Black Doodle Group Project Presentation

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 15

Kabanata 3

Pag-aaral sa
Calamba at Biñan
ANG UNANG GURO NG
BAYANI
Ang unang guro ni Rizal ay ang kanyang ina, na katangi-tangi dahil
sa kanyang magandang ugali at mabining pagkilos. Sa kanyang
kandungan sa edad a 3, natutunan niya ang alpabeto at mga dasal.
"Ang aking ina," sabi ni Rizal, "ang nagturo sa akin ng pagbasa at
magdasal."
Habang lumalaki si Jose, umupa ang kanyang magulang ng gurong
magtuturo sa kanya sa kanilang bahay. Ang una ay si Maestro
Celestino, at ang pangalawa'y si Maestro Lucas Padua.
Kinalaunan, isang matandang lalaki, si Leon Monroy na dating
kaklase ng kanyang ama, ang naging guro ni Rizal. Ang matandang
guro ay nanirahan sa tahanan ni Rizal at tinuruan si Jose ng
Espanyo! at Latin. Sa kasamaang-palad, hindi nagtagal ang kanyang
buhay.
Namatay siya pagkaraan ng limang buwan.
NAGTUNGO SI RIZAL SA BIÑAN
(Hunyo, 1869)
-Nagtungo si Rizal sa Biñan kasama ang
kanyang kapatid si Panciano.
-Nagtungo sya sa bahay ng kanyang tiya at
ng gabing iyon namasyal sya kasama ang
pinsang si Leandro.
UNANG ARAW SA PAARALAN
NG BIÑAN
Ito ang paglalarawan ni Jose sa kanyang guro sa Biñan:
"Matangkad siya, payat, mahaba ang leeg, matangos ang ilong, at ang katawan
ay medyo pakuba. Suot niya ay kamisang yari sa
sinamay, na hinabi ng mahuhusay na kamay ng kababaihan ng
Batangas. Kabisado niya ang gramatika nina Nebrija at Gainza.
Mabagsik siya bagaman maaaring labis lamang ang aking pag-
husga sa kanya, at ito ay paylalarawan ko sa kanya kahit na may
kalabuan"
UNANG PAKIKIPAG-AWAY SA
PAARALAN
•Hinamon ni Jose si Pedro sa isang away. Nagsuntukan ang dalawang bata sa
silid-aralan, na ikinatuwa ng kanilang mga kaklase.

•Pagkatapos ng klase sa hapon, isa pang kamag-aral, si Andres Salandanan, ang


humamon sa kanya sa bunong-braso.
Nagtungo sila sa bangketa ng isang bahay at nagbunong-braso.
Dahil mahina ang braso ni Rizal, natalo si Rizal at muntik nang mabasag ang
kanyang ulo sa bangketa.
PAG-AARAL NG PAGPINTA
SA BIÑAN
Si Jose at ang kanyang kaklaseng si Jose Guevarra, na mahilig ding magpinta,
ay naging mag-aaral ng matandang pintor.
'Humusay sila sa sining na ito kaya kinalaunan, sila ang naging
"paboritong pintor ng klase."
ARAW-ARAW NA BUHAY SA
BIÑAN
Ito ang aking buhay dito. Nakikinig ako ng misa tuwing alas kuwatro ng umaga, kung mayroon, o nag-aaral. ako
ng aking aralin sa oras na iyon at saka ako makikinig ng misa. Uuwi ako sa bahay at pupunta sa hardin para
maghanap ng mabolong makakain. Pagkatapos ay mag-aagahan ako ng kadalasa'y kanin at dalawang tryo. Saka
ako papasok sa paaralan hanggang alas diyes. Umuuwi ako kaagad. Kapag may espesyal na putahe, nagdadala
kami ni Leandro sa bahay ng kanyang mga anak (na hindi ko ginagawa kung nasa bahay ako ni hindi ko gagawin
kailanman), at babalik ako nang walang anumang sinasabi. Babalik ako sa paaralan ng alas dos at lalabas ng alas
singko. Magdadasal ako sandali, kasama ang ilang pinsan, bago ako uwi. Mag-aaral ako ng aking aralin. Guguhit
nang kaunti, at pagkatapos ay maghahapunan ng isa o dalawang silbihang kanin at ayungin. Magdarasal kami, at
kung may buwan, inaanyayahan ako ng aking mga pamangkin na makipaglaro sa ibang bata sa kalsada. Salamat sa
Diyos at hindi ako nagkasakit habang malayo sa aking mga magulang.
PINAKAMAHUSAY NA MAG-
AARAL SA PAARALAN
May ilang kaklase ang nainggit sa kanyang talino. Lagi nilang isinusumbong si
Rizal sa guro tuwing nakikipag-away siya. Kung anu-ano ring kasinungalingan
tungkol kay Rizal ang sinasabi nila sa guro. Kaya napipilitan ang guro na
parusahan si Jose. Kaya nasabi ni Rizal na "kahit mabait na bata ang reputasyon ko,
bibihira ang araw na hindi ako nabibigyan ng lima o anim na palo."
PAGTATAPOS NG PAG-AARAL SA
BIÑAN
Bago mag-Pasko noong 1870, nakatanggap si Jose ng liham mula sa kapatid niyang
si Saturnina, at ipinaalam sa kanya ang pagdating ng barkong Talim sa Biñan na
siyang mag-uuwi sa kanya sa Calamba.

Umalis siya ng Biñan ng Sabado ng hapon ng Disyembre 17, 1870, pagkaraan ng


isa' kalahating taon ng pag-aaral sa bayang iyon. Tuwang-tuwang lumulan sa
barkong Talim dahil ito ang kauna-unahang pagkakataon niyang makasakay sa
isang barko.
Lulan din ng barko ang Pranses na si Arturo Camps, kaibigan ng kanyang ama, na
siyang nag-alaga sa kanya.
ANG PAGKAMARTIR NG GOM-BUR-
ZA20, 1872: nag-alsa ang mga Pilipino sa pamumuno ni Francisco Lamadrid.
•Enero

•Pebrero 17, 1872: ipinabitay ang GOMBURZA alinsunod sa utos ni Gobernador Heneral
Izquierdo.

•Galit na galit si Paciano dahil sa pagbitay kay Burgos. Inilahad nya ang kwento nito kay Rizal.

•Galit na galit si Paciano dahil sa pagbitay kay Burgos. Inilahad nya ang kwento nito kay
Rizal.
•Ang pagkamartir ng Gom-Bur-Za noong 1872 ay naging inspirasyon ni Rizal para labanan
ang kasamaan ng tiraniya ng Espanya at matubos ang mga inaaping kababayan. Pagkaraan ng
labimpitong taon, sa kanyang liham kay Mariano Ponce sa Paris noong Abril. 18, 1889,
Sinabi niya:
Kung wala ang 1872, wala ngayong Plaridel o Jana o Sanciangco ni matatapang
na kolonya ng mga Pilipino sa Europe: kung wala ang 1872, si Rizal ay isa nang
Heswita ngayon, at sa halip na isinusulat ang Noli Me Tangere, ay yaong
kabaligtaran ang isinusulat. Sa harap ng mga kawalang - katarungan at kalupitan
noong ako'y bata pa,. ang aking diwa ay nagising at isinumpa sa sailing
maipaghihiganti ko balang araw ang maraming biktima, at dahil ito ang nasasa
isip, nag-aral ako nang mabuti, at mababasa ito sa lahat ng aking mga ginawa at
isinulat.
Balang araw , bibigyan ako ng Diyos ng pagkakataong maisakatuparan ang aking
pangako."
KAWALANG-KATARUNGAN SA INA
NG BAYAN
•Hunyo 1872: Dinakip si Doña Teodora dahil diumano’y siya at ang kanyang
kapatid na si Jose Alberto ay nagtangkang lasunin ang taksil na asawa ng huli.

•Nakulong sya ng dalawa’t kalahating taon bago sya napawalang-sala ng Manila


Royal Audencia (Korte Sumprema) sa tulong nina Francisco de Mercaida at
Manuel Marzan.
Mga malalaim na salita
1 2 3
ILUSTRADO TALIM POLO
-Isang taong nakabatid ng -Ang barkong sinakyan ni -Sapilitang pag gawa.
kalinawan at kaliwanagan. Rizal matapos ang kanyang pag
aaral sa Biñan.
THANK
YOU

You might also like