Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 45

Fort Bonifacio Elementary School

DIAGNOSTIC TEST in
FILIPINO (Grade IV)
September 01,2023
A.Piliin ang titik ng tamang sagot.Isulat sa
sagutang papel

1. Ang A.  aso   B. bata  C.  kaarawan


D. simbahan ay pumapasok sa paaralan
araw-araw
2. Nagtimpla ng kape si Aling Aurora para
sa kanyang asawa. _____ ay isang
mapagmahal na kabiyak.
A. Ako   B.Sila C. Siya D. kami
3. _____ ka pupunta ?
A. Magkano B. Sino C. Saan D. Ano

4. ___ ang iyong pangarap sa buhay, matutupad


ito kung magsisikap ka.
A.Anuman     B.Saanman   
C.  Gaanuman  D. Kailanman 

5. Ang kanilang bahay ay _____.


A.  lalong maganda   B.  higit na maganda  
C.  mas maganda D.  maganda
          
6._______ ang kanyang damit kaysa sa akin
A.  maliit     B.  mas maliit
   C.  napakaliit  D.  ubod ng liit
7. Ang aking silid ang __ sa lahat ng kuwarto
sa bahay.
A.  maluwang   B. lalong maluwang
   C.  higit na maluwan D.pinakamaluwang
8. Bukas ____ ang  mag-anak pa-Maynila.
A.  luwas       B.  lumuwas            
C.  luluwas      D.  lumuluwas
9. Si Karen ay ____ ng damit kahapon.
A.  laba        B.  naglaba         
C.  maglaba        D.  Maglalaba

10. Ang pagong ay _____ maglakad.


A.  mabilis         B.  mabagal        
C.  malakas        D.  mahina
11. Ang mataba__ baboy ay alaga
ni Tina.  Anong pang-angkop
ang dapat ilagay sa patlang?
A. na    B.  ng     C. g D. at

12. Ang masipag __ ama ay


nakapagpatapos ng kanyang
tatlong anak sa kolehiyo.
A.  na     B.  ng     C.g D. at
13. Si Marife ay matalino _____ tamad
mag-aral.  Anong pangatnig ang
dapat ipuno sa patlang?
A.  kung   B.  dahil   C.  ngunit     
14. __ hindi uulan sa Sabado,
pupunta tayo sa tabing-dagat. A. 
Kung        B.  Ngunit           
C.  Upang       D.  Subalit
15. _____ ay matalik na magkaibigan,
  

Anong simuno ang naaangkop ipuno


sa patlang?
A.  Si Alice       B.  Virgie    
C.  Sina Alice at Virgie D.  Siya
16. Sa aking palagay, hindi maganda ang
panahon bukas. Ang pahayag ay
isang ______________.
A. katotohanan    B. opinyon
C.  kasabihan     D. sawikain
17. Anong pangungusap ang
gagamitin sa pagtatanong?
A. Ako ay magbabakasyon
sa Baguio.
B. Aray!  Napakasakit ng tiyan ko.
C. Saan ka pupunta?
D. Tumayo ka.
  18. Anong pangungusap ang
gagamitin mo sa pag-uutos?
A. Isara ang pinto.
B. Sino ang iyong guro?
C. Yehey!  Nanalo kami sa
paligsahan.
D. Pakiabot mo nga ang aklat na
nasa mesa.
    19. Sumakit ang kanyang ngipin
dahil sa sobrang pagkain ng
kendi. Alin ang sanhi?
A.Sumakit ang kanyang ngipin
B.dahil sa sobrang pagkain ng kendi
C.Sumakit ang kanyang ngipin dahil sa
sobra
D.Sumakit ang kanyang ngipin dahil sa
sobrang pagkain
20. Sapagkat nag-aral si Ben ng
  

kanyang leksiyon, nakapasa


siya sa pagsusulit.Alin ang bunga?
A.Nakapasa siya
B. Sapagkat nag-aral si Ben
C. Nakapasa siya sa pagsusulit
D. Sapagkat nag-aral si Ben ng
kanyang leksiyon
   21. Isulat ang pangalan ng iyong
paaralan. Alin dito ang tama?

A.fort Bonifacio elementary school


B.Fort Bonifacio Elementary School
C.Fort Bonifacio Elementary school
D.Fort Bonifacio Elementary school
22. Alin sa mga sumusunod ang wastong
gamit ng anunsiyo klasipikado?
A. dito mababasa ang pangunahing balita ng
pahayagan
B. dito mababasa ang opinyon ng
pahayagan
C. dito mababasa ang balita ukol
sa artista
D. dito maaaring makahanap ng trabaho
23. Alin sa sumusunod ang wastong
gamit ang pangulong-tudling?
A. dito mababasa ang pangunahing
balita ng pahayagan
B. dito mababasa ang opinyon ng
pahayagan
C. dito mababasa ang balita ukol sa
artista
D. dito maaaring makahanap ng
trabaho
24. Ano ang wastong gamit ng talahulugan?
A. dito makikita ang mga paksang taglay ng aklat
gayundin ang mga pahina kung saan makikita ito
B.ito ang pinakamahalagang bahagi ng aklat
sapagkat dito mababasa ang kabuuang nilalaman
C. dito nakatala at nakaayos nang paalpabeto ang
mahihirap na salitang ginamit sa aklat at ang
kahulugan ng mga ito
D. ito makikita sa likuran ng aklat at makikita ang
mga paksang tinalakay sa aklat na nakaayos ng
paalpabeto gayundin ang pahina kung saan-saan
matatagpuan ang mga ito
25. Ano ang wastong gamit ng Talaan ng Nilalaman?
A. dito makikita ang mga paksang taglay ng aklat
gayundin ang mga pahina kung saan makikita ito
B. ito ang pinakamahalagang bahagi ng aklat
sapagkat dito mababasa ang kabuuang
nilalaman nito
C. dito nakatala at nakaayos nang paalpabeto ang
mahihirap na salitang ginamit sa aklat at ang
kahulugan ng mga ito
D. ito makikita sa likuran ng aklat at makikita ang
mga paksang tinalakay sa aklat na nakaayos ng
paalpabeto gayundin ang pahina kung saan-saan
matatagpuan ang mga ito
  26. Anong pamatnubay ang
titignan sa diksyunaryo
upang mahanap ang salitang
barya?
A. grap-lider   
B. anod – dram
C. kalikasan- labuyo D.  pabula-
sektor
27. Anong salita ang makikita sa pagitan
ng pamatnubay na pormal-tradisyon?
A.santakrusan    B.  editor 
C.  lider             D.  ugat
28. Ang mga mag-aaral ay kasalukuyang
nag-aaral sa sariling tahanan. Ang
nag-aaral ay pandiwang nilapian, alin
ang salitang ugat ng nag-aaral?
A. nag-aral B. aral C. nag D. aaral
Basahin ang kuwento at sagutin ang bilang
29-35
“ANG MAGKAPATID”
Ni Sharon H. Manuel
Ang mag-asawang Mang Juan at Aling
Tasiang ay biniyayaan ng dalawang anak,
sina Aron at Sharlin. Masayang-masaya ang
mag-asawa sa pagdating ng dalawang bata sa
kanilang pamilya. 
Lahat ng pangangailangan ng dalawang
magkapatid ay sinisikap ibigay ng mag-
asawa.  Pinalaki nila nang puno ng
pagmamahal ang magkapatid.
Walang naging problema ang mag-asawa sa
pag-aalaga sa mga bata.  Subalit lumaking
parang aso’t pusa ang magkapatid. 
Madalas na nag-aaway ang magkapatid sa
maraming bagay laro na sa mga laruan at sa
gawaing-bahay.
Minsan, sa gitna ng pag-aaway ng
magkapatid, hindi naiwasan ni Aling Tasiang
ang magalit.  Pinagsabihan niya ang kanyang
mga anak.
“Aron, Sharlin,” pagsisimula ni Aling
Tasiang. 
Hindi maganda sa magkapatid ang nag-
aaway.  Dapat kayong dalawa’y laging
magmahalan, mag-unawaan at
magbigayan.  Paano na lamang kung wala
na kami ng tatay ninyo.  Walang ibang
magdadamayan kundi kayong dalawa
lamang,” ang sunod-sunod na paalala ni
Aling Tasiang.
Minsan, nagkasakit si Aling Tasiang. 
Nagkataon namang bumiyahe ang
kanilang ama upang maghatid ng mga
produktong gulay sa kabilang bayan. 
Hindi makapagtrabaho si Aling Tasiang
dahil nanghihina siya. 
Tinawag niya ang kanyang dalawang anak
upang sabihing magsaing at maglaga na
muna ng itlog upang sila’y makakain
habang wala pa ang kanilang ama.
“Ikaw na ang magluto,” sabi ni Aron kay
Sharlin.
“Bakit ako?” tanong naman ni Sharlin. 
“Bakit ako?” tanong naman ni Sharlin. 
“Di ba ikaw ang mas matanda dapat
ikaw ang gumawa,” patuloy na sumbat
ni Sharlin.
“Bahala ka! Kung hindi ka kikilos eh di
walang kakain!” paismid na sagot ni
Aron.
Dahil sa sobrang pagkadismaya sa dalawang anak,
tumayo si Aling Tasiang sa kanyang higaan upang
pumunta sa kusina.  Subalit sa kanyang pagtayo
bigla siya nahilo at walang anu-ano’y natumba.
Agad namang nilapitan ng magkapatid ang kanilang
ina upang tulungang makabangon.  Nagkatinginan
sila at agad na humingi na patawad sa kanilang ina.
Magmula noon hindi na nakitang nag-away ang
magkapatid.
Magkasundong-magkasundo sila
sa lahat ng bagay.  Hindi lamang
sa paglalaro kundi sa pagtulong
sa kanilang mga magulang.
29. Sino ang magkapatid sa kuwento?
A. Aron at Sharlin B. Ana at Maria     
  C.  Ara at Shara D. Ava at Shania

30. Saan naganap ang kuwento?


A. sa bahay ng mag- anak
B. sa simbahan          
C.  Sa palengke palengk
D.  sa paaralan
31. Bakit hindi makapagtrabaho si
Aling Tasiang?
A. dahil malakas siya
B. dahil tinatamad siya
C. dahil nanghihina siya
D. dahil may pupuntahan siya?
32. Paano natuto ng leksiyon ang magkapatid
A.sa pamamagitan ng pamamalo ng kanilang
nanay
B. sa pamamagitan ng pagmamalupit ng
kanilang magulang
C. sa pamamagitan ng pagbibigay ng
pabuya ng kanilang magulang
D. sa pamamgitan ng pangyayari sa
kanilang nanay nang minsan itong
magkasakit
33. Alin ang tamang pagkakasunud- sunod
ng mga pangyayari sa ibaba
I. Nagkasakit si Aling Tasiang
II. Magkasundong-magkasundo
na ang magkapatid.
III. Masaya ang mag-asawa sa
pagdating ng kanilang anak.
IV. Bumiyahe ang kanilang ama upang
maghatid ng gulay.
A.II-IV-I-III        
B.III-I-IV-II       
C.III-IV-I-II       
D.II-I-IV-III
34. Ano ang maaaring mangyari kung
hindi pa rin natuto ng leksiyon
ang magkapatid?
A. magiging masaya ang kanilang
mga magulang
B. magiging malungkot ang
kanilang magulang
C. magiging mabuti silang mga anak
D. magiging maunlad ang buhay nila
35. Alin sa mga sumusunod ang
sumusuportang detalye sa binasang
kuwento.
A. Si Aron at Sharlin ay magkaibigan.
B. Si Mang Juan at Aling Tasiang ay
magkapatid.
C. Si Aron at Sharlin ay magkapatid na
hindi magkasundo.
D. Si Mang Juan at Aling Tasiang ay
mag-asawa na hindi nagmamahalan.
  Basahin ang sumusunod na balita at
sagutin ang bilang 36-40.

MANILA – Nabuwal ang isang poste


ng ilaw sa center island ng Mindanao
Avenue Extension sa Quezon City
matapos mabangga ng isang truck,
Biyernes.
Ayon sa drayber na si Jerrymie Donayre,
nakaidlip siya habang nagmamaneho at
nagising na lamang siya ng bumangga ang
kaniyang minamanehong sasakyan sa poste.
“Hindi ko na napigil ang antok at pagod
dahil umaga pa ako nagsimulang
bumiyahe,” ani Donayre.
Galing Bulacan ang truck at pauwi na sa
upang gumarahe sa Antipolo nang
maganap ang insidente.
Bagamat self-accident ang nangyari,
mahaharap pa rin ang drayber sa kasong
reckless imprudence resulting in damage
to property dahil sa nasirang poste.
 
 

36. Bakit bumangga ang sasakyan?


A. dahil madulas ang daan
B. dahil madilim ang kalsada
C. dahil nakatulog ang drayber
D. dahil may iniwasang
tumatawid sa kalsada ang
drayber
 37. Ano ang angkop na pamagat o ulo
ng balita?
A. poste ng ilaw, nabuwal nang
banggain ng trak sa Quezon City
B. drayber nakatulog, nahulog ang
sasakyan sa bangin
C. sasakyan nabuwal, poste ng ilaw
bumangga
D. trak nawalan ng preno, bumangga
38. Naalarma ang mga residente
nang makita ang malakas na
tubig na umaagos o dumadaloy
sa bundok. Ano ang
kasingkahulugan ng salitang
umaagos mula sa pangungusap?
A.naalarma        B.dumadaloy       
C.  malakas        D.  tubig
  

39. Ang malinis na tubig sa batis


ay masarap inumin. Ano ang
kasalungat na kahulugan ng
malinis?
A. madumi B. mabaho
C. mabang D. sariwa   
  

40. Ang pag-ibig ay nagdudulot ng


kapayapaan at hindi kaguluhan.
Ano ang kasalungat ng
kapayapaan sa pangungusap?
A.Pag-ibig      B.nagdudulot
C.  kaguluhan     D.  kayamanan
  

Susi sa Pagwawasto

1. B 6. B 11. B 16. B
2. C 7. B 12. A 17. C
3. C 8. C 13. C 18. A
4. A 9. B 14. A 19. B
5. D 10. B 15. C 20. A
  

Susi sa Pagwawasto

21. B 26. B 31. C 36. C


22. D 27. A 32. D 37. B
23. A 28. B 33. C 38. B
14. C 29. A 34. B 39. A
25. A 30. A 35. C 40. C

You might also like