Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

Hilig o Interes:

Gabay Ko sa
Pagpili ng Kurso at
Trabaho
Tuklasin ang iyong mga Hilig
at Interes
 Ang hilig o interes ang gaganyak sa atin na kumilos at
gumawa. Ang mga ito ay karaniwang nagdidikta ng mga
gawain na pipiliin at kasasangkutan.
 Ang mga hilig o interes ay maaaring natutuhan sa mga
karanasan, ang iba ay minamana, at ang iba naman ay
galing sa ating mga pinapahalagan at mga kakayahan.
Ang obhetibong pagsusuri at pagpapaunlad sa sariling hilig o
interes ay mahalaga dahil sa sumusunod:

1. Ang iyong mga hilig o interes ay maaaring pagmulan o


panggalingan ng iyong sariling kasiyahan.
- Ang taong nasisiyahang gawin ang isang gawain ay
nagsisikap na matapos ito ng buong husay. Kaya mong
ipagmalaki amg mga gawaing maayos mong ginawa.
Nagbibigay rin ito sa iyo ng pagpapahalaga at paggalang sa
sarili.
2. Mas makakabuti kung ang gawain ng isang tao ay
nakasisiya sa kaniya sapagkat maibibigay niya ang lahat ng
kaniyang kakayahan upang mapagbuti at maiayos ang
gawaing iyon.
- Ang pagkilala sa sariling interes ay mahalaga
sapagkat ito ay makatutulong sa pagtupad sa mga gawain at
tungkulin na inaasahan sa isang kabataang tulad mo.
3. Ang pagtuklas at pag-alam sa sariling interes ay
makatutulong upang maunawaan ang mga gawain o
hanapbuhay na nababagay sa iyo.
-Mahalagang malaman mo ang iyong mga hilig dahil
palatandaan ang mga ito ng mga uri ng kurso o trabaho na
tugma sa iyo. Ang kursong iyong kukunin o hanapbuhay na
pipiliin ay lalo mo pang mapahahalagahan o mamahalin kung
ang mga ito ay may kinalaman sa iyong mga hilig o interes.
4. Kung tugma ang pipiliin mong kurso o hanapbuhay sa
iyong mga hilig o interes, mas magiging kapaki-pakinabang
at produktibo ka sa hinaharap.
- Ang mga mamamayan na buong husay na
ginagampanan ang kanilang gawain o trabaho ay
makapaglilingkod sa kanilang kapwa at makatutulong sa
pag-unlad ng pamayanan.
Ang pagtukoy sa iyong mga interes o hilig ay maaaring
gawin sa pamamagitan ng sariling pagsusuri. Makatutulong
din ang opinyon at pagtataya ng ibang tao na na nakakikilala
sa iyo upang higit mo pang matuklasan ang iyong mga
interes.

Mahalaga ang pagtuklas mo sa mga ito dahil ang iyong


mga interes at hilig ay palatandaan ng mga uri ng gawain,
kurso o trabaho na magbibigay sa iyo ng kasiyahan at
kaganapan. Kung alam mo ang iyong mga hilig ay mas
malalaman mo ang mga tamang paraan kung paano mo
papaunlarin ang mga ito.
Ayon kay Dr. John Holland, ang iba’t ibang hanapbuhay
ay mapapangkat sa anim ayon sa mga gawaing kailangang
gampanan sa mga propesyong iyon.
Mga Hilig at Katumbas na
Hanapbuhay
• Makatutulong ang kaalamang ito upang maunawaan mo
ang malaking kaugnayan ng iyong mga hilig o interes sa
larangan ng kurso at trabaho na angkop sa iyo.

• Piliin mo ang kursong may kaugnayan sa iyong interes ,


paboritong libangan o hilig nang sa gayon ay magampanan
mo nang maayos ang iyong mga gawain at maging
matagumpay ka sa hanpbuhay na iyong gagampanan sa
hinaharap.
Katangian Ikaw ba ito? Kaya mo ba Mahilig ka Mga maaaring
ito? ba rito? propesyon

•Praktikal •Magkumpuni
Malakas ng mga
Prangka elekrikal na
•Mahilig sa bagay
mga mekanikal •Gumamit ng
Makatoto- na bagay mga makina
hanan •Sistematik •Maglaro ng
sports
•Matiyaga •Mapagsunod-
sunod na gawin
ang panuto sa
manwal
Mga Hilig at Katumbas na
Hanapbuhay
• Makatutulong

You might also like