PAKIKINIG

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 24

PAKIKINIG

MAKRONG KASANAYANG PANGWIKA


PAKIKINIG
Pakikinig - ay isang paraan sa pagtanggap ng mensahe
sa pamamagitan ng pandinig.
Mayroong itong kumbinasyon ng tatlong bagay:
tinataggap na tunog, nauunawaan, natatandaan.
Ang pakikinig isang proseso ng pagtanggap ng
mensahe mula sa narinig. Ito ay mula sa tunog o salita na
narinig, sa pamamagitan ng auditory nerve, mabilis na
dinadala sa utak (brain) upang bigyan ng
pagpapakahulugan at pagsusuri(analyze) kung ano ang
narinig. Ang utak ang siyang nagbibigay ng
interpretasyon at pag-unawa at doon nagkakaroon ng
kahulugan ang narinig
Inilalaan porsyento sa apat na Kasanayan
Apat na Makrong Kasanayan pangwika
Pakikinig 45%
Pagsasalita 30%
Pagbasa 16%
Pagsulat 9%
Yagang (1993),
Ang pakikinig ay kakayahang matukoy at
maunawaan kung ano ang sinasabi ng ating
kausap.
Howatt at Dakin (1974),
Nakapaloob sa kasanayang ito ang pag-unawa sa
diin at bigkas, balarila at talasalitaan at
pagpapakahulugan sa nais iparating ng
tagapagsalita.
PROSESO NG PAKIKINIG
1. Pag-tanggap ng mensahe
2. Pag-pokus ng atensyon sa
tinanggap na mensahe
3. Pagpapakahulugan
4. Pag-alala/Pagtanda
5. Pagtugon
TATLONG LAYUNIN NG PAKIKINIG
1. Pakikinig upang lumikom ng impormasyon
2. Pakikinig upang lumikom ng kaalaman
3. Pakikinig upang maaliw
KAHALAGAHAN NG PAKIKINIG
• Ang pakikinig ay isang mabilis at mabisang paraan ng
pagkuha ng impormasyon kaysa sa tuwirang pagbabasa.
• Ang pakikinig sa kapwa ay daan upang ang bawat isa
ay magkaunawaan at magkaroon ng mabuting
palagayan.
• Sa pakikinig kinakailangan ang ibayong konsentrasyon
sa pag-unawa, pagtanda o paggunita sa narinig.
PAMAMARAAN SA MABISANG PAKIKINIG

• Maging handa sa pakikinig


• Magkaroon ng layunin sa gagawing pakikinig
• Bigyang pansing ang agwat o pagkakaiba ng
pagsasalita sa pakikinig
PAMAMARAAN SA MABISANG PAKIKINIG

• Kilalanin ang mahalagang


kaalaman/impormasyon
• Unawaing mabuti ang sinasabi ng nagsasalita
• Iwasan ang pagbibigay ng puna habang hindi pa
tapos ang nagsasalita
URI NG PAKIKINIG
1. PASIV
2. ATENTIV
3. ANALITIKAL
4. KRITIKAL
5. APRESYATIV
URI NG PAKIKINIG
1. PASIV – ‘di gaanong napagtutuunan ng pansin
2. ATENTIV – puno ng konsentrasyon
3. ANALITIKAL – pagkumpara sa ibang
napakinggan
4. KRITIKAL – nagbibigay reaksyon
5. APRESYATIV - pagpapahalaga
URI NG TAGAPAKINIG
Eager beaver
Tiger
Sleeper
Bewildered
Frowner
Relaxed
Busy bee
Two-eared listener
1. Eager beaver – tagapakinig na ngiti
nang ngiti o tangu ng tango ngunit
kwestionabol kung naiintindihan niya ang
kausap dahil pilit lamang ang
pagpapanggap na siya ay nakikinig.
2. Tiger - Siya ang tagapakinig na laging
handang magbigay ng reaksyon sa
anumang sasabihin ng tagapagsalita
upang sa bawat pagkakamali ay parang
tigre siyang susugod at mananagpang
3. Sleeper - Siya ang tipo ng tagapakinig
na nauupo sa isang tahimik na sulok ng
silid. Wala siyang tunay na intensyong
makinig
4. Bewildered - Siya ang tagapakinig na
kahit na anong pilit ay walang
maiintindihan sa naririnig. Kapansin-
pansin ang pagkunot ng kanyang noo,
pagsimangot at anyong pagtataka o
pagtatanong ang kawalan niya ng malay
sa kanyang mga naririnig
5. Frowner - Siya ang tipo ng tagapakinig na wari
bang lagi na lang may tanong at pagdududa.
Makikita sa kanyang mukha ang pagiging aktibo,
ngunit ang totoo, hindi lubos ang kanyang
pakikinig kundi isang pagkukunwari lamang
sapagkat ang hinihintay lamang niya ay ang
oportunidad na makapagtanong para makapag-
paimpres.
6. Relaxed - Isa siyang problema sa isang
nagsasalita. Paano’y kitang-kita sa kanya
ang kawalan ng interes sa pakikinig.
Itinutuon ang kanyang atensyon sa ibang
bagay at walang makitang iba pang
reaksyon mula sa kanya, positibo man o
negatibo.
7. Busy Bee - Isa siya sa pinakaaayawang
tagapakinig sa anumang pangkat, hindi
lamang siya nakikinig, abala rin siya sa
ibang gawain tulad ng pagsusulat,
pakikipagtsismisan sa katabi,
pagsusuklay, o anumang gawaing walang
kaugnayan sa pakikinig.
8. Two-eared Listener - Siya ang pinaka-
epektibong tagapakinig, nakikinig siya
gamit hindi lamang ang kanyang tainga
kundi maging ang kanyang utak. Lubos ang
partisipasyon niya sa gawain ng pakikinig.
Makikita sa kanyang mukha ang kawilihan
sa pakikinig.

You might also like