Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 18

Araling Panlipunan 10

(Mga Kontemporaryong Isyu)

Katuturan ng mga Isyu


at Hamong Panlipunan
ni DIEGO C. POMARCA JR.
Teacher 1, Pangpang NHS – Sibalom District
www.diegopomarcaundercover.wix.com
https://www.slideshare.net/DiegoPomarca
https://www.linkedin.com/in/diego-pomarca-765059131/
Ang LIPUNAN
(Society)
Batayan sa pag-aaral
ng mga isyu at
hamong panlipunan
ang pag-unawa sa
bumubuo ng isang
lipunan, ugnayan, at
kanyang kultura.
Ang LIPUNAN
(Society)
 Ang LIPUNAN ay
tumutukoy sa mga taong
sama-samang
naninirahan sa isang
organisadong komunidad
na may iisang batas,
tradisyon, at
pagpapahalaga.
Ang LIPUNAN
(ayon kay Emile Durkheim)
 Ito ay isang buhay na organismo
kung saan nagaganap ang mga
pangyayari at gawain. Ito ay patuloy
na kumikilos at nagbabago. Binubuo
ang lipunan ng magkakaiba subalit
magkakaugnay na pangkat at
institusyon. Ang maayos na lipunan
ay makakamit kung ang bawat
pangkat at institusyon ay
gagampanan nang maayos ang
kanilang tungkulin.
Ang LIPUNAN
(ayon kay Karl Marx)
 Ito ay kakikitaan ng tunggalian ng
kapangyarihan. Ito ay nabubuo dahil sa
pag-aagawan ng mga tao sa limitadong
pinagkukunangyaman upang matugunan
ang kanilang pangangailangan. Sa
tunggalian na ito, nagiging
makapangyarihan ang pangkat na
kumokontrol sa produksyon. Bunga nito,
nagkakaroon ng magkakaiba at hindi
pantay na antas ng tao sa lipunan na
nakabatay sa yaman at kapangyarihan.
Ang LIPUNAN
(ayon kay Charles Cooley)
 Ito ay binubuo ng tao na may
magkakawing na ugnayan at
tungkulin. Nauunawaan at higit na
nakikilala ng tao ang kaniyang
sarili sa pamamagitan ng
pakikisalamuha sa iba pang
miyembro ng lipunan. Makakamit
ang kaayusang panlipunan sa
pamamagitan ng maayos na
interaksiyon ng mga mamamayan.
Mga Elemento ng
Istrukturang
Panlipunan
Ang mga elemento ng
istrukturang panlipunan ay ang:
 Institusyon,
 Social groups,
 Status (social status), at
 Gampanin (roles).
INSTITUSYON
(bilang elemento ng lipunan)
Ang lipunan ay binubuo ng mga institusyon.

 Ayon kay Charles Cooley,


ang INSTITUSYON ay
organisadong sistema ng
ugnayan sa isang lipunan.
Mga Institusyong Panlipunan
(social institutions)

1. PAMILYA - dito unang nahuhubog ang


pagkatao ng isang nilalang.
2. PAARALAN - nagdudulot ng
karunungan, nagpapaunlad ng kakayahan,
at patuloy na naghuhubog sa isang tao
upang maging kapakipakinabang na
mamamayan.
Mga Institusyong Panlipunan
(social institutions)

3. EKONOMIYA- kumakatawan ito sa mga


taong nagtatrabaho at kumokonsumo ng
produkto. Mahalaga ang ekonomiya sa
lipunan dahil pinag-aaralan dito kung
paano matutugunan ang mga
pangangailangan ng mga mamamayan.
Mga Institusyong Panlipunan
(social institutions)

4. PAMAHALAAN - tungkulin
nitong mapanatili ang kaayusan at
kapayapaan, pagsusulong ng mga
programang pangkaunlaran at
pangangalaga sa estado at
mamamayan.
Mga Institusyong Panlipunan
(social institutions)

5. RELIHIYON- Sa pagtupad ng ating


pang-araw-araw na tungkulin,
naghahangad tayo ng kaligtasan,
nagdarasal na magtagumpay ang ating
mga gawain, at maging ligtas ang ating
mga mahal sa buhay. Lahat ng ito ay
ginagawa natin dahil sa ating
pananampalataya
SOCIAL GROUP
Ang mga institusyong panlipunan ay binubuo
naman ng mga social group.

 Tumutukoy ang SOCIAL


GROUP sa dalawa o higit pang
taong may magkakatulad na
katangian na nagkakaroon ng
ugnayan sa bawat isa at bumubuo
ng isang ugnayang panlipunan.
2 URI ng SOCIAL GROUP
 Ang PRIMARY GROUP ay
tumutukoy sa malapit at
impormal na ugnayan ng
mga indibiduwal. Kadalasan,
ito ay mayroon lamang
maliit na bilang.
 Halimbawa nito ay ang
pamilya at kaibigan.
2 URI ng SOCIAL GROUP
 Ang SECONDARY GROUP
ay binubuo ng mga indibiduwal
na may pormal na ugnayan sa
isa’t isa. Karaniwang nakatuon
sa pagtupad sa isang gawain ang
ganitong uri ng ugnayang
panlipunan.
 Isang halimbawa nito ay ang ugnayan sa
pagitan ng amo at ng kaniyang
manggagawa, gayundin ang ugnayan ng
mga manggagawa sa isa’t isa.
STATUS
Kung ang mga institusyong panlipunan ay
binubuo ng mga social groups, ang mga social
groups naman ay binubuo ng iba’t ibang status.

Ang STATUS ay tumutukoy sa


posisyong kinabibilangan ng
isang indibiduwal sa lipunan.
Ang ating pagkakakilanlan o
identidad ay naiimpluwensiyahan
ng ating status.
2 URI ng STATUS
GAMPANIN (Roles)
May posisyon ang bawat indibiduwal sa loob ng
isang social group. Ang bawat posisyon ay may
kaakibat na gampanin o roles.
Tumutukoy ang mga gampaning ito
sa mga karapatan, obligasyon, at mga
inaasahan ng lipunan na kaakibat ng
posisyon ng indibiduwal. Sinasabing
ang mga gampaning ito ang nagiging
batayan din ng kilos ng isang tao sa
lipunang kanyang ginagalawan.

You might also like