Sa
kabuuang sukat nitong humigit kumulang na 44,486,104 kilometro kuwadrado, halos
katumbas nito ang pinagsama-samang lupain ng North America, South America, at
Australia, at halos sangkapat (1/4) lamang nito ang Europe. Tinatayang sangkatlong (1/3)
bahagi ng lupain ng daigdig ang kabuuang sukat ng Asya.

Nahahati sa limang rehiyon ang Asya:


Hilaga, Kanluran, Timog, Timog Silangan, at Silangang Asya. Heograpikal at
kultural na sona ang mga rehiyong ito sapagkat isinaalang-alang sa paghahating ito ang
pisikal, historikal at kultural na aspeto.
Hilagang Asya
Binubuo ng mga bansang dating Soviet Central Asia (Kazakhstan,
Kyrgyzstan, Tajikistan, Azerbaijan, Turkmenistan, Uzbekistan, Georgia, Armenia, at
Siberia lupaing bahagi ng Russia. Kilala ang rehiyong ito sa katawagang Central
Asia o inner Asia.
Kanlurang Asya
Matatagpuan ang hangganan ng mga kontinenteng Africa, Asya, at
Europe. Dito naka latag ang mga bansang arabo (Saudi Arabia, Lebanon,
Jordan, Syria, Iraq, Iran, Israel, Cyprus, at Turkey).
Timog Asya
Kabilang ang India; Mga bansang Muslim ng Afghanistan, Pakistan, at
Bangladesh; mga bansang Himalayan ng Nepal at Bhutan; at mga bansang
pangkapuluan ng Sri Lanka at Maldives.
Timog-Silangang Asya
Minsang binansagang Father India at Little China dahil sa mga impluwensya ng
mga nasabing kabihasnan sa kultura nito. Ang rehiyong ito ay nahahati sa dalawang
sub regions; ang mainland Southeast Asia (Myanmar, Thailand, Vietnam, Laos,
Cambodia) at insular Southeast Asia (Pilipinas, Indonesia, Malaysia, Brunei, Singapore,
East Timor).
Silangang Asya
Binubuo ng China, Japan, North Korea, South Korea, Taiwan at Mongolia.
Tukuyin ang mga bansa na kabilang sa bawat rehiyon sa
Asya (Pangkatang Gawain)

HILAGANG ASYA KANLURANG ASYA


Group 1 Group 2

ASYA

TIMOG ASYA TIMOG-SILANGANG SILANGANG ASYA


Group 3 ASYA Group 5
Group 4
PANUTO: Basahin mabuti ang bawat pangungusap at piliian ang letra ng tamang
sagot.
1. Ang Asya ay hinati sa mga rehiyon bukod sa pisikal na kapaligiran, anu-ano
pa ang mga salik na isinaalang-alang sa paghahati nito?
A.kultural, historikal at politikal na salik
B.kultural, ekonomikal at polikal na salik
C.kultural, siyentipikal at historikal na salik
D.kultural, politikal at pagpapahalaga na salik
2. Ang Asya ang pinakamalaking kontinente sa mundo. Ilang rehiyon ito
nahahati?
A. 4 B. 5 C. 6 D. 7
3. Bakit tinawag na Land of Mysticism ang Timog Asya?
A.Dahil sa nakamamanghang lugar ditto
B.Dahil sa mga sinaunang kabihasnan dito
C.Dahil sa mga kilalang pilosopong ipinanganak dito
D.Dahil sa mga relihiyon at pilosopiyang umusbong dito
4. Anong rehiyon sa Asya ang kilala bilang Farther India at Little China?
A. Hilagang Asya C. Silangang Asya
B. Timog Asya D. Timog-Silangang Asya
5. Bakit tinatawag na Arid Asia ang Kanlurang Asya?
A.Dahil tuyo ang kapaligiran sa buong taon
B.Dahil sa malimit ang pag-ulan sa rehiyon
C.Dahil sa malalawak na disyerto at tuyong lugar
D.Dahil ang rehiyon ay matatagpuan malapit sa ekwador
6. Ano ang patunay na ang Asya ang pinakamalaking kontinente sa mundo?
A.Katumbas ng Asya ang doble ng lawak ng Hilagang Amerika
B.May kabuuang sukat ito na umaabot sa 17 milyong milya kuwadrado
C.May lawak ito na umaabot sa 186 degrees longhitud at 45 degrees latitude
D.Sakop ng teritoryo ng Asya ang mula polong hilaga hanggang polong timog
7. Ano ang katangiang pisikal ng Hilagang Asya?
A.Mabundok at matalampas ang rehiyon
B.Malaking bahagi ng rehiyon ay damuhan
C.May malawak na disyerto at tuyo ang lugar
D.Isang tangway at ang ilang bansa ay napalilibutan ng tubig
8. Anong rehiyon sa Asya ang may pisikal na kapaligiran na tinatawag na
Northern Tier, Arabian Peninsula at Fertile Crescent?
A. Hilagang Asya C. Timog Asya
B. Kanlurang Asya D. Timog-Silangang Asya
9. Anong rehiyon ang katatagpuan ng nagtataasang kabundukan tulad ng
Himalayas at Hindu Kush?
A. Hilagang Asya C. Silangang Asya
B. Kanlurang Asya D. Timog Asya
10. Bakit mahalagang malaman ang katangian ng lugar na ating ginagalawan o
tinitirhan?
A.Upang malinang para sa sariling kapakanan
B.Upang makatulong sa pangangalaga sa kapaligiran
C.Upang makapaghanda at makaiwas sa mga sakuna
D.Upang maiangkop ang uri ng kabuhayan at pamumuhay

You might also like