Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 26

Pangngalan

Analyn DV. Fababaer


SIMEON R. BENDANA SR. MEM. ELEM.
SCHOOL
TANAY, RIZAL
Pagmasdan ang mga
larawan at pangkatin
ayon sa uri nila
tao bagay hayop lugar pangyay
ari
Pangngalan – ay salitang
tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay,
pook, hayop at mga pangyayari.
Gng. Analyn DV. Fababaer
Palmolive
Alaska
Mongol
Tanay
Pasko
Jose Rizal
Rex Manuel Tanjuatco
guro, sabon,gatas, lapis,bayan,
pagdiriwang, bayani, mayor
Ang pangngalan ay may
pangkalahatang uri. Ito ay ang uri
ng pangngalan ayon sa katangian
at ang uri ng pangngalan ayon sa
tungkulin.
Uri Ayon sa Katangian
1. Pantangi – pangngalang tumutukoy
sa tiyak at tanging ngalan ng tao,
bagay, lugar, hayop, gawain, at
pangyayari. Ito ay karaniwang
nagsisimula sa malaking titik.
Pilipino, Tanay, Mongol, Pasko, Alaska
2. Pambalana – balana o
pangkaraniwang ngalan ng mga
bagay, tao, pook, hayo
p at pangyayari. Ang
pangngalang ito ay pangkalahatan,
walang tinutukoy na tiyak o tangi.
Bansa, bayan, lapis, gatas
Uri ng Pangngalan Ayon sa
Tungkulin
1.Tahas o Kongreto –
pangkaraniwang pangngalan na
nakikita at nahahawakan
Kutsara, papel, bola
2.Basal o di –kongreto – tinatawag din
itong abstract. Ito ay mga pangngalang
di- nakikita o di- nahahawakan pero
nadarama, naiisip, nagugunita, o
napapangarap.
Kaligayahan, karangalan, pangarap,
pag-ibig
3.Lansakan – pangkaraniwang
pangngalan na nagsasaad ng
kaisahan sa kabila ng dami o
bilang.
Organisasyon, komite, pangkat
Suriin kung ang pangngalang
nakaitim ang sulat sa talata ay
pantangi o pambalana
Si Teodora Alonzo ay isang dakilang ina hindi
lamang ng kanyang pamilya kundi ng
sambayanang Pilipino. Siya ay nagpakasal sa
edad na dalawampu kay Francisco Mercado. Siya
ang ina ng ating pambansang bayaning si Dr. Jose
Rizal. Pinalaki niya ang kanyang anak sa
Calamba , lalawigan ng Laguna. Siya ay isang
mapagmahal, disiplinado,, matiyaga,
maunawaing ina at asawa.
Isulat sa patlang kung ang pangngalang nakaitim
ay tahas, basal o lansakan.
_____--1. Kaligayahan kong ipagluto si Inay.
______2. Pangarap niyang makapagluto ako ng
isang putahe.
______3. Ngayon ay magluluto ako ng masarap
na adobo.
______4. Heto ihahanda ko na ang toyo at suka
bilang panimpla.
5. Kailangang palambutin ko na rin ang karne.
______6. Timplahan mo ito ng kaunting asukal
para maging manamis- namis ang lasa.
_____7. Siguradong lalakas na naming kumain
ang pangkat ng mga lalaki sa pamilya.
_____8. Marami na naming huhugasang pinggan
ang grupo naming mga babae.
_____9. Nakabili pa naman ako ng isang buwig
ng saging para panghimagas.
____10. Sasamahan ko ng pagmamahal ang aking
luto kapag inihain sa mesa.
Bilugan ang pangngalang hindi
kabilang sa pangkat. Isulat sa patlang
kung anong uri ng pangngalan ayon
sa katangian o tungkulin ang mga
naiwang pangngalan sa bawat bilang.
Halimbawa: mesa silya kaligayahan
cabinet
______1. computer kalungkutan radio
telebisyon
______2. Cory tindera Teodora
Melchora
______3. Aprika bansa kontinente
rehiyon
______4. Pag-asa pag-ibig pangarap puso
______5. Grupo indibidwal komite
pangkat
______6. Kapatid kalungkutan
kapighatian kahirapan
______7. Buwig kumpol sako pulutong
______8. lola nanay ate Aling Maring
______9. bulaklak tsokolate kasiyahan
pabango
______10. lungsod Maynila Quezon
Makati
Gamit ng Pangngalan
1 Simuno – ang pangngalang pinag-uusapan sa
.

pangungusap.
Halimbawa:
Si Analyn ay masipag na guro sa kanilang
paaralan.
2.Pantawag – pangngalang tinatawag o
sinasambit sa pangungusap.
Halimbawa:
Nanay,halina po kakain na.
3. Pamuno – ang simuno at isa pang
pangngalang nasa bahagi ng paksa ay iisa
lamang.
Halimbawa:
Si Analyn DV. Fababaer, ang aming guro sa
Filipino ay napakabait at maganda.
4.Kaganapang Pansimuno – ang simuno at
ang isa pang panggalang nasa panag-uring
tinutukoy rito ay iisa lamang.
5.Layon ng Pandiwa – ang pangngalan ay
ginamitna layon ng salitang kilos sa
pangungusap.
Halimbawa:
Nagsulat ng tula ang aking guro para sa mag-
aaral.
6.Layon ng Pang-ukol – ang pangngalan ay
ginamit na layon ng pang-ukol sa pangungusap.
Halimbawa:
Ibigay natin kay Lolo Jose ang nararapat na
paggalang para sa kanyang mga ginawa.
1.1.Si Nanay ang laging naghahanda
ng pagkain araw-araw.
2. Nanay, papasok na po ako.
3.Si Aling Belen, ang nanay ko ang
siyang gumagabay sa akin.

You might also like