Fil 1 Aralin 4

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

FIL 1:

PAGTUTURO NG FILIPINO
SA ELEMENTARYA (1)
ESTRAKTURA AT GAMIT NG
WIKANG FILIPINO
Madilyn Riquez
Aralin 4

Teorya sa
Constructivism at ang
Pagtuturo ng Filipino
Isang saligan sa bagong kurikulum ng kagawaran ang
paniniwala sa teoryang constructivism. Ang mga mag-aaral
ang siyang tagabuo ng kahulugan sa tulong ng kaniyang
dating kaalaman at karanasan. Sa cognitive development ni
Jean Piage pinaniniwalaan na ang isang tao ay nakabubuo
ng kahulugan kung may ugnayan at interaksiyon ito sa
pagitan ng kaniyang karanasan at ideya. Ito ay nakapokus sa
development ng tao na may kakayahang iugnay ang mga
pangyayari sa kaniyang buhay sa tulong o impluwensiya ng
ibang tao para makabuo ng kahulugan.
Samantalang kay Lev Vygostky naman ay
pinahalagahan ang sociocultural learning, mahalaga
kung paano nakikipag-ugnayan sa mga nakatatanda at
sa mga kaibigan para makabuo ng kahulugan sa
pamamagitan ng zone of proximal development.
Pinalawak pa ito ni Jerome Bruner at iba pang
sikolohista pamamagitan ng pagbuo ng instructional
scaffolding kung saan napahahalagahan ang
kaalamang pangkapaligiran para makabuo ng
kahulugan.
Sa pagtuturo ng Filipino, isinasaalang-alang ang
constructivism. Ang mga mag aaral ay nakikipag-
ugnayan sa isa't isa at ibinabahagi ang kanilang
nauunawaan, nararamdaman, at karanasan para
makabuo ng bagong kaalaman. Ang guro ay nagiging
facilitator o tagapagdaloy ng kaalaman. Hinihimok ang
mga mag aaral na makipag-ugnayan, magpalitan ng
kuro-kuro, karanasan, at makabuo ng bagong kahulugan
at kaalaman na batay sa kanilang pangangailangan sa
tulong ng interbensiyong ibibigay ng guro.
Kinakailangan din ang pagkakaroon ng kritikal na
pag-iisip para makabuo ng sariling pagpapakahulugan.
Ang mga mag-aaral ang sentro ng pagkatuto. Ayon nga
kay Brader-Araje at Jones (2002), ang constructivism
ay ang pagbuo ng isang kaalaman batay sa pang-unawa
at nangangailangan ng aktibong pakikilahok sa pagbuo
ng kahulugan.
Ang constructivism ay nagsasabi na sa pagkatuto ng
isang tao, ang mag aaral ang tagabuo ng impormasyon.
Siya ay aktibong nakilalahok at bumubuo ng bagong
ideya. Ang bagong kahulugan naman ay nabubuo sa
pamamagitan ng ugnayan ng dating kaalaman at
bagong kaalaman. Sa pamamagitan nito, aktibong
nakalalahok ang mga mag-aaral sa proseso ng kanilang
pagkatuto.
Layunin din ng programang K to 12 na malinang ang
ika-21 siglong kasanayan. Ang bawat kasanayang
pampagkatuto ay napapabilang sa mga kasanayang ito
na tunguhing ihanda ang mga mag-aaral para maging
buo at ganap na Pilipino na may kapaki-pakinabang na
kaalaman.
Basahing mabuti ang sumusunod na mga katangian at sagutin
ito nang buong ingat. Ilahad ang iyong sagot sa loob ng kahon.
1. Ano ang teorya ng constructivism?
Basahing mabuti ang sumusunod na mga katangian at sagutin
ito nang buong ingat. Ilahad ang iyong sagot sa loob ng kahon.
2. Bakit mahalaga ang constructivism sa pagtuturo ng
Filipino? Ano- ano ang mga kasanayan na maaring
malinang kung gagamitin ito ng isang guro sa kaniyang
pagtuturo?

You might also like