Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 53

Kaligirang

pangkasaysaya
n ng pabula
PANGKATANG GAWAIN

Picture Caravan
Pag-ugnay -ugnayin ang mga larawan.
Bumuo ng pahayag na hinuha hinggil sa
katangian ng pabula gamit ang picture
caravan.
Pabula
Sa pampanitikang depinisyon,
Ang pabula ay uri ng kuwentong
pambata na ang gumaganap ay mga
hayop na kumikilos, nag-iisip at
nagsasalita na parang tao at sa bandang
huli’y nagdudulot sa bawat mambabasa
ng mabubuting aral .
Sa pampanitikang depinisyon,

Aesop
Kinilalang Ama ng Pabula
dahil sa kanyang aklat na
Aesop’s Fable.
Sa pampanitikang depinisyon,
Sa pabula ang mga suliranin ay nilulutas
hindi ng kababalaghan, na tulad ng mga
kuwentong engkantada, kundi sa
pamamagitan ng mapanusong
pamamaraan, paghahanda o sa
matalinong gawa na katulad ng tao sa
kanilang paglutas ng suliranin.
KATANGIAN NG PABULA

Upang mapukaw ang interes ng


mga mambabasa, ito ang ilan sa
mga katangiang kailangang taglayin
ng isang pabula:
KATANGIAN NG PABULA
1. Dapat ay nakahihikayat o
nakakapagbigay interes ang kuwento sa
mga mambabasa,
2. Maayos ang pagkakasunod sunod ng
kuwento, at
KATANGIAN NG PABULA

3. Mayroong ugnayan ang paksa sa


napapanahong pangyayari o nagaganap
sa mundo upang maging mas epektibo
ito sa mga mambabasa
Elemento ng
pabula
tauhan

Mga gumaganap at
nagbibigay buhay sa
pabula. Maaaring bida o
kontrabida.
tagpuan

Lugar o pook na
pinangyarihan ng
pabula.
banghay

Ito ay ang
pagkakasunod-sunod ng
mga pangyayari.
Aral o mensahe
Ito ay ang
magandang- aral o
pag-uugali na
natutuhan sa
pabula.
Makatarungan bang
gamiting tauhan ang
hayop sa isang akda sa
pagbibigay ng aral ?
Patunayan ang iyong
kasagutan.
ISLOGAN MO,
BAHAGI MO
Bumuo ng islogan na
nagpapahalaga sa
paggamit ng hayop bilang
tauhan sa isang akda sa
pagbibigay aral.
Pamantayan sa Pagmamarka
1.Paksa (tumatalakay sa pagpapahalaga
sa paggamit bilang tauhan sa isang
akda sa pagbibigay aral) 10 puntos
2.Paliwanaga (malinaw at maayos
pagkakapaliwanag) 10 puntos
3.Kabuoan 20 puntos
Ikalawang
araw
Bigyang hinuha ang
katangian ng pangkat
etnikong Maranao.
Lalapindigowa-i:
Kung Bakit Maliit Ang
Beywang ng mga Putakti
 
Si Lalapindigowa-i (isang putakti) ay isang
masipag na magsasasaka. Mayroon siyang
dalawang asawa, sina Odang (hipon)at si Orak
(itlog). Tulad ng ibang Maranao, hindi lamang
siya isang masipag na magsasaka kundi isa
ring tapat na asawa. Nagsusumikap siyang
magtrabaho upang mapakain ang dalawa
niyang asawa.
Isang araw, nagwika siya sa mga
asawa niya na dalhan siya ng
pananghalian sa bukid nang sa ganoon ay
hindi masayang ang kanyang oras sa pag-
uwi. Nagkasundo at nagpasya ang dalawa
niyang asawa na mula noon ay dadalhan
na lamang siya ng pagkain sa bukid.
Pagkaraan ng maraming araw at
buwan, nagsawa na sa paghahatid ng
pagkain ang mga asawa ni Lalapindigowa-
i. Sa daan papuntang bukid, nagalit si
Odang at tumangging magdala ng
pagkain. Si Orak ay ayaw ring maghatid
ng pagkain.
Nagalit si Odang, ang hipon at
nagsimula itong magdadamba hanggang
ito’y mahulog sa kaserola at naging pula
ang balat. Naawa si Orak kay Odang dahil
ito ay naluto kaya’t ipinaghele niya ito.
Hindi sinasadya, tumama siya sa
bunganga ng kaserola at ito’y naluto rin.
Samantala, si Lalapindigowa –i ay nagutom na sa
kahihintay sa kanyang dalawang asawa. Pagkaraan ng
dalawang oras ng paghihintay, nagpasya siyang
lumakad pauwi.Sa daan nakita ng gutom na si
Lalapindigowa –i ang basag na kaserola at ang mga
asawa niyang naluto. Galit siya sa mga asawang
tamad at sa kaparusahang tinanggap ng mga ito.
Gutom na gutom na siya kaya hinigpitan niya ang
kanyang sinturon. Simula noon, ang beywang ni
Lalapindigowa-i ay lumiit ng lumiit dahil batid niyang
wala nang mga asawang magluluto para sa kanya.
Paglinang ng talasalitaan

Bigyang kahulugan ang mga salita at


gamitin sa pangungusap.
1. masikap 4. pinagsawaan
2. dumamba 5. nagwika
3. nagpasya
GABAY NA TANONG
1. Ibigay ang mga katangian ni Lalapindigowa-I, Odang, at Orak?
2. Anong katangian ng tao na taglay ni Lalapindigowa-I na dapat
pamarisan at hindi dapat pamarisan? Pangatwiranan ang
kasagutan.
3. Anong uri ng asawa sina Odang at Orak? Sa panahon ngayon
may tulad pa rin kaya nila? Patunayan.
4. Kung ikaw si Lalapindigowa-I, paano mo haharapin ang
pagsubok na kaniyang kinaharap?
5. Isalaysay ang mga pangyayari kung bakit naluto sina Odang at
Orak?
paglalapat

Lumikha ng salawikain na naglalahad


ng mga aral na natutuhan sa pabula na
maaaring magamit sa pang-araw-araw
na buhay.
pagtataya
Bigyang hinuha ang mga kultura,
tradisyon at paniniwala ng mga
Maranao na nasasalamin sa pabulang
binasa o napakinggan sa
pamamagitang pagpuno sa
konseptong pantulong.
Mga kultura, tradisyon PATUNAY:
at paniniwala
 
   
ARAW
Panitikang
Rehiyunal pahina
24-25
BALIK-ARAL
Balik-aral sa
nakaraang aralin
Pandalawahang gawain

ISIPIN-UNAWAIN-
IBAHAGI
Gabay na mga tanong:

1.Ilarawan ang mga tauhan sa binasang tula.


2.Sino sa mga tauhan ang nais mong tularan?Bakit?
3.Anong mahahalagang kaisipan ang nakapaloob sa sinabi
ng matandang aso sa ardilya na “matanda na ako at
maraming karanasan”?
4.Ano ang naging pananaw at saloobin mo sa naging kilos,
galaw o pananalita ng mga tauhan sa akda?
5.Karapat-dapat ba o hindi karapat-dapat ang paggamit ng
hayop bilang tauhan sa pabula?
IBAHAGI MO

Ibahagi ang mga magagandang aral


na natutuhan sa binasang pabula na
maaaring magamit sa pang-araw-
araw na pamumuhay.
ISAHANG GAWAIN
(Isusulat ang gawain sa isang buong
papel)

Bigyang hinuha ang mga pahayag, ilagay


sa angkop na kahon ang mga pahayag
batay sa binasang pabula.Ibigay ang mga
aral na nais iparating ng pahayag.
IKAAPAT NA
ARAW
Ekspresyon sa
Pagpapahayag ng
Posibilidad
pagbasa at pag-unawa sa teksto
Pagbasa at pag-unawa sa
Magtanim ka nang Mabuti,
Mag-aani ka nang mabuti ni
Ernesto U. Natividad, Jr. sa
pahina 28-30
gabay na tanong
1.Anong uri ng teksto ang binasang akda?
2.Makatotohanan ba ang mga pangyayari sa
akda?Patunayan.
3.Kung ikaw si Erwin, gagawin mo rin ba ang
pagtulong sa batang si Sheryl?Pangatwiranan
4.Ano ang ibig sabihin ng kaisipang,
“magtanim ka ng mabuti, mag-aani ka ng
mabuti.” Ipaliwanag ang sagot.
Ekspresyong
nagpapahayag ng
Posibilidad
Mga Ekspresyong Nagpapahayag ng
Posibilidad
posible, maaari, puwede, marahil,
siguro, baka, sa palagay ko
Maaaring magkatotoo subalit hindi pa
matitiyak, o masiguro.
Ginagamit ito sa pagsasabi ng mga
bagay na maaaring mangyari.
halimbawa
1.Posibleng magtagal ka sa trabaho kung
pagbubutihan mo.
2.Maaari kang yumaman kapag pinagbuti
mo ang iyong negosyo.
3.Puwede kang maging presidente ng
kumpanya kapag pinanatili mo ang
iyong kasipagan.
Panuto: Gamitin sa gawain
isahang pangungusap ang
mga sumusunod na ekpresyong
nagpapahayag ng posibilidad sa
sitwasyong: Kung sakaling hindi
tinulungan ni Erwin ang batang si
Sheryl, ano kaya ang maaaring
mangyari sa bata? Isulat sa sagutang
papel.
isahang gawain

1.siguro 4. posible
2.baka 5. marahil
3. sa palagay ko
Dugtungan Mo, pahayag na ito

Mahalaga na matutuhan ko ang


mga ekspresyon sa pagpapahayag
ng posibilidad dahil
____________________________
_____________________.
pagsasanay
Panuto: Suriin ang mga
sumusunod na pangungusap.
Isulat ang tsek kung ito ay
nagpapahayag ng psoibilidad,
ekis naman kung hindi. Gawin
sa kuwaderno.
1.Umuulan nang malakas, marahil ay may
bagyo.
2.Dahil sa pagbabago ng klima, maraming
sakahan ang hindi na pakikinabangan.
3.Maaari bang humingi ng tulong?
4.Posibleng yumaman ang taong may
lakas ng loob na magtayo ng negosyo.
5.Siguro ay parating na ang aking
ikalimang araw
PAGSULAT/
PAGLIKHA
Talakayan batay sa mga natutuhan
1. Bakit hayop na nagsasalita at
kumikilos na parang tao ang
karaniwang ginagamit ng tauhan sa
pabula?
2. Paano nakatutulong ang paggamit
ng mga ekspresyong nagpapahayag
ng posibilidad sa pagbuo ng pabula?
Sumulat ng dayalogo na nagpapaliwanag ng
damdamin at saloobin tungkol sa paggamit ng
mga hayop bilang tauhan sa isang pabula. Sa
mga pangyayari sa akda, ano ang mga
posibilidad na maaaring maganap na
makagigising ng iyong damdamin at saloobin.
Isaalang-alang ang paggamit ng mga
ekspresyong nagpapahayag ng posibilidad.
Nilalaman o paksa 10
puntos Pamantayan sa Pagmamarka
Maayos na pagkakalahad ng mga paliwanag

10
puntos
Paggamit ng mga ekspresyong
nagpapahayag ng posibilidad 10
puntos

You might also like