Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

Panloob at Panlabas na

Soberanya
Ang soberanya ay may dalawang aspekto:
ang panloob at panlabas. Bagama’t
itinuturing ng mga iskolar na magkaibang
panig ang mga aspektong ito, mahalaga
ang ugnayan ng mga ito sa isa’t isa.
Panloob na Soberanya
● Ang panloob na soberanya o internal sovereignty ay
aspektong tumutukoy sa kapangyarihan ng bansa o
estado na mamuno sa teritoryo nito.
● Bahagi nito ang karapatan ng isang bansa na pumili
ng uri at estruktura ng pamahalaan at ng mga batas
na ipapatupad sa loob ng teritoryo.
● Bukod sa pamimili ng pamahalaan at paggawa ng
mga batas, kasama rin dito ang awtoridad ng estado
o ang kapangyarihan ng bansa na mapasunod ang
mga mamamayan sa hurisdiksyon nito.
Panloob na Soberanya

● Ang panloob na soberanya ay mahalaga para


sa pagpapanatili ng kaayusan at kaligtasan sa
isang teritoryo.
● Ang bansang may panloob na soberanya ay
makakapili ng paraan ng pamumuno na angkop
para sa teritoryo at mga mamamayan nito.
● Ang mga batas na ipinapatupad ng bansang
may panloob na soberanya ay paraan upang
mapangasiwaan ang mga mamamayan nang
maayos.
● Ang pagkilala ng mga mamamayan sa
awtoridad ng estado ay bunga ng pagsunod
nila sa mga batas na ipinapatupad.
Panloob na Soberanya

● Mahalaga rin ang panloob na soberanya sa


pagtatakda ng pamamaraan ng paggamit sa
kalupaan, katubigan, at mga likas na yaman ng
teritoryo. Ito ay batay sa ikabubuti ng marami at sa
ikauunlad ng bansa. Sinasakop ng kapangyarihan
ng bansa ang lahat ng nilalaman ng teritoryo nito,
at malaya ang bansang na magpasya kung paaano
gagamitin ang yaman nito.
● Mahalaga rin ang pagkakaroon ng panloob na
soberanya para sa pagpapanatili at pagtatanggol
ng kalayaan ng bansa.
Panlabas na Soberanya

● Ang panlabas na soberanya o


external sovereignty ay tumutukoy sa
kalayaan ng isang bansa mula sa
kontrol o panghihimasok ng ibang
bansa.
● Karaniwang tinatawag na “kasarinlan”
ang panlabas na soberanya. Bahagi rin
nito ang kakayahan ng isang bansa na
makipag-ugnayan sa ibang bansa sa
pantay at patas na paraan at batayan.
Panlabas na Soberanya

Mahalaga ang panlabas na soberanya para sa


pagbuo ng kooperasyon at maayos na relasyon sa
pagitan ng iba't ibang bansa. Kapag kinikilala at
iginagalang ng bawat bansa ang soberanya ng isa't
isa, magdudulot ito ng pakikipagtulungan at pag-iwas
sa digmaan. Makatutulong din ang paggalang at
pagkilala ng soberanya ng bawat bansa sa pagbuo
ng mga kasunduang pantay at patas.
Soberanya ng Pilipinas
● Ang pagkakamit ng soberanya ng Pilipinas
ay isang mahabang pakikipaglaban na
tumagal ng ilang daang taon dahil na rin sa
sunod-sunod na pananakop ng mga
Espanyol, Amerikano, at Hapones.
● Kaya naman, ang pagkakaroon ng
pamahalaan, batas, at mga sagisag ay
indikasyon ng panloob na soberanya ng
Pilipinas.
Sa halip ng pananakop ay pumapasok
ang ating bansa sa iba’t ibang
diplomatikong pakikipagrelasyon sa iba
pang estado upang tuluyang mapaunlad
ang kakayahan ng Pilipinas at mga
mamamayan nito.

You might also like