Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 22

Hanapin sa Hanay B ang maaaring maging sanhi

ng sumusunod na pangyayari sa Hanay A.


A B
• 1. Dumudumi ang ilog • A. Maykaya ang mga
• 2. Malinis ang magulang
kapaligiran • B.basurang itinapon
• 3. Maraming halaman • C. mahusay magpasunod
sa bakuran ang mga magulang
• • D. maibigin sa kalinisan
4. Nasusunod ang layaw
ang mga mamamayan
• 5. Magagalang ang mga
• E. masipag magtanim ang
anak.
mga tao.
kapilyuhan
SI DODO

Pilyong bata itong si Dodo. Dahil na rin sa


maling pagpapasunod ng ama sa kaisa-isang
anak na ito,lumaki itong puro kalokohan ang
nasa isip.Madalas tuloy siyang makagalitan ng
kanyang kanyang ina.
“ Dodo..” maaga pa’y tawag ni Aling Petra. “
Nasaan na ang batang ito? Tanghali na’y hindi
pa nakagayak patungong paaralan . Dodo …”
Humahangos na dumating ang tinawag. “ Bakit po,
Inay? “ tanong nito.
“ Anong bakit? Ako nga and dapat na magtanong
sa iyo kung bakit ngayon ka lang?” galit na galit na
tanong ng ina.
“ Kasi ho… inutusan po ako ng Tatay sa
tindahan”,ikinatwiran nito sa ina gayong maaga pa
nang umalis ang kanyang ama.
“ Ku… ikaw ay lagi na lang may dahilan, “ di
naniniwalang sagot ng ina. “ Sige , mag-ayos ka na at
nang maaga kang makarating sa paaralan..”
Hindi lang sa bahay nagiging problema itong si
Dodo.
Sa tuwing tatanungin ng guro kung bakit nahuli
o di pumasok si Dodo ay kalimitanng isa sa mga
sumusunod and isasagot niya.
“Kasi ho inutusan po ako ng nanay ko sa
palengke bago ako pinapasok.”
“ Kasi ho, maysakit ho ako.”
“ Nahuli ho ako, kasi nawala ho ang aso namin.
Hinanap ko muna..”
Isang araw ay umuwi siyang may pasa sa mukha.
“ Napaano ba iyang mukha mo,ha? Bakit
nangingitim iyang pisngi mo, ha?
Tanong ng ina habang tinitingnang mabuti ang pasa sa
mukha ng anak.
“ Sinuntok ho ako ng kaklase ko”, sumbong nito sa
ina.
“Siguro’y may kasalanan ka”,may himig paninising
sabi ng ina. Kabisado na niya ang ugali ng anak.”
Hayaan mo’t sasama ako sa iyo bukas sa paaralan para
makausap ko ang iyong guro”
“ Naku, huwag na ho inay.Wala ho namang kwenta
ito, e.” bawi ni Dado.
“Gusto ko lang malaman ang tunay na nangyari,”
sabi ng ina.
“Hindi po ako papasok bukas,”paliwanag ni Dodo.
“Sabi ho ng titser ko dalawang araw akong hindi
makapapasok.
“ Bakit daw naman?” muling tanong ng ina.
“Kasi ho, iyong kaklase ko, e”
“O bakit nasingit na naman ang kaklase mo, e
iyong titser mo ang pinag-uusapan natin?”
“ Iyan nga ho, e. Nagalit ho ang titser ko dahil
nagsuntukan kami ng kaklase ko. Dinala ho kami sa
principal at nasuspindi ho tuloy kami.”
Lalong nagduda ang ina sa sinabi ng
anak.Kinabukasa, maagang nagutngo ito sa paaralan
upang makipagkita kay Bb. Conde.
Dito niya napag-alaman na kabulaanan and sinabi
ng anak.Nabatid pa rin niya mula sa guro ang iba
oang kalokohang ginagawa ng anak sa paaralan.
Sagutin ang mga katanungan
1. Ano ang maaaring dahilan ng kapilyuhan ni
Dodo?
2. Ano ang maaaring bunga ng pagpapasunod
ng ama kay Dodo?
3. Ano ang sanhi ng pagsadya ng nanay ni Dodo
sa paaralan? Ano ang naging bunga nito?
4. Ibigay ang sanhi ng pagkagalit ng guro kay
Dodo? Ano ang naging bunga nito?
Pangkatang Gawain:
• Buuin ang mga sumusunod na pangungusap at
ibigay ang sanhi at bunga.
• 1. Lumalaking pilyo si Dodo dahil __________.
• 2. Laging nagagalit and ina sa kanya
sapagkat____________
• 3. Nag-aalala ang nanay ni Dodo kaya ________.
• 4. Lubhang maraming kalokohang ginawa si Dodo
sa paaralan kaya _____________.
• 5. Maraming punong kahoy kaya ______________.
Sanhi Bunga
Takdang Aralin

Sumulat ng isang salaysay


batay sa inyong karanasan.
Ipakita ang sanhi at bunga.

You might also like