Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 13

IKATLONG MARKAHAN

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO

PAGMAMAHAL SA DIYOS
I. Panimula
 Paano ka ba magmahal? Naitanong mo na ba ito sa iyong
sarili? Paano mo minamahal ang Diyos at ang iyong
kapwa? Pamilyar ka ba sa dalawang pinakamahalagang
utos? Ito ay ang: ibigin mo ang Diyos nang buong isip,
puso at kaluluwa at ibigin mo ang iyong kapuwa tulad ng
iyong sarili. Ang pagmamahal ang pinakamahalagang
utos.
 Ang tao ay likas na maka-Diyos. Mula sa kanyang
kapanganakan, hinahanap na niya ang kaniyang
pinagmulan. Marahil ay tatanungin mo ang iyong sarili
saan nagmula ang ating buhay.
 Ang Diyos ang pinagmulan ng tao at ang patutunguhan
nito. Nilikha tayo ng Diyos. Marapat na Siya ay mahalin.
Higit pa dito, siya ang pinagmulan ng pag-ibig kaya
sinasabing ang Diyos ay pag-ibig.
Juan 3:16
Dahil mahal na-mahal ng Diyos ang sanlibutan kaya ang anak
niyang kaisa-isa’y kanyang ipinagkaloob at nang sinuman ang
maniwala sa kanya’y di mapahamak kundi magkaroon ng buhay na
walang hanggang.
 Ipinapahiwatig ng berso na minamahal ng Diyos ang kaniyang
anak. Ang tao na mananalig sa kaniya ay magkakaroon ng buhay
na walang hanggan. Bilang pagmamahal ng Diyos, binigyan tayo
ng talino at lakas.
 Gamit ito, makakamit natin ang ibibigay niyang buhay na walang
hanggan. Ngunit papaano natin gagamitin ang mga ibinibigay
niyang talino at lakas sa atin upang makamit ang buhay na walang
hanggan?
 Ang tao ay nilikha ng Diyos na may misyon na dapat na
gawin. Sinasabi sa Bibliya na ang tao’y kamanggagawa ng
Diyos upang maisagawa ang kaniyang plano para sa
sangkatauhan. Pinagkalooban niya tayo ng talino at lakas
upang makagawa hindi lamang para sa pansariling pag-unlad
kundi pati na din sa pagkakamit ng kabutihang panlahat.
Upang maisagawa ang misyong ito gagamitin natin ang
pinagkaloob niyang talino at lakas sa atin upang maisabuhay
ang paggawa. Upang mas higit na maunawaan, ang
pagmamahal ay isa sa mga pagpapahalagang maaaring
taglayin ng isang tao.
 Dahil ang pagmamahal ay ispiritwal, mahirap itong ipakita
kung hindi lalapatan ng gawa. Importante ang paggawa dahil
hindi lamang upang matugunan ang ating mga
pangangailangang material kundi upang maisakatuparan
natin ang ating misyon dito sa lupa. Ang misyong
maghahatid sa atin sa pagiging makamanggagawa ng Diyos
sa kanyang mga plano sa sangkatauhan.
 Sa konklusyon mahalaga ang pagmamamahal ng Diyos
dahil inililigtas niya tayo. Makabuluhan na mahalin natin
siya dahil sa ibinigay niyang buhay na walang hanggan.
Masasabi natin na dapat pa din nating tandaan na manalig at
sundin ang kanyang mga kagustuhan dahil kung sinuman
ang maniniwala sa kaniya ay pagkakalooban niya.
Naririto ang ilan sa mga dapat gawin upang mapangalagaan
ang ugnayan ng tao sa Diyos.
1. Panalangin – Ito ay paraan ng pakikipag-ugnayan ng tao sa
Diyos. Sa pananalangin, ang tao ay nakapagbibigay ng
papuri, pasasalamat, paghingi ng tawad, at paghiling sa
Kaniya. Kung hindi natutupad ang hinihiling sa panalangin,
huwag agad panghinaan ng pananampalataya dahil may
dahilan ang Diyos kung bakit hindi Niya ibinibigay ito sa
tao. Maaaring hindi pa ito dapat mangyari, o di kaya’y
maaaring makasama ito sa taong humihiling.
2. Panahon ng Pananahimik o Pagninilay – Sa buhay ng
tao, napakahalaga ang pananahimik. Ito ay makatutulong
upang ang tao ay makapagisip at makapagnilay. Mula rito
mauunawaan ng tao ang tunay na mensahe ng Diyos sa
kaniyang buhay. Makatutulong ito upang malaman ng tao
kung ano ang ginagawa niya sa kaniyang paglalakbay, kung
saan siya patutungo.
3. Pagsisimba o Pagsamba – Anuman ang pinaniniwalaan ng
tao, mahalaga ang pagsisimba o pagsamba saan man siya
kaanib na relihiyon. Ito ang makatutulong sa tao upang lalo
pang lumawak ang kaniyang kaalaman sa Salita ng Diyos at
maibahagi ito sa pamamagitan ng pagsasabuhay ng kaalaman
na napulot sa pagsisimba/pagsamba.
4. Pag-aaral ng salita ng Diyos – Upang lubos na makilala ng
tao ang Diyos, nararapat na malaman ang Kaniyang mga turo
o aral. Tulad ng isang tao na nais makilala nang lubos ang
taong kaniyang minamahal, inaalam niya ang lahat ng
impormasyon ukol dito. Hindi lubusang makikilala ng tao ang
Diyos kung hindi siya mag-aaral o magbabasa ng Banal na
Kasulatan o Koran.
5. Pagmamahal sa Kapuwa – Hindi maaaring ihiwalay sa tao
ang kaniyang ugnayan sa kapuwa. Ito ang isang dahilan ng
pag-iral ng tao, ang mamuhay kasama ang kapuwa. Hindi
masasabi na maganda ang ugnayan ng tao sa Diyos kung
hindi maganda ang ugnayan niya sa kaniyang kapuwa.
Mahalagang maipakita ng tao ang paglilingkod sa kaniyang
kapuwa.
6. Pagbabasa ng mga aklat tungkol sa espiritwalidad –
Malaki ang naitutulong ng pagbabasa ng mga babasahin na
may kinalaman sa espiritwalidad. Ito ay nakatutulong sa
paglago at pagpapalalim ng pananampalataya ng isang tao.
 Mula sa iba’t ibang paraan, napalalalim ng tao ang kaniyang
ugnayan sa Diyos. Kaya’t dito ay makikita ng tao na hindi
maaaring ihiwalay ang espiritwalidad sa pananampalataya.
Ang espiritwalidad ng tao ang pinaghuhugutan ng
pananampalataya at ang pananampalataya naman ang siyang
nagpapataas ng espiritwalidad ng tao. Dito ay nagkakaroon
nang malalim na ugnayan ang Diyos at ang tao.
 Tumatanda ka na, marami ka pang mararanasan sa buhay,
mahalagang sa edad mong iyan ay simulan mo ng paunlarin
ang iyong pananampalataya sapagkat ito ang iyong magiging
kalasag sa pag-unlad.

You might also like