REHIYON 1 (Major 8)

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 29

Matatagpuan ito sa Hilagang Kanlurang bahagi ng

Luzon.
• Pinakamahabang baybaying dagat.
• Masisilayan dito ang mga makikitid at matatarik
na bangin. Mga matataas na bundok, malawak
na lambak at kapatagan.
• Ibanag, Gaddang, Tagalog,Ingles ,Ilokano at
Panggalatok ang ilan sa mga wikang sinasalita
rito.

Tingguian / Itneg – Mga katutubong nanirahan sa


rehiyon 1.
Ilocano - Tawag sa mga taong naninirahan dito.
Samtoy - Ang tawag sa wika ng nga Ilokano.
- Nagmula ito sa salitang “saomi datoy” na ang

ibig sabihin ay “wika namin ito”.


Pangunahing Hanapbuhay
• Pangingisda
• Pagsasaka
• Paggawa ng asin at bagoong
• Paghahabi ng tela (kumot,tuwalya)
• Pagtatanim ng tabako, sibuyas,bawang,kamatis, tubo, niyog at
ibat iba pang mga gulay.
• Paggawa ng kagamitang yari sa kawayan(silya,basket,palamuti)
• Pag- aalaga ng mga hayop(kalabaw,kambing,manok,baka at
kabayo)
• Nag-aalaga at produksyon ng bangus.

Binubuo ito ng apat(4) na lalawigan


1. Ilocos Norte -Laoag
2. Ilocos Sur - Vigan
3. La Union - San Fernando
- Lingayen
4. Pangasinan
• Matatagpuan ito sa Hilagang kanluran ng Luzon.
• Pagtatanim ng tabako ang pangunahing hanapbuhay
ng mga tao rito.
• Iloko ang pangunahing wika ng mga taga Ilocos
Norte bagamat may ilan ding nagsasalita ng Tagalog
at Ingles.
• Dito makikita ang apat na simbahan na pinalalagay
na historical markers ng lalawigan.
Simbahan ng
Laoag
Simbahan ng San
Nicolas
Simbahan ng
paoay
Simbahan ng
Sarat
• Matatagpuan sa Kanlurang
baybayin ng Luzon.
• Kilala sa likha nilang burnay
o banga na gawa sa luwad o
clay.
• Nagtatanim din sila ng mga
tabako.
Centuries old
Spanish architecture
Tirad
Pass
• Pinagdurugtong nito ang lalawigan
ng Ilocos at Pangasinan
• Maraming mga paliguan o
beaches ang matatagpuan dito.
• Pagtatanim ng palay at
pangingisda ang pangunahing
hanapbuhay ng mga tao rito.
Urbiztendo Acapulco
beach beach
Cathedral Parish of St.
William the Hermit
Basilica Minore of Our
Lady of Charity
• Matatagpuan sa kapatagan ng rehiyon 1.
• Paggawa ng asin , bagoong, bukayo ang
ipinagmamalaki nilang produkto.
• Pangunahing hanapbuhay dito ang
pangingisda,pagsasaka at paggawa ng asin.
• Makikita rin dito ang mga magagandang
beaches o paliguan.
Patar beach
Hundred islands
Salaysaying Bayan
1. Alamat –Tinutukoy ang pinagmulan ng bagay sa mundo.
Hal: Alamat ng Rosas
Ang kauna- unahang unggoy ni Sotero Albano ng Dingras Ilocos Norte
2. Sarita / Maikling Kwento – isang anyo ng panitikan na may layuning magsalaysay
ng mga pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan. Ito ay maaaring matapos ng
isang basahan lang.
Hal: Iniwan sa Ilocos ni Cielo Amethys
Ti langit iti innamnamatayo( ang langit ang pag-asa)
3. Nobela – Mahabang salaysayin na nahahati sa kabanata
Hal: Biag ti maysa a Lakay wenno nakaam-ames a bales(sinulat
Mariano Gaerlan)
4. Kwentong Bayan – Salaysay sa mga likhang isip na tauhan na kumakatawan
sa mga uri ng mamamayan. Kaugnay nito ang alamat at mito.
Hal: Ang Diwata ng Karagatan
Si Juan Tamad
Si Andres,Ang Mambibitay
Tulang Liriko – Uri ng tula na kung saan ang makata ay direktang
nagpapahayag ng kanyang sariling damdamin, iniisip at persepyon.
Kantahing Bayan
1. Panagbiag – Mga awiting nagpapahayag ng kaisipan at saloobin.
2. Dallot – Ito ay awit sa kasalan,binyag,at iba pang pagtitipon na sinasaliwan ng
sayaw at pagbibigay payo sa bagong kasal.
3. Badeng – Isang awit ng pag- ibig na kadalasang ginagamit ng mga kalalakihan sa
paghaharana.
Hal: Manang Biday, Pamulinawen,Naraniag a buwan
4. Dung-aw – Awit para sa mga patay.
Hal: As-asug dagiti kararua , Agtig-ab ti Lubong
5. Dasal na patungkol sa mangmangkik – Ang mga mangmangkik ay espiritu sa
kagubatan na dinadasalan upang hindi sila magalit.
6. Arinkenken – paligsahan ng mga lalaki at babae .
– Ang tema nlia ay tungkol sa karapatan at responsibilidad.
7.Hele o duayaya – Awit na pampatulog sa mga bata.
Halimbawa: Hele
8.Awit sa pagtatanim,paggapas, pangingisda, at bago tumungo sa digmaan.
Tulang Pasalaysay – Uri ng tula na nagsasaad ng kwento. Hindi kailangan
mayroong huwarang ritmo.
1. Epiko – Mahabang kwento na patula hinggil sa kabayanihan
ng isang tao at nagtataglay din ito ng katangiang nakahihigit
sa karaniwang tao.
Hal: Biag ni Lam-ang ni Pedro Bukaneg

Karunungang Bayan – isang uri ng panitikan na nagpapahayag ng


pangyayari, kaisipan, at tradisyon ng isang lipunan o pangkat.

1. Burburtia o Bugtong – Sinusukat nito ang kaisipan ng mga Ilokano.


Kadalasang tinatalakay nito ay kapaligiran at tinatawag na tulang-kopla at
sinasabayan ng ritmo o indayog.
Hal: Langit iti ngato , langit iti baba, danum agtinga –Niyog
Langit sa itaas,langit sa ibaba,tubig ang nasa gitna

Makaluto nga awan init,agasok uray nalamiis


–Yelo
Nakakaluto kahit walang init, umuusok kahit malamig
Ada ti banag nu ikatam, dakdakel ti inna pagbalinan
Ano ang halaga ng isang bagay kung binawasan mas malaki ang kalalabasan
2. Pagsasao o salawikain – Nagbibigay aral at binibigkas ng patula
Hal: Ti lubong ket switik ( Ang mundo ay mandaraya)

Ti usto a napanglaw ket ti tao nga awan amo na iti napintas nga adal
Ang tunay na maralita ay ang taong hubad sa magandang ara

3. Arasaas o Bulong – Ginagamit ito ng mga Ilokano sa paghingi ng paumanhin sa


mga laman lupa, maligno, at mga espiritung hindi nakikita.
Hal: Umaykan dika agbatbati
Sumama ka,huwag kang paiiwan
Agtaraigid kayo amin Apo ta mag-naak
Dula – Nahahati ito sa ilang yugto na maraming tagpo.
Pinakalayunin nitong itanghal ang mga tagpo sa isang
tanghalan o entablado.
NENA CRISOLOGO – Ang pinakadakilang pangalan sa
larangan ng dulaang Ilokano.
Mga akda niyang Obra Maestra
• Kodigo Munisipal
• Takneng a Panagsalisal
Biag ni Lam- ang (Epiko) sinulat ni Pedro Bukaneg

Doctrina Christiana ni Cardinal Bellarmine


- isinalin ni Padre Francisco Lopez
- Kauna-unahang aklat ng mga Ilokano at kauna-unabang aklat na panrelihiyon na nailimbag sa Pilipinas
sa pamamgitan ng silograpiko.
- Naglalaman ito ng mga tulang Iloko at mga bahagi ng naisulat ng mga katutubong script.

Matilde de Sipangan (1872)


- Isinulat ni Padre Rufino Niera
- Unang nobela na nailimbag.
- Umani ito ng gintong medalya noong 1892.

Biag ti maysa a Lakay wenno nakaam-ames a bales(Nobela)


- Isinulat ito ni Mariano Gaerlan.
- Nagsusilbi itong interpretasyon sa buhay at kaugalian ng rehiyong Iloko.
MGA AKDANG UKOL SA PANANAMPALATAYA AT
KAGANDAHANG ASAL
1. Doctrina christiana ni Cardinal Bellarmine na isinalin ni P. Francisco(1621)
2. Pasion de nuetra senora jesuchristo(1621) ni P.Antonio Mejia
3. Vida de san Barlaan y Josaphat(1700) ni P. Agustin Mejia
4. Sermones morales at escudos del christiana ni P. Jacinto Guerrero at P.
Guellirmo Sebastian.
5. Novena de nuestra de la caridad que se venera en la eglesia del pueblo de
bantay ni P. Juan Bautista Arenos

MGA AKDANG UKOL SA WIKANG ILOKO


1. Arte de le legua iloca(1627) ni P. Francisco Lopez
2. Vocabulario de la lengua iloco ,isinulat ni P. Lopez at
inayos noong 1800 at muling inayos ni P. Andres
Carro.
3. Grammatica hispano- ilocana at diccionario
hispano(1900)
4. Etudios de las antigua alfabitos filipino
Ilang piling manunulat ng literatura ng iloko

1. PEDRO BUKANEG
-ang kinikilalang ama ng panitikang iloko at ipinapapalagay na siyang francisco
balagtasng iloko, walang gaanong tala kay bukaneg.
2. LEONNA FLORENTINO
-ititnuturing na unang makatang babaeng pilipino at butihing ina ni Isabelo
delos Reyes,
3. CARLOS S. BULOSAN
-mula sa binalonan, pangasinan at matagal nanirahan sa estado unidos.
Ang busabos ng kahapon at ang iba pang tula(1975)
Ang dugo ng magdamag at iba pang tula(1976)
Ang ulupong(maikling kuwento)
4. JOSE BRAGADO
-ipinananganak sa illocos sur at pangulo ng ‘’gumil’’ gunglo daguiti manurat nga
ilocano(1968). Tanyag na manunulat ng ilocos sur at pangalawa kay Pedro Bukaneg.
5. GREGORIO T. AMACO
-mula sa vigan, ilocos Sur, mga sinulat ay ang mga sumusunod,’’ dimo koma biruken ti kaasida’’ o‘’ do not loo
for their mercy’’,’’talna’’ o ‘’peace’’,’’buhon’’o ‘’well’’, naging editor ng phil. Journal at gumawa ng apat na
aklat sa practical arts.
6. ZOSIMO BARNACHEA
-isinilang sa tagudin, ilocos Sur at aktibong meyambro ng gumil
-nagtamo siya ng unang gantimpala pagsulat ng maikling o short story.
7. JOSE CALIP
-ipinanganak sa candon ,ilocos sur. Sinulat niya ang mga pilipinno folklore o mga
Alamat ng pilipino.
8.MARIO A. ABALOS
-isinilang sa vigan ilocos sur ,nakasulat siya ng pitong nobela at sampung dula tulad ng uban at
rosas,. Naging editor din siya ng kiss magazine at pluma magazine at nagkamit ng sa patimpalak
sa pagsulat sa hawii at ginawarang ‘’ thomas jefferson award’’.
9. CONSTANTE C. CASABAR
-mula sa Narnalan, ilocos sur
10. CLARO CALUYA
-makata at nobelista. Tinagurian prinsipe ng mga makatang ilokano.
http://cornelcarmilo.blogspot.com/
2016/10/partidostate-university-goa-
camarines.html?m=1
https://www.slideshare.net/MariaAngelina
Bacarra/panitikang-ilokohttps://
www.slideshare.net/MarlenePanaglima/
rehiyon-1-rehiyon-ng-ilocos-197679517

You might also like