Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 15

Ang Rebolusyong Siyentipiko at

ang panahon ng Enlightenment

Prepared by: Mc.Christene Cordero,Lyssa


Mae De Belen,Jonard Jhon S. Acid,Jullie
Ann Mae Cantonjos
Talaan ng mga Nilalaman:
Introduksyon
Ang rebolusyon siyentipiko at ang bagong pagtingin sa kalikasan.
Makabagong pagtingin sa kalawakan
Iba pang pag-unlad sa agham pangkalikasan.
Ang paghikayat sa Siyentipikong Pag-aaral
Ang Panahon ng Enlightenment .
Mga pananaw ukol sa pamahalaan
Mga puna sa lipunan
Mga kaisipan ukol sa edukasyon
Ang kababaihan sa panahon ng Enlightenment
Ang panahon ng Enlightenment at ang sining
Pamana ng rebolusyong siyentipiko at panahon ng Enlightenment.
Introduksyon:
 Ang Scientific Revolution na nagwakas sa mga paniniwalang
namayani sa Middle Ages na walang matibay na batayang siyentipiko.
Ang rebolusyong siyentipiko ay tumutukoy sa panahon ng malawakang
pagbabago sa pag-iisip at paniniwala na nagsisimula sa kalagitnaan ng
ika-16 hanggang sa ika-17 siglo.
Samantala,nakabuo ang ilang mga iskolar ng mga teorya sa
pilosopiya na naging batayan ng konsepto ng pamahalaan ,demokrasya,at
edukasyon sa modernong panahon. Ang panahong kinapalooban ng mga
nasabing iskolar ay nakilala bilang Age Of Enlightenment o panahon ng
kaliwanagan. ibig sabihin,ginamit ang katuwiran at siyentipikong
pamamaraan sa lahat ng aspekto ng buhay. Tinawag din itong Age of
Reason dahil sa paniniwalang sa paggamit ng pangangatuwiran
matutugunan ang mga suliranin sa lipunan at bubuti ang pamumuhay ng
tao.
Ang rebolusyong siyentipiko at ang bagong pagtingin sa
kalikasan:
Si Ptolomy ay nagsabing ang daigdig ang sentro ng kalawakan at
ang ibang mga heavenly body ay umiikot dito sa pabilog na
pagkilos.
Ang Geocentric view ang teoryang ito ni Ptolomy ay nagtaguyod
ng paniwalang Kristiyano na dinisenyo ng Diyos ang kalawakan
para sa mga tao. Ang ambag ni aristotle sa teorya ni Ptolmy ay ang
komposisyon ng mga bagay sa kalawakan at sa daigdig. Ayon sa
kanya,malaki ang pagkakaiba ng komposisyon ng mga bagay na
matatagpuan sa kalangitan at sa daigdig. Ang una ay binubuo ng
puro at espiritwal sa elementong tinatawag na ether,samantala ang
huli ay binubuo ng apat na elemento ---- Lupa,tubig,apoy,at hangin.
Hindi katulad ng Ether,ang apat na elemento ay nagbabago.
Mga pagtingin sa kalawakan:
Ang Geocentric view sa kalawakan ay hinamon naman ni
Nicolaus Copernicus. Isa siyang astronomer mula sa
Poland. Ayon sakanya,hindi daigdig ang sentro ng
kalawakan kundi ang araw. Ang kanyang teoryang
Heliocentric view ay nagsasabing ang araw ang nasa
gitna at hindi ang daigdig.Si Galileo Galilei ay isa sa mga
nagpatunay o sumuporta sa teoryang ito. Sa pamamagitan
ng kanyang naimbento na Largavista kanyang napagtanto
na ang araw ang sentro ng lahat at napatunayan rin niya na
hindi patag ang buwan sapagkat meron itong crater. At
may iba pang mga siyentipiko ang nag sasama sama
upang maghayag ng kanilang sari-sariling teoryo ukol sa
kalawakan.
Iba pang pag-unlad sa Agham
Si Isaac Newton ang nakatuklas sa Law of gravity habang
si Andres Vesalius naman ang nanguna sa pag-aaral ng
anatomiya ng tao sa pamamagitan ng pag-aaral sa mga
bangkay at kalansay ng tao. Si Willian Harvey ay isang
doktor na English,ang nakatuklas at nakapagpaliwanag sa
sirkulasyon ng dugo.
Ang paghihikayat sa Siyentopikong Pag-
aaral:
Si Rene Descartes ay isang pilosopo at mathematician na
French. Ipinaliwanag niya ang mga suliranin sa agham at
pilosopiya gamit ang pamamaraang matematikal.
Isinantabi niya ang sistema ng scholasticism at
napagtantong isang bagay lamang ang hindi dapat
pagdudahan---ang pagdududa mismo.
Panahong Enlightenment:
Ang Enlightenment ay binubuo ng mga iskolar na
nagtangkang iahon ang mga Europeo mula sa mahabang
panahon ng kawalan ng katuwiran at pamamayani ng
pamahiin at bulag na paniniwala noong Middle ages. Ang
Philosophe o ang grupo ng mga interlektwal na
humikayat sa paggamit ng katuwiran,kaalaman, at
edukasyon sa pagsugpo sa pamahiin at kamangmangan.
Mga pananaw ukol sa Pamahalaan:
Si Thomas Hobbes ay tinalakay niya ang kalikasan ng tao at estado.
Si John Locke ay binigyang diin ang paniniwalang mahalaga ang
gitnang uri at ang kanilang karapatan sa pagmamay
ari,pananampalataya sa agham at paniniwala sa kabutihan ng
sangkatauhan.
Jean Jacques Rousseau ay pinaliwanag ang Social Contract ay isang
kasunduan ng mga malayang mamamayan na lumikha ng isang lipunan
at isang pamahalaan.
Si Francois Marie Arouet ay nag sabing na ang demokrasya ay lalo
lamang nagtataguyod ng pagiging mangmang ng masa
Baron de Montesquieu ay nagsabing nakabase sa klima ang ugali ng tao
o maaaring maka impluwensya ang klima sa kalikasan ng isang tao.
Mga puna sa Lipunan:
Si Denis Diderot ay nagtipong ng lahat ng mahahalagang
manunulat nna French sa panahon ng Enlightenment
upang mag ambag sa encyclopedie.
Si Cesare Bonesana Beccaria ay tumuligsa sa parusang
kamatayan sa kanyang akdang “Of crimes and
punishment”.
Si John Howard ay may impluwensya sa pagpapabuti ng
kondisyong pangkalinisan at makataong pagtrato sa mga
bilanggo sa mga kulungan sa Europe.
Mga kaisipan ukol sa Edukasyon:
Malaki ang ambag ni Jean Jacques Rousseau at John
Locke sa ideya tungkol sa edukasyon.
Tinalakay ni John Locke ay konsepto ng tabula rasa .
Ipinihayagn ni Rousseau ay kanyang ideya tungkol sa
edukasyon sa kanyang akda na Emile.
Mga kababaihan sa panahon ng
Enlightenment:
Si Mary Wollstonecraft ay isa sa mga babaeng naging
tanyag sa panahong enlightenment. Bakit? Dahil siya ang
tumalakay para sa karapatan ng mga kababaihan sa
kanyang “A Valedication of the rights of Women” (1792).
Sa kanyang akda sinasabing dapat magkaroon ang
kababaihan ng karapatang bumoto at magkaroon ng
posisyon sa pamahalaan. Itinuring siya bilang unang
peminista o tagapagtaguyod ng pantay na karapatan sa
pagitan ng lalaki at mga babae.
Ang Panahon ng Enlightenment:
Hinikayat noong panahon ng Enlightenment ang muling pagbabalik sa
istilong Greek at Roman at simula ng pagkakaroon ng interes sa
ordinaryong mamamayan sa arkitektura ginamit ang neoclassical na
isitilo. Pinahahalagahan ng mga alagad ng sining ng enlightenment ang
pag gamit ng ideya sa katwiran at ang kanilang mga akda na
sumasalamin sa ideya ng demokrasya.
Si Haydn ay isa sa mga pangunahing kompositor sa klasikal sa panahon
at itinuturing na “Ama ng Symphony” at “Ama ng String Quartet”.
Si Mozart ay bihasa sa halos na lahat ng uri at anyo ng musika,maging
ito ay religious,hymns,chamber musics,solo piano,symphony o opera.
Si Beethoven ay kompositor sa musikang klasikal. Itinuturing na isa
siya sa mga pinakamagaling na kompositor at nagsilbing inspirasyon ng
mga sumunod na musikero at kompositor.
Pamana ng rebolusyong siyentipiko at
panahon ng enlightenment:
Sa panahon ng Enlightenment,tinangka ng mga
siyentipiko na ihayag sa mga katauhan ang ibig sabihin ng
mga bagay sa paligid at sa daigdig. Nabuwag ng mga
siyentipiko ang paniniwala na ipinalaganap ng Simbahan
dati.
Ang panahong Enlightenment ay humubog pagdating sa
sining tulad nila Beethoven,Mozart at marami pang iba.
Sa panahong nabanggit ay marami ding mga magagaling
na akda ang lumabas tulad ng Robinson Crusoe at
marami pang iba.
THANK YOU VERY MUCH 
Acknowledgement to Mrs. Ruthela
Andres for teaching us this lessons. We’re
able to type or to put this kind of words
without her help. Thank you Ma’am
andres  We’re hoping that you’ll read
this.

You might also like