Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 17

Ang Retorika ay sining ng mabisang pagpapahayag.

Masining ang pahayag kung ang daloy ng mga


pangungusap ay mabisa, malinaw, kaakit- akit at
epektibo. Sangkap ang tamang gramatika /bararila,
angkop na mga salita/leksikon at wastong
panuntunan/tuntunin ng wika na ginamit sa
pagpapahayag, pasulat o pasalita.
Sa retorika ang pagpapahayag ay naglilitaw ng
kagandahan, ng kahulugan, ng kariktan at ng
kawastuhan. Sa mga maririkit na pananalita( tama,
angkop, mabisa) naipahahayag ang damdamin.Ang
kabisaan ng pangungusap ay
tumatalab ..tumatagas..nakapanghihikayat.
Gamit ang retorika sa paglalarawan, paglalahad,
pagsasalaysay at pangangatwiran.
Plato – ang retorika ay sining ng pagwawagi ng kaluluwa
sa pamamagitan ng diskors/diskurso. Ang kakayahang
magsalita ng isang tao ay nakagdudulot sa kanya ng
kasiyahan at tagumpay sa pakikipagkapwa.
Cicero - ang retorika ay isang mataas na sining na
binubuo ng invention(invention); dispositio(argumento);
elocutio(style); memorya (memory) at
pronunciation(delivery)
Quintillian -ay nagwikang ang retorika ay ang sining
pagpapahayag ng mahusay.
Richard Whately (1800) -isang obispo at manunulat
ay nagsabing , ang retorika ay isang pampublikong
komunikasyon kung saan ang gumagmit at
nakaiintindi nito ay nagkamit ng resulta.

Francis Bacon -ang retorika ay aplikasyon ng rason


sa imahinasyon at pagpapatuloy “will”
Kenneth Burke - ang retorika ay nakaugat sa esensyal
na fanksyon ng wika – fanksyon na reyalistiko at patuloy; ito
ay wika bilang simbolong nagpapakilos sa tao na
tumutugon sa mga simbolo.
-ang retorika ay paggamit ng mga simbulo upang
makuha ang kooperasyon ng mga taong tumutugon sa mga
simbolo.

Sonja at Karen Foss - ayon sa kanila ang retorika ay


aksyon na nagagawa ng tao kapag gumagamit ng simbolo sa
pakikipag-usap sa isa’t isa .
Bazerman Charles - ito ay pag- aaral kung paano ginagamit ng
tao ang wika at ibang simbolo upang matamo ang kanilang mga
gol at maisagawa ang kanilang mga pantaong gawain.

Andrea Lunsford -ang retorika ay sining , pagsasanay at


pag-aaral ng pantaong komunikasyon . Katulad din ito ng
ipinahayag ni Hill, A.S. na ang retorika ay sining ng mahusay
nakomunikasyon gamit ang wika.

Trudgill -ang wika’y di lamang gamit sa pakikipagtalastasan


o pagbibigay inpormasyon,manapa’y ginagamit upang mapanatili
ang magandang ugnayan , pagkakaisa at pagkakaunawaan ng
mga mambabasa.
Austero, Bandril at De Castro (1999)ang retorika ay
.mabisang pagpapahayag ng damdamin at kaisipan na
taglay ang kariktan sa wastong paggamit ng wika,
pasalita o pasulat man. Angkin ng retorika ang diwang
nagbibigay g kahulugan , lalim, kabuluhan at kariktan.
Dr. Ofelia Silapan at Prop Ligaya Rubin(1999) -
ang kalinawan, kawastuan at katiyakan sa pagsusulat
at pagsasalita ay natututpad` kung sapat ang
talasalitaan sa pagpapahayag. Sa lawak ng talasalitaan
ng manunulat, nagagamit at nagagawa niyang
maiangkop ang mgasalitan ito sa anumang isinusulat o
sinasabi.
Prop. Rubin(1987) – ang retorika ay sining ng
maganda at kaakit akit na pagpapahayag.

G.Tumangan -ang retorika ay tumutukoy sa kaakit-


akit at magandang pagsasalita at pagsulat kung saan
pinag-aaralan dito ang ukol sa mga tuntunin ng
malinaw, mabisa, at kaakit-akit na pagpapahayag.
Badayos(2001) - ang retorika ay susi sa mabisang
pagpapahayag na nauukol sa kaakit-akit, kaiga-igaya
at epektibong pagsasalita at pagsulat.
Pagkalinawan(2004) - ang wika ay salamin ng
kaisipan at saloobin ng tao.
Sebastian(2003) - ang retorika ay tumutukoy sa
mga batas na malinaw mabisa at maayos na
pagpapahayag. Ang kawastuan at kalinawan ng
pahayag ay nakikita’t nag-iibayo kung kasabay nito
ang wastong pananalita at tamang gramatika
KAHALAGAHAN NG RETORIKA
 
Sa Pasalitang Pagpapahayag

1. Nagagawa ng taga pagsalita na magsaliksik bago magsalita, kaya


lumalawak ang kanyang kabatiran at napapaunlad niya ang kanyang
kaisipan.

2. Walang mararamdamang kabagutan ang taga pakinig dahil napupukaw


ang kanilang interes / kawilihan dulot ng kasiningan sa pagpapahayag.

3. Pinapag-isip ang taga pakinig . Hindi lang basta sila nakikinig ramdam ng
tagapakinig ang kanilang napapakinggan, nadarama, tumitimo sa damdamin
, nakikipagsimpatiya , nakarereleyt ang mamababasa sa kanilang binabasa.

.
4. Nagiging maharaya, mabulaklak ang pananalita
dahil napipili at napapag-aralan ang mga salitang
gagamitin.
5. Nalalantad ang talino at kagalingan ng
tagapagsalita ang pagiging malikhain niya bilang
mambibigkas.
6. Isang maganda at malusog na ehersisyo ng utak
ang nagagawa ng taga pagsalita.
Sa Pasulat na Pagpapahayag

1. Nakakaroon ng pagkakataong makapagbasa ng


maraming artikulo na mapaghahanguan ng mga ideya at
inpormasyon.
2. Napaghuhusay ang kakayahan sa pagsulat dahil sa
palagiang pagsusulat ng iba’t ibang uri ng artikulo.
3. Nkaikipagpalitan ng kaisipan /ideya sa iba para sa
pagpapayaman/pagtatamo ng higitna karunungan.
4. Nakapaglalaan ng oras sa panonood ng telebisyon, ng
mga pelikula, ng mga panooring pang entablado at iba
pang mapaghahanguan ng informasyon .
5. Nakapaglalakbay ang diwa at nagiging sensitibo sa
pag- obserba ng paligid.
6. Nakapangangalap ng maraming imformasyon na
naiimbak sa isipan at nagagamit sa pagsulat.
7. Nakapagkikritik ng mga sulatin at magagamit na modelo
ng mga piyesa at obrang nabasa o lekturang
napakinggan.
 
Katangian ng sulatin o pahayag upang maging kaaya-
aya, kaakit-akit, mabisa at masining sa paningin ng
babasa at taga pakinig.
1. Taglay ang kalinawan sa diwa ng isinulat o ipinahayag sa
tulong ng mga angkop at piling salita.
2. Tamang gramatika ay nasunod o nagamit.
3. Kawili-wili ang sinasabi o ipinapahayag , walang
pagkabagot, kapanapanabik at maririkit ang pananalita , at
may lalim ang talinghaga.
4. Ramdam ng taga basa o tagapakinig ang sabstans ng
pahayag
5. Naiiba ang istilo sa iba pang panulat.
Rhetor – tawag sa mga orador (mananalumpati /
mambibigkas) ng Gresya.
Tatlong(3) mahahalagang sangkap ng mabisang
pagpapahayag
1. Ethos – kung paano ang karakter o kredibilidad ng taga
pagsalita ay nakaiimpluwensya sa taga pakinig/awdyens
para ikunsedera na kapanipaniwala ang kanyang sinasabi.
2. Pathos – ang paggamit ng emosyon ng tagapagsalita
upang mahikayat ang tagapakinig/awdyens na mabago ang
kanilang desisyon. Nang-aakit ang kanyang pananalita
gamit ang kanyang emosyon.
3. Logos – ito ay ang paggamit ng katwiran/rason upang
bumuo ng mga argumento.
Pamamaraan sa mahuhusay na pangangatwiran
Induktibo – nagsisimula sa maliliit na informasyon
hanggang sa marating ang kongklusyon
Deduktibo – nagsisimula sa panlahat na isteytment at
mula rito ay kumukuha ng espesipikong isteytment.
Tatlong(3) Genre ng Retorika.
1. Forensic – konsern nito ang pagdedetermina ng
katotohanan o kasinungalingan hinggil sa nakaraang
pangyayari.
2. Deliberative - – konsern nito ang pagdedetermina kung
ang isang aksyon ay isasagawa pa o hindi na sa
hinaharap.
3. Epideictic - konsern nito ang pangangaral o pagtutugis,
pagtuligsa o pagpaparatang , pagpapakita ng valyu.
Katangian ng Retorika ayon kay Roderick P. Hart (1997)
1. Ang retorikaay nagbibigay ngalan /katawagan
2. Ang retorika ay nagbibigay lakas / kapangyarihan
3. Ang retorika ay nakapagpapalawak ng ating mundo
4. Ang retorika ay kumukuha ng atensyon ng tagapakinig
5. Ang retorika ay nagpapaluwag ng daan para sa
komunikasyon 
Elemento ng Retorika
1. Paksa
2.Kaayusan at debelopment ng mga bahagi
3.Estilo
4. Tono
5. Malinis na Paglilipat ng Mensahe
6. Interaksyong “Shared Knowledge”
Idyoma – nagbibigay ng matalinghagang kahulugan na
malayo sa literal na kahulugan ng salita.
Halimbawa :
nagbibilang ng poste - walang trabaho
maamong kordero - mabait na tao
di-madapuang langaw- maganda ang bihis
nagdidildil ng asin - naghihirap
laman ng lansangan - palaboy
 

You might also like