Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 23

Yunit 1

FILIPINO BILANG WIKA


AT LARANGAN
Panimula

Ang wika ay simbolo ng pagkakakilanlan, ng kultura, ng kalayaan.


Napakahalaga ng papel na ginagampanan nito sa pang-araw-araw na
buhay ng tao. Ito ang susi ng pagkakaisa at tagumpay ng isang bayan. Sa
mga nakalipas na panahon, wika ang naging sandata upang pag-isahin
ang mga nag-aalab na puso ng mamamayang Pilipino laban sa mga
mapang-aping dayuhan na gustong angkinin ang kariktan at kayamanan
nitong ating bayan.
Panimula

Sa deskripsyon ng Komisyon ng Wikang Filipino (KWF), ang wikang


Filipino ay buháy o matatawag na dinamiko. Dumaan ito sa proseso ng
paglinang sa pamamagitan ng panghihiram sa mga wika sa Pilipinas at mga
di-katutubong wika. Ang wikang Filipino ay nagkaroon ng ebolusyon ng
iba’t ibang barayti ng wika para sa iba’t ibang saligang sosyal at para sa mga
paksa ng talakayan ng iskolarling pagpapahayag.
Panimula
Isinulat ni Gonzales (n.d.) may apat na facets ang sistema ng paglinang
ng wika ayon kina Haugen (1972) at Ferguson (1971). Ang paglinang na ito
ay binubuo ng kodipikasyon, o pagpili ng wika o sistema ng pagsulat na
gagamitin, istandardisasyon, diseminasyon o pagpapalaganap at elaborasyon
o pagpapayabong nito. Bahagi ng pagpapayabong ng wika ang paggamit nito
bilang isang wikang panturo at higit sa lahat ay Filipino bilang isang
disiplina o larangan.
Panimula

Maraming gampanin ang wikang Filipino bilang wika ng pananaliksik sa


agham/siyensya, medisina, komersyo, politika, matematika, musika at
sining. Bagama’t marami pang walang katumbas na wika sa Filipino,
patuloy pa rin ang pag-unlad sa larangang ito upang mapagyaman at
mapanatili ang ating wika tungo sa umuunlad na panahon.
Mga Layunin
1. Maipaliwanag ang ugnayan ng mga tungkulin ng wikang Filipino bilang
wikang pambansa, wika ng bayan at wika ng pananaliksik na nakaugat sa
pangangailangan ng sambayanan.
2. Makapag-ambag sa pagtataguyod ng wikang Filipino bilang daluyan ng
makabuluhan at mataas na antas ng diskurso na akma at nakaugat sa
lipunang Pilipino, bilang wika ng pananaliksik na nakaayon sa
pangangailangan ng komunidad at ng bansa.
3. Malinang ang adhikaing makibahagi sa pagbabagong panlipunan.
Filipino Bilang Wikang Pambansa

• Isang baliktanaw sa kasaysayan ng wikang Filipino bago pa man ito


tanghalin na opisyal na wika ng Pilipinas hango sa lathalain ni Dir. Hen.
Roberto Anonuevo. Disyembre 30, 1937 ipinoroklama ang wikang
Tagalog bilang batayan ng Wikang Pambansa. Ito ay ayon sa Saligang
Batas ng 1935 kung saan ang Kongreso ay gagawa ng hakbang sa
pagpapaunlad at pagpapayaman ng wikang pambansa batay sa mga
umiiral na katutubong wika.
Filipino Bilang Wikang Pambansa

• Noong 1940, ipinag-utos ang pagtuturo ng Wikang Pambansa sa ikaapat na


taon sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan sa buong bansa. Sinundan
ito ng pagkakaroon ng bisa ng Batas Komonwelt Blg. 570 noong Hunyo 4,
1946 na pinagtibay ng Pambansang Asambleya noong Hunyo 7, 1940 kung
saan ang wikang opisyal ng bansa ay tatawaging Wikang Pambansang Pilipino.
Noong 1959, ang Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 ay ibinaba ni Kalihim Jose
B. Romero, Kalihim ng Edukasyon, kung saan ito ay nagsasaad na ang Wikang
Pambansa ay tatawaging Pilipino upang mailagan ang mahabang katawagang
“Wikang Pambansang Pilipino” o Wikang batay sa Tagalog.”
Filipino Bilang Wikang Pambansa

• Noong 1987, alinsunod sa Konstitusyon, ang wikang pambansa ng


Pilipinas ay tatawaging Filipino. Ito ay hindi batay sa pinaghalo-halong
sangkap ng katutubong wika na umiiral sa bansa bagkus ito ay nucleus ng
Pilipino at Tagalog. Isinasaad ng Artikulo XIV Konstitusyong 1987, ang
legal na batayan ng konsepto ng Filipino bilang wikang Pambansa at ang
magkarugtong na gampanin nito bilang wika ng opisyal na komunikasyon,
at bilang wikang panturo sa Pilipinas.
Filipino Bilang Wikang Pambansa

• Seksyon 6. Ang wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang


nalilinang ito ay dapat na payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral
ng mga wika sa Pilipinas. Alinsunod sa tadhana ng batas at sang-ayon sa
nararapat na maaaring ipasya ng kongreso, dapat magsagawa ng mga
hakbangin ang Pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod and
paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at wika
ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon.
Filipino Bilang Wikang Pambansa

• Seksyon 7. Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga


wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino, at hangga’t walang ibang
itinatadhana ang batas, Inggles. Ang mga wikang panrehiyon ay pantulong
na mga wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbi na pantulong ng mga
wikang panturo roon. Dapat itaguyod nang kusa at opsyonal ang Espanol
at Arabic.
Filipino Bilang Wikang Pambansa
• Seksyon 9. Dapat magtatag ang Kongreso ng isang Komisyon ng Wikang
Pambansa ng binubuo ng mga kinatawan ng iba’t ibang mga rehiyon at
mga disiplina na magsasagawa, mag-uugnay at magtataguyod ng mga
pananaliksik sa Filipino at sa iba pang mga wika para sa kanilang
pagpapaunlad, pagpapalaganap at pagpapanatili.
Filipino Bilang Wikang Pambansa
• Itinatag ang Komisyon ng Wikang Filipino (KWF) upang magbalangkas ng
mga patakaran, mga plano at mga programa upang matiyak ang higit pang
pagpapaunlad, pagpapayaman, pagpapalaganap at preserbasyon ng Filipino
at iba pang wika sa Pilipinas. Nilalayon din ng samahan na ganyakin ang
mga iskolor at manunulat na itaguyod ang wikang Filipino sa pamamgitan
ng pagbibigay ng insentibo tulad ng mga grant at award. Hinihikayat din ng
KWF ang paglalathala ng iba’t ibang orihinal na obra at teksbuk at mga
materyales na reperensiya sa iba’t ibang disiplina gamit ang Filipino at iba
pang wika sa bansa.
Filipino Bilang Wika ng Bayan at/ng
Pananaliksik

• Minsan ay binanggit ni Manuel L. Quezon sa Pagdiriwang ng Buwan ng


Wika ang mga katagang, “Hindi ko nais ang Kastila o Ingles ang maging
wika ng pamahalaan. Kailangang magkaroon ng sariling wika ang
Pilipinas, isang wika na nakabatay sa isa sa mga katutubong wika.”
Filipino Bilang Wika ng Bayan at/ng
Pananaliksik

• Sa Artikulo XIV Konstitusyong 1987 ay nagsasaad ng ganito:


• Seksiyon 8. Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at
Inggles, at dapat na isinalin sa mga pangunahing wikang panrehiyon,
Arabic at Kastila.
Filipino Bilang Wika ng Bayan at/ng
Pananaliksik

• Ayon kay Dr. Pamela Constantino, propesor sa Filipino sa Unibersidad ng


Pilipinas, “Ang wika ay may malaking papel na ginagampanan sa
Pilipinas, sa kaayusan at sa pag-unlad ng lipunan.(Constantino, n.d.)
Filipino Bilang Wika ng Bayan at/ng
Pananaliksik
• Sinabi naman sa artikulo ni Vitangcol III (2019) sa kanyang artikulong,
“Ano ang Saysay ng Wikang Filipino,” na kahit ang dating Pangulong
Aquino ay nagsabi na, “imbes na mga galos at pilat ang makuha dahil sa
pagtatagisang-tinig, sana ay umusbong ang pagkakaunawaan at pusong
makabayan. May tungkulin ang bawat isa na palaganapin ang isang
kulturang may malalim na pagkakaintindihan sa isa’t isa gamit ang isang
wikang pinagbubuklod at pinagtitibay ng buong bansa.” Dagdag pa niya,
“Wika ang dapat pagbubuuin tayo, hindi tayo dapat paghihiwalayin.”
Filipino Bilang Wika ng Bayan at/ng Pananaliksik

• Ang wikang Filipino ay wika rin ng edukasyon. Sa paglulunsad ng K to 12 Basic


Education Curriculum isinaalang-alang ang pangangailangan ng lipunan, global at
lokal na pamayanan maging ang kalikasan at ang pangangailangan ng mamayan.
Batay sa Gabay Pangkurikulum, isasama ang Filipino bilang disiplina sa wika kung
saan nilalayon nito ang pagtuturo ng Filipino upang malinang ang kakayahang
komunikatibo, replektibo/mapanuring pag-iisip, at pagpapahalagang pampanitikan
ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng mga babasahin at teknolohiya tungo sa
pagkakaroon ng pambansang pagkakakilanlan, kultural na literasi at patuloy na
pagkatuto upang makaagapay sa mabilis na pagbabagong nagaganap sa daigdig.
Filipino Bilang Wika ng Bayan at/ng
Pananaliksik
• Dagdag pa rito, isa sa mga pamantayan ng programa ay gagamitin ang wikang
Filipino upang madaling maunawaan at maipaliwanag ang mga kaalaman sa
araling pangnilalaman, magamit ng angkop ang wastong salita sa pagpapahayag
ng sariling kaisipan, damdamin o karanasan nang may lubos na paggalang sa
kultura na nagbibigay at tumatanggap ng mensahe (K to 12 Gabay
Pangkurikulum, 2016).
Filipino Bilang Larangan at Filipino sa Iba’t
ibang Larangan
• Tinalakay ni Gonzales (n.d.) sa kanyang Modyul na may titulong “Ang
Pagpapayabong at Intelektwalisasyon ng Wikang Filipino: Mula sa
Paninging Teoretikal, Historikal, at Sosyolohikal” ang modelo ng
paglinang ng wika ayon kina Haugen (1972) at Ferguzon (1971). Ayon sa
kanila, isang paraan ng pagpapayabong ng wika ay ang elaborasyon o
pagpapayabong nito na tinatawag ding intelektwalisasyon.
Filipino Bilang Larangan at Filipino sa Iba’t ibang Larangan

• Ayon naman kay Constantino (2015) sa aklat ni San Juan et al. (2019) ang kahalagahan
ng intelektwalisasyon ay ang paggamit ng Filipino sa iba’t ibang larangan tungo sa
pagpapaunlad hindi lamang ng wikang Filipino kundi ng kaisipang Filipino. Ang wika ay
mabilis na uunlad kung ito ay ginagamit hindi lang sa tahanan, sa lansangan o sa pang-
araw araw na buhay kundi bilang isang larangan sa edukasyon at pananaliksik.
Maraming iba’t ibang refereed journal na naglalathala ng mga pananaliksik at artikulo sa
Filipino tulad ng HASAAN, Daluyan, Malay, etc. Sa pangkalahatan, ang pananaliksik na
ito at ang mga mananaliksik ay nagtalastasan gamit ang wikang sarili at nakabuo ng
isang sariling komunidad na pang komunikasyon sa disiplinang Araling Pilipino
(Guillermo, 2016 sa aklat ni San Juan, et al., 2019).
Filipino Bilang Larangan at Filipino sa Iba’t ibang Larangan

• Ayon sa artikulong nakalathala sa Manila Bulletin ni Myca Cielo M.


Fernandez (2018), binigyang-diin ni Virgilio Almario, Pambansang Alagad
ng Sining, na mas magiging epektibo ang saliksik kung ito ay nasa wikang
Filipino. Ito ay kaugnay ng pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa na
may temang “Filipino, Wika ng Pananaliksik.” Ang pagdiriwang na ito ay
nakatuon sa paggamit ng wikang Filipino sa larangan ng pananaliksik. Mas
magiging epektibo ito kung ang bawat unibersidad ay hihikayatin na gawin
sa wikang Filipino ang mga pananaliksik lalo na ang tesis at disertasyon.
Filipino Bilang Larangan at Filipino sa Iba’t ibang Larangan

• Ayon kay Flores (2015) sa aklat ni San Juan (2019), may dalawang antas
ang pagpaplanong pangwika. Ito ay ang antas makro sa pagpaplanong
pangwika kung saan nakatuon sa mandatoring asignaturang Filipino sa
Kolehiyo at ang antas maykro sa pagpaplanong pangwika na nauukol sa
aktwal na implementasyon ng gayong patakaran sa bawat lugar.

You might also like