Klima at Panahon

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

KLIMA AT

PANAHON
Panahon o Weather
◦Ito ay ang kondisyon ng atmospera sa isang
lugar sa maikling oras.
KLIMA
◦Ito ay ang pangkalahatang kalagayan ng
kapaligiran sa isang malawak na lugar sa
mahabang panahon.
Isang bansang tropikal ang Pilipinas sapagkat
matatagpuan ito sa tropics o tropical zone.
Ang tropical zone ay ang rehiyon na nasa
pagitan ng Tropic of Cancer at Tropic of
Capricorn.
Mga Salik na Nakakaapekto sa Klima
1. Latitud o lokasyon ng lugar
◦ ang mga lugar na nasa mababang latitude at malapit sa ekwador
ay direktang nasisikatan ng araw.
◦ Pahilis ang natatanggap na sikat ng araw ng mga lugar na nasa
kalagitnaang latitude. Ito ang mga lugar na nasa temperate
zone. Ang mga lugar dito ay nakararanas ng katamtamang
temperatura.
◦ Kapag nasa mataas na latitude ang lugar o arctic zone tulad ng
North Pole at South Pole at hindi deretso ang sikat ng araw sa
buong taon, malamig ang panahon at may yelo rito.
2. Hangin
◦ Ang ating bansa ay nakararanas ng trade winds
na dumadaloy mula hilgang-silangan patungong
ekwador. Ang lugar na ito ay nakatatanggap ng
direktang init ng araw kaya’t ang hangin ay
mainit.ang mainit na hangin ay lalamig kapag
umakyat ito sa mataas na bahagi ngb atmospera
3. Temperatura
◦ Ang tawag sa init o lamig ng isang bagay o lugar.
◦ Umiinit o lumalamig ang temperatura ng isang lugar
ayon sa latitude, taas o baba ng altitude ng lokasyon,
pagsikat ng araw, dami ng ulan, hanging nararanasan
sa lugar, at layo nito sa mga dagat o karagatan.
4. Altitud o taas ng lugar
◦ Nag-iiba-iba rin ang klima ayon sa taas ng lugar.
Palamig nang palamig ang klima sa pagtaas ng
lugar tulad ng sa lungsod Baguio.
◦ Maaring mainit sa ibaba ng bundok habang may
yelo sa tuktok tulad ng sa Tibet at Himalayas.
Maulan sa mga lugar na ito dahil kaunti lang ang
hangin.
5. Katubigan
◦ Ang mga malalaking katubigan ay may epekto rin sa
klima ng isang lugar. Mas mainit dito kung gabi kaysa sa
araw. Kapag maghapong sumikat ang araw sa isang
katubigan, tumataas ang temperatura rito. Pagdating
sa gabi, mainit na ito.
◦ Bumababa ang temperatura dito kapag palubog na o
hindi na nasisikatan ng araw. Pagdating ng umaga,
malamig na ito.
6. Dami ng ulan
◦ Madalas ang pag-ulan sa ibang lugar habang maroon
namang kaunti ang ulan na nararanasan o maikli ang
panahon ng tag-ulan.
◦ Mas maulan sa silangang bahagi ng Pilipinas kaysa sa
ibang lugar sa Pacific Ocean kung saan karaniwang
nagmumula ang mga bagyong nagdudulot ng malakas
na hangin at ulan.

You might also like