Mga Layunin ng Pagpapatupad ng Batas Rizal Ilang mga layunin ang isinaad upang higit na maunawaan ang kahalagahan ng paglilikha ng Batas Rizal. Isa dito ay dahil kailangan na muling buhayin ang kalayaan at nasyonalismo kung para saan ang ating mga bayaning nag-alay ng kanilang mga buhay. Sa tulong ng batas na ito,nagpapaalala sa bawat Pilipino ang mga dugo’t pawis na inalay ng ating mga bayani na maaaring maging inspirasyon sa bawat isa sa pagtulong sa pagpapatayo ng isang bansang matagumpay. Panig ng mga Sumasang-ayon sa Pagpapatupad ng Batas Ipinaalala ni Hen. Emilio Aguinaldo kung paano pinigilang basahin ang mga sinulat ni Rizal aniya, “Ang impluwensya ng mga Espanyol ay nabubuhay pa rin sa mga pari ngayon.” Ang pagkabayani ni Rizal ay nakikita sa dalawang nobelang isinulat ni Rizal.Kung kaya, ang sinumang sumalungat sa batas ni Rizal ay para naring inaalis si Rizal sa kanilang isipan. Panig ng mga Sumasang-ayon sa Pagpapatupad ng Batas Ang mga nobela ni Jose Rizal na NOLI ME TANGERE at EL FILIBUSTERISMO ay naglalaman ng mga pahayag sa subersibo o laban sa simbahan. Ayon sa simbahan, ang sinaunang makabasa nito ay maaring mag-iba ang paniniwala o sumalungat sa mga tinuturo ng simbahan. Mistulang may monopolyo ng patriyotismo ang grupo ni Recto, gayung noong panahon ng digmaan, ang ilang mga nagsulong ng Batas Rizal ay nagsilbing kasabwat ng hapon. Ano nga ba ang Batas Rizal? Ang BATAS REPUBLIKA 1425 na mas kilala sa tawag na “BATAS RIZAL” ay pinangunahan ng dating pinuno ng Pambansang Kapulungan ng Edukasyon na si Sen. Jose P. Laurel. Bago ito napagtibayan noong Hunyo 12, 1956, dumaan ng batas na ito sa mga umaatikabong debate sa loob ng senado at kongreso. Tinawag itong House Bill 5561 sa Kongreso na pinangungunahan ni Cong. Jacobo Gonzales at tinawag naman itong Senate Bill 438 sa senado na pinangunahan naman ni Sen. Carlo M. Recto. Hindi nakakapagtaka na sila ang mga pinunong nagtaguyod sa batas na ito, dahil kung babalikan ang kasaysayan, malinaw na may marubdob na pagmamahal sa bayan ang dalawang ito. Ang pagpapatupad nito ay hindi naging madali para sa mga mambabatas. Mahabang proseso ang pinagdaan ng panukalang batas na ito bago ito naging isang batas. Panuto: Ipaliwanag sa sariling pananalita ang ibig ipakahulugan ng “ANG KABATAAN ANG PAG-ASA NG BAYAN”.