Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 28

IBA’T IBANG MGA

MATATALINHAGANG
PAHAYAG
Ano nga ba ang ibig sabihin ng matatalinhagang
salita?
flower

- Ito ay mga pahayag na di tuwiran o di literal ang


kahulugang taglay at sa halip ay may nakakubling mas
malalim na kahulugan. Karaniwang ginagamit ang
matatalinghagang pananalita sa panitikan lalong- lalo
na sa panulaan sapagkat isa rin ito sa mga itinuturing
na element ng tula.
HALIMBAWA NG
MATATALINHAGANG MAAARING KAHULUGAN
NAGAGAMIT PA DIN NGAYON:
flower
Naghihingalo
Agaw- buhay Taong dukha/ mahirap
Anak- pawis Walang pera o mahirap
Butas ang bulsa Makapal, di agad tinatablan ng
Balat- kalabaw hiya
Bantay- salakay Mapagsamantala
IDYOMA
flower
-Ito ay pahayag na di- tuwiran ang
kahulugan.
-Ito ay naiiba sa literal na kahulugan.
-Karaniwang hinahango ang kahulugan
nito sa karansan ng tao gaya ng mga
pangyayari sa buhay o mga bagay sa ating
paligid.
Halimbawa:
flower

KAHULUGAN
1. Butas ang bulsa Walang pera
2. Kapilas ng buhay Asawa
3. Halang ang bituka Matapang, mamamatay
tao
4. Butas ang kamay Magastos
5. Alog na ang baba Matanda na
SALAWIKAIN
flower
- Ito ay mga maiiksing pangungusap na
lubhang makahulugan at naglalayong mag
bigay patnubay sa ating pang- araw- araw
na pamumuhay. Naglalaman ito ng mga
karunungan.
Halimbawa:
flower
Pagkahaba- haba man ng prosisyon, sa
simbahan din ang tuloy.

KAHULUGAN:
Sa tinagal- tagal ng samahan ng
magkasintahan, sa bandang huli ay
humahantong din ito sa kasalan.
Halimbawa:
flower
> Ang taong nagigipit, sa patalim man ay
kumakapit.

KAHULUGAN:
Ang taong nagigipit kung minsan ay
napipilitang gumawa ng mapangahas na bagay
na maaaring maging dahilan upang lalo
lamang siyang magipit o mapahamak.
TAYUTAY
flower
- Tayutay o figure of speech ay isang
pampanitikang paraan ng pagpapahayag na
ginagamitan ng mga salitang labas sa
patitik na kahulugan upang maging
marikit, maharaya at makasining ang
pagpapahayag.
1.PAGTUTULAD o SIMILE
-Isang uri ng paghahambing ng dalawang bagay
flowerna ginagamitan ng mga salitang panulad tulad ng
parang, kagaya ng, kayangis ng, animo, wari, tila,
kasing, magsing, mistula, - at iba pa.

HALIMBAWA:
 Magkasing ganda si Ana at Belle.
 Parang kamatis ang kinis ng kutis ni Maria.
2. PAGWAWANGIS o METAPHOR
-Isang tuwirang paghahambing na ang dalawang
flowerbagay na pinagtutulad ay ipinapalagay nang iisa o
nagkakaisa at ipinapahayag ito sa pamamagitan
ng
paglalapat ng pangalan, tawag, katangian, o
gawain ng isang bagay sa bagay na
inihahambing.
HALIMBAWA:
 Si Pia ay isang Anghel.
 Ang ama ang haligi ng tahanan.
3. PAGBIBIGAY- KATAUHAN o
PERSONIFICATION
flower-pagsasalin o pagbibigay katangian ng tao sa mga
bagay.
HALIMBAWA:
 Lumuluha ang langit ng masawi ang kanyang ina.
 Sumasayaw ang alon sa karagatan.
4. PAGMAMALABIS o HYPERBOLE
- Masidhing kalabisan o kakulangan ng isang tao,
flowerbagay, pangyayari, kaisipan, damdamin at iba pang
katangian, kalagayan o katayuan ang ipinapakita dito..
HALIMBAWA:
 Handa akong kunin ang buwan at bituin
mapasagot lang kita.
 Abot langit ang pagmamahal ko sa kanya.
5. PAGPAPALIT- TAWAG o METONYMY
-paggamit ng ibang katawagan na may kaugnayan sa
flowerisang tao o bagay.

HALIMBAWA:
 Siya’y ulirang ilaw ng tahanan.
 Dapat nating igalang ang mga puting buhok.
6. PAGPAPALIT- SAKLAW o SYNECDOCHE
-ito ay pagbabanggit sa bahagi ng isang bagay o ideya
flowerbilang pagtukoy sa kabuuan.

HALIMBAWA:
 Nang dahil sa sampungmga kamay natapos ng
mabilis ang aming gawain.
 Hingiin mo ang kanyang kamay.
7. PAGHIHIMIG o ONOMATOPOEIA
-ito ay paggamit ng salita kung saan ang tunog o himig
floweray nagagawang maihatid ang kahulugan nito.

HALIMBAWA:
 Ang twit- twit ng ibon ay kaysarap sa tenga.
 Ang tiktak ng relo ay tila nagsasabing ikaw ay
parating na.
8. PAGTANGGI o LITOTES
-Ginagamitan ng mga salitang hindi, wala o huwag na
flowersa unang tingin ay pagtutol o pagsalungat ngunit ito ay
pagkunwari lamang.
HALIMBAWA:
 Hindi ko sinasabing ayaw ko sa kanya pero
suklam na suklam ako sa kanya.
 Hindi siya ang paborito kong kasama.
9. TANONG RETORIKAL o RHETORICAL
QUESTION
flower-isang pahayag na anyong patanong na hindi naman
nangangailangan ng sagot.

HALIMBAWA:
 Lumilipad ba ang mga baboy?
 Nasaan ang tunay na pag- ibig?
10. PAGTAWAG o APOSTROPHE
- Isang panawagan o paki- usap sa isang bagay na tila
flowerito ay isang tao.

HALIMBAWA:
 Pag- asa nasaan ka na?
 Suwerte, dumapo ka sa akin at ako’y payamanin.
11. ALITERASYON o ALLITERATION
- Pag- uulit ng tunog- katinig sa unahan o inisyaol na
flowerbahagi ng salita.

HALIMBAWA:
 Ang kakayahang gumawa ng katanungan ay
magkakaroon din ng kasagutan.
 Mababakas sa mukha ng isang mabuting
mamamayan ang marubdob niyang pagtanggi sa
mahal niyang bayan.
12. ASONANS o ASSONANCE
- Pag- uulit naman ito ng mga tunog pantig sa alinmang
flowerbahagi ng salita.

HALIMBAWA:
 Isang paraan ang pagtanggap ng mensahe sa
pamamagitan ng ating pandinig.
 Nakakapagpalawak ng kaalaman at karunungan
ang karansan.
13. KONSONANS o CONSONANCE
-Katulad ng aliterasyon, pag uulit ito ng mga katinig,
flowerngunit sa bahaging pinal naman.( kahapon at ngayon/
tunay na buhay/ ulan sa bubungan).
HALIMBAWA:
 Ang aking pagmamahal kay Rosalie ay lalong
tumatag habang tumatagal.
 Ang halimuyak ng bulaklak ay mabuting gamot sa
isang pusong wasak.
14. PAGTATAMBIS o OXYMORON
-Paghahalo ng dalawang salitang magkasalungat na
flowernagiging katanggap- tanggap sa nakaririnig o
nakababasa.
HALIMBAWA:
 Nakakabinging katahimikan ang kanyang
nadama.
15. PAGLUMANAY o EUPHENISM
- Ito ang pagpapalit ng salitang mas maganda
flower pakinggan kaysa masyadong matalim, bulgar o
bastos.

HALIMBAWA:
 Ako’y tinatawag ng kalikasan.
 Ang pamilya ni Rosana ay kapos sa buhay.
flower

MARAMINGSALAMAT!

You might also like