Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 16

Katangiang Pisikal ng

Asya
Ang Pisikal na Katangian ng Asya
Ang Asya ang pinakamalaking kontinente sa daigdig. Dahil sa
lawak ng sakop nito, hindi magkakahalintulad ang uri ng
topograpiya, klima at vegetation cover na mayroon ang mga bansa
dito. Bunsod nito ay magkakaiba rin ang pamamaraan ng
pamumuhay at kultura ng mga taong naninirahan sa Asya. Upang
lubos nating maunawaan ang katangiang pisikal ng Asya ay
kailangan nating malaman ang heograpiya nito. Ang salitang
heograpiya ay nagmula sa salitang Griyego na “geo” na ang ibig
sabihin ay “mundo” at “graphien” na ang ibig sabihin ay
“paglalarawan o pagsulat”. Samakatuwid, ang heograpiya ay ang
pag-aaral sa katangiang pisikal ng mundo, topograpiya, klima,
pinagkukunang yaman at maging ang gawi ng tao sa mundo.
Ang Asya ay may kabuoang sukat na humigit
kumulang 44,486,104 kilometro kuwadrado.
Tinatayang sangkatlong bahagi o 1/3 ng kabuuang
lupain ng daigdig ang sukat ng Asya. Napapalibutan
ito ng Arctic Ocean sa Hilaga, Pacific Ocean sa
Silangan, Timor Sea sa Timog- Silangan, Indian
Ocean sa Timog, ang Red Sea, Black Sea, Caspian
Sea at Caucasus Mountains sa Kanluran at Ural
Mountains sa Hilagang Kanluran.
Paghahating Heograpiko ng Asya

Ang pagkakahati ng Asya sa limang rehiyon ay batay sa aspetong


pisikal, kultural at historikal. Sa pisikal na aspeto ay tinitignan
kung saan ang kinaroroonan ng isang bansa o ang lokasyon nito.
Samantalang sa usaping kultural at historikal naman ay tinitignan
dito ang magkakaugnay o pagkakaparehong kasaysayan
opinagmulan, paniniwala at ang uri ng pamumuhay ng mga tao.
Ang mga rehiyon na ito ay ang Hilagang Asya, Kanlurang Asya,
Silangang Asya, Timog Asya at Timog-Silangang Asya.
Ang Hilagang Asya ay binubuo ng mga bansang dating Soviet
Central Asia at kilala rin sa katawagang Central Asia at Inner
Asia. Sa Kanlurang Asya naman matatagpuan ang hangganan ng
mga kontinenteng Aprika, Asya at Europa. Ang Timog Asya
naman ay binubuo ng mga bansa sa timog ng Himalayas. Ang
Silangang Asya naman ang halos bumubuo ng 28% ng kontinente
ng Asya. Samantalang ang Timog-Silangang Asya ay minsang
binansagang Farther India at Little China dahil sa impluwensya
ng nasabing kabihasnan sa kultura nito. Ang rehiyong ito ay
nahahati sa dalawang subregions- ang Mainland Southeast Asia
at Insular Southeast Asia .
Hilagang Asya
• Hilagang Asya Kabisera

• Kazakhstan Astana
• Kyrgyzstan Bishkek
• Tajikistan
Dushanbe
• Turkmenistan Ashgabat
• Uzbekistan Tashkent
Silangang Asya
Silangang Asya Kabisera
China Beijing
Japan Tokyo
Mongolia Ulaan Batar
North Korea Pyongyang
South Korea Seoul
Taiwan Taipei
Timog Asya
Timog Asya Kabisera
Bangladesh Dhaka
Bhutan Thimpu
India New Delhi
Maldives Male
Nepal Kathmandu
Pakistan Istanbul
Sri Lanka Colombo
Timog- Silangang Asya
Timog-Silangang Asya Kabisera
Brunei Darussalam Bandar Seri Begawan
Cambodia Phnom Penh
Indonesia Jakarta
Laos Vientiane
Malaysia Kuala Lumpur
Myanmar Naypyidaw
Pilipinas Manila
Singapore Singapore
Thailand Bangkok
Timor-Leste Dili
Vietnam Hanoi
Kanlurang Asya
Kanlurang Asya Kabisera
Afghanistan Kabul
Kuwait Kuwait
Armenia Yerevan
Lebanon Beirut
Azerbaijan Baku
Oman Muscat
Bahrain Manama
Qatar Doha
Cyprus Nicosia
Saudi Arabia Riyadh
Georgia Tiblisi Syria Damascus
Iran Tehran Turkey Ankara
Iraq Baghdad United Arab Emirates Abu
Dhabi
Israel Jerusalem Jordan Amman

You might also like