Aralin 1(.2) MGA KAPANGYARIHAN NG SURIAN NG WIKANG PAMBANSA
• 1. Mag-aral ng pangunahing wika na ginagamit
sa Pilipinas. (Kung ano yong dapat na ginagamit na wika ng bansa, iyon ang dapat nating pag-aralan.) • 2. Magpatibay at mapaunlad ng isang pangkalahatang Wikang Pambansa na batay sa mga umiiral na wikang katutubo. (Iisang wika ang magpapatibay sa ating bansa.) • 3. Pumili ng isang katutubong wika na nakahihigit sa pag-unlad sa kabuuan. (Piliin mo kung ano yong mas huhubog saiyo bilang isang Pilipino.) • Pagkatapos ng puspusang pag-aaral ng iba’t ibang wika sa Pilipinas, ipinasya ng Surian na Tagalog ang siyang dapat pagbatayan ng Wikang Pambansa pagkat ito’y nagtataglay ng nalinang nang panitikan at wikang sinasalita ng nakahihigit ng dami ng mga Pilipino. Kaya, noong Disyemre 30, 1937, inihayag ni Pangulong Quezon na ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Tagalog. (Tagalog ang ating naging wikang pambansa sapagkat ito yong ating wikang sinasalita, Ito rin ang siyang ginamit sa pagbuo ng panitikan.) May mga itinadhana ukol sa ating wika sa seksyon 6 at 7 saligang batas 1987.
• Sekyon 6. “Ang wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino.
Habang nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang wika ”. (Pagyamanin at pagyabungin natin ang ating wika, bilang isang Pilipino dapat na tangkilikin natin ang sariling atin.) • Sekyon 7. “Ukol sa layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at Ingles hangga’t walang ibang itinatadhanang batas. Ang mga wikang panrelihiyon ay pantulong sa mga wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbing pantulong sa mga wikang panturo doon. (Dahil kung saang rehiyon tayo nakabilang maaari nating gamitin kung anong wika mayroon ang ating rehiyon. Makatutulong ito upang mas magkaintindihan ang bawat isa. ) MGA BATAYAN SA PAGTUTURO NG WIKANG PAMABANSA • BE Circular No. 71, s. 1939 - Ipinag-utos nang nooý kalihim Jorge Bacobo ng Paturuang Bayan na gagamitin ang mga katutubong diyalekto bilang mga pantulong na wikang panturo sa primary simula taong panuruan 1939-1940. (Ginamit nila na pantulong ang mga katutubong diyalekto bilang pantulong na wika dahil upang mas maunawaan nila kung ano ang itinuturo.)
• Kautusang tagapagpaganap Blg. 263 - Noong Abril
1, 1940 ay nilagdaan ng pangulong Quezon ang kautusan at ditoý ipinag-utos ang pagtuturo ng wikang pamabansa sa lahat ng paaralang pampubliko at pribado sa bansa. Nag-aatas din ito ng paglilimbag ng Tagalog-English Vocabulary at isang gramatika na pinamagatang Ang Balarila ng Wikang Pamabnsa. (Nagkaroon ng kautusan na dapat ay wikang pambansa lamang ang gagamiting panturo sa lahat ng antas ng paaralan maging pribado man o pampubliko.) • Bulitin Blg. 26, s. 1940 - Naglalaman ng pagmumungkahing magsama ng isang pitak o seksiyon sa Wikang Pamabansa sa lahat ng pahayagang pampaaralan upang mapasigla ang pag-aaral ng Wikang pamabansa sa mataas na paaralan, mga paaralang pormal at tekniko na nilagdaan ng Direktor ng Pagtuturo na si Celendonio Salvador.
• Executive order No. 10 – Noong Nobyembre 1943,
nagpalabas si Jose P. laurel ng Executive Order blg. 10 na nagsasaad na ang wikang pamabansa ay ituturo sa lahat ng mataas na paaralang pampubliko at pampribado, kolehiyo at unibersidad na agad magkakabisa simula taong panuruan 1944-45. (Upang magkaroon ng pagkakaisa kaya kinakailangan na ituro ang wikang pambansa sa lahat ng antas ng paaralan.) • Memorandum pangkagawaran blg. 6, s. 1945 - Ipinalabas ng kagawaran ng Edukasyon na nagtatakda ng tentatibong kurikulum sa elementarya. Sa kurikulum na ito, ang wikang pamabansa ay binibigyan ng araw-araw na pagkakaklse, 15 minuto at 30 minuto sa intermediya. (Nararapat lang natin na gamitin at ituro ang wikang pambansa upang mas magkaunawaan ang bawat isa.)
• Kautusang Pangkagawaran Blg. 25 - Hunyo 19, 1974, ang
Kagawaran ng Edukasyon at Kultura ay naglagda sa pamamagitan ng kautusan ng mga panuntunan sa pagpapatupad ng patakarang Edukasyong Bilingguwal. Ayon sa panuntunang ito, binibigyan ng katuturang magkahiwalay na paggamit ng Pilipino at Ingles bilang mga panturo sa mga tiyak na asignatura, sa pasubaling gagamitin ang Arabic sa mga lugar na ito ay knakailangan. (Nagkaroon ng Edukasyong Bilingguwal dahil sa kautusang ito, Inihiwalay ito upang mas lalong maunawaan ng mga bata ang itinuturo. Na kung saan ang tagalog ay gagamitin sa asignaturang Filipino at ang Ingles naman ay gagamitin sa asignaturang English.) • Kautusang Pangkagawaran Blg. 50, s. 1975 - Simula sa taong panuruan 1979-1980, isasama sa kurikulum ang lahat ng mga institusyong tersarya ang anim (6) nay unit ng Pilipino. (Hindi mawawala ang asignaturang Filipino sa lahat ng antas ng edukasyon.)
• Kautusang Pangkagawaran Blg. 52, s. 1987 - Ang
Filipino at Ingles ay gagamiting mga midyum sa pagtuturo. Ituturo din ang dalawang wika at gagamiting midyum ng pagtuturo sa lahat ng antas ng edukasyon para matamo ang bilingguwal na kahusayan. (Ginamit ang wikang Filipino at Ingles bilang midyum ng pagtuturo sa lahat ng antas upang mas lubos na maunawaan ng bawat isa.)
• CHED Memorandum Order (CMO) No. 59, s. 1996. -
Sa animnapu’t tatlong (63) minimum na kahingian ng Gen. Ed. Curriculum (GEC), siyam (9) nay unit ang inilaan sa Filipino at (9) din sa Ingles. (Binigyang halaga ang asignaturang Filipino at Ingles sa Gen Ec Curriculum.) • CMO NO.4, s. 1997 - Siyam (9) na yunit ng Filipino ang kukunin sa programang Humanities, Social Science at Communication (HUSOCOM) at anim (6) naman sa di-HUSOCOM. (may mga nakalaang yunit ang Filipino sa mga programang ito.)
• Kautusang Pangkagawaran Blg. 60, s. 2008 - Ang Filipino at
Ingles ang mananatiling mga wika sa pagtuturo at ang mga local na wika ay gagamitin bilang pantulong na wika ng pagtuturo para sa pormal na edukasyon at para sa alternatibong sistema ng pagkatuto. (Hindi dapat mawala ang Filipino at Ingles bilang panturo.)
• Kautusang pangkagawaran Blg. 74 s. 2009 - Ito ay may pamagat
na Institutionalizing Mother Tongue-Based Multilingual; Education (MTBMLE). Sa kautusang ito, unang wika ang gagamiting wikang panturo para sa pangunahing literasiya. (Ito po yong ginagamit ngayon sa una hanggang ikatlong baitang na kung saan kung ano ang unang wika iyon dapat ang gagamitin bilang panturo.) • CMO No. 20. s. 2013 - Dahil sa pagbabago ng Sistema ng edukasyon, sa seksyon 3 ng kautusang ito, ang GEC ay bumaba sa 36 na yunit at inalis ang Filipino bilang asignatura. Ang GEC ay maaaring ituro sa wikang Ingles o Filipino. (Inalis nila ang asignaturang Filipino, na kung saan ay dapat pinag-aaralan pa rin natin lalo na’t ito’y ating pangunahing wika.)
• CMO No. 57, s. 2017 - Ito ay kautusang pagdaragdag ng
asignaturang Filipino sa lahat ng kurso sa kolehiyo bilang bahagi ng GEC. Ang CMO no.57 ay naipatupad, ang pagbabalik ng asignaturang Filipino at hanggang sa kasalukuyan ay mainit pa rin itong pinag-uusapan. (ibinalik nila ang asignaturang Filipino sa kolehiyo na usap-usapan pa rin hanggang ngayon. Sa pagkakaalam ko may mangilan-ngilang kolehiyo na hindi na talaga ibinalik ang asignaturang Filipino, mayroon naman na nagbawas lamang sila ng asignaturang Filipino.) ANG PAGTAGUYOD SA WIKANG FILIPINO SA KASALUKUYAN • Sapagkat pinapatay ng CMO 20, s. 2013 ang wika at asignaturang Filipino, maraming mga organisasypon, mga institusyon o samahan at maging ang kagawaran ng pamahalaan ang nagpapahayag ng kanlang pagtutol sa nasabing kautusan.
Pambansang Samahan sa Linggwistika at Literaturang
Filipino (PSLLF), Ink. Isang samahan ng mga propesor, guro, mag-aaral, manunulat at mananaliksikna may malasakit at interes sa pagtuturo ng wika.
Isang propesyonal na organisasyonng nagtataguyod ng mahusay na
paggamit ng wikang Filipino. Ito din ay isa sa mga kasaping-organisasyong tagapagtatag ng Alyansa ng mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino (Tanggol Wika). Tanggol Wika o Alyansa ng mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino • Isang organisasyon na nabuo noong 2014 na binubuo ng mga dalubwika, dalubguro, manunulat at mga mag-aaral bilang tugon sa pagbabalak na pagpatay ng wikang Filipino. (Bakit ba natin kailangang isantabi ang wikang Filipino? Tayong mga Pilipino ang dapat na manguna sa paggamit ng wikang pambansa. Ipagmalaki natin ang sariling atin)
Sa Petisyon ng Tanggol wika, layunin nito ang mga sumusunod;
1. Panatilihin ang pagtuturo ng asignaturang Filipino sa bagong GEC sa kolehiyo. 2. Kumilos tungo sa pagrebisa ng CMO 20. 3. Gamitin ang wikang Filipino sa pagtuturo ng iba’t ibang asignatura at; 4. Isulong ang Makabayang edukasyon.