Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 55

ARALING

PANLIPUNAN
IKAAPAT NA MARKAHAN
BAITANG 7

Ang unang Yugto ng Kolonyalismo at


Imperyalismo sa Asya

1
MGA PINAKAMAHALAGANG
KASANAYANG PAMPAGKATUTO
 Nasusuri ang mga dahilan, paraan at epekto
ng kolonyalismo at imperyalismo ng
mga Kanluranin sa unang yugto (ika-16 at ika-17
siglo pagdating nila sa Silangan
at Timog-Silangang Asya.

2
ARALIN BLG. 1: KOLONYALISMO AT IMPERYALISMO SA
SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA

3
Nagtungo ako sa Pilipinas upang bisitahin ang iba’t ibang lugar at lansangan dito. Una kong
pinuntahan ang daan na makikita sa silangan ng Athletic Bowl at sa kanluran ng Session
Road. Malapit ito sa Governor Pack Road. Ito ay ang (1)____________________.
Pagkatapos nito ay nagtungo ako sa Maynila upang magpunta sa isang ospital. Napansin
ko ang isang daan na ipinangalan sa isang bansa sa Europa. Makikita ang daan na ito sa
kanluran ng ospital na aking pinuntahan. Nasa hilagang bahagi nito ang isang sikat na
fastfood chain. Ang pangalan ng daan na ito ay (2)____________________. Mula sa ospital
ay nagtungo ako sa isang pharmacy upang bumili ng gamot. Dumaan ako sa isang
mahabang lansangan na makikita sa hilaga ng EDSA. Ito ay ang (3)
______________________. Ayon sa aking mga kaibigan ay masarap ang mga prutas dito
sa Pilipinas kaya’t nagtungo ako sa Marfori Fruit Market. Upang makarating dito, dumaan
ako sa (4) __________________ na makikita sa silangan ng Marfori Fruit Market at Timog
ng A. Pichon St. Upang makapaglibang naman ay naglaro ako ng basketball sa Bacag
Basketball Court na kalapit naman ng Bacag Elementary School. Makikita sa pagitan ng
dalawang nabanggit na lugar ang (5)_____________. Huli kong pinuntahan ang ferry station
sa Maynila upang makita ang kasalukuyang kalagayan ng ilog Pasig. Ang nasabing ferry
station ay bumabagtas mula sa Pasig hanggang sa (6)____________. Makikita ito sa Hilaga
ng Quezon Boulevard at Timog-Silangang bahagi ng McArthur Monument

4
Gawain 1. Hanapin Mo Ako, Kung Kaya Mo!
Basahin ang kuwento ng isang turista na nagtungo sa Pilipinas. Tukuyin ang mga lugar na kaniyang pinuntahan gamit
ang sumusunod na mapa

Nagtungo ako sa Pilipinas


upang bisitahin ang iba’t ibang
lugar at lansangan dito. Una
kong pinuntahan ang daan na
makikita sa silangan ng Athletic
Bowl at sa kanluran ng Session
Road. Malapit ito sa Governor
Pack Road. Ito ay ang
(1)____________________.

5
Gawain 1. Hanapin Mo Ako, Kung Kaya Mo!
Basahin ang kuwento ng isang turista na nagtungo sa Pilipinas. Tukuyin ang mga lugar na kaniyang pinuntahan gamit
ang sumusunod na mapa

Pagkatapos nito ay nagtungo ako


sa Maynila upang magpunta sa
isang ospital. Napansin ko ang
isang daan na ipinangalan sa
isang bansa sa Europa. Makikita
ang daan na ito sa kanluran ng
ospital na aking pinuntahan.
Nasa hilagang bahagi nito ang
isang sikat na fastfood chain.
Ang pangalan ng daan na ito ay
(2)____________________.

6
Gawain 1. Hanapin Mo Ako, Kung Kaya Mo!
Basahin ang kuwento ng isang turista na nagtungo sa Pilipinas. Tukuyin ang mga lugar na kaniyang pinuntahan gamit
ang sumusunod na mapa

Mula sa ospital ay nagtungo


ako sa isang pharmacy
upang bumili ng gamot.
Dumaan ako sa isang
mahabang lansangan na
makikita sa hilaga ng EDSA.
Ito ay ang (3)___________.
______________________.

7
Gawain 1. Hanapin Mo Ako, Kung Kaya Mo!
Basahin ang kuwento ng isang turista na nagtungo sa Pilipinas. Tukuyin ang mga lugar na kaniyang pinuntahan gamit
ang sumusunod na mapa

Ayon sa aking mga kaibigan


ay masarap ang mga prutas
dito sa Pilipinas kaya’t
nagtungo ako sa Marfori Fruit
Market. Upang makarating
dito, dumaan ako sa
(4)____________ na makikita
sa silangan ng Marfori Fruit
Market at Timog ng A. Pichon
St.
8
Gawain 1. Hanapin Mo Ako, Kung Kaya Mo!
Basahin ang kuwento ng isang turista na nagtungo sa Pilipinas. Tukuyin ang mga lugar na kaniyang pinuntahan gamit
ang sumusunod na mapa

Upang makapaglibang naman


ay naglaro ako ng basketball
sa Bacag Basketball Court na
kalapit naman ng Bacag
Elementary School. Makikita
sa pagitan ng dalawang
nabanggit na lugar ang
(5)_____________.

9
Gawain 1. Hanapin Mo Ako, Kung Kaya Mo!
Basahin ang kuwento ng isang turista na nagtungo sa Pilipinas. Tukuyin ang mga lugar na kaniyang pinuntahan gamit
ang sumusunod na mapa

Huli kong pinuntahan ang ferry


station sa Maynila upang makita
ang kasalukuyang kalagayan ng
ilog Pasig. Ang nasabing ferry
station ay bumabagtas mula sa
Pasig hanggang sa
(6)____________. Makikita ito sa
Hilaga ng Quezon Boulevard at
Timog-Silangang bahagi ng
McArthur Monument

10
Pamprosesong Tanong:
1. Ano ano ang pangalan ng
mga daan at lugar na
pinuntahan ng turista?
2. Sila ba ay mga Pilipino o
banyaga? Patunayan.
3. Ano ang ginawa ng mga
nabanggit na dayuhan nang
sila ay nagpunta sa Pilipinas?
Ipaliwanag.
11
Gawain 2. Map Analysis – Unang
Yugto
Panuto:. Gamit ang mapa, tukuyin mo ang mga bansa sa Silangan at Timog Silangang Asya na nasakop ng mga Kanluranin sa pamamagitan ng
paglalagay ng mga flaglets sa mga nasakop na bansa.

12
Gawain 2. Map Analysis – Unang
Yugto
Panuto:. Gamit ang mapa, tukuyin mo ang mga bansa sa Silangan at Timog Silangang Asya na nasakop ng mga Kanluranin sa pamamagitan ng
paglalagay ng mga flaglets sa mga nasakop na bansa.

PORTUGAL

13
Gawain 2. Map Analysis – Unang
Yugto
Panuto:. Gamit ang mapa, tukuyin mo ang mga bansa sa Silangan at Timog Silangang Asya na nasakop ng mga Kanluranin sa pamamagitan ng
paglalagay ng mga flaglets sa mga nasakop na bansa.

PORTUGAL

SPAIN

14
Gawain 2. Map Analysis – Unang
Yugto
Panuto:. Gamit ang mapa, tukuyin mo ang mga bansa sa Silangan at Timog Silangang Asya na nasakop ng mga Kanluranin sa pamamagitan ng
paglalagay ng mga flaglets sa mga nasakop na bansa.

PORTUGAL

SPAIN

NETHERLANDS

GREAT BRITAIN PORTUGAL


15
Gawain 2. Map Analysis – Unang
Yugto
Panuto:. Gamit ang mapa, tukuyin mo ang mga bansa sa Silangan at Timog Silangang Asya na nasakop ng mga Kanluranin sa pamamagitan ng
paglalagay ng mga flaglets sa mga nasakop na bansa.

PORTUGAL

SPAIN

NETHERLANDS

GREAT BRITAIN PORTUGAL NETHERLANDS


GREAT BRITAIN PORTUGAL
16
Pamprosesong Tanong
Sagutin ang sumusunod na tanong:
1. Ano-ano ang mga bansang nanakop sa Silangan at Timog
Silangang Asya noong Unang Yugto ng Imperyalismong
Kanluranin?
2. Kailan ito naganap?
3. Bakit sinakop ng mga Kanluranin ang mga bansa sa Silangan at
Timog-Silangang Asya?
3. Batay sa mapa, ano ang kapakinabangan na makukuha ng mga
mananakop sa mga nasakop na lupain?

17
Natukoy mo sa nakaraang gawain ang mga lupain na
sinakop ng mga Kanluranin noong Unang Yugto ng
Imperyalismong Kanluranin. Nagbigay rin ito sa iyo ng
paunang kaalaman sa mga dahilan ng kung bakit ito
sinakop ng mga Kanluranin. Upang mas mapalawak pa
ang iyong kaalaman at pag-unawa tungkol sa mga
dahilan at iba’t ibang paraan ng pananakop ng mga
Kanluranin sa Silangan at Timog Silangang Asya,
basahin at unawain mo ang sumusunod na teksto.

18
► Isa ang bansang Portugal sa mga
kanluraning bansa na naghangad
na magkaroon ng kolonya sa
Silangang Asya partikular sa
China.
► Nakuha ng Portugal ang mga
daungan ng Macau sa China at
Formosa (Taiwan).
► Ninais ng mga Portuges na
sakupin ang mga daungan dahil sa
pagnanais na makontrol ang
kalakalan ngunit hindi nagtagal ay
nilisan din ng Portugal ang mga
nabanggit na himpilan. 
Unang Yugto ng Kolonyalismo at Imperyalismo sa Asya (ika-16 at ika-17 siglo)

20
Araling Panlipunan 7
4th Quarter
Week 1-2

Unang Yugto ng Kolonyalismo


at Imperyalismo sa Silangan
at Timog-Silangang Asya
(ika-16 at ika-17 siglo)
► Napasailalim sa pananakop
ng mga kanluranin ang ilan
sa mga lupain at bansa sa
Silangan at Timog-Silangang
Asya sa unang yugto ng
imperyalismo (ika 16- at ika
17 siglo).
► Ang rehiyon ng Silangan at
Timog-Silangang Asya ay
mga rehiyon na lubusang
naapektuhan ng pananakop.
► Habang ang iba ay sinakop
ang buong bansa, ang iba
naman ay sinakop lamang
ang mga piling bahagi nito.
Silangang Asya
► Sa loob ng mahabang panahon ay
mayroon nang ugnayang
pangkalalan ang Silangang Asya at
mga bansang kanluranin.
► Bunga ng pakikipagkalakalang ito,
nabatid ng mga kanluranin ang
karangyaan at kasaganaan ng mga
bansa sa Asya partikular ang
rehiyon ng Silangang Asya.
► Hindi gaanong naapektuhan ang
Silangang Asya ng unang yugto ng
imperyalismong kanluranin dahil sa
matatag na pamahalaan ng mga
bansa dito.
Timog-Silangang Asya
► Ang mga lupain sa Timog-
Silangang Asya ay hindi rin
nakaligtas sa imperyalismo ng
mga Kanluranin sanhi ng
estratehikong lokasyon ng mga ito
patungong China.
► Nakita nila ang kahalagahan ng
mga kolonyang ito na
pinagmumulan ng mga
agrikulturang tropikal, mineral,
langis, at mga pampalasa o spices.
►Nauna ang mga
bansang Portugal at
Spain sa pananakop ng
mga lupain.
►Hindi nagtagal ay
sumunod din ang mga
bansang Netherlands,
Great Britain at France. 
PANGKATANG GAWAIN

Talakayin ang nilalaman ng teksto ukol sa pananakop sa Pilipinas,


Indonesia at Malaysia

Pangkat 1- PILIPINAS
❖ Nakasakop, Mga lugar nasakop, Paraan ng pananakop
❖ Mga ipinatupad na patakaran

Pangkat 2- INDONESIA
❖ Nakasakop, Mga lugar nasakop, Paraan ng pananakop
❖ Mga ipinatupad na patakaran

Pangkat 3- MALAYSIA
❖ Nakasakop, Mga lugar nasakop, Paraan ng pananakop
❖ Mga ipinatupad na patakaran

26
►Pamprosesong Tanong:
►1. Ano-ano ang Kanluraning bansa na sumakop sa mga lupain ng
PILIPINAS, INDONESIA, MALAYSIA?
►2. Bakit sinakop ng mga Kanluranin ang PILIPINAS, INDONESIA,
MALAYSIA?
►3. Magkakatulad ba ang pamamaraang ginamit ng mga Kanluranin
sa pananakop sa PILIPINAS, INDONESIA, MALAYSIA? Bakit?
► 4. Ano ang naging reaksiyon ng PILIPINAS, INDONESIA,
MALAYSIA sa pananakop ng mga Kanluranin?
►5. Ano ang naging epekto ng mga patakaran na ipinatupad ng mga
Kanluranin sa pamumuhay ng PILIPINAS, INDONESIA, MALAYSIA?
Mga Bansa sa
Timog-Silangang
Asya na Sinakop
noong Unang
Yugto ng
Imperyalismong
Kanluranin.
PILIPINAS
► Ang Pilipinas ay tuwirang
pinamahalaan ng mga Kastila sa
unang yugto ng kolonyalismo at
imperyalismo sa Timog-Silangang
Asya.
► Nasakop ng mga ito ang halos
kabuuan ng Luzon at Visayas at
ilang bahagi lamang ng Mindanao
dahil sa matagumpay na
pakikipaglaban ng mga Muslim
dito.
► Ninais ng mga Kastila na sakupin
ang kapuluan dahil sa taglay
nitong yaman sa ginto at may
mahusay na daungan tulad ng
Maynila.
►Unang dumaong sa isla ng Homonhon ang mga
Kastila sa pamumuno ni Ferdinand Magellan,
isang Portuges na naglayag para sa Hari ng
Spain noong Marso 16, 1521. Nabigo niyang
masakop ang Pilipinas dahil napatay siya ng
mga tauhan ni Lapu Lapu sa labanan sa Mactan.
►Tanging ang paglalakbay na pinamunuan ni
Miguel Lopez de Legazpi ang nagtagumpay na
masakop ang bansa.
►Itinayo ang unang pamayanang Kastila sa Cebu
noong Abril 27, 1565 at mula dito ay sinakop din
ang iba pang lupain tulad ng Panay at Maynila.
► Unang dumaong sa isla ng Homonhon ang mga Kastila
sa pamumuno ni Ferdinand Magellan, isang Portuges na
naglayag para sa Hari ng Spain noong Marso 16, 1521.
Nabigo niyang masakop ang Pilipinas dahil napatay siya
ng mga tauhan ni Lapu Lapu sa labanan sa Mactan.
► Tanging ang paglalakbay na pinamunuan ni Miguel
Lopez de Legazpi ang nagtagumpay na masakop ang
bansa.
► Itinayo ang unang pamayanang Kastila sa Cebu noong
Abril 27, 1565 at mula dito ay sinakop din ang iba pang
lupain tulad ng Panay at Maynila.
► Iba-iba ang mga paraan ng
mga Kastila sa pananakop. Isa
rito ay ang pakikipagkaibigan
sa mga lokal na pinuno na
pormal nilang ginagawa sa
pamamagitan ng sanduguan.
► Iniinom ng lokal at pinunong
Kastila ang alak na hinaluan
ng kani-kanilang dugo.
► Sa ibang lugar naman ay
ginagamitan nila ng puwersa
o dahas upang masakop ang
mga lupain.
►Nakatulong din sa pananakop
ng Spain ang pangangaral ng
mga misyonero upang
palaganapin ang Kristiyanismo.
►Niyakap ng mga katutubo ang
pananampalatayang ito.
►Ipinapatay ang mga pinuno ng
katutubong relihiyon.
►Dahil dito, maraming katutubo
ang naging Kristiyano at mas
madali silang napasunod ng
mga Kastila.
► Natuto ang mga katutubo ng
wikang Kastila.
► Idinaos din ang mga taunang
pagdiriwang tulad ng piyesta ng
bayan, Santacruzan, Araw ng
mga Patay, Pasko at iba pa.
► Kadalasan, ang mga pagdiriwang
ay may kaugnay sa Kristiyanismo.
► Lalong nagpakulay sa kultura ng
mga katutubo ang mga
nabanggit na pagdiriwang.
► Inorganisa ng mga Kastila ang pamahalaan sa ilalim ng
pamumuno ng gobernador-heneral, bilang kinatawan
ng Hari ng Spain sa Pilipinas.
► Siya ang pinakamataas na pinunong Kastila sa
Pilipinas.
► Nawala sa kamay ng mga katutubo ang karapatang
pamunuan ang kanilang sariling lupain. Pinayagan
silang maglingkod sa pamahalaan subalit sa
pinakamababang posisyon.
► Dahil sa impluwensiya sa taong bayan, naging
makapangyarihan din ang mga paring Kastila at kura
Pamahalaang Sentralisado noong
Panahon ng Kastila
Gobernador - Heneral ► Gobernador- Heneral - itinalaga ng hari ng
(Gobernador at Kapitan Heneral) Espanya bilang kaniyang kinatawan sa Pilipinas.
► Gobernadorcillo – namumuno sa pueblo o bayan.
Siya ang nangangasiwa sa suweldo ng pulis,
pagkain ng bilanggo, at pagpapanatili ng mga
Ayuntamiento imprastraktura. Siya ang tagapaghanda para sa
Corregimiento Alcadia
(Corregidores) (Alcalde Mayor)
(Cabildo o rehistro ng mamamayan, nangangalap ng
Alcalde) kalalakihan sa polo, hukom sa kasong sibil at
tagapamahala ng koreo ng bayan.
a. Cabildo – namumuno sa ayuntamiento o
Pueblo
(Gobernadorcillo) konseho ng bayan
b. Corregidor – namumuno sa corregimiento o
Barangay
pamahalaang panlalawigan
∙ Alcalde Mayor – namumuno sa alcaldia
(Cabezza de Barangay) ∙ Cabeza de barangay – namumuno sa barangay
Mga Patakarang
Pangkabuhayang
Ipinatupad sa
Pilipinas
Reduccion
► Ito ay tumutukoy sa lugar na kung
saan inilagay ang mga katutubo ng
bansang sinakop ng Espanya.
► Ang itsura nito ay ipinaris sa mga
bayan ng Spain.
► Isinagawa ito ng mga mananakop
upang mapadali ang sistema ng
pagpili ng alipin o utusan na
kakailanganin, at ikalat ang
Kristiyanismo upang kuhanan ng
buwis at alay na salapi.
Polo y Servicio
►Sa ilalim ng patakarang ito ay
sapilitang pinagtatrabaho ang
mga kalalakihang edad 16
hanggang 60.
►Pinaggawa sila ng tulay,
kalsada, simbahan, gusaling
pampamahalaan, atbp.
►Marami sa kanila ang
nahiwalay sa pamilya at
namatay sa hirap.
Tributo
►Sa patakarang ito, pinagbabayad ng
buwis ng mga Espanyol ang mga
katutubo.
►Ilan sa maaaring ipambayad ay ginto,
mga produkto at mga ari-arian.
►Dahil sa pang- aabuso sa
pangongolekta, maraming katutubo
ang naghirap at nawalan ng
kabuhayan.
Monopolyo
► Kinokontrol ng mga Espanyol ang kalakalan.
Hinawakan nila ang pagbebenta ng mga
produktong nabili sa Europe tulad ng
tabako.
► Kumita sila ng malaki sa Kalakalang Galyon.
► Maraming pamilya ang nagutom dahil sa
hindi sila nakapagtanim ng kanilang
makakain.
► May ilang pamilyang Pilipino ang kumita sa
Kalakalang Galyon. Sila ang tinatawag na
Ilustrado.
INDONESIA
► Inagaw ng Netherlands (Dutch) ang Malacca mula sa Portugal at nilupig ang Java.
► Unti-unti naman nitong pinalawak ang sakop sa Sumatra, ilang bahagi ng Borneo,
Celebes, Moluccas at Bali.
► Bunsod ng pagkakatuklas ng mga ito sa lupain na mayaman sa pampalasa, langis, tin, at
taniman ng puno ng goma, at maayos na daungan, tuluyang sinakop ng mga ito ang
kabuuang kapuluan ng Indonesia na tinawag nilang Dutch East Indies.
► Dahil sa paghahangad sa mga
pampalasa, narating ng Portugal
ang Ternate sa Moluccas
(tinatawag ding Maluku o kilala rin
bilang Spice Island) noong 1511.
► Nagtayo sila ng himpilan ng
kalakalan dito at nagsimulang
palaganapin ang relihiyong
Kristiyanismo.
► Pinaalis ng mga Dutch ang mga
Portuges noong 1655 at sinakop
ang mga isla ng Amboina at Tidore
sa Moluccas gamit ang mas
malakas na puwersang pandigma.
► Upang mapanatili ang kanilang
kapangyarihan, nakipag-
alyansa ang mga Dutch sa mga
lokal na pinuno ng Indonesia.
► Gumamit din sila ng divide and
rule policy upang mapasunod
at masakop ang mga nabanggit
na isla.
► Ang divide and rule policy ay
isang paraan ng pananakop na
kung saan ay pinag-aaway-
away ng mananakop ang mga
lokal na pinuno o mga
naninirahan sa isang lugar.
► Ginagamit din ng mga mananakop ang isang tribo upang
masakop ang ibang tribo. Sa patakarang ito, nagkaroon ng
monopolyo sa kalakalan ng mga pampalasa ang mga Dutch.
► Lalo pang napatatag ng Netherlands ang monopolyo nang
itatag ang Dutch East India Company na naglalayong pag-
isahin ang mga kompanya na nagpapadala ng paglalayag sa
Asya.
► Pinahintulutan ang kompanyang ito na magkaroon sila ng
sariling hukbo na magtatanggol laban sa mga pirata,
magtayo ng daungan sa mga lupaing nasasakop at
makipagkasundo sa mga lokal na pinuno ng mga bansa sa
Asya.
► Bunga nito, nakontrol ng Dutch East India Company ang
spice trade sa Timog-Silangang Asya na nagpayaman sa
bansang Netherlands.
► Hindi tulad ng mga ibang bansa,
sinakop lamang ng mga Dutch ang
mga sentro ng kalakalan sa rehiyon.
► Bunga nito, pangunahing
naapektuhan ang kabuhayan ng
mga katutubong Indones.
► Lumiit ang kanilang kita at marami
ang naghirap dahil hindi na sila ang
direktang nakipagkalakalan sa mga
dayuhan.
► Sa kabila ng pagkontrol sa kanilang
kabuhayan, hindi naman lubusang
naimpluwensiyahan ng mga Dutch
ang kultura ng mga Indones.
MALAYSIA
►Ang mga bansang
Portugal, Netherlands, at
Great Britain ay mga
bansang sumakop sa
Malaysia sa unang yugto
ng imperyalismong
kanluranin.
►Pangunahing layunin din
ng mga bansang ito ang
pagkontrol sa mga sentro
ng kalakalan.
►Bukod sa kalakalan,
sinubukan din ng mga
Portuges na palaganapin
ang Kristiyanismo sa mga
daungan na kanilang
nasakop subalit hindi sila
nagtagumpay dahil sa
malakas na impluwensiya
ng Islam sa rehiyon.
► Samantala, hindi gaanong
naimpluwensiyahan ng
mga bansang Netherlands
at Great Britain ang kultura
ng Malaysia.
► Maraming katutubo ang
naghirap dahil sa
pagkontrol ng mga
nabanggit na bansa sa mga
sentro ng kalakalan sa
Malaysia.
►Pamprosesong Tanong:
►1. Ano-ano ang Kanluraning bansa na sumakop sa mga lupain sa
Silangan at Timog Silangang Asya?
►2. Bakit nanakop ang mga Kanluranin ng mga lupain sa Silangan
at Timog Silangang Asya?
►3. Magkakatulad ba ang pamamaraang ginamit ng mga
Kanluranin sa pananakop? Bakit?
► 4. Ano ang naging reaksiyon ng mga Asyano sa pananakop ng mga
Kanluranin?
►5. Ano ang naging epekto ng mga patakaran na ipinatupad ng mga
Kanluranin sa pamumuhay ng mga Asyano
PAGLALAHAT
Punan ng tamang impormasyon ang tsart

Nasakop na Kanluraning Dahilan ng Paraan ng Patakarang Epekto


mga bansa bansa na pananakop Pananakop Ipinatupad
nanakop

CHINA

PILIPINAS

INDONESIA

MALAYSIA

54
END

You might also like