Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 13

Marcos 5:25-34 MBB

25 Kasama rin doon ang isang babaeng labindalawang taon nang dinudugo.

26 Hirap na hirap na siya sa sakit na iyon, at marami nang doktor ang sumuri sa
kanya. Naubos na ang kanyang ari-arian sa pagpapagamot ngunit hindi pa rin
siya gumagaling. Sa halip, lalo pang lumala ang kanyang karamdaman.

27 Nabalitaan niya ang tungkol kay Jesus kaya't nakipagsiksikan siya hanggang
sa makalapit sa likuran ni Jesus, at hinipo ang damit nito,

28 sapagkat iniisip niyang: “mahipo ko lang ang kanyang damit, gagaling na


ako.”

29 Agad ngang tumigil ang kanyang pagdurugo at naramdaman niyang


magaling na siya.
30 Naramdaman agad ni Jesus na may kapangyarihang lumabas sa
kanya, kaya't bumaling siya sa mga tao at nagtanong, “Sino ang
humipo sa aking damit?”
31 Sumagot ang kanyang mga alagad, “Nakikita po ninyong
napakaraming nagsisiksikan sa paligid ninyo, bakit pa ninyo
itinatanong kung sino ang humipo sa damit ninyo?”
32 Subalit lumingun-lingon si Jesus upang tingnan kung sino ang
humipo sa damit niya.
33 Palibhasa'y alam ng babae ang nangyari, siya'y nanginginig sa takot
na lumapit kay Jesus, nagpatirapa, at ipinagtapat ang buong
katotohanan.
34 Subalit sinabi sa kanya ni Jesus, “Anak, pinagaling ka ng iyong
pananampalataya. Umuwi ka na at ipanatag mo ang iyong kalooban.
Ikaw ay magaling na.”
Your Faith and the
Touch of Jesus
Sis. Jane Mendoza
It all starts with
your
FAITH
FAITH moves the
hands of God to reach
you and TOUCH you
WHICH PARTS OF OUR LIVES
NEED GOD'S REACH THROUGH
OUR FAITH?
1.Our HEARTS
(So they can be set on things above)

Colosas 3:1-2 MBB


Yamang binuhay kayong muli na kasama ni Cristo, ituon ninyo
ang inyong pag-iisip sa mga bagay na nasa langit na kinaroroonan
ni Cristo, na nakaupo sa kanan ng Diyos. 2 Ang mga bagay na
panlangit ang isaisip ninyo, hindi ang mga bagay na panlupa,
2. Our MINDS
(So they are transformed and renewed)
Roma 12:1-3 MBB
Kaya nga, mga kapatid, alang-alang sa masaganang habag ng Diyos sa atin, ako'y
nakikiusap sa inyo na ialay ninyo ang inyong sarili bilang isang handog na buháy,
banal at kalugud-lugod sa Diyos. Ito ang karapat-dapat na pagsamba ninyo sa
Diyos.
2 Huwag kayong makiayon sa takbo ng mundong ito. Sa halip, hayaan ninyong
baguhin ng Diyos ang inyong pag-iisip upang maunawaan ninyo ang kanyang
kalooban. Sa gayon, magagawa ninyo kung ano ang mabuti, kalugud-lugod at
ganap na kalooban ng Diyos.
3 Dahil sa kagandahang-loob ng Diyos sa akin, sinasabi ko sa bawat
isa sa inyo, huwag ninyong pahalagahan ang inyong sarili nang
higit sa nararapat. Sa halip, pakaisipin ninyong mabuti ang tunay
ninyong katayuan ayon sa sukat ng pananampalatayang
ipinagkaloob ng Diyos sa bawat isa sa inyo.
3. Our MOUTHS
(To be wholesome and pleasing to God)
Mga Awit 141:3-4 MBB
3 O Yahweh, bibig ko ay iyong bantayan, ang mga labi ko'y lagyan mo ng
bantay.

4 Huwag mong babayaang ako ay matukso, sa gawang masama ay magumon


ako; ako ay ilayo, iiwas sa gulo, sa handaan nila'y nang di makasalo.
4. Our BODIES
(To be pure and holy for Him)
1 Mga Taga-Corinto 6:19-20 MBB
Hindi ba ninyo alam na ang inyong katawan ay templo ng Espiritu Santo na
nasa inyo at ipinagkaloob ng Diyos sa inyo? Hindi na ninyo pag-aari ang
inyong katawan; sapagkat binili niya kayo sa isang halaga. Kaya't gamitin
ninyo ang inyong katawan upang maparangalan ang Diyos.
5. Our EMOTIONS
(To be calmed with the peace of God)
Filipos 4:6-7 MBB
6 Huwag kayong mabalisa tungkol sa anumang bagay. Sa halip, hingin ninyo sa
Diyos ang lahat ng inyong kailangan sa pamamagitan ng panalanging may
pasasalamat.

7 At ang kapayapaan ng Diyos na hindi kayang maunawaan ng tao ang siyang mag-
iingat sa inyong puso at pag-iisip dahil sa inyong pakikipag-isa kay Cristo Jesus.

You might also like