ISIP at KILOS-LOOB

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 21

ISIP at

KILOS-
LOOB
Activity 1: Ilarawan mo!
 Ano ang pagkakatulad ng tatlong nasa
larawan?
 Ano ang pagkakaiba ng tatlong ito?
 Alin sa tatlong ito ang nakahihigit sa lahat?
Bakit?
Ano ang pagkakaiba ng pagtugon ng lalaki
at ng aso sa paalala? Bakit?
Ano ang taglay ng tao upang maunawaan at
sundin niya ang paalalang ito?
Ano ang palatandaan na ang tao ay may isip?
Kung susuwayin ng tao ang paalalang ito
natatangi pa rin ba siya? Patunayan.
Nagmamadali kayong magkaibigan. Malayo pa ang overpass o tulay
kaya kahit na may nakasulat na “Bawal tumawid”, kinumbinse ka ng
iyong kaibigang tumawid na hindi dadaan sa overpass o tulay.Ano ang
iyong iisipin at gagawin?
Dahil sa pag-uwi mo nang gabi at hindi pagpaalam sa iyong mga
magulang, sinita ka nila at hinihingan ng paliwanag. Takot kang sabihin
ang totoo dahil baka lalo kang pagalitan. Ano ang iyong iisipin at
gagawin?
Mahaba ang pila sa kantina. Nakita mong malapit na sa unahang
pila ang iyong bestfriend at niyaya ka niyang pumuwesto na sa
kaniyang likuran upang mapadali ang pagkuha mo ng pagkain.
Ano ang iyong iisipin at gagawin?
May iniinom kang juice. Nang maubos ito, wala kang makitang
basurahan kaya nasabi ng kaibigan mo itapon mo na lang ito sa iyong
dinadaanan. Ano ang iyong iisipin at gagawin?
Pakiramdam mo ikaw ang pinag-usapan at pinagtatawanan ng
dalawa mong kaklase. Nasasabi mo ito sa iyong kaibigan at ang
sabi niya komprontahin ninyo pagkatapos ng klase. Ano ang
iisipin at gagawin mo?
Ano ang Kilos-Loob?
 Ito ay ang kapangyarihan na gumawa ng pasya o
pumili ng mga bagay na gusto mong gawin.
 Ito ay pansariling desisyon mo na ginagawa at kung
paano mo ito gagawin.
 Ito ay umaasa sa isip dahil nasa isip lamang ang
katuwiran para ma impluwensiyahan ang isang kilos.
Halimbawa ng kilos loob
Pagpili ng kursong kukunin sa kolehiyo.
Pagpili ng damit na babagay sa iyo.
Ang pagpili ng gusto mong kainin.
Pagpili ng sapatos na bibilhin.
Hindi sapat na may isip ka at pumili ka
ng bagay na dapat gawin. Mahalagang
hinahanap mo ang katotohanan at
ginagawa mo ang kabutihan. Hindi
madali ang prosesong ito. Sa
pagsisikap nating gawin ang tama,
walang madaling paraan sa paggawa
nito.

You might also like