Patalastas at Panuto

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 24

Abril 21, 2022

FILIPINO 4
Bb. Mayrin Diestro
Inaasahan

Sa pagtatapos ng aralin, ikaw ay inaasahang:


1. Nakasasagot ng mga tanong ng mga napanood na
patalastas. (F4PD-IVf-89)
2. Nakapaghahambing ng iba’t ibang patalastas na
napanood (F4PD-IV- g-i-9)
3. Nakapagbibigay ng panuto na may tatlo hanggang apat
na hakbang gamit ang pangunahin at pangalawang
direksiyon (F4PS-IVa-8.7).
Balik-Aral
Paunang
Pagsubok
1.Anong organisasyon ang nagsasabi na may tamang
paraan ng paghuhugas ng kamay?
A.Department of Education
B. Department of Health
C. World Trade Organization
D. World Health Organization
2. Sino ang nagpapaalala sa patalastas na iligtas natin
ang Pilipinas sa CoViD-19?
A. Kuya Ken C. Kuya Kim
B. Kuya Kimy D. Kuya Kimpoy
3. Ilang beses aawitin ang “Happy Birthday” habang
naghuhugas ng kamay?
A.1 B. 2 C. 3 D. 4
4. Anong tawag natin sa isang pag-anunsiyo
ng isang produkto o serbisiyo?
A. patalastas B. editoryal
C. panonood D. paglalahad
5. Ano ang magandang maidudulot ng palagiang paghuhugas ng
kamay?
A.Magiging malambot ang kamay.
B. Magiging maputi ang ating mga kamay.
C. Matututo tayong umawit ng Happy Birthday.
D. Maiiwasang magkasakit at makahawa ng nakahahawang sakit.
Ang patalastas ay isang paraan ng pag-
anunsiyo ng produkto o serbisyo sa
pamamagitan ng iba’t ibang anyo ng
komunikasyong pang madla.
Ang patalastas ay isang maikling programa o palabas na maaaring
nagpapabatid, nanghihikayat, o nagbibigay-kaalaman patungkol sa
isang bagay para sa publiko. Masasagot ang mga tanong batay sa
napanood na patalastas kung susuriin mo ang mga mahahalagang
detalye nito.
Nagpaalala ang isang child-friendly television advocate sa mga
magulang ukol sa paggabay sa kanilang mga anak sa panonood ng
telebisyon dahil maaaring makakita ang mga ito ng mga sensitibong
palabas.
Layunin ng patalastas ang ianunsyo o ipaalam
sa madla ang katangian ng isang produkto. Sa
pagpili ng tamang midyum tulad ng
telebisyon, radyo, pahayagan, magasin,
poster at iba pa, naipapaabot sa marami ang
iba’t ibang mensaheng kaugnay ng produkto.
Ano-ano ang mga kahalagahan ng
panonood ng patalastas?

Una, naipakikilala ang mga bagong produkto para


sa dagdag kaalaman ng mamimili. Pangalawa,
napaaalalahanan ang mga tao sa mga programa o
produkto na maaaring makatulong sa kanilang
pangkabuhayan. Pangatlo, upang malibang ang
taong manonood at hindi ito mainip sa isang
palabas lamang
Ang panuto ay tagubilin o mga
hakbang na dapat sundin sa
pagsasagawa ng isang gawain.
Ito ay maaaring ibigay nang pasulat o pasalitao
pabigkas.
Ang pagbibigay ng panuto ay isang kasanayang
dapat matutuhan ng lahat. Mahalaga ito sa
pagkakaroon ng maayos, mabilis, at wastong
pagsasagawa ng gawain sa tahanan at sa paaralan.
Mahalaga rin ang pagbibigay ng panuto upang
maiwasan ang pagkakamali o kaguluhan.
Magagamit din ito kung gaganap na lider sa
pagsasagawa ng isang gawain at sa mga
pagsusulit.
Sa pagbibigay ng panuto kailangan din malaman ang
mga direksiyon. Ang mga pangunahing direksiyon ay
Hilaga, Timog, Silangan at Kanluran. Ang mga
pangalawang direksiyon ay HilagangSilangan, Hilagang-
Kanluran, Timog-Silangan at Timog-Kanluran.
Gawain
1. Si Maricar ay bibili ng kape at
bigas sa tindahan. Ibigay ang panuto.
Sagot: Pumunta sa Timog
Silangang direksyon upang bumili
ng kape at bigas sa tindahan.
2. Siya naman ay magtutungo sa
simbahan. Ibigay ang panuto.
3. Gusto rin niyang dumaan sa
aklatan upang humiram ng aklat.
Ibigay ang panuto.
4. Si Maricar ay pupunta sa parke
upang maglaro. Ibigay ang panuto.
5. Pumasok si Maricar sa munisipyo
upang kumustahin ang kanyang tiya.
Ibigay ang panuto.
1. Ano ang tema ng patalastas na iyong napanood?
A. kalinisan B. pag-ibig
C. pagkain ng gulay D. pagkakaibigan
2. Ano ang magandang naidudulot ng pagkain ng
gulay? A. Magiging mahina at sakitin.
B. Mahahawaan ng sakit na CoViD-19.
C. Magkakaroon ng maraming kaibigan.
D. Magiging malakas at malusog ang ating
pangangatawan.
3. Ayon sa patalastas, paano mapapasarap ang
gulay?
A. kapag iginisa B. kapag iprinito
C. kapag sinabawan D. kapag tinorta
4. Ano ang naramdaman ng mga bata nang kumain
sila ng gulay?
A. matamlay
B. malungkot
C. mabagal gumalaw
D. masaya, malakas at maliksi
5. Sa iyong palagay, importante ba ang pagkain ng
gulay sa panahon natin ngayon? Bakit?
A. Hindi po, kasi mahal po ang gulay.
B. Hindi po, kasi hindi po ako mahilig sa gulay.
C. Opo, kasi po kapag kumain ng gulay ikaw ay
makakatipid.
D. Opo, kasi po ito ay masustansiya at pampalakas ng
resistensiya.
Gawain sa
Google Classroom

You might also like