Pagsulat NG Abstrak-1

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

PAGSULAT NG ABSTRAK

Akademikong Sulatin
ANO ANG ABSTRAK ?
Ang abstrak ay isang uri ng lagom na karaniwang ginagamit sa pagsulat
ng mga akademikong papel tulad ng tesis, papel na siyentipiko at teknikal,
lektyur, at mga report. Ito ay kadalasang bahagi ng isang tesis o
disertasyon na makikita sa unahan ng pananaliksik pagkatapos ng title
page o pahina ng pamagat. Ito ang naglalaman ng pinakabuod ng
buong akdang akademiko o ulat.
PHILIP KOOPMAN (1997)

• Maikli lamang , tinataglay nito ang mahalagang


elemento o bahagi ng sulating akademiko tulad ng
introduksyon, mga kaugnay na literatura,
metodolohiya, resulta, at kongklusyon.
MGA DAPAT TANDAAN SA
PAGSULAT NG ABSTRAK
• Ilagay ang mga kaisipan o datos na binanggit sa ginawang pag-
aaral.
• Iwasan ang mga statistical figures o tables
• Gumamit ng simple , malinaw at direktang pangungusap.
• Maging obhetibo sa pagsulat.
• Gawin lamang na maikli ngunit komprehensibo na mauunaaan ng
mambabasa ang nilalaman at nilalayon ng pag-aaral na ginawa
• Ang abstrak ay buod ng nilalaman ng isang saliksik o sulatin
• Nakabatay ang paggsulat nito sa ayon sa pagkasunod-sunod ng saliksik.
• Nakasulat ito sa ikatlong panauhan at nakabatay sa katotohanan a hindi
opinion lamang ng may-akda tungkol sa pananaliksik
• Karaniwang hindi lalagpas ng isang pahina at naka-doble –espasyo
HAL. PANANALIKSIK TUNGKOL SA
GLOBAL WARMING

Ang pananaliksik na ito ay tatalakay hinggil sa kaalaman ng mga mag-aaral ukol


sa sanhi, epekto at solusyon sa suliraning Global Warming. Naglalayon ang
pananaliksik na malaman ang kabuuang antas ng mga mag-aaral sa kursong
engineering hinggil sa usaping Global Warming. Gumamit ng mga talatanungan o
questionnaire sa pangangalap ng datos.

wordpresscom.2011-04 -03/abstrak-pananaliksik –Global Warming


KAHALAGAHAN NG ABSTRAK
 natutulungan ang sinomang mananaliksik o manunulat na
higit pang mapaunlad ang isang paksa.
 natutulungan ang mananaliksik na makita kung ang akda ay
may kaugnayan sa kanyang pag-aaral.
 nakakatulong ang abstrak sa pag-unawa ng binasa o
babasahin ng isang mananaliksik.
maraming salamat sa pagtutok.

You might also like