Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 15

KONTEKSTWALISADONG

KOMUNIKASYON SA FILIPINO
FIL.1
KOMFIL
Layunin:
1.Natutukoy ang pakikibaka para sa
Wikang Filipino.
2.Maipapaliwanag ang kabuluhan ng
Wikang Filipino bilang mabisang wika
sa kontekstwalisadong komunikasyon
sa mga komunidad at sa buong bansa.
BERNALES et al., 2019
Mahaba at masalimuot
ang pakikibaka para sa
‘’wika at wika at
bayan’’.
A: Ang Pakikipaglaban para sa Wikang
Filipino sa Kasalukuyang Panahon:
Ang papel ng Alyansa ng mga
Tagapagtanggol ng Wikang Filipino
( TANGGOL WIKA ) at
Pambansang Samahan sa Linggwistika
at Literaturang Filipino ( PSLLF )
2013
Nagsimulang ipaglaban ng mga iskolar,
guro, mag- aaral at mga nagmamahal sa
wikang Filipino sa pangunguna ng alyansa
ng mga tagapagtanggol ng Wikang
Filipino ( TANGGOL WIKA ) ang pananatili
ng Filipino bilang asignatura sa antas
kolehiyo.
COMMISSION ON HIGHER EDUCATION ( CHED )
Naglabas ng bagong General
Education Curriculum ang CHED na
wala na ang Filipino Subject bilang
bahagi ng General Education Subject
sa antas ng kolehiyo sa bisa ng CHED
MEMORANDUM ORDER ( CMO ) Bilang
20 Serye 2013.
Mga Asignatura na Nananatiling Ituro sa Antas Kolehiyo
Batay sa Nasabing Kautusan.

Pag-uunawa sa Sarili/ Understanding the Self
 Mga Babasahin Hinggil sa Kasaysayan ng Pilipinas/ Readings in
the Philippine History
 Ang Kasalukuyang Daigdig /The Contemporary World
 Matematika sa Bagong Daigdig/ Mathematics in the Modern
World
 Pagpapahalaga sa Sining/ Art Appreciation
 Siyensiya, Teknolohiya at Lipunan/ Science, Technology and
Society
 Malayuning Kominikasyon/ Purposive Communication
B: MGA POSISYONG PAPEL
Komisyon ng Wikang Filipino - ( KWF )
Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas –( PUP )
De La Salle Maynila – ( DLSU – M )
Unibersidad ng Pilipinas – Diliman – ( UP- D )
Pahayag ng Office of the Faculty of Regent ng UP-
Diliman
Act- Philippines Hinggil sa Pagpatay ng CHED at KORTE
SUPREMA sa Filipino at Panitikan sa Kolehiyo.
Ateneo De Manila
Pinanindigan ng PSLLF ang dapat na pananatili ng
Filipino sa nasabing antas dahil sa sumusunod.
 SAPAGKAT, sa kasalukuyang kalakaran sa antas tersyarya ay may anim
(6) hanggang ( 9 ) na yunit ang Filipino sa batayang edukasyon.
 SAPAGKAT, sa antas tersyarya nagaganap at lubhang nalilinang ang
intelektwalisasyon ng Filipino sa pamamagitan ng pananaliksik,
malikhaing pagsulat, pagsasalin, pagsasalitang pangmadla at kaalamang
pang midya.
 SAPAGKAT, sa antas na ito karunungan, higit na dapat magpahusay ang
gamit at pagtuturo at mga kaugnay na kurso.
 SAPAGKAT, dahil sa pagpapatupad ng K-12 Basic Education Curriculum,
mawawala na sa antas tersyarya ang Filipino at sa halip ay ibababa
bilang bahagi ng mga baiting 11-12.
Kabilang sa mga nagging panawagan ng
Tanggol Wika ang mga sumusunod
Panatihin ang pagtuturo ng asignaturang Filipino sa
bagong General Edcation Curriculum ( GEC ) sa kolehiyo.
Rebisahin ng CHED Memorandum Order 20,series of
2013.
Gamitin ang wikang Filipino sa pagtuturo ng iba’t ibang
asignatura
Isulong ang makabayang edukasyon.
Ayon sa PSLLF patakarang bilinggwal sa edukasyon na
ipinatutupad sa pamamagitan ng
Department Order No.25, Series of 1974 ng Department of
Education Alinsunod sa nasabing kautusan, ang wikang pambansa
ang dapat maging wikang panturo sa
 Social Studies
 Social Science
 Music,Arts,Physical Education
 Home Economics
 Practical Arts
 Character Education
Pinaninindigan ng PSLLF
Ang pagpapalawak sa paggamit
ng Filipino bilang wikang panturo
sa kolehiyo ay alinsunod sa
Artikulo XIV, Seksyon 3 ng 1987
Konstitusyon.
C: Kahalagahan ng Filipino Bilang Disiplina at Wika
ng Edukasyon at Komunikasyon sa Pilipinas
1. Ang Filipino ay DISIPLINA, ASIGNATURA, BUKOD NA LARANGAN NG PAG-AARAL at HINDI
WIKANG PANTURO LAMANG.
2. PARA MAGING EPEKTIBONG WIKANG PANTURO ANG FILIPINO, KAILANGANG ITURO AT
LINANGIN DIN ITO BILANG ASIGNATURA.
3. SA IBANG BANSA, MAY ESPASYO SA KURIKULUM ANG SARILING WIKA BILANG ASIGNATURA.
4. PINAG-AARALAN SA IBANG BANSA ANG FILIPINO AT MAY POTENSYAL ITONG MAGING ISANG
NANGUNGUNANG WIKANG GLOBAL KAYA’T DAPAT ITONG PAG-ARALAN SA PILIPINAS.
5. WIKANG FILIPINO ANG WIKA NG MAYORYA,NG MIDYA AT MGA KILUSANG PANLIPUNAN. ANG
WIKA AY DEMOKRATIKO NA MAHALAGA SA PAGBABAGONG PANLIPUNAN.
6. HINDI PINAUNLAD, NAPAUNLAD AT MAPAPAUNLAD NG PAGSANDIG SA WIKANG DAYUHAN
ANG EKONOMIYA NG BANSA.
7. MULTILINGGWALISMO ANG KASANAYANG AKMA SA SIGLO 21.
Gawain: Magsulat ng reaksyong papel ukol
sa dokumentaryo
Panoorin ang
dokumentaryong Sulong
Wikang Filipino: Edukasyong
Pilipino, Para Kanino?
Inihanda ni:

Gng. Leilanie T. Quilantang


Faculty

You might also like