AP 4 Aralin 1-2

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 13

Araling Panlipunan 4

Week 1

Natatalakay ang Konsepto ng Bansa


MARY JEAN G. GRINO
Marick Elementary School
Cainta, Rizal
Ang Pilipinas ay Isang Bansa
• Bansa
Ang bansa ay lugar o teritoryo na
may naninirahang mga grupo ng
tao na may magkakatulad na
kulturang pinanggagalingan kung
kaya makikita ang iisa o pare-
parehong wika, pamana, relihiyon
at lahi.
Ang Pilipinas ay Isang Bansa
• Ang isang bansa ay maituturing na
bansa kung ito ay binubuo ng apat
na elemento ng pagkabansa
– Tao
– Teritoryo
– Pamahalaan
– Kalayaan o soberanya
Ang Pilipinas ay Isang Bansa
• Tao
Ang tao ay tumutukoy
sa grupong
naninirahan sa loob ng
isang teritoryo na
bumubuo ng
populasyon ng bansa
Ang Pilipinas ay Isang Bansa
• Teritoryo
Ang teritoryo ay tumutukoy sa
lawak ng lupain at katubigan kasama
na ang himpapawid at kalawakan sa
itaas nito.
• Ito rin ang tinitirhan ng
tao at pinamumunuan
ng pamahalaan
Ang Pilipinas ay Isang Bansa
• Pamahalaan
ay isang samahan o
organisasyong politikal na
itinataguyod ng mga grupo ng
tao na naglalayong magtatag
ng kaayusan at magpanatili ng
isang sibilisadong lipunan.
Ang Pilipinas ay Isang Bansa
• Soberanya
Ang soberanya o ganap na
kalayaan ay kapangyarihan ng
pamahalaang mamahala sa
kanyang nasasakupan.
• Tumutukoy rin ito sa kalayaang
magpatupad ng mga programa
nang hindi pinakikialaman ng ibang
bansa.
Ang Pilipinas ay Isang Bansa
Dalawang Anyo ng Soberanya

1. Ang panloob na soberanya ay ang pangangalaga


ng sariling kalayaan.
2. Ang panlabas na soberanya ay ang pagkilala ng
ibang bansa sa kalayaang ito.
Week 2

Relatibong Lokasyon ng Pilipinas


Batay sa mga Nakapaligid Dito
Upang malaman natin ang kinalalagyan o lokasyon ng ating bansa,
kailangan muna nating pag-aralan ang mga pangunahing
direksyon at pangalawang direksyon.

Mga Pangunahing Direksyon


 Hilaga
Timog
Silangan
Kanluran
Upang malaman natin ang kinalalagyan o lokasyon ng ating bansa,
kailangan muna nating pag-aralan ang mga pangunahing
direksyon at pangalawang direksyon.

Mga Pangalawang Direksyon


Ang mga ito ay nasa pagitan ng mga
pangunahing direksyon.
 Hilagang-kanluran
Hilagang-silangan
Timog-kanluran
Timog-silangan
Kung pangunahing direksyon ang
pagbabatayan, ang Pilipinas ay
napapaligiran ng mga sumusunod:

Pangunahing Anyong Anyong Tubig


Direksiyon Lupa
Hilaga Taiwan Bashi Channel
Silangan Karagatang Pasipiko
Timog Indonesia Dagat Celebes at Dagat Sulu
Kanluran Vietnam Dagat Kanlurang Pilipinas o
dating Timog China
Kung pagbabatayan ang mga pangalawang direksyon, matutukoy
rin ang kinalalagyan ng Pilipinas

Hilagang-kanluran - Isla ng Paracel


Hilagang-silangan - Dagat ng Pilipinas
Timog-kanluran - Borneo
Timog-silangan - Isla ng Palau

You might also like