Download as ppt, pdf, or txt
Download as ppt, pdf, or txt
You are on page 1of 108

Masinop na Pagsulat sa

Filipino
Jose Evie G. Duclay
Linguistics Specialist
ilígal vs ilegál
(Ingles) (Español)

eskolár vs iskólar
(Español) (Ingles)
Masínop na pagsulat

SÍNOP
Pagiging maingat at malinis sa
pagpaplano at paggawa ng
isang bagay

Sikap sa pagtitipon ng mga


bagay na pakikinabangan
Sanggunian

kwfdiksiyonaryo.ph
www.diksiyonaryo.ph
Sanggunian
Sanggunian
Masínop na pagsulat

Estandardisadong pagsulat sa sistema ng edukasyon

Disiplina sa pagsulat
maling ispeling
maling format
maling impormasyon
Masínop na pagsulat

Layunin:

1.Kasanayán sa isang
intelektuwalisadong pagsulat sa
wikang Filipino

2.Adopsiyon ng unibersal na
tuntunin sa estilo
KWF Manwal sa Masinop na Pagsulat

Gabay sa panukalang
estandardisadong
pagsulat ng KWF
Mga Batas ng Bantas
Ano ang Bantas?

Ang bantas ay kumakatawan sa mga


patlang, himig ng pagsasalita, at sa
pagitan ng mga titik at pantig.
Tuldók (.)
Karaniwang gámit ang tuldok bílang pananda sa
pagwawakas ng pangungusap na paturol o pautos.

Nobela ni Lazaro Francisco ang Sugat ng Alaala.


Basahin mo ang tulang “Ako ang Daigdig.”
Tuldók (.)
Ginagamit din ang tuldók sa pagdadaglat ng mga
salita, tulad ng mga titulo o pangalang siyentipiko,
at sa inisyals ng gitnang pangalan (at minsan,
maging ang unang pangalan).

Kgg. Carmelita C. Abdurahman, EdD


M.H. del Pilar Avenue
Sen. Loren Legarda
Prop. Joey Torrente
Tuldók (.)
pangalang siyentipiko (hayop o halaman)

Carica papaya L. (daglat ng Linnaeus)


D. dugon (daglat ng Dugong)
Tuldók (.)
Ginagamit din ang tuldok sa paglilista,
pagkatapos ng numero o titik. Sa Matematika,
ginagamit din ang tuldok sa sistemang desimal.

2.54 sentimetro
PHP40.75
Tuldók (.)
 relasyon sa iba pang bantas (tuwirang sipi)

“Wala po akong kasalanan,” sabi ng bata.

 sa sanggunian (paghihiwalay ng mga detalye)

Ortograpiyang Pambansa. Edisyong 2017. Lungsod Maynila: Komisyon sa Wikang


Filipino, 2017.
Tuldók (.)
 sa sanggunian online (detalye sa URL)

www.kwf.gov.ph

 sa diksiyonaryo (hudyat ng wakas ng lahok)


Gituldók (·)
Iminumungkahing tawaging “gituldok” (mula sa
gitnang tuldok) ang espesyal na uri ng tuldok na
ginagamit sa pagpapantig ng isang entri ng
diksiyonaryo.

si‧na‧ra‧pán
ta‧ga-Da‧et
sincere (sin‧sír)
Kuwít (,)
Ginagamit ang kuwit upang matukoy ang
pinakamaikling pagputol ng idea o pinakamaliit
na paghinto sa daloy ng pangungusap.

Bago ang lahat, naisip niya, nais niyang


maghanapbuhay, hindi tumambay lang.
Kuwít (,)
Ginagamit din ang kuwit sa serye ng tatlo o
mahigit na mga idea sa isang pangungusap na
pinagsasama ng isang pang-ugnay.

Tatlo sa paborito kong nobelistang kontemporaneo


sina Tony Perez, Gina Apostol, at Allan Derain.
Nagpalaki siya ng tatlong anak, dalawang aso at
isang unggoy.
Kuwít (,)
Nagbasá siyá ng tatlong aklat, dalawang nobela at
isang aklat ng tula.

Nagbasá siyá ng tatlong aklat, dalawang nobela, at


isang aklat ng tula.

Nais kong pasalamatan ang aking mga magulang, Jiji


Villa at Rey Gacusin.
Kuwít (,)

Inaruga niya ang dalawang hayop, ang kaniyang

kapatid, at ang kaniyang pinsan.

Inaruga niya ang dalawang hayop, ang kaniyang


kapatid at ang kaniyang pinsan.
Kuwít (,)
Ginagamit upang paghiwalayin ang magkahawig
o magkasalungat na idea, malimit upang
kumatawan sa inalis na “ay” o “at”.

Kapag may tiyaga, may nilaga.


Kapag may isinuksok, may madudukot.
Nais kong linawing kayó ang mag-iisip ng konsepto,
hindi kami.
Kuwít (,)
 bílangpambukod ng mga detalye sa mga elemento ng
tirahan, pangalan, o sa mga madamdaming pahayag,
bulalas, padamdam na “O” at “A”, at iba pang katulad.

Ay, naku! Nakalimutan kong magdala ng payong.


A, muntik ko nang maiwan ang bag ko.
O, ilaw sa gabing madilim.
Kuwít (,)
Naglalagay ng kasunod ng pangatnig tulad ng
gayunman at pang-abay tulad ng samantala at
samakatwid.
Gayunman, hindi siya nakatiis at lumuhod sa
kaniyang harap.
Samakatwid, nagsinungaling siyá upang makuha ang
kaniyang nais.
Samantala, hindi niya namalayan ang paghila sa
kaniyang paa ng isang mabalahibong kamay.
Tandang Pananong (?)
Pangkalahatang gámit ng tandang pananong
ang pagpapahayag ng tanong, usisa, o
alinlangan.

Sino ang nagsulat ng Pinaglahuan?


Si Mother Ignacia (1663?–1748) ay tunay na mapagkalinga.
Hindi ako sigurado kung sino ba ang nagsulat
ng “Walang Panginoon”?
Tandang Padamdam (!)
Ginagamit ang tandang padamdam sa mga
pahayag na dulot ng bugso ng damdamin,
sigaw, o pahayag na mapang-uyam.

May sunog!
Damang-dama kong sumigaw!!!
Ikaw ba ang nagpapakain sa akin?!
Tuldok-kuwit (;)
Ginagamit ang tuldok-kuwit upang paghiwalayin ang
dalawang sugnay na nakapag-iisa; mas malakas na
paghihiwalay ang ginagawa nito kaysa kuwit, ngunit mas
mahina kaysa tuldok.

Mahilig akong magbasá ng aklat sa ekonomiks; si Dr.


Tereso Tullao ang isa sa mga paborito kong
ekonomistang Filipino.
Tuldok-kuwit (;)
Ginagamit din ang tuldok-kuwit sa mga
paglilista na gumagamit ng kuwit ang nilalaman
ng iniisa-isa.

Ilan sa mga paborito kong nobela ang Ang Sandali ng mga


Mata ni Alvin Yapan; Confessions of a Volcano ni Eric
Gamalinda; at Bata, Bata…Pa’no ka Ginawa? ni
Lualhati Bautista.
Tutuldok (:)
Ginagamit ang tutuldok bílang pagpapakilala sa
isang listahan o ang pag-iisa-isa.

Ilan sa mga paborito kong nobela: Ang Sandali ng mga


Mata ni Alvin Yapan; Confessions of a Volcano ni Eric
Gamalinda; at Bata, Bata…Pa’no ka Ginawa? ni
Lualhati Bautista.
Tutuldok (:)
Ginagamit ang tutuldok bilang pagpapakilala ng
isang sipi.

Sinabi ni Almario sa introduksiyon ng Si Balagtas at


ang Panitikan para sa Kalayaan: “Magmula sa panahon
ng paglilimbag sa Doctrina Christiana (1593)
hanggang sa dulo ng ika-18 siglo, ang karaniwang
pagsipat sa panitikang pambansa ng Filipinas ay tíla
paglalakbay sa isang mahaba at ulilang sabana.”
Gitling (-)
Ginagamit ang gitling sa sumusunod: inuulit na
salita, isahang pantig na tunog, paghihiwalay
ng katinig at patinig, pinabigat na pantig,
bagong tambalan, pasulat na oras, kasunod ng
“de” o “di,” at sa apelyido.
Gitling (-)
inuulit na salita
babáeng-babáe “babaing-babae”
birò-birò “biru-biro”
sáko-sáko “sáku-sáko”
alón-alón “alun-alon”
taón-taón “taun-taon”
píso-píso “pisu-piso”
pitó-pitó “pitu-pito”
kálong-kálong “kálung-kálong”
pátong-pátong “pátung-pátong”
Gitling (-)
inuulit na salita
haluhalò - pagkaing halò-halò - pinagsáma-
pampalamig sámang iba’t
ibang bagay
salusálo - isang piging o sálo-sálo - magkakasáma
handaan para sa
maraming tao at magkakasa-
bay na kumain
batubató - ibon, isang uri ng bató-bató - paraan ng
ilahas na kalapati paglalarawan sa
daan na
maraming bato
Gitling (-)
inuulit na salita
pali-palíto, suntok-suntukín
sámot-sarì, sarì-sarì, sámot-sámot

iba’t-iba, samo’t-sari
Gitling (-)
inuulit na salita
Gitling (-)
isahang pantig na tunog

tsk-tsk, tik-tak, ding-dong


ha-ha-ha, he-he-he, aw-aw-aw
paghihiwalay ng katinig at patinig
pag-asa, may-ari, pang-ulo, mag-isa
tsap-istik, brawn-awt
pa-Bulacan, maka-Filipino, taga-Quezon
pa-raffle, mag-computer, pa-cute
Gitling (-)
pinabigat na pantig

bág-o (Waray) bago


rang-ay (Ilokano) pag-unlad
ur-ór (ST) pagsupsop ng sanggol sa gatas ng ina
láy-aw (Hiligaynon) binata
lúy-ong (Ilokano) dúgong
Gitling (-)
bagong tambalan

lipat-bahay, bigyang-búhay, bagong-salta


pusong-martir, amoy-pawis

kathambúhay, balikbáyan, pikitmatá


anakpáwis, balinsusô
Gitling (-)
pasulat na oras
ala-una ng hápon
alas-3 ng hápon, alas-tres ng hápon
alas-12 ng tanghali, alas-dose ng tanghali
ika-11 ng umaga, ikalabing-isa ng umaga
ika-23 ng Abril, ngunit ikadalawampu’t tatlo ng Abril

Tandaan: Laging binabaybay ang oras na ala-una.


Gitling (-)
kasunod ng “de-” mula sa Español na
nangangahulugang “sa pamamagitan ng” o
“ginawa o ginagamit sa paraang”

de-láta, de-motór, de-kolór


de-bóte, de-kahón, de-máno
Gitling (-)
kasunod ng “di” (pinaikling hindi) at nagkakaroon ng kahulugang idyomatiko, tila kasabihan, malimit na
kasalungat ng orihinal nito, at malimit na may mapagbiro o mapang-uyam na himig.

di-magibâ, di-mahipò, di-maliparáng-uwák


di-kágandáhan, di-mahapáyang-gátang
di-maitúlak-kabígin, di-mahúgot-húgot
Gitling (-)
sa apelyido
Miriam Defensor-Santiago
Pilipina Aquino-Guerrero

Graciano Lopez-Jaena
Graciano Lopez y Jaena
Gatlang en (–)
Kinakatawan ang salitang “hanggang” at upang
tukuyin ang saklaw na petsa
1972–1981
mp. 909–1002
biyaheng Pasay–Daet

Kapag nawala ang pangwakas na petsa


28 Setyembre 1991–
(kung hindi tiyak ang petsang kasunod)
Gatlang em (—)
Nagsasaad ng pansamantalang pagtigil sa pagbása o sa
daloy ng idea, sa pagdidiin sa paliwanag, pagputol ng idea
(lalo na sa mga diyalogo), at sa sanggunian (gatlang 3 em)

Hindi ko alam kung magagawa—ngunit ako’y umaasa—na mapagbigyan ang


ating hiling.

Joey: Patawad sa aming inasal da—

Almario, Virgilio S. Ang Pag-ibig sa Bayan ni Andres Bonifacio. Maynila: UST


Publishing House, 2012.
———. Introduksiyon sa Leksikograpiya sa Filipinas. Maynila: Komisyon sa
Wikang Filipino, 2017.
Kudlit (’)
Ginagamit ang kudlit tuwing mayroong
tinatanggal na titik sa isang salita.

Binili ko ang libro bago ’ko umuwi.


Pangako sa ’Yo
Mayro’n akong k’wento.
“’Tapon n’yo na nga ang basura.”
’Pinasundo na n’ya ang doktor.
Kudlit (’)
Ano bayan! Ano ba ’yan!
Ikaw batong nasa Ikaw ba ’tong nasa
larawan? larawan?
Ano kamo? Ano ’ka mo?
Anong sabi mo? Ano’ng sabi mo?
Pahilíg (/)
Ginagamit para sa pagpapakita ng alternatibong
elemento o ng pagpipilian. Kinakatawan din nitó
ang panghalip na “per,” “kada,” o “bawat.”

babae/lalaki
at/o
doktor/a
PHP120.00/piraso
Schwa (ë)
Isang bagong tuldik na ginagamit upang bigkasin
ang tunog na schwa na matatagpuan sa mga
katutubong wikang gaya ng Mëranaw,
Pangasinan, Ilokano, Kiniray-a, Kuyunon,
Kankanaëy, Waray, at Ibaloy. Tinawag itong tuldik
patuldók at kahawig ng umlaut o dieresis (¨) na tíla
kambal na tuldok sa ibabaw ng patinig.
Schwa (ë)
wën (Ilokano) katapat ng oo
kën (Ilokano) katapat ng din/rin
këtkët (Pangasinan, Waray) katapat ng kagat
silëw (Pangasinan) katapat ng ilaw
Panagbënga (Kankanaëy) panahon ng pamumulaklak
tëlo (Mëranaw) katapat ng tatlo
matëy (Mëranaw) katapat ng matagal
sëlëd (Kinaray-a, Waray) katapat ng loob
yuhëm (Kinaray-a) katapat ng ngiti
hëyam (Waray) hikab
gërët (Kuyonon, Waray) katapat ng hiwa
ëë (Waray) katapat ng oo
Mga Bílang
Pangkalahatang Tuntunin
Baybayín ang isang dihitong bílang at isulat naman
sa numeral ang mula sampu pataas. Binabaybay
ang numero kung ito ay simula ng pangungusap.

Nagtalaga ng limang pulis sa pagresponde kanina.


Limampu’t dalawang tao ang nasawi sa pamamaril
sa Las Vegas.
Mahigit na sa 100 ang Aklat ng Bayan ng KWF na
pinasimulan noong 2013.
Iba pang tuntunin
Dalawang sistema ang pagsulat ng petsa:
24 Setyembre 2018
Setyembre 24, 2018

Sa oras, isinusulat sa numero ang kompletong


oras na sinusundan ng inisyals na nu (ng umaga),
nh (ng hápon), at ng (ng gabí).
7 nu, ika-7:00 nu, ngunit ikapito ng umaga
1 nh, ika-1:00 nh, ala-una ng hápon
Mga Pangalan at Katawagan
Pangngalang Pantangi
Nagsisimula sa malaking titik, lalo na ang mga
pangalan ng tao at pook.

Jose Rizal
Juan dela Cruz
Dela Cruz ang isa sa pinakapopular na apelyido
G. Cezar S. Peralejo Jr. ngunit Ginoong Peralejo
Bb. Amuerfina L. Aclan ngunit Binibining Aclan
Sen. Loren Legarda ngunit Senador Legarda
Pangngalang Pantangi
simula ng palayaw o bansag sa tao, sa
pangyayari, at sa pook

Ama ng Balarilang Tagalog (Lope K. Santos)


Araw ng mga Puso
Buwan ng Wikang Pambansa
Lungsod ng Pino
Perlas ng Silangan
Pangngalang Pantangi
nasyon, nasyonalidad, at pangkating etniko

Filipino, lahing Filipino, wikang Filipino


Itneg; telang Itneg
Mëranaw, tradisyong Mëranaw
Filipino-Amerikano
Filipino-Nihonggo
Pangngalang Pantangi
ngunit isinusulat sa maliit na titik ang mga nasyon o grupong
etnikong pinagpangalanan sa tradisyon o popular na damit,
pagkain, at katulad

barong tagalog, filipiniana, sukang iloko


bikol express, parmessan cheese
french fries, puto biñan, longganisang vigan
bagoong balayan
Pangngalang Pantangi
pangalang heograpiko

Bulkang Mayon, Islang Kalayaan, Lungsod Sorsogon


Lalawigang Rizal sa halip na Lalawigan ng Rizal
Rehiyong Bikol sa halip na Rehiyon ng Bikol
Paliparang GenSan sa halip na Paliparan ng GenSan

*tanggalin na ang “ng” bilang pangatnig


Pangngalang Pantangi
Tandaan: May mga kompanya, institusyon, o produktong may
kakaibang pangalan. Ang mga pangalang ganito ay hindi dapat
baguhin sa pagsulat.

Saatchi&Saatchi
LiquidPost
98B
eBay
iPod
Halimbawa
iPod ang iniregalo ng nanay ko sa akin
noong aking kaarawan.

Iniregalo ng nanay ko sa akin ang iPod


noong aking kaarawan.
Pangngalang Pantangi
mga pista’t pagdiriwang pangkasaysayan, konseptong
akademiko, dokumento at pamagat ng likhang sining, pangalang
meteorolohiko, tatak ng produkto, at pangalan ng sasakyan

Pagsuko sa Bataan, Rebolusyon 1896, Pasko


Rizalista, Panahon ng Yelo
AB Filipino, Ulirang Guro sa Filipino
Bill of Rights, Batas Pangkababaihan,Venus, Lunes
Nobyembre, Milky Way, Colgate, Light Rail Transit
Italiko o Romano?
Nakaitaliko ang sumusunod: pamagat ng kaso, pangalang
siyentipiko, gene at enzyme, pangalan ng sakit, pangalan ng
mahabang akda

Antonio Lejano vs. People of the Philippines


Draco rizali; D. rizali
p53
Mycobacterium tuberculosis
An Satuyang Kakanon sa Aroaldaw
Sipi at Pagsipi
Pagsiping Palansak (block quotation)
Inihihiwalay sa pangunahing teksto ang sipi, hindi ikinukulong sa
panipi, gumagamit ng isahang patlang, at nilalagyan ng higit na
malaking mardyin papasok mula sa magkabilang tagiliran ng páhiná.

Marahil sa mga magulang na ganito ay nabibilang ang kay Francisco Baltazar,


’pagkat sa mga tula rin niya’y mapatutunayan ang mga bagay na sinabi; ganito
nga ang inilagay niya sa bibig ni Florante:

Ang lahat ng ito’y kay amang talastas,


kaya nga ang luha ni ina’y hinamak
at ipinadala ako sa Atenas,
bulag na isip ko’y nang doon mamulat.
Pagsiping Pahulip (run in quotation)
Isinisingit sa loob ng pangungusap o talata ang siniping salita o
pangungusap, ikinukulong sa panipi ang sipi, at inilalathala sa
tipong kauri at kasinlaki ng teksto.

Hindi ako naniniwala nang sabihin niyang “Wala akong


kasalanan.”

Sa isang talumpati, nilinaw ni Pangulong Aquino na ginagamit niya


ang wikang Filipino upang “ibalik ang tiwala at kompiyansa” ng
bayan sa pamahalaan.
Pagsipi ng mahigit isang talata
Nilalagyan ng pambukás na panipi (opening quotation marks) ang
bawat simula ng talata o saknong. Nilalagyan lamang ng pampinid
na panipi (closing quotation marks) ang dulo ng panghuling talata.

“Isang katangian ng mahabang tulang pasalaysay noon ang


‘anakronismo.’ Sa tingin ng makabagong kritiko, ito ang
pangunahing kahinaan ng mahabang tulang pasalaysay noong
panahon ng Espanyol.

“Sa maikling salita, at sa pananaw ng makabagong kritisismo,


ang anakronismo ay isang krimen sa kasaysayan.”
Isahang panipi

Ginagamit sa pagsipi ng mga pahayag kapag nasa


loob ng isa pang siniping pahayag.

“Hindi naman sa sinisiraan ko ang kapitbahay pero narinig


kong sinasabi nilang ‘Buwisit namang bata ’yan!’ Kapag
naririnig ko ’yun ay naaalala ko kayong mag-ina.”
Tatlo o higit pang sipi
Magkasalítang ginagamit ang isahan at dalawahang panipi
kapag ang sinipi sa loob ng isang sipi ay may sinisipi din.

“Bulalas daw ni Joe kay Tony, ‘Narinig kita noong sinabi


mong “Mabuti nga at nangyari iyon sa kaniya” kaya huwag ka
nang magkaila!’ at narinig ito ni Betty,” kuwento ni Dante kay
Boying.
Dokumentasyon
Talâ at Talababâ
Talâ (notes, endnotes)—paghahanay ng mga pinagkunang akda sa dulo ng bawat kabanata o sa dulong bahagi
ng aklat

Talababâ (footnote)—paghahanay ng mga banggit sa pinagkunang akda sa ilalim ng teksto sa pahinang


nilitawan ng sipi.
Talâ (notes, endnotes)
Sa Aklat:
(1)Buong pangalan ng may-akda, una ang unang pangalan o
inisyals; ang apelyido ay sinusundan ng kuwit.
(2) Buong pamagat ng aklat, may salungguhit o italiko; walang
kuwit pagkaraan ng pamagat.
(3) Pangalan ng editor o nagsalin, kung mayroon.
(4) Edisyon, maliban sa unang limbag.
(5) Bílang ng mga tomo, kung mayroon.
(6) Mga datos hinggil sa pagkakalathala, nakapaloob sa
panaklong ang sumusunod:
(a) Pook na pinaglathalaan, sinusundan ng tutuldok;
(b) pangalan ng naglathala, sinusundan ng kuwit;
(c) petsa ng pagkakalathala.
(7) Pahina o mga pahina ng sinipi, sinusundan ng tuldok.
Talâ (notes, endnotes)
B. Sa peryodikal (pahayagan, magasin, o jornal):
(1) Buong pangalan ng may-akda.
(2) Pamagat ng artikulo, nakapaloob sa panipi at
sinusundan ng kuwit.
(3) Pangalan ng peryodikal, may salungguhit o italiko at
sinusundan ng kuwit.
(4) Bílang ng tomo at numero ng isyu (karaniwang nása
numerong romano ang tomo at numerong arabe ang
bílang ng isyu) na inihihiwalay sa isa’t isa ng kuwit.
(5) Petsa ng pagkakalathala, nakapaloob sa panaklong at
sinusundan ng kuwit pagkaraan ng panaklong.
(6) Pahina o mga pahina ng sinipi, sinusundan ng tuldok.
Talâ (notes, endnotes)

A. Di-nakalathalang materyales:
(1) Pamagat ng dokumento, kung mayroon, at
petsa.
(1) Pangalan ng koleksiyong pinagkunan
(2) Isáma ang anumang impormasyong
makatutulong sa pagkilála ng dokumento o
materyales.
Sanggunian

Listahan ng mga akdang ginamit para sa


partikular na sulatin o saliksik. Alpabetiko ang
listahan at may mga paraan ng pagsulat na
naiiba sa talâ at talababâ.
Sanggunian
A. Aklat:
(1) May-akda: Buong pangalan ng mga manunulat, editor, tagatipon.
Maaaring isulat ang pangalan ng institusyon o organisasyon
bílang may-akda.
(2) Pamagat: Buong pamagat ng aklat, kasáma ang pangalang
pamagat (subtitle) kung mayroon. Isinusulat nang italiko ang
pamagat ng mga mahahábang akda at mga aklat. Ipinapaloob
naman sa panipi ang pamagat ng mga artikulo bago isinusulat ang
pamagat ng aklat na pinagkunan ng artikulo.
(3) Editor, tagasalin, at tagatipon: Maaaring isama sa entri sa
talasanggunian ang pangalan ng kung sino man sa mga ito kung
nabanggit sa aklat.
(4) Edisyon: kung mayroon.
(5) Tomo: Isulat ang kabuoang bílang ng tomo ng publikasyon, kung
tinutukoy ang lahat ng tomo ng publikasyon; indibidwal na bílang
ng tomo kung ito ang ginamit; at, kung maaari, ang pamagat ng
tomo.ng iyon.
(6) Mga detalye ng lathalaan: lungsod, tagapaglathala, at taón ng
pagkakalathala.
(7) Bílang ng pahina, kung maaari.
Sanggunian
B. Peryodikal (jornal, magasin, at peryodiko)
(1) Awtor o mga awtor
(2) Pamagat ng artikulo at pamagat ng kolum (kung mayroon)
(3) Pamagat ng publikasyon
(4) Impormasyon ng isyu (tomo, bílang, petsa,atbp)
(5) Páhina

C. Di Nalathalang Materyales
(1) Sundin ang paraaan ng paglilista sa aklat, kung may
maaaring gamiting impormasyon. Kung wala, isaad ang
anumang impormasyon na makatutulong sa isang
mananaliksik.
Pagmamarka ng Pruweba
Pruweba (proof)
Ang pagbása ng pruweba (proofreading) ay yugto ng paglilinis ng manuskrito upang mas maging malinaw, maayos, at kaiga-igaya ang pagbása.
Isinasaalang-alang ang sumusunod:
a. Ispeling
b. Diwa ng teksto
c. Pisikal na anyo ng manuskrito
d. Pahina at tumatakbong pang-ulo
e. Espasyo sa bawat salita at linya
f. Mga bahagi ng aklat/publikasyon
Pruweba (proof)
Pruweba (proof)
KOMISYON SA WIKANG FILIPINO
(02) 8996-0670; (02) 8557-0268
www.kwf.gov.ph
komisyonsawika@gmail.com

I-like ang KWF sa Facebook!


www.facebook.com/angkomisyonsawikangfilipino

Sundan ang KWF sa Twitter!


@KWFilipino
Pagsasanay
Bahagi 1
1. Tatlumpot limang taong
gulang si Jose Rizal ng sya’y
barilin nung 30 Disyembre
1896 sa Luneta.
Tatlumpu’t limang taóng
gulang si Jose Rizal nang siyá
ay barilin noong 30
Disyembre 1896 sa
Bagumbayan.
2. Makakatulong sa paglinang
ng kasanayan, kaalaman at
kakayahan ng mga mag-aaral
ang araling ito.
2. Makatutulong sa paglinang
ng kasanayan, kaalaman, at
kakayahan ng mga mag-aaral
ang araling ito.
3. Dun iniipon ang ibat-ibang
basura na dadalhin nya sa
janksyap.
Doon iniipon ang iba-ibang
basura na dadalhin niya sa
junkshop.
4. Taga Cebu ang bagong
guwardiya ng bilding.
Taga-Cebu ang bagong
guwardiya ng gusali.
5. Nais kung bumili ng aklat na
KWF Manuwal sa Masinop na
Pagsulat at Patnubay sa
Korespondensya Opisyal.
5. Nais kong bumili ng aklat
na KWF Manwal sa
Masinop na Pagsulat at
Patnubay sa
Korespondensiya Opisyal.
6. Si Jose Rizal ay gumawa
nang dam sa kung saan sya
ipinatapon para sa layuning
irigasyong patubig.
Gumawa ng dam si Jose
Rizal sa Dapitan para sa
irigasyon.
Pagsasanay
Bahagi 2
Pagsasanay:
1 Isinilang si Jose P. Rizal noong Hunyo 19, 1861
2 sa Lungsod ng Calamba (na hindi pa syudad
3 nun) sa Laguna. 13 sila sa pamilya. Lumaki
4 syang kasama ang mga magulang niya, 9 na
5 kapatid na babae at isang kapatid na lalake.
6 Nagaral si Rizal sa Ateneo Municipal De Manila:
7 pagkatapos kumuha siya ng medicina sa
8 Unibersidad ng St. Tomas.
Pagsasanay:
1 Naglakbay si Rizal sa iba’t-ibang panig ng
2 Europa. Sa Alemanya niya isinulat ang tulang Sa
3 Mga Bulaklak ng Heidelberg––sa Espanya naman
4 niya sinimulan ang nobelang Noli Me Tangere.
5 Taun-taon nating inaalala ang kabayanian ni Rizal
6 tuwing disyembre, subalit ilan palang sa’tin ang
7 sadyang nakapagbasâ sa kaniya? Si Rizal ang
8 nagpakita ng ating mga sakít bílang isang bayan.
9 Sangayon nga kay Benedict Anderson: ‘ang
10 nobela ni Rizal ang nagbuo ng Pilipinas sa (ating)
11 haraya.’ [amin ang salin]
Pagsasanay:

1 Maraming nagtatanong kung anu na ang


2 halaga ng mga akda ni Rizal sa
3 kasalukuyan? Ang sagot ay nasa pa-tuloy
4 na pagbibigay natin nang kahulugan sa
5 mga salita nya. :-)
KOMISYON SA WIKANG FILIPINO
(02) 8736-2519; (02) 8736-2525
www.kwf.gov.ph
komisyonsawika@gmail.com

I-like ang KWF sa Facebook!


www.facebook.com/angkomisyonsawikangfilipino

Sundan ang KWF sa Twitter!


@KWFilipino

You might also like