Q1 Esp 10 Modyul 1

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 16

ESP 10 – MODYUL

Ang Mataas na Gamit at


Tunguhin ng Isip at Kilos-loob
MGA KASANAYANG
PAMPAGKATUTO:
Natutukoy ang mataas na gamit at tunguhin
ng isip at kilos-loob. (EsP10MP-Ia-1.1)
Nakikilala ang kanyang mga kahinaan sa
pagpapapasiya at nakagagawa ng mga
konkretong hakbang upang malagpasan ang
mga ito. (EsP10MP-Ia-1.2)
BASAHIN AT IPALIWANAG…

Angtao ay nilikha ayon


sa wangis ng Diyos
kaya’t siya ay tinawag na
Kaniyang obra maestra.
Basahin ang mga sumusunod na pahayag. Lagyan ng ❤ ang
mga pahayag na nagpapakita lamang ng TAMANG kaisipan.
_____ 1. Ang tao ay nilalang na may likas na kaalaman tungkol sa mabuti at
masama.
_____ 2. Ang tao ay nilikha ayon sa wangis ng Diyos kaya’t siya ay tinawag na
Kaniyang obra maestra.
_____ 3. Ang mga tao at hayop ay parehong nilalang ng Diyos kaya’t wala silang
pagkakaiba.
_____ 4. Ang kakayahan ng isip ay layong makakuha ng buod ng karanasan at
makabuo ng kataga upang bigyan ito ng kahulugan.
_____ 5. Ang tao ay nakauunawa, naghuhusga at nangangatuwiran dahil sa
kaniyang isip at panlabas na pandama.
_____ 6. Ang panlabas na pandama ay tumutukoy sa
ating paningin, pandinig, pang-amoy at panlasa.
_____ 7. Ang panloob na pandama ay tumutukoy sa ating
kamalayan, memorya, imahinasyon at instinct.
_____ 8. Tinatawag tayo ng Diyos na tumulong sa kapuwa
upang ipadama natin ang pagmamahal sa kanila.
_____ 9. Nagkakaroon ng kabuluhan ang buhay ng tao
kung inilalaan ito sa pagsasabuhay ng katotohanan at
paglilingkod sa kapuwa.
_____ 10. Magagawa ng taong magpakatao at linangin ang
mga katangian ng kaniyang pagkatao dahil sa kaniyang
isip at kilos-loob.
 Ang tao ay nilikha ayon sa wangis ng Diyos kaya’t siya
ay tinawag na Kaniyang obra maestra. Ang
pagkakalikha ayon sa wangis ng Diyos ay
nangangahulugan na ang tao ay may mga katangiang
tulad ng katangiang taglay Niya. Binigyan ng Diyos ang
tao ng kakayahang mag-isip, pumili at gumusto.
 Ang tao ay nilalang na may likas na kaalaman tungkol
sa mabuti at sa masama. Ang kaniyang konsensiya ay
indikasyon ng naturang orihinal na katayuang ito. Ang
kakayahang gumawa ng malayang pagpili ay isa pang
sumasalamin sa paglalang sa tao na kawangis ng
Diyos. Ang mga katangian at kakayahang ito ang
nagpapaiba sa tao sa iba pang nilikha ng Diyos.
KAKAYAHANG TAGLAY NG TAO

I. PANGKAALAMANG PAKULTAD


(Knowing Faculty)
- Dahil sa panlabas na pandama at
dahil sa isip kaya’t ang tao ay
nakauunawa, naghuhusga at
nangangatuwiran.
2. Pagkagustong Pakultad
(Appetitive Faculty)
Dahil sa mga
emosyon at dahil sa
kilos-loob
DALAWANG KAKAYAHAN NG TAO

 A. Panlabas na pandama- ito ay ang paningin, pandinig, pang- amoy,


at panlasa. Ang mga ito ay nagiging dahilan upang ang tao ay
magkaroon ng direktang ugnayan sa reyalidad.
Mga halimbawa:
a. paningin - mata na ginagamit upang makita ang mga bagay sa
ating paligid
b. pang-amoy - ilong na ginagamit upang maka-amoy katulad ng
amoy ng pabango o iba pang amoy sa ating paligid
c. panlasa - dila na ginagamit upang makalasa ng mga pagkain
d. pandinig - tainga na ginagamit upang makadinig ng iba’t-ibang
klaseng tunog sa paligid
B. Panloob na pandama- ito ay ang kamalayan, memorya,
imahinasyon at instinct.

a. Kamalayan - pagkakaroon ng malay sa pandama, nakapagbubuod, at


nakapag-uunawa.

Halimbawa: Mag-aaral ka ng mabuti dahil alam mo na malapit na ang final


exam, may kamalayan ka sa iyong sarili na kailangan mong magaral dahil
gusto mong makapasa sa pagsusulit.
b. Memorya - kakayahang kilalanin at alaalahanin ang nakalipas na pangyayari
o karanasan.

Halimbawa: Naaalala mo na may takdang aralin kayo sa Edukasyon sa


Pagpapakatao na ipapasa bukas.
c. Imahinasyon - kakayahang lumikha ng larawan sa isip at
palawakin ito.

Halimbawa: Nakabubuo ka ng pangyayari sa iyong isip

na ikaw ay nakarating ibang bansa at nagpatayo ng sarili mong


negosyo.

d. Instinct - kakayahang maramdaman ang isang karanasan at


tumugon nang hindi dumadaan sa katwiran.
SITWASYON
 Isang mag-asawang kapitbahay ang lumabas upang tumulong nang
makita nila ang isang ina na lumilipat sa maliit na tahanan sa
kabilang pintuan. Wala siyang kasama maliban sa dalawang maliit na
anak. Wala siyang katulong. Humantong sila sa paggugol ng buong
Sabado sa pagbubuhat ng mga kahon, paglilinis ng sahig, at pag-aliw
sa dalawang batang anak na babae. Nang matapos ang trabaho,
inanyayahan ng ina ang bago niyang mga kapitbahay sa hapunan
nang sumunod na lingo upang ipakita ang kaniyang pasasalamat.
Noong una, tumanggi sila dahil kitang-kita naman na sapat lang ang
pera ng babae. Ngunit iginiit ito ng babae na may luha sa kaniyang
mga mata. Natanto ng mag-asawa na ang pagtanggap sa kaniyang
paanyaya ay magbubunga ng higit na pagkakaibigan at paggalang
kaysa sa tanggihan ito dahil sa kaniyang sitwasyon.
Kapag pinaglilingkuran natin ang iba,
napaaalalahanan tayo na walang anumang bagay
sa buhay na ito ang nagtatagal maliban sa
ugnayang nabuo natin sa ibang tao. Walang mas
mabuting paraan para makaugnayan natin ang
iba kundi sa pagtutulungan lamang para sa
kabutihang panlahat. Tinatawag tayo ng Diyos
na tumulong sa kapuwa upang ipadama natin
ang pagmamahal sa kanila. Naranasan mo na ba
ito? Ano ang iyong pakiramdam?
Para sa inyong gawain…

PAGSUSURI NG LARAWAN

Panuto. Suriin ang larawan at sagutin ang mga sumusunod


na katanungan. Isulat ang iyong kasagutan sa sagutang
papel.
PAGBABAHAGI NG
MGA SAGOT

You might also like