Blue Yellow Buwan NG Wika Zoom Virtual Background

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 21

ARALIN 2

DIWA NG PAGKAKAPANTAY -
PANTAY
Parabula
Ang parabula ay isang uri ng panitikang pagsasalaysay na may
layuning magbigay ng aral sa mga mambabasa sa pamamagitan ng
paggamit ng mga kwentong matalinghaga. Karaniwan itong ginagamit
sa sinaunang panahon at hanggang sa kasalukuyang panahon ay
patuloy pa rin itong ginagamit.
Berbal
ANG BERBAL NA
KOMUNIKASYON AY ANG URI NG
KOMUNIKASYONG GUMAGAMIT
NG SALITA SA ANYONG
PASALITA AT/O PASULAT MAN.
Di-berbal
ISA PANG URI NG KOMUNIKASYON
ANG DI-BERBAL NA KOMUNIKASYON.
AYON SA MGA PAG-AARAL, LUBHANG
NAPAKALAKI NG ELEMENTONG DI-
BERBAL SA PAKIKIPAG-USAP SA MGA
TAONG NAPAPALOOB SA SARILING
KULTURA.
Pangkatang gawain
ISADULA ANG MGA PARABULA MULA SA
BIBLIYA. ISAALANG -ALANG ANG BERBAL
AT DI-BERBAL NA KOMUNIKASYON.

P1- ANG MATALINONG PASYA NI HARING


SOLOMON
P2-ANG ARKO NI NOAH
P3-ANG ALIBUGHANG ANAK
Paggamit sa Pag-ugnay
sa Pagsasalaysay

Isa sa mahalagang sangkap ng pagsasalaysay ay


maingat na
paghahanay ng mga pangyayari. Karaniwan nang
ginagamit ng mga manunulat ang tradisyonal na
pagkakasunod-sunod ng simula , gitna , at wakas
na bahagi ng kuwento.
GAWAIN ILAGAY
SA ISANG BUONG
PAPEL

Basahin ang parabulang “ Nakaiwas si


Melchizedek sa Bitag “ nang hindi
lalagpas labinlimang pangungusap .
Gumamit ng angkop na pang-ugnay sa
isusulat na buod. Bilugan ang mga
pang-ugnay na ginamit.
Aralin 3 : Pakikipaglaban
para sa kalayaan
SANAYSAY
Ang sanaysay na tinatawag din na impersonal ay
naghahatid ng mahahalagang kaisipan o
kaalaman sa ng makaagham at lohikal na
pagsasaayos ng mga materyales tungo sa
ikalilinaw ng pinakapiling paksang tinatalakay.
Binubuo ng Panimula , Gitna at Wakas .
Mga Pahayag sa Pagbibigay ng Sariling
Pananaw
Maraming paraan ang maaring
gamitin sa pagpapahayag ng
sariling opinyon , pananaw , o
palagay.
GAWAIN
Panuto : Gumawa ng Sanaysay ukol sa larawan.
ARALIN

Diwa ng Kabayanihan
4
Alegorya
Ang mga tauhan, tagpuan, pangyayari at iba pa
sa isang alegorya ay m mahalagang sinasagisag.
Ito ay maaring magpahayag ng ideyang abstract,
mabubuting kaugalian, at tauhan o
pangyayaring makasaysan.
Halimbawa :
1. Krus – pasyon at pagkamatay ni Hesus
2. Prutas – tukso o panlilinlang (kay Eba)
3. Kasalan – isang paanyaya sa kaharian ng
Diyos.
4. Ligaw na tupa – napahamak o napariwarang
tao
5. Alibughang anak – anak na nagbigay ng
hinanakit sa magulang
HUDYAT SA PAGSUSUNOD-SUNOD NG MGA
PANGYAYARI
May mga salita o ekspresyon na
sadyang ginagamit sa paglalahad o
pagsusunod-sunod ng mga pangyayari
sa isang kuwento o salaysay.
Kalimitang ginagamit ang mga sumusunod
na salita at ekspresyon sa paglalahad ng
mga panvgyayari : sa simula , pagkatapos ,
pagkalipas , / makalipas pagkaraan, saka,
kasunod nito /noon, sumunod , dahil sa , sa
pagtatapos , sa wakas , sa huli , at iba pa.
Takdang Aralin :
Gawan ng Buod ng Epiko ni Alp Er Tonga
mula sa Turkiya salin ni Cristina
Dimaguila-Macascas. Bilugan ang mga
salitang gagamitin na mayroong
pagkakasunod-sunod ng pangyayari.
Maikling Pagsusulit
Panuto : Ibigay ang iyong sariling
pagpapakahulugan sa mga salita.
( 10 puntos )
• Alegorya
• Parabula
• Sanaysay
• Berbal at Di-Berbal na komunikasyon
• Epiko

You might also like