Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 34

PAGSULAT

LOU B. BALDOMAR
SHS TEACHER II
PAGSULAT

• Isa sa mga makrong kasanayang dapat mahubog sa


mga mag-aaral.
• Isang kasanayang naglulundo ng kaisipan at damdamin
nais ipahayag ng tao gamit ang pinakaepektibong
midyum ng paghahatid ng mensahe , ang wika (Cecila
Austera et.al, 2009)
PAGSULAT
• Isang pambihirang gawaing pisikal at mental dahil sa
pamamagitan nito ay naipapahayag ng tao ang nais
niyang ipahayag sa pamamagitan ng paglilipat ng
kaalaman sa papel o anumang kagamitang maaring
pagsulatan. (Edwin Mabilin, et.al, 2012)
PAGSULAT
• Isang pagpapahayag ng kaalamang kailan man ay
hindi maglalaho sa isipan ng mga bumasa at babasa
sapagkat ito ay maaaring magpasalin-salin sa bawat
panahon. (Mabilin, 2012)
• Malaki ang naitutulong ng pagsulat sa paghubog sa
isipan at damdamin ng tao (Royo, 2001)
LAYUNIN NG PAGSULAT
(Mabini, 2012)
• PERSONAL O EKSPRESIBO – ang layunin ng
pagsulat ay nakabatay sa pansariling pananaw,
karanasan, naiisip, o nararamdaman ng manunulat.

Halimbawa: Tula, dyornal, talaarawan, personal na


liham at pagtugon sa ilang isyu.
LAYUNIN NG PAGSULAT
(Mabini, 2012)
• PANLIPUNAN O SOSYAL (TRANSAKSYONAL)
- Ang layunin ay makipag-ugnayan sa ibang tao o sa
lipunang ginagalawan.

Halimbawa: Pagsulat ng Balita, Artikulo, Talambuhay,


at Patalastas.
Dapat Tandaan!
• Ang dikotomiyang ito ay hindi laging nag-aaply sa
lahat ng pagsulat. May mga pagkakataon kasing ang
pagsulat ay maaaring maging ekspresibo at
transaksyonal din tulad ng pagsulat ng talumpati para
sa espisipikong pangkat ng mga tagapakinig, na kung
saan ang mga manunulat ay may layuning
magpahayag ng kanyang ideya, emosyon o layuning
makipag-ugnayan sa ibang audience.
Ayon kay Bernales, et.al (2001)
may tatlong layunin ang
pagsulat.
Impormatibong Mapanghikayat na
pagsulat o pagsulat o
Expository Persuasive
Writing Writing

Malikhaing
pagsulat o
Creative Writing
Impormatibong Pagsulat o
Expository Writing
• Ang mismong pokus nito ay ang paksang tinatalakay.

Halimbawa: report ng obserbasyon, mga estadistikang


makikita sa libro at ensayklopidya, balita, teknikal at
business report na may layuning impormatibo.
Mapanghikayat na Pagsulat o
Persuasive Writing
• Naglalayong makumbinsi ang mambabasa tungkol sa
isang katwiran, opinyon o paniniwala. Ang
pangunahing pokus nito ay ang mambabasa na nais
maimpluwensiyahan ng awtor.

Halimbawa: pagsulat ng proposal o konseptong papel,


editoryal, sanaysay, at talumpati na may layuning
mapanghikayat.
Malikhaing Pagsulat o Creative
Writing
• Ito ay ginagawa ng mga manunulat ng mga akdang
pampanitikan tulad ng maikling katha, nobela, tula,
dula at iba pang malikhain o masining na akda.
Kadalasan ang pangunahing layunin ng awtor ay
magpahayag ng kathang isip, imahinasyon, ideya,
damdamin o kombinasyon ng mga ito. Ang pokus dito
ay ang manunulat mismo.
Mga Benepisyong maaaring
makuha sa pagsusulat
1. Masasanay ang kasanayang mag-organisa ng mga
kaisipan.
2. Malilinang ang kasanayan sa pagsusuri ng datos.
3. Mahuhubog ang pagiging obhetibo sa paglalatag ng mga
kaisipan.
4. Mapapaunlad ang kakayahan sa matalinong paggamit ng
aklatan sa paghahanap ng datos.
5. Magdudulot ito ng kasiyahan sa pagtuklas ng mga
bagong kaalaman.
6. Mahuhubog ang pagpapahalaga sa paggalang at
pagkilala sa ibang manunulat.
7. Malilinang ang kasanayan sa pangangalap ng
impormasyon.
Gamit o Pangangailangan sa
Pagsusulat
1. Wika – Ito ang magsisilbing behikulo upang maisatitik
ang mga kaisipan, kaalaman, damdamin, karanasan ,
impormasyon, at iba pang nais ilahad ng isang taong nais
sumulat.
2. Paksa – Ito ang magsisilbing pangkalahatang iikutan ng
mga ideyang dapat mapasaloob sa akda.
3. Layunin – Ito ang magsisilbing giya sa paghahabi ng
mga datos o nilalaman ng iyong isusulat.
4. Pamamaraan ng Pagsulat – ito ang mga pamamaraan
upang mailahad ang kaalaman at kaisipan ng
manunulat batay sa kanyang layunin.

Halimbawa: Impormatibo, Espresibo, Naratibo,


Deskriptibo, Argumentatibo.
5. Kasanayang Pampag-iisip - Ito ay ang kakayahang
mag-analisa o magsuri ng mga datos na mahalaga o
di-mahalaga.
6. Kaalaman sa wastong pamamaraan ng pagsulat – Ito
ay ang kaalaman sa paggamit ng wika at retorika.
7. Kasanayan sa Paghabi ng Buong Sulatin – Ito ang
kakayahang mailatag ang mga kaisipan at
impormasyon sa maayos, organisado, obhetibo at
masining na pamamaraan mula sa panimula
hanggang sa wakas ng akda.
Uri ng Pagsulat
1. Malikhaing Pagsulat (Creative Writing) –
Pangunahing layunin nito ay ang maghatid ng aliw,
makapukaw ng damdamin, at makaantig ng
imahinasyon at isipan ng mga mambabasa.
Hal. Maikling Kwento, Dula, Tula, Maikling Sanaysay,
Komiks, Iskrip ng Teleserye, Musika, Pelikula.
Uri ng Pagsulat
2. Teknikal na Pagsulat (Technical Writing) – Layunin
nitong pag-aralan ang isang proyekto o kaya ay
bumuo ng isang pag-aaral na kailangan para lutasin
ang isang problema o suliranin.

Hal. Tesis o Disertasyon, Feasibility Study at


Panukalang Proyekto
Uri ng Pagsulat
3. Propesyonal na Pagsulat (Professional Writing) – Ito
ay mga uri ng sulatin na may kinalaman sa isang
larangan na natutuhan sa akademiya o paaralan.
Binibigyan diin nito ang paggawa ng mga sulatin o
pag-aaral tungkol sa propesyon o bokasyon ng isang
tao.

Hal. Pagsulat ng Lesson Plan (Guro)


Medical Report at abstract (Doktor at Nurses)
Uri ng Pagsulat
4. Dyornalistik na Pagsulat (Journalistic Writing) – Ito
ay may kinalaman sa mga sulating may kaugnayan
sa pamamahayag tulad ng pagsulat ng balita,
editoryal, lathalain, artikulo, at iba pa na
karaniwang makikita sa mga pahayagan o magasin
o kaya naman ay inuulat sa radyo at telebisyon.
Uri ng Pagsulat
5. Reperensiyal na Pagsulat – layunin ng sulating ito
na bigyang-pagkilala ang mga pinagkunang
kaalaman o impormasyon sa paggawa ng tesis,
konseptong papel, at disertasyon.
Hal. Bibliograpiya
Review of Related Literature
Uri ng Pagsulat
6. Akademikong Pagsulat (Academic Writing) – Ito ay
isang intelektwal na pagsulat. Ang gawaing
nakakatulong sa pagpapataas ng kaalaman sa isang
indibidwal sa iba’t ibang larangan. Ito ay
isinasagawa sa loob ng paaralan at ito naman ay
pangangailangan sa isang asignatura o kurso. Ayon
kay Mabilin (2012), ang lahat ng uri ng pagsulat ay
produkto o bunga lamang ng akademikong pagsulat.
Mga katangiang Dapat Taglayin
ng Akademikong Pagsulat
1. Obhetibo – kailangang ang mga datos na isusulat ay
batay sa kinalabasan ng ginawang pag-aaral o
pananaliksik. Iwasan ang pagbibigay ng personal na
opinyon o paniniwala hinggil sa paksang tinalakay.
2. Pormal – Iwasan ang paggamit ng mga salitang
kolokyal o balbal. Gumamit ng mga salitang pormal
na madaling maunawaan ng mga mambabasa.
Mga katangiang Dapat Taglayin
ng Akademikong Pagsulat

3. Maliwanag at organisado – Ang mga talata ay


kinakailangang kakitaan ng maayos na
pagkakasunod-sunod at pagkakaugnay-ugnay ng
mga pangungusap na bumubuo nito. Mahalagang
magtaglay din ito ng kaisahan.
Mga katangiang Dapat Taglayin
ng Akademikong Pagsulat
4. May Paninindigan – mahalagang mapanindigan ng
sumulat ang paksang nais niyang bigyang-pansin o
pag-aralan, ibig sabihin ay hindi maganda ang
magpabago-bago ng paksa.
5. May Pananagutan – Ang mga gamit na mga
sanggunian ng mga nakalap na datos o
impormasyon ay dapat na bigyan ng nararapat na
pagkilala.
Batayang Tanong na Mahalagang
Masagot para sa paghahanda ng sulatin.

1. Ano ang paksa ng tekstong aking isusulat?


2. Ano ang aking layunin sa pagsulat nito?
3. Saan at paano ako makakakuha ng sapat na datos
kaugnay ng aking paksa?
4. Paano ko ilalahad ang mga datos na aking nakalap
upang higit na makahulugan ang aking paksa?
1. Sino ang babasa ng aking teksto?
2. Paano ko maibabahagi sa aking mga mambabasa
ang kaalaman ko sa aking paksa?
3. Ilang oras ang aking gugulin sa pagsulat? Kailan ko
ito ipapasa?
4. Paano ko madedebelop o mapapagbuti ang aking
teksto? Ano-ano ang mga dapat kung gawin para sa
layuning ito?
Proseso ng Pagsulat
• Ang proseso ng pagsulat ay mahahati sa iba’t ibang
yugto. Ang mga yugtong ito ay ang mga sumusunod:
1. Prewriting
2. Writing
3. Revising
4. Editing
Pre-Writing
Nagaganap ang paghahanda ng pagsulat
Pagpili ng paksang isusulat
Pangangalap ng datos o impormasyong kailangan sa
pagsulat
Pagpili ng tono at perspektibong gagamitin.
Pre-writing Activities
Pagsulat ng Journal Sounding-out Friends

Brainstorming
Pag-iinterbyu

Questioning
Pagsasarbey

Pagbabasa
Obserbasyon

Pananaliksik
Imersyon
Actual Writing
Isinasagawa ang aktwal na pagsulat
Pagsulat ng burador o draft
Pagtatala para sa akdang tuluyan o prosa.
Pagsasaayos ng panimula, katawan, at pangwakas na
talata.
Pagsasaayos ng taludturan o saknong sa akdang
patula.
Rewriting
Nagaganap ang pag-eedit at pagrerebisa ng draft batay
sa wastong grammar, bokabulari, at pagkakasunod-
sunod ng mga ideya o lohika.
Hindi kumpleto ang sulatin kung hindi ito dadaan sa
editing at rebisyon.
Maraming Salamat sa Pakikinig!

You might also like