Gamit NG Pandiwa

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 12

Gamit ng

Pandiwa
PANDIWA
Ito ay mga salitang nagsasaad ng kilos o galaw.

Matulog Kumakain Nagbabasa


Mga Gamit ng Pandiwa

• KILOS/AKSIYON
• KARANASAN
• PANGYAYARI
• Kilos/Aksiyon
May aksiyon ang pandiwa kapag may aktor o
tagaganap ng aksiyon/kilos.
Mabubuo angmga pandiwang ito sa tulong ng mga
panlaping: -um, mag-, ma-, mang-, maki-, mag-an.
Maaring tao o bagay ang aktor.
Halimbawa:
1. Naglakbay si Bugan patungo sa tahanan ng mga diyos.
2. Tumalima si Psyche sa lahat ng mga gusto ni Venus.
Pandiwa  Naglakbay
 Tumalima
Aktor  si Bugan
 si Psyche
• Karanasan
Nagpapahayag ng karanasan ang pandiwa kapag may
damdamin. Dahil dito, may nakararanas ng damdamin na
inihuhudyat ng pandiwa. Maaring magpahayag ang
pandiwa ng karanasan o damdamin/emosyon. Sa ganitong
sitwasyon may tagaranas ng damdamin o saloobin.
Halimbawa:
1. Tumawa si Bumabakker sa paliwanag ni Bugan.
2. Nalungkot ang lahat nang mabalitaan ang masamang nangyayari.
Karanasa  Tumawa
 Nalungkot
Aktor  si Bumabakker
 ang lahat
• Pangyayari
Ang pandiwa ay nagpapakita ng resulta ng
isang pangyayari.

Halimbawa:
1. Kumukulo ang dugo ni Venus sa napangawasa ng kaniyang anak.
2. Nalunod ang mga tao sa matinding baha.
Karanasan  Kumukulo
 Nalunod
Aktor  sa napangawa ng kanyang anak
 isang matinding baha
PAGSASANAY 2
Panuto: Sipiin ang mga sumusunod na
pangungusap sa sagutang papel. Isulat
sa patlang kung ang pandiwang may
salungguhit ay ginamit bilang aksiyon,
karanasan, o pangyayari.
1. Ginawa ni Psyche ang lahat upang
maipaglaban ang kaniyang pagmamahal kay Cupid.
2. Labis na nanibugho si Venus sa kagandahan
ni Psyche.
3. Nalungkot si Bantugan sa utos ng hari kaya
minabuti niyang lumayo na lamang.
4. Umibig ang lahat ng kababaihan kay
Bantugan.
5. Hindi nasiyahan si Jupiter sa ginawang
pagpapahirap ni Venus kay Psyche.
6. Patuloy na naglakbay si Psyche at pinipilit
na makuha ang panig ng mga diyos.
7. Lalong sumidhi ang pagseselos niya kay
Psyche.
8. Ibinuhos niya sa harap ni Psyche ang
isang malaking lalagyan na puno.
9. Umuwi siya sa kaharian ni Venus.
10. Dahil sa paghihirap natukso siyang
tumalon.

You might also like